.01

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

I

First day ng second year of college as usual, Sa Gate 4 pumasok si Seulgi dahil yun ang entrance na malapit sa dorm niya na walking distance lang from FEU. Dahil isa siyang part-timer sa 7/11 ay naging kaclose niya na ang mga guard dito sa Gate 4 na doon bumibili sa kaniya tuwing tapos ng duty nila, kaya naman kahit na masungit yung matandang babae na guard ay naging tropa na rin ito ni Seulgi.

"Oh, ate guard busy nanaman kayo a?" Tumatawang sabi ni Seulgi habang binubuksan neto ang bag niya upang ipacheck.

"Oo nga at mas dumami ang mga studyante ngayon." Casual na sabi ng Guard habang tinutusok nito ang bag ni Seulgi na akala mo naman ay nagchecheck talaga.

"Oo nga madami nanamang chix!" Pabirong sabi ni Seulgi habang sinarado ang bag nito.

"Ikaw talagang bata ka!" Pabiro ring sambit ng Guard.

Pagtapos niyang magpacheck ng bag ay dumeretso na ito sa Freedom park sa harap ng chapel kung saan ang napagusapang tagpuan  nilang mag totropa. Freedom Park ang pinakamagandang tambayan sa loob ng campus ng FEU. Madaming puno at mahangin, marami rin' studyanteng naka grupo grupo ang tumatambay dito. Isa rin rason kung bakit dito ang tambayan nilang mag totropa ay dahil narin maraming chix at mga pogi ang dumadaan dito dahil dito ang daan papuntang Arts Building.

Compared sa first day niya nung First Year college na sobrang kinakabahan siya, ngayon ay chill nalang si Seulgi. Dahil na rin marami na siyang kakilala dito. May mga estudanyante from other course or institute na naging kaibigan niya na dahil sa trabaho niya at may mga iilan na nakilala niya tuwing may inuman silang pinupuntahan. 

"Hoy Oso!" Rinig niyang tawag sa kaniya ni Wendy na kaniyang kaibigan simula nung First Year college sila. Usapan na nilang mag totropa dati palang na dapat ay magkakablock parin sila pag dating ng second year subalit may isang bumagsak sa ibang subject at siya na may part-time job kaya kailangan nilang maging irregular student. Kaya ang ending, iba iba sila ng schedule sa ibang subjects.

"Oh Wends! Asan na yung iba?"

Bale lima sila sa tropa, si Jennie ang rich kid nilang kaibigan yan yung laging nang lilibre pag may inuman, siya na din ang may sagot sa auto at sleepover. Si Wendy naman yung kaibigan nilang matalino, source ng assignment at answer sa quizzes at exam, sabi nga nila, "the tropa that cheats together, stays together". Si Moonbyul siya yung tropa nilang laging nag hahanap ng lovelife, mapatinder, bumble at omegle natry na niya at ilang beses narin ng ghost ng mga naka blind date niya pag di niya type ang istrua-- choosy pa amp. Si Lisa naman yung tropa nilang varsity player ng FEU women's volleyball team pero sa ngayon ay team B palang siya which is yung mga kailangan pa ng konting training para isabak sa mismong UAAP.

"Ewan ko ba sa mga yun, si Ruby nag text nagpapark lang daw siya sa may hepa lane, si Byul baka hindi pumasok kasi wala naman gagawin sa first day at si Lisa andoon pa sa R. Papa Gym at may training daw sila." Sambit ni Wendy.

"Hirap talaga pag tayo lang ang masipag sa tropa." Sabi ni Seulgi habang umiiling.

"Ikaw? Masipag? Alam naman natin na pumapasok kalang para matulog sa school e!" Pabirong sabi ni Wendy habang kumakain ng spam with egg na binili niya sa tayuman-- canteen sa FEU kung saan andun yung mga tipid tips na food with many varieties din pero wala nga lang upuan, it's called tayu-man for a reason.

"Alam mo naman technique ko diba? Attendance is the key to passing." Sabi ni Seulgi habang proud na naka ngiti kay Wendy.

Totoo naman kasi, dahil may mga professors na ipapasa ka dahil sa complete attendance lalo na sa mga minor subjects na nag bibigay pa ng additional points kapag complete attendance ka, pero hindi naman lahat. Dahil may mga professors din na strict sa attendance at sa pag grade kaya wala ka talagang lusot. 

"Bilib talaga ako sa fighting spirit mo, Seul!" Umiiling habang tumatawa na sabi ni Wendy.

Masaya si Seul dahil kahit na mahirap pag sabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ay nakakaya niya ito dahil narin sa tulong ng barkada niya. Si Wendy pinapahiram siya ng notes at minsan ay tinuturuan rin niya ito pero dahil isang ninja si Seulgi, ay mas pinili nalang niya sumilip sa papel ni Wendy tuwing may quiz sila.

"Oh diba si Rubs yon? Tsaka si Byul!" Sabi ni Seulgi habang naka nguso sa direction ni Jennie at ni Byul.

"Himala at pumasok si Byul, akala ko ang motto niya sa buhay ay di bale nang bumagsak basta kumpleto ang tulog?" Natatawang sabi ni Wendy.

"Oh ano tinatawa tawa niyo diyan? Suntukan nalang tayo sa labas ng Gate 4, papawis lang!" Pabirong sabi ni Byul habang tinulak si Seulgi na parang naghahamon ng away.

"Gago ka talaga! Pero buti pumasok ka?" Tanong ni Seulgi.

"Luh, sa tingin pumasok ako para mag-aral? Syempre hindi. Pumasok ako para lumandi!" Sabi ni Byul habang pabirong sumasayaw dahilan ng pag tawa ng magbabarkada.

"You mean to say nag pasundo ka sakin para lang lumandi?" Taas kilay na tanong ni Jennie kay Byul.

"Hindi naman sa ganon Rubs pero... parang ganoon na nga." Seryosong sabi ni Moonbyul na nagpatawa ng husto kina Wendy at Seulgi habang si Jennie naman ay naistress lang sa asal bata ng kaibigan.

"Ano Seul, cutting tayo?" Yaya ni Byul kay Seulgi.

Tamad si Seulgi pero hindi niya magawang mag cutting class una sa lahat ay siya ang nag susustento sa sarili niya kaya nanghihinayang siya tuwing nag aabsent siya. Bale ang downpayment sa school niya ay pera na inipon niya mula sa pag papart-time niya at ang balance na natira sa tuition niya ay tinutulungan siya ng magulang niya mag bayad neto. Kaya kahit na tamad na tamad siya mag-aral ay pinipilit niya yung sarili niyang pumasok.

"Wag ka nang mang demonyo, Byul! Pumasok na tayo!" Sabi ni Seulgi at inakbayan si Byul hanggang makapasok sila ng elevator para wala nang takas ang kaibigan.

"Ano ba yan, gusto kong mag sightseeing ng mga baby tams e!" Sabi ni Byul.

Baby Tams ang tawag sa mga freshmen students ng FEU at dahil hindi na sila ang baby tams ng campus ay time na nila 'to para maghanap ng baby nila-- according kay, Byul. 

Nang makadating sila sa classroom ay agad sila pumwesto sa may malapit sa aircon.

"Tara dito sa may tabi ng aircon para sulit tuition!" Sabi ni Seulgi sabay hagis ng jansport bag niya sa upuan.

"Sana may chix tayong classmate." Tugon ni Byul.

"Alam ba ng magulang mo na chix ang ipinapasok mo sa school?" 

"Oo naman pre, sabi nga ng tatay ko mana daw ako sa kaniya pero yung nanay ko, ayun binato ako ng tsinelas." Sabi ng kaibigan.

Napailing nalang si Seulgi dahil sa kaibigan. Nagsisidatingan na rin ang mga estudyante dahil na rin malapit ng magsimula ang klase. Si Wendy ay busy nag aadvanced reading, si Jennie ay busy mag update ng twitter at instagram habang si Seulgi at Moonbyul naman ay busy mag sightseeing ng kanilang mga kaklase. May mga kaklase sila na galing ibang block at meron naman mga irregular students. Napatigil ang ingay sa kanilang classroom ng may pumasok na anghel. Literal na anghel sa ganda.

"Pre, nakita ko na future jowa ko." Bulong ni Byul kay Seulgi habang sinisiko yung kaibigan. Habang si Seulgi naman ay nakatingin lang sa magandang babae na kakapasok lang sa classroom na naghahanap ng pwedeng maupuan.

"Ate, dito ka nalang sa upuan ko, malapit sa aircon para di ka mainitan." Sabi ni Seulgi habang nakangiti. Napakunot naman ang noo ni Byul habang siniko ang kaibigan.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
AnneTokki 39 streak #1
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
852 streak #2
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #3
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1122 streak #4
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #5
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #6
Chapter 33: aackkkk
green99 #7
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #8
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous
iamriou_
1122 streak #9
Chapter 31: Yiiiee. Regardless kung anong nangyari noon, kay Austie pa rin babalik si Diwa. 👉🏻👈🏻
Pristinemoon
14 streak #10
Chapter 31: Kay Seulgi parin talaga babalik si Madam 🥺 Haysssss. Grabe and saya nagbago na talaga si Seulgi nakakaproud 🤧 One step at a time progress ng Seulrene tama tama wag madaliin