Pagbabalik
Tadhana
“Labz…” mahina pero airy na boses na tugon ni Tzuyu pagkatapos nyang panggigilan ang mga labi ko, for how many seconds or minute? I don’t know.
Nagtatanong ang mga mata kong tumitig sa kanya, naghihintay sa itutuloy nyang pangungusap. Hindi ako magsisinungaling sa nadama kong darang ng pagnanasa. Hindi rin ako magkukunwaring hindi apektado sa ginawa nya.
Hindi nakatulong ang pagtitig nya sa labi ko, masyadong nag-aalab ang kanyang mga matang nakatuon sa buong pagkatao ko na tila ba nanunukso at nang aakit.
Ang distansyang namagitan sa amin, unti unting umiiksi. Nararamdaman ko muli ang mainit na hinihinga ni Tzuyu sa bawat pagitan na nilalamon ng pagnanais kong damhin sya. At sa pagkakataong ito, ang labi ko ang unang pumihit at dumantay sa kanya.
Nilamon na ako ng atraksyon, masyadong nakakaakit at kahali halina ang nilalang na nasa harap ko. Dahan dahan kong kinabig ang bewang nya palapit sa akin. Naramdaman ko ang pagkagulat ni Tzuyu at wari ay napatigil din sya sa pagtugon. Saglit na nawala ang pace namin, napapapisil siya sa braso na parang may pinaparating na mensaheng bagalan ko kung anuman ang ginagawa ko.
Suddenly, I felt an opposing force from her, detaching her body from mine. Sa isip isip ko, hindi pa nga ako nagsisimula. Ano ito? Preview lang?
“Seul, let’s stop here.” Seryosong usal nya habang nagrerecover sa pagkawala ng hangin sa kanyang sistema.
Para akong binihusan ng malamig na tubig at tumigas na parang rebulto sa tinugon ni Tzuyu.
Si Kang Seulgi ako, walang nakakaresist sa charms ko. I can’t believe what just happened. Have I just met my match?
Hindi ako makatulog tulog kanina. Ngayon, di na talaga ako makakatulog! She’s a tease, to say the least. Hindi naman sa umasa ako pero sige umasa na rin talaga ako. Nasanay lang siguro ako na kapag gusto ko ang isang bagay, binibigay sa akin without even asking. Pero ngayon, para akong batang inagawan ng kendi. Tipong isusubo na nga, binawi pa.
Inumpisahan, tapos di kayang tapusin. Tsk.
Why am I so disappointed? Subconsciously ko bang inanticipate din na more or less ay magpaparamdam sa akin physically si Tzuyu? The last time I evaluated myself, pinipigilan kong ma-fall. The last time, ako ang awkward, and the last time hindi ko binibigyan ng possibility ang any romance between us.
Nalilito pa rin ako sa kung anuman ang nararamdaman kong ito. But one thing is for sure, attracted ako sa kanya…..
Okay fine, it’s more than attraction. It’s not physical attraction per se. It’s like I am touching her soul every time her eyes meet mine. I am not minding this growing feeling, pinipigilan ko pa nga di ba? Pero teka lang… Bakit ko ba pinipigilan in the first place? Mahigit isang taon na akong single. I’m free as a bird!
Pero ba’gang bumulong ang hangin “kasi nga, di ka pa nakamove on.”
….
“Tzuyu, tawagin mo na si Seulgi para makapagtanghalian na tayo. Marami pa tayong consultation.” Narinig kong utos ni Dra. Yuri, akmang papasok sana ako sa loob ng pantry
“Nayeon, pakitawag si Dra. Kang, sabihan mo na kakain na.” pagpasa naman ni Tzuyu ng utos kay Nayeon.
“Teka lang Tzuyu, ako una nag utos ha. Bakit pinapasa mo? Ano na naman ba ang drama nyo ni Seulgi? LQ kayo? O nag-s3x kayo kaya ang awkward na naman kayo sa isa’t isa?!”
“Ano ka ba Dra. Yuri, di sila yan nags3x kagabi, eh di sana magkaholding hands sila pumasok or magkasabay man lang, para nga silang hindi magkakilala mula pa kaninang umaga.” Pagsabat ni Nayeon.
Naiimagine ko na kung gaano na naman nagbla-blush si Tzuyu
“Hi!” bati ko sabay biglang bukas ng pinto. Di nga ako nagkamali, mas mapula pa sya sa kamatis.
“Oh ayan na pala si Seulgi eh. Kain na tayo.”
--
Hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tzuyu mula pa kaninang umaga. Seems like bumaliktad ang ikot ng mundo at sya na ngayon ang nacoconscious sa presence ko. I need to talk to her.
Paano ba? Eto na naman tayo.
‘Tzuyu, yung nangyari sa atin kagabi, ginusto mo ba yun?’ --- Hindi pwede, “fishing” ito
‘Lalabz, bakit mo ako binitin kagabi?’--- Para naman akong manyak
‘Can we just stop and talk a while?’--- Hala Gary V and Kyla?
Ah bahala na!!
Ang plano ko, sasabay ako sa kanya pauwe, kausapin ko sya habang naglalakad. Kahit di ko pa sure kung anong sasabihin ko, atleast buo ang desisyon ko na malaman kung ano ang nararamdaman namin sa isa’t isa.
Inhale, exhale….
Kinatok ang pinto ng silid nya sa center. Wala nasagot.
“Tzuyu? Lalabz? Andyan ka ba?”
Paulit ulit pa rin ang katok ko.
“Dra. Kang! Andito ka pa pala? Akala ko nagsabay kayong umalis ni Dra. Chou? Umalis na sya kanina pa, 10 minutes ago. Kala ko kasama ka”
“Ah ganun ba Mina, di sya nagpaalam sa akin eh”
Eh bakit sya kailangang magpaalam sa sayo Kang Seulgi? Di naman sya obligado gawin yun
Nakasimangot kong tinutungo ang daan papunta ng accommodation. Gusto syang i-confront at tanungin kung bakit ganun ang inaasal nya
Comments