Arranged Marriage II
First True Love
Kakagising ko lang, sabado ngayon walang pasok. Si Kim kaya gising na? Tinignan ko ang aking cellphone pero walang text galing sa kanya.baka tulog pa yun, ang dami kasi ang nainom niya kagabi. Bumangon na lang ako, tapos naligo at nagbihis. Pupuntahan ko na lang siya sa kanilang bahay.
Ge: *dingdong* *dingdong* Parang walang tao ah. tulog pa ba sila? Impossible naman, maaga nagigising si mamang pokie.
Pumunta ako sa may bintana ni Kim, binato ko ng bato pero mukhang wala pa rin. Tawagan ko na lang nga muna…
Dialling Kim’s no… ang tagal naman sumagot…
Kim’s side…
Kim: Doc, kamusta po si papa?
Dr. Zeus: Uhm, under observation pa ang papa mo. But I already gave him some medication. Is this the first time na nangyari sa papa mo?
Kim: Ahh, hindi kop o alam kasi po matagal na rin kami hindi nagkita ni Papa, kakabalik lang niya dito.
Dr. Zeus: Ok, i will request na mag undergo ang papa mo to some series of test. For now, you can visit him sa room niya.
Kim: Thank you po doc.
Pagdating ko sa kwarto ni papa, nakahiga lang siya sa kama. Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko kaya makita si Papa ng ganito. Ng dahil sa akin kung bakit ito nangyari sa kanya. Pero… paano si Gerald. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Umiiyak na ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Narinig ko na parang may tumatawag sa akin… tinignan ko kung sino.. si Gerald. Sigurado hinahanap na ako nun, sila Mamang pokie at Jp kasi papunta na rin dito sa hospital magtatakga yun kung bakit walng tao sa bahay. Ang gulo na ng utak ko, hindi ko alam kung sino ang uunahin. Hindi ko rin naman kayang makita ang papa na ganito ng dahil sa akin. Ganito ba talaga pagkatapos ng saya, babawiin kaagad?
After few minuts, dumating na sila mamang pokie and Jp, may dalan mga gamit naming ni papa.
Jp: Ate, ano ba ang nangyari kay papa? Akala ko mag-uusap lang kayo?
Kim: hindi ko alam Jp…
Jp: labo mo naman ate eh, anong hindi mo alam eh kayong dalawa ang magkasama…
Kim: eh sa hindi ko nga alam… Sumasakit na ang dibdib ko, iyak ako ng iyak…
Mamang Pokie: jp, pabayaan mo na muna ang ate mo…
Ang tahimik naming tatlo, yung phone ko lang ang nagbibigay ingay dahil kanina pa tumatawag si Gerald.
Gerald’s side.
Naka-anim na tawag na ako pero hindi pa rin sumasagot si Kim. Tsk! Kaya umuwi na lang muna ako at para makakain na rin.
Pagdating ko ng bahay, kumain ako at pumunta na lang sa aking kwarto. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Kim, anon a kaya ang nangyari dun? May problema ba sila? Bakit si mamang pokie at jp wala din dun sa bahay. Si Jp na lang kaya ang tawagan ko.
Tatawagan ko na sana si Jp ng tumunog ang cellphone ko, si daddy tumatawag.
Ge: hello dad?
Dad Randy: Son, uuwi kami ng mommy mo. Meet us at the airport by 6pm.
Ge: Huh? Why so sudden? Where are you right now?
Dad Randy: You will know when we arrive there. Ok? We’re here in hongkong, nag stop over lang.
Ge: Huh? Ok. My problem ba dad?
Dad Randy: let’s talk pag nandiyan na kami ng mommy mo.
Ge: Ok. Ok! I understand. Bye dad, ingat sa byahe.
Pagkatapos kung magbabye kay dad, tinawagan ko na si Jp. Pero hindi rin niya sinasagot ang phone niya. Mamaya na nga lang. baka busy lang sila.
Comments