Pressy's Problems; Doyeon x Karina

roomies
Please Subscribe to read the full chapter

media dump ulit

Minjeong's

Pauwi na kami after dinner. Ang tahimik ni Ryujin the whole time, sobrang nakakapanibago? Hindi ko rin mabasa kung ano bang iniisip n'ya (based sa facial expressions ha. Hindi ako mind reader), pero alam ko marami s'yang iniisip. Kaming tatlo lang nagdadaldal habang kumakain. Pakiramdam ko tuloy na-OP lang s'ya sa'ming tatlo.

"Tara na, Minjeong." Nag-aya s'ya bigla umuwi kahit na balak pa naming tumambay sa park.

"Alis na raw kami. Ingat kayo! Message kayo kapag nakauwi na kayo. Ms. Yu, chat ka ha." Tumango silang dalawa habang natatawa sa reminders ko.

"Tell Ryujin we said bye, next time na lang ulit." Umalis na ako pagkatapos ni Yeji magsalita.

Ang hirap din alamin ng iniisip ni Yeji. Hindi naman sa hindi sila nagpapansinan habang magkakasama kami pero halatang iniiwasan talaga ni Ryujin si Yeji. Dahil ba 'to sa kapatid ni Yeji? Sabihin ko na ba kay Ryu?

"Okay ka lang ba?" Nagmadali akong maglakad para maabutan s'ya.

"Ang ganda n'ya pa rin." Nagulat ako sa sagot ni Ryu. Nanginginig kasi boses n'ya tapos parang maiiyak na itsura n'ya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa.

"Oh? Bakit hindi mo sinabi sa harap n'ya? Para kayong tanga kanina nag-iiwasan na ewan. I mean, ikaw pala 'yung umiiwas. Kahit naglalagay pa ng pagkain si Yeji sa plato mo, hindi mo kinakain kaagad. Ano bang nasa isip mo?" Sa totoo lang, nakaka-frustrate sila.

Nag-eeffort 'yung isa tapos ni-rereject n'ya naman kahit na alam kong kinikilig naman s'ya inside. There's something more to this.

"Taken na 'yung tao tapos—AH! Bakit kasi friends? Bakit ko ba sinabi 'yun at bakit s'ya pumayag kung may someone na s'ya?" Nakita ko 'yung convo nila at mayroong hindi naintindihan itong si Ryu.

"Ryu, tanda mo ba 'yung sinabi n'ya sa'yo?"

"Oo, memorized ko na nga eh. Nagpe-play sa isip ko kanina lang. Bakit?" Sakit n'ya talaga ang overthinking at ruminating.

 

(ruminate, gerund or present participle: ruminating.
v. meaning: think deeply about something)

 

"Anong pagkakaintindi mo?" Tumigil s'ya sa paglalakad at humarap sa'kin.

"Friends. Hanggang do'n lang kami."

"Tanga."

"MALI BA AKO?" May mag-asawang naglalakad na napalingon sa'min sa lakas ng boses ng overthiner na 'to.

"Half. May sinabi rin s'ya na p'wedeng mag-start muna kayo as friends. Tsaka hindi naman s'ya taken."

"Tol, I have eyes. I can see. Kitang-kita ko sa Twitter. Anong hindi taken?" Minsan napapaisip na lang ako kung paano kami naging magkaibigan.

"Kapatid n'ya 'yun. Ate n'ya na nasa states. Wala ba s'yang nababanggit sa'yo no'ng kayo pa?" She looked dumbfounded sa sinabi ko.

This time umuna ako sa paglalakad. Bahala ka d'yan mag-process mag-isa.

"HA?"

"Hamburger. Oo, hindi ko kaagad sinabi sa'yo kasi alam kong alam mo na may kapatid s'ya. Tsaka, hindi ba sila magkamukha? Tingnan mo ngang mabuti. Labyu, sasakay na ako pauwi." Hindi ko na siguro dapat i-explain kung bakit ko s'ya nilayasan.

Habang nasa byahe na ako, biglang tumawag si Concon.

This is the first time she called. Kinakabahan akong sinagot ang tawag.

(Italicized - Karina, Bold - Winter)

- Hello?
- Hi. Nakasakay ka na?
- Yes, nasa jeep na. Malapit na rin sa bahay. Ikaw?
- Nakahiga na po, hehe.
- Okay, that's good. Bakit ka pala tumawag?
- Just want to know if you're already home or not. Did you enjoy dinner?
- Yes po! Ang laki nga ng tiyan ko eh. Need ko ata mag-alis ng butones.
- That's good! Balik tayo next time.
- Sure, just let me know kung kailan mo gusto.
- Okay! How's Ryujin pala?
- Ngayon palang natauhan. Si Yeji?
- Regretting life decisions at the moment. They're cute, ano? Hahahaha, I just want them back together.
- Ako rin. Kulang na lang ako na gumawa ng paraan eh.
- Hahahaha, let them take their time. It'll be much better if they won't rush things. Baka hindi mag-work if okay na sila kaagad or something.
- True, true. Tsaka gusto ko rin 'tong side ni Ryujn, very entertaining panoorin.
- Yeah, same with Yeji, hahaha. Are you home na?
- Malapit na po.
- Okay, I'll wash up na. Ingat, Banban!
- Thank you, Concon.
- Goodnight~
- Goodnight din.

Oh, my ghad, hindi ako makahinga. Gusto kong sumigaw, magdabog, at manggigil pero nasa jeep pa rin ako. Mamaya na lang pag-uwi.

 

2 WEEKS LATER

 

Unknown number
Today 9:45 AM ...
Hello! Is this Kim Minjeong's number? Kim Minjeong
yes po
may i know who this is? ...
Si Seulgi 'to hehe Kim Minjeong
ay hello ate seulgi! Ate Seulgi
Where are you right now? Kim Minjeong
nasa classroom po Ate Seulgi
Puntahan kita

 

Minjeong's

Pagkaraan ng ilang minuto, dumating si Ate Seulgi. Nagkataon naman na halos lahat ng classmates ko nasa labas dahil sa Sports Fest. Hindi naman sa hindi ako interested na manood, pero kinakabahan ako for my game mamaya. Hindi ko alam bakit ako sinali sa chess eh ang alam ko lang do'n ay 'yung horse.

"Hello, Minjeong. Eto na nga pala 'yung panyo. Sorry ang tagal bago ko naibalik, pero malinis na 'yan. Ito pa pala," binigyan n'ya ako ng kisses, 'yung chocolate ha. "Chocolate helps daw sa pagre-review so I thought same effect din s'ya sa ano, basta. Thank you ulit sa panyo." Aalis na sana s'ya but she went back and sat on the chair next to my table.

"Can I rant saglit?" Tumango ako and the smile dropped from her face.

"Kasi, I think I'm confused. Part kasi ako ng isang camping group last summer at may nakilala ako doon. Hindi ko namalayan na parang nagkakagusto... nagkakagusto na ata ako sa kan'ya, pero alam ko sa sarili ko na ano... p'wede sa'tin lang 'to?" Tumango na lang ako ulit.

"Naguguluhan kasi ako dahil babae s'ya. Napakabait, sobrang caring, t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seulgified
new coverrrrr. the next update is still in the workshop char, hindi ko matapos pa so... i hope you'll be there pa rin until i abandon this story 😔

Comments

You must be logged in to comment
oofiee 1052 streak #1
Chapter 46: welcome back!!
karinasaurus11
57 streak #2
Chapter 46: Wow! Welcome back, Ryeji 🥰
ryujinie__
701 streak #3
Chapter 46: Welcome back <3
katarinapsyche
#4
Chapter 46: ayan bumabalik
hyeju_orbit
#5
Hello 'tor, nag iba ba yung plot ng roomies from your twt au? Sorry, new reader po kasi
katarinapsyche
#6
Chapter 45: :')
seulgified
#7
mga beh, bakit kayo nagsusubscribe HDHSAHDSAHDSA
cherrynuts #8
Chapter 45: we will wait for your comeback (⁠˘⁠・⁠_⁠・⁠˘⁠)
iamriou_
1168 streak #9
Chapter 45: Will definitely wait for your comeback otor! :)
sehunmaknae9417 #10
Chapter 45: I'm still looking forward to your story author. I will still wait🥺