The new beginning.

First True Love

 

Flashback!

2 months na halos pero hindi pa rin ako makapag move on sa nangyari sa amin ni Xian. Hanggang sa dinala ako sa hospital dahil nagkasakit na ako. Halos mga 5 araw din akong nandun sa hospital dahil ang hina-hina daw ng katawan ko.

At may ginawa pa akong isang katangahan sa buhay ko habang nasa hospital ako. Wala kasi that time si Mamang Pokie (ang nagpalaki sa’min ng kapatid kong si Jp). Lumabas ako ng kwarto at naglakad-lakad dahil bagot na bagot na ako sa aking kwarto. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa rooftop na ako. Ewan ko ba parang wala ako sa katinuan ko nun, nasa edge na ako ng rooftop at isang hakbang na lang ay mahuhulog na ako. Imagine, nasa 11th floor ako ng hospital at pag nahulog ako dun siguro patay ako. Ng may humawak sa kamay ko at hinila ako para hindi ako mahulog. Ng maalimpungatan ako, at bumalik sa katinuan ang aking pag-iisip bigla akong kinabahan. Mabuti na lang pala at may isang lalaki na pumigil sa kahibangan ko. Pero nasaan na kaya siya? Pasyente din siya siguro doon kasi nakapang damit hospital din siya eh. Hindi ko man lang nakita ang mukha niya, paano ba naman kasi ang bilis ng pangyayari at hindi ko rin siya masyado makita kasi yung buhok niya parang nakatakip na sa mukha niya. Pero malaki ang papasalamat ko sa lalaking yun, kung nahulog ako dun sa rooftop siguro wala na ako ngayon dito at hindi ko na masusulat ang kwentong ito ^_^

Nakalipas ang mga araw, naka labas na ako sa hospital, at unti-unti ko na rin nakalimutan ang nangyari sa’min ni Xian. Oo, kapag naalala ko masakit pa rin pero simula nung nangyari sa akin sa rooftop sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na si Xian at ipagpapatuloy ko ang buhay ko kahit wala siya. Nandiyan naman ang kapatid kong si Jp, Mamang Pokie, mga barkada kong sila Maja, Erich, Mel and Empress. Mga totoo kong kaibigan. Oo nga pala, kung tinatanong niyo kung nasaan na ang mga magulang naming. Hiwalay na ang mama’t papa ko. Maliit pa lang kami ni Jp, kasi yung papa ko nakahanap ng ibang babae. Pero sinusuportahan pa din naman kami niya hanggang ngayon. Ang mama ko naman simula ng iwan kami ng papa umalis din siya, sabi niya magtatrabaho lang siya sa ibang bansa pero hanggang ngayon hindi na siya bumalik. Si Mamang Pokie na lang ang nag-aalaga sa’min. Pinsan siya ni Papa.

Jp: Ate… *tok* *tok* Ateee.

Kim: ano?

Jp: ano na naman ba ang ginagawa mo diyan? Siguro, iniisip mo pa rin si Kuya…

Kim: sige, ituloy mo. Hindi ako magdadalawang isip na hindi ka bigyan ng allowance.

Jp: Ate naman, di ka na mabiro. Kakain na po tayo.

At dali-daling bumaba si Jp pababa.

Kim: oo susunod na ako. Gabi na pala. Hindi ko na naman namalayan ang oras.

Pagkababa ko ay kumakain na si Jp habang si Mamang Pokie naman ay may inaayos pa sa kusina.

Kim: kumain ka na? hindi mo man lang kami hinintay ni mamang?

Jp: eh kanina pa ako gutom eh.

Kim: *binatukan si Jp*

Jp: aray naman ate.

Mamang Pokie: pabayaan mo na yang kapatid mo, tsaka kumain ka na rin. Niluto ko ang paborito mo.

Kim: wow! naku mukhang mapapasabak ako ngayon ah. Thank you mamang.

Mamang Pokie: mabuti naman at ng magkalaman ka na.

Tumatawa lang si Jp sa sinabi ni mamang.

Kim: *binatukan uli si Jp*

Jp: mamang oh, si ate.

Mamang Pokie: wag mo kasing pagtawanan ate mo. (tumawa rin at nakisabay pa si Jp)

Kim: ah ganun ha, pinagkakaisahan na ninyo ako.

Mamang Pokie: ito naman. Nilalambing ka lang namin.

Pagkatapos kumain nag goodnight na ako sa kanila Jp at Mamang, bumalik na ako sa kwarto ko.

Kim: haaay, simula na naman ng pasok bukas. Makatulog na nga para naman maganda ako bukas.

Zzzz…. Zzzz… Zzzz…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superkgfriends #1
may soft copy kaya?hehe
KG4life #2
DESTINY indeed!!! Thanks for this Kimerald fanfic, I hope you can make another fanfic :)
philhaus115 #3
thanks for the updates...isang bagsak lang ah...
:-)
philhaus115 #4
more updates please, thank you for re-posting the lost chapters...
4everkg #5
thank you for the upadate..please update again..
KG4life #6
Waaaa the first time ;) and ano kaya surprise ni daddy chiu?
b1_nipahut #7
waaaaaaaaaaaaaaaaaa pabaon talga!!

pandesal lan ang peg hahaha

i lurve it, what kaya suprise ni dadi chiu??

cant wait for more update.
tnx
nippyz #8
waaaaaaaaaaaaaaaa kaloka first time LOL! thnx sa update mo...:))
keeegeee #9
waaaaaaaaaaaaaa!!!

ohhhhh--eemmmm--GERALD!!!!

i love the PINABAONan!!waaaaaa
wagas ang banat ni Kim dito!!lolz

salamat ng marami Bubblegumgirl!! :kiss:
KG4life #10
JP wrong timing ka naman eh...pero di bale...may continuation sa room naman eh ;) *naughthy*