Couple tshirt.

First True Love

 

Araw ng game nila Gerald ngayon. 10am na ako nagising. Hay. Ang sarap matulog pag inlove. Tatayo n asana ako ng may makita akong pink rose sa mesa ko, tapos may rice, itlog, at tocino. Lumapit ako dito at, may letter pa. ang sweet talaga ng boyfriend ko. Binasa ko yung letter.

Good morning. Di na kita ginising kasi mukhang mahimbing ang tulog mo. Kainin mo ito ok? Ako nagluto niyan. Gumising ako ng maaga para diyan. I love you. See you in school Ms. Sunshine. Wag kang ma-late!

Siguro nandun na siya sa school. Nag-isip ako ng surprise sa kanya. Ano kaya maganda? Ah, alam ko na. dali –dali ako naligo at nag bihis. Pagkatapos kinain ko na yung inihandang breakfast ni Gerald sa’kin.

Pumunta ako ng mall, pumunta ako doon sa mga gumagawa ng couple tshirt. Tapos nag pagawa ako ng para sa’min ni Gerald. simple lang, pero cute ng design. Nakalagay. I love you, My Emo Boy. Tapos sa kanya. I love you, Ms. Sunshine. Tapos sa likod ng tshirt nakalagay ‘ikaw lang’ Cute ba? Hihihi.

2 hours pa daw matatapos. Tamang tama 1pm pa naman start ng game nila eh. Tinawagan ko na lang si Maja na i-save ako ng upuan.

After 2 hours, natapos na rin. Yes! Dali-ldai na ako pumunta ng school namin. Nag taxi lang ako, pinauna ko na kasi si Manong Fredo. Ang malas naman sobrang traffic. Bakit ngayon pa? malapit na mag 1pm. Maloloka na ako. Lagot na talaga. Sabi pa naman nun, wag akong ma late.

Tumunong cellphone ko. Si Maja.

Kim: hello bez?

Maja: bez, saan ka na? nandito na kami sa gym. at hinahanap ka na po ng boyfriend mo.

Kim: pakisabi papunta na ako. Traffic lang kasi.

Maja: ha? anong traffic? Ang lapit-lapit lang kaya ng house niyo sa school natin.

Kim: basta. Wala ako sa house.

Maja: eh nasaan ka?

Kim: basta. Baba na ako. See you. Bye!

Maja: pagkababa ng telepono. kita mo itong babaeng ito. Ang gulo.

Erich: oh, nasaan na si Kimmy?

Maja: papunta na raw.

Nasa loob pa rin ako ng taxi, medyo malapit na rin sa school kaya lang nagkagulo yata sa bandang likuan kasi may nagbanggan daw.

Kim: ah manong, dito na lang po ako. Ito po bayad.

Pagkatapos kong iabot ang bayad, bumaba na ako kaagad. Takbo, Kim. Takbo. Hingal na hingal ako pagdating ng school naming. Cr? Pumunta ako ng Cr para maisuot ko yung damit na pinagawa ko. Pagktapos kong magbihis, nag suot ako ng jacket. Siyempre surprise ko yun.pagktapos tumakbo na naman ako ulit papuntang gym, 30 minutes late na ako.

Mabuti na lang at nakita ko kaagad sila Maja. Ang ingay kasi nila. Lumapit na ako kung nasaan sila.

Maja: oh, mabuti naman nandito ka na.                        

Kim: may ginawa pa kasi ako. Ano panalo na ba tayo?

Empress: anong panalo, tignan mo ang laki na ng lamang ng kalaban. Puro sablay ang shoot ni Gerald.

Erich: feeling ko ikaw lang ang hinihintay nun kimmy.

Mel: teka, ang init init dito sa loob ng gym, bakit ka naka jacket.

Kim: wag niyo na nga pansinin itong suot ko. Tinignan ko ang score board. Ang laki nga ng lamang. Mga 8. Hahaha.

2nd quarter na, yung mga babeng may crush sa boyfriend ko kung makasigaw wagas. Ang init na ng laban, mukhang nahihirapan silang humabol. Hindi man lang tumitingin si Gerald sa side namin. Siguro naman naririnig niya mga cheer ko sa kanya. Na badtrip siguro kasi na late ako. Sabi maja lakasan ko pa daw, kasi baka hindi narirnig ni Ge ang sigaw ko. Hinubad ko ang aking jacket, at hiniram ko yung microphone  ng announcer.

Maja: ano ang ginagawa ng babaeng yun?

Erich: malay ko.

Empress: bayaan niyo na, inlove friend natin eh.

Mel: adik kamo.

Tawanan sila. Natigil na lang ng marinig na nilang nagsasalita si Kim.

Kim: MR. GERALD ANDERSON. KAYA MO YAN! GO BABE! I LOVE YOU SO MUCH!

Sigaw naman ng sigaw ang mga kaibigan ko ng marinig ang sinabi nila ang sinasabi ko. Kilig na kilig kasi ang mga, lalo ng makita nila nakasulat sat shirt ko.

Halos lahat nakatunganga sa sinabi ni Kim, mga studyante at mga teachers. Si Gerald abot tenga na naman ang ngiti. Parang nahalikan ko lang. Hahaha. Alam ko kilig na kilig yun sa ginawa ko. Kaya dpat manalo sila.

Aba, nagging hyper na si Gerald. 2 points na lang mahahabol na ang kalaban. Andersooon, for 3 points. Sigaw ng announcer.

Maja: bez, ikaw na. ikaw na talaga. Dapat ikaw ang muse ng basketball team natin.

Kim: loka-loka.

