.06

Minsan Sa Morayta
Please Subscribe to read the full chapter

VI

Pinapunta ni Seulgi si Jisoo sa dorm niya para makapag pahinga ang kaibigan dahil malayo ang byahe galing pangasinan. Si Jisoo ang childhood bestfriend netong si Seulgi. Mula nursery hanggang maka'graduate ng high school ay sobrang dikit talaga nila sa isa't isa. Kaya nga naging "bal" ang tawagan nila dahil pati mga magulang nila ay sinasabihan na sila na para daw silang kambal.

Di naman idedeny ni Seulgi na never siyang nagkagusto sa kaibigan. As a matter of fact nga ay si Jisoo ang dahilan kung pano niya mas nakilala ang sarili niya. Si Jisoo kasi ang first girl crush niya pero syempre di niya ito maamin sa kaibigan dahil natatakot siya na baka lumayo eto sa kaniya. Kaya mas pinili niya nalang na itago yung nararamdaman niya para sa kaibigan.

Nung maka graduate sila ng high school sobrang nalungkot si Seulgi nang malaman na hindi makakapag aral si Jisoo sa Maynila dahil mag mimigrate na ang pamilya nila sa Canada. Kaya laking gulat niya ng makita ngayon si Jisoo dahil wala man lang pasabi ang kaibigan na nakauwi pala ito galing Canada. Gusto kasi isurpresa ni Jisoo si Seulgi dahil sumala nung naging college ito ay hindi na sila masyado nakakapag usap at sobrang namimiss na rin niya ang kaibigan. 

Nang matapos ang shift ni Seulgi sa trabaho ay agad siyang umuwi sa dorm kung nasaan ang kaibigan. Pag dating niya ay natutulog pa ito. Isa lang ang kama ni Seulgi at maliit lang ito kaya naman sa sofa nalang siya natulog, ayaw niya rin gisingin ang kaibigan dahil alam niya na napagod rin ito sa byahe.

Nagising si Seulgi nang may nag tutusok sa pisngi niya.

“Oh bal?” Sabi ni Seulgi habang kinukusot ang kaniyang singkit na mata.

“Una na ako a? I’m meeting a friend today kasi.” Paalam ni Jisoo sa kaibigan.

“Sige bal, ingat ka ha? Text mol ang ako pag may kailangan ka.” Sabi ni Seulgi atsaka hinatid pababa ng dorm hanggang sa makapara ng taxi si Jisoo.

 

Nasa freedom park ngayon si Seulgi magisa naka’tambay dahil yung mga kaibigan niya ay nasa e-lib (e-library) at busy mag internet. Hinihintay rin kasi ni Seulgi si Irene dahil balak niya sana mag paturo ng assignment niya sa Statistics. Kaya naman nagpaiwan nalang siya sa tropa niya sa F. Park.

"Pssst" Tawag ni Irene kay Seulgi. Napangiti naman agad si Seulgi ng makitang papalapit na si Irene sa kaniya. 

Ewan ba ni Seulgi pero everytime na nakikita niya si Irene, lalo nap ag nakangiti ay di niya mapigilan na mapangiti rin. There is something in Irene kasi na nakaka’attract talaga maybe because she’s beautiful inside and out isama mo pa na matalino. Parang package deal na talaga. Siya yung tipo ng babae na lahat ng magulang ay gugustuhin siya para sa anak nila.

"MAL!" Bati naman ni Seulgi kay Irene. 

"Himala wala akong natanggap na text sayo." Pabirong sabi ni Irene kay Seulgi.

Di talaga kasi tinext ni Seulgi si Irene ngayong araw dahil gusto niya mag pamiss dito.

"Namiss mo ko no?" Pang aasar naman ni Seulgi sa kaniya.

"Di kaya."

"Hmmpp.. mag papa miss nga ko lalo." Kunwareng tampo ni Seulgi.

"Hay nako.” Natatawa nalang na sabi ni Irene.

“Teka buti nakita mo ko? Asan sina Joy at Yeri?” 

“Nag paprint sila ng project sa labas ng school tapos sasama sana ko sa kanila kaso nakita kita ditto nag mag isa kaya pinuntahan nalang kita. Ikaw bakit mag-isa ka dito?” Sabi ni Irene.

Napangiti naman si Seulgi. Concern naman pala sa kaniya si Irene. Di niya alam basta kinikilig siya.

“Hinihintay kasi kita alam ko dito rin kayo madalas tumambay.”

“Sana nag text ka nalang diba. Pano pag di kita nakita edi mag isa ka lang dito.”

“Mal, edi sana di natin malalaman na sobrang lakas ng connection natin sa isa’t isa. Our chemistry is very undeniable!”

