Pranksters

roomies
Please Subscribe to read the full chapter

Minjeong's

"Ma! May activity kami sa Sabado. And'yan 'yung permission sllip, ha? Kailangan daw ng perma bago makasama. Thanks, Ma! Lalaro na ako, hehe." Aakyat na sana ako kasi may game kami ng squad ko pero bigla akong napatigil sa sinabi ni Mama.

"At sinong may sabing papayagan kita?" Lumingon ako kay Mama at tiningnan lang s'ya.

Ha?

"Puro ka na lang laro. Pagod na Ate mo sa paglilinis ng bahay kasi hindi ka raw tumutulong. Tingin mo papayagan kita?" Natulala lang ako sa sinabi ni Mama. Nakakapit pa rin ako sa hagdan at hindi ako makapaniwala sa sinasabi n'ya.

Pinapahamak na naman ako ni Ate.

"Ma, 'wag mo papayagan hangga't may alikabokk sa bahay!" Sigaw ni Ate Taeyeon mula sa kusina. Katatapos n'ya lang ata maghugas ng pinggan. Shet, ako talaga gagawa n'on, nalimutan ko lang!

"ATE NAMAAAN. Bakit mo hinugasan? Ako gagawa n'yan 'di ba?"

"Ang tagal mo e 'di ako na gumawa. Tsaka 'yung mamaya mo kasi p'wedeng maging bukas. Maiipon na naman ang pinggan sa lababo tapos ano, ako rin ang papatay ng ipis?" Gisang-gisa na ako.

"Ate naman parang hindi kapatid e. Minsan lang ako aalis." Inirapan n'ya lang ako sabay abot ng walis tambo, dust pan, feather duster, at mini portable vacuum.

"Kung ako sa'yo, magsisimula na ako." Banggit pa n'ya bago pumasok sa office n'ya.

Tiningnan ko si Mama.

"Hindi mo ako madadaan sa gan'yan, Minjeong. Maglinis ka na." Binaba ko muna lahat ng cleaning supplies na binigay ni Ate at aakyat na sana papunta sa kwarto ko pero sinita ako ni Mama.

"At saan ka pupunta?" Tina-tap ni Mama 'yung paa n'ya sa sahig, a sign na umiiksi na pasensya n'ya.

"Magsasabi lang po ako na hindi ako makakalaro. Saglit lang, promise!"

"Ma! 'Wag ka magpapa-uto d'yan!" Sigaw ni Ate mula sa kwarto n'ya. Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Papa, uwi ka na po. 'Yung paborito mong anak pinagtutulungan na.

Pagkatapos ko maglinis, tsaka lang napermahan ni Mama ang permission slip ko. Sinilid ko na sa bag na kaninang tanghali ko pa inayos. Nagdala ako ng maraming pamalit na damit, pajamas, tsinelas para hindi ako laging nakasapatos, at mga bagay na hindi na dapat malaman kasi it's confidential.

Nag-set na rin ako ng alarm para hindi ako ma-late bukas. Ayaw kong maiwan ng bus at ayaw kong mapagalitan na naman ng mga 'concerned' friends ko.

Nag-check muna ako ng notifications at tapos ay natulog na rin. Na-lock ko ba ang pinto? Nevermind, inaantok na ako.

 

[Saturday, 5:10 AM]

Nasa school na ako before mag-5 pero bakit late ata lahat? Ang dilim pa tapos sobrang lamig. Buti na lang naisipan kong magcheck ng weather at magsuot ng hoodie. I double checked

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulgified
new coverrrrr. the next update is still in the workshop char, hindi ko matapos pa so... i hope you'll be there pa rin until i abandon this story 😔

Comments

You must be logged in to comment
oofiee 1053 streak #1
Chapter 46: welcome back!!
karinasaurus11
57 streak #2
Chapter 46: Wow! Welcome back, Ryeji 🥰
ryujinie__
701 streak #3
Chapter 46: Welcome back <3
katarinapsyche
#4
Chapter 46: ayan bumabalik
hyeju_orbit
#5
Hello 'tor, nag iba ba yung plot ng roomies from your twt au? Sorry, new reader po kasi
katarinapsyche
#6
Chapter 45: :')
seulgified
#7
mga beh, bakit kayo nagsusubscribe HDHSAHDSAHDSA
cherrynuts #8
Chapter 45: we will wait for your comeback (⁠˘⁠・⁠_⁠・⁠˘⁠)
iamriou_
1168 streak #9
Chapter 45: Will definitely wait for your comeback otor! :)
sehunmaknae9417 #10
Chapter 45: I'm still looking forward to your story author. I will still wait🥺