4th quarter na. hala. Gosh! Binangga ng isang player si Gerald. malakas ang pagbagsak nito sa sahig. G*go yun ah. Mandaraya, sigaw naman ng mga kaibigan ko. At si Gerald pa ang foul din a tama ito.

Erich: kimmy, chill.

Aba, binangga ulit si Gerald. hindi na tama ito. Inagaw ko ulit sa announcer ang microphone niya, tapos nagsalita ako.

Kim: ANG DAYA NIYO NAMAN. Diba guys, dinadaya nila tayo. Mr. referee ano ba naman yan?

Oops. Lagot, may pumasok na dalawang guard.

Guard1: ah miss, nakakagulo na po kayo. Mas mabuti pang lumabas muna kayo.

Kim: eh totoo naman kasi eh.

Guard2: sige na miss, baka mas lalong mag-initan ang dalawang grupo.

Maja: bez, sige samahan na kita.

Erich, Mel at Emrpess: kami din. Walang iwanan.

Nakita naman ni Gerald ang ginawa ng guard kay Kim at sa mga kabigan nito. Papalabas na kami ng gym ng may tumawag sa’kin.

Ge: babe!

Napalingon kaming lahat…

Ge: pag umalis kayo, aalis din ako.

Guard1: pero player ka ng team natin.

Ge: wala akong pakialam.

May pakinabang talaga pagiging suplado ng boyfriend ko.

Guard2: paano bay an, di pwedeng mawala ang team captain natin.

Ayun, walang nagawa ang mga guard. Yehey, nakapasok kami ulit. Pero bago pumunta si Gerald sa team nila…

Ge: babe, kiss ko.

Kim: kiss ka diyan. Di pa nga tapos game niyo.

Ge: sige na. di mo nga ako na kiss kanina simula ng game.

Maja: bez, kiss mo na yan.

Erich: oo nga kimmy, para maganahan si team captain at manalo tayo.

Kim: sige na nga. Hahalikan ko n asana sa cheeks si Gerald, pero mabilis ang mokong kaya sa lips tumama ang kiss ko sa kanya. Mabuti na lang at nasa entrance pa lang kami ng gym, mga friends ko lang ang nakakita at yung dalawang guard. Kilig na kilig na naman ang mga friends ko. Tumakbo na agad si Gerald papunta sa loob ng gym. Loko talaga.

Mas lalong uminit ang game ng bumalik na si Gerald sa loob ng game. Halos lahat ng babae sumisigaw na. ilang minutes na lang kasi. Bumalik na kami sa dati naming inuupuan, hindi na kami nag-ingay. Pagod na rin kasi kami. Pinabayaan ko na lang yung ibang girls ang mag cheer sa boyfriend ko.

At ilang minute pa… wohoo inaanonce na ang school naming ang nanalo. Lahat nagsisigawan sa loob ng gym. yung ibang girls nagtatalunan pa. kakatuwa sila. Yung iba hindi na makapgpigil tumakbo na ang mga ito papunta kay Gerald.

Girl1: para sa’yo. Congrats.

Girl2: pwedeng magpapicture sa’yo?

Ge: Sorry, nagmamdali ako. Pupuntahan ko pa babe ko.

Girl3: badtrip! Swerte talaga ng Kim nay an.

Sila Jake, Matteo at Enchong nandoon na sa amin. Si Gerald na lang wala, pinagkakagulahan  pa kasi siya. Pero nakikita ko na siya papalapit sa’min. ang ganda ng smile ng mokong.Congratulations, team captain sigaw ng mga kaibigan ko.

Ge: thank you!

Jake: celebrate tayo!

Ge: my treat!

Matteo: wohoo.

Enchong: kalian? Saan?

Erich: masyado ka naman excited hon.

Enchong: oo naman.

Ge: siguro sa weekend na lang, sa coron.

Nagulat silang lahat. Coron? As in sa Coron, Palawan?

Ge: yup, don’t worry treat ko lahat.

Empress: ang yaman mo talaga, Ge.

Ge: basta sa weekend ha. ahhm, guys. Hiramin ko muna babe ko ha.

Maja: sure!

Na una na kaming lumabas ni Gerald sa gym ng magka holding hands.

Ge: ang ganda ng tshirt mo ah. saan yung sa’kin?

Kim: ako lang meron nito no.

Ge: ha? bakit wala ako?

Kim: joke lang. ito yung sayo. Nagustuhan mo ba?

Ge: kahit ano pa yan, basta galing sa’yo gusting-gusto ko.

Kim: corny mo!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superkgfriends #1
may soft copy kaya?hehe
KG4life #2
DESTINY indeed!!! Thanks for this Kimerald fanfic, I hope you can make another fanfic :)
philhaus115 #3
thanks for the updates...isang bagsak lang ah...
:-)
philhaus115 #4
more updates please, thank you for re-posting the lost chapters...
4everkg #5
thank you for the upadate..please update again..
KG4life #6
Waaaa the first time ;) and ano kaya surprise ni daddy chiu?
b1_nipahut #7
waaaaaaaaaaaaaaaaaa pabaon talga!!

pandesal lan ang peg hahaha

i lurve it, what kaya suprise ni dadi chiu??

cant wait for more update.
tnx
nippyz #8
waaaaaaaaaaaaaaaa kaloka first time LOL! thnx sa update mo...:))
keeegeee #9
waaaaaaaaaaaaaa!!!

ohhhhh--eemmmm--GERALD!!!!

i love the PINABAONan!!waaaaaa
wagas ang banat ni Kim dito!!lolz

salamat ng marami Bubblegumgirl!! :kiss:
KG4life #10
JP wrong timing ka naman eh...pero di bale...may continuation sa room naman eh ;) *naughthy*