“Grabe, straight English yun ah!” Natatawang sabi ni Irene.

“Buti pa yung English straight sana tayo din!” Sabi ni Seulgi kay Irene.

“Excuse me, straight ako.” Sabi naman ni Irene.

“Straight ka pa sa ngayon, Mal. Di ko pa nasasabi sayo pero isa akong avatar.”

“Anong connect nun?” Natatawang sabi ni Irene.

“Hetro-bender ako, Mal! May kapangyarihan akong mang baluktot ng mga straight” Nakakalokong sabi ni Seulgi kay Irene.

“Hay nako, ewan ko sayo!” Pabirong umirap si Irene kay Seulgi.

"Eto naman Mal! Nag jojoke lang ako. Teka bakit di ka nagpunta ng 7/11 kagabi?"

"Sinumpong ako ng migrane kaya natulog nalang ako the whole night."

“Okay ka na ngayon?” Worried na tanong ni Seulgi.

“Oo naman.” Nakangiting sabi ni Irene.

Napatingin naman si Irene sa hawak hawak ni Seulgi na papers. Mukhang may sinasagutan si Seulgi kaya naman tinanong niya nalang ito.

“Anyway, ano yang ginagawa mo?”

"Nag-aaral ako, Mal. Syempre future jowa ko running for magna, ayaw ko naman siya ipahiya." Sabi ni Seulgi sabay kindat kay Irene.

"sino yang future jowa mo na yan?!"

"ikaw, mal."

"Puro kaharutan ang lumalabas sa bunganga mo, Ms. Austria."

"Sayo lang naman, Ms. Diwa."

"Hay nako, pakita na nga lang niyang ginagawa mo. Stat yan?”

"Oo, mal. Wala ako magets.” Naka’pout na sabi ni Seulgi na parang nag susumbong sa nanay niya. Napatawa naman si Irene sa sobrang cute ni Seulgi na mukhang batang nag mamaktol sa kaniya.

"Akin na nga, ako na sasagot. Basic lang yan."

“Mal, easyhan mol ang a! Wag mo iperfect baka di maniwala yung prof ko na ako yung sumagot niyan!” 

“Don’t worry. I got you, Seul.” Natatawang sabi ni Irene.

At yun na nga, si Irene na ang sumagot ng activity ni Seulgi. At for sure, mataas ang magiging mark ani Seulgi dito dahil isa sa subject na paborito ni Irene ay Math. Consistent Dean’s Lister din ito at running for Magna ang grades niya kaya naman sobrang saya ni Seulgi dahil paniguradong mataas ang grade na makukuha niya. 

Nang kinahapunan ay nakita nang mag babarkadang sina Seulgi, Jennie, Lisa, Wendy at Byul sina Irene na nag kukwentuhan sa Cafe Alfredo. Kaya naman lumapit sila upang mangamusta at makipag kwentuhan. Simula kasi nung naginuman sila ay mas lalo lang naging close ang mga ito. Lalo na't sina Wendy at Joy tulad nina Seulgi at Irene ay may namumuong connection narin sa isa't isa. Kaya naman kahit na magkaiba ang institutes nila ay masasabi na iisa na nga lang sila barkada.

"Hi Mal! Busy kayo?"

"Hindi naman, nag sisight seeing lang tong sila Yeri nang pwedeng jowain na tourism students." Natatawang sabi ni Irene.

"Ayan mana sila kay Byul! Ikaw Mal bakit di ka nag hahanap?"

"Pano may Mal na daw siya!" Nakakalokong sabi ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
catseulrene
I'll try mag regular updates na since di na ako ganon ka busy! :))

Comments

You must be logged in to comment
Taelepani
#1
Chapter 33: otornim you’re back 🥺🥺🥺
Goeynceilove
43 streak #2
Chapter 33: Author-nim Update Juseyo 🥹🙏🐻🐰
AnneTokki #3
Chapter 33: Wishing for for new chapter 🥹
RVSone0105
889 streak #4
Chapter 33: Hahahaha wag ka pahalata mumsh Irene na affected ka parin 😉
jenlisaxx #5
Chapter 33: Irene pass sa halata HAHAHAHAHA
iamriou_
1160 streak #6
Chapter 32: Feeling ko pinsan ni Seulgi!! SDJAKHSAKDHAS
eunxiaoxlove #7
Chapter 33: Everyone: O.O
Me: O.O

Irene reject Seunho pls
green99 #8
Chapter 33: aackkkk
green99 #9
Chapter 32: ahhhhh, excited for the nc ehe
eunxiaoxlove #10
Chapter 32: Lovin the updatessss. Hoping Irene gets jealous