No Ordinary Love

First True Love

 

Nagising ako ng sobrang sakit ng mata ko. Naku eyebags na naman. Mahahalata talaga n umiyak ako. Naku naman kasi, hindi ka nag-iisip Kim.Tanga-tanga mo talaga. Umaga na, di man lang nagparamdam ang mokong. Dati siya pa ang gumigising sa’kin. Na mimiss ko na ang kasungitan niya pag umaga. Nakakainis naman eh. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Xian, binigyan ko ng second chance, pero si Gerald nasaktan ko. Haaissssh!

Namimiss ko na si Gerald, feeling ko kulang ang araw ko pag hindi ko nakia si Gerald. mamayang gabi foundation night na namin. Hindi na lang siguro ako pupunta. Wala rin naman akong partner. Parang tanga lang ako dun. Eh kasi naman eh. pero kailangan kong pumunta ako ang pres ng student council at ako ang incharge sa event naming.

Kamusta na kaya si Gerald. Sa tingin mo Kimberly? Eh nasaktan mo yung tao.ay, ano bay un nagulat ako sa tunog ng cellphone ko. Tinignan ko it, si Xian nag text.

Xian: I’ve heard foundation night niyo ngayon. Pwede bang ako na lang maghatid sa’yo sa school niyo?

Yan na nga sinasabi ko eh. pabigla-bigla kasi ng desisyon. Hindi ko man lang inisip ang situation naming ni Gerald pag biunigyan ko ng chance si Xian. Bahala na nga.

6pm ng mag-ayos na ako ng sarili ko. Kahit wala talaga akong gana umattend ng event nay un. Tumingin ako sa salamin. May kulang pa bas a mukha ko? Make-up, check. Yung buhok ko, check. Yung suot ko, check. Smile ko? Hindi ko kaya, ang lungkot ko talaga. Gerald nasaan ka na ba. Ikaw ang inexpect ko na naghihintay sa’kin sa hagdan.

Narinig ko na lang na nagbubusina na si Xian ng kanyang sasakyan sa labas. Haaay! I need to smile para hindi mahalata. Pagbaba ko sa hagdan mas lalo akong nalungkot. Pilit kong pinigil ang aking mga luha. Si Gerald ang gusto kong naghihintay sa baba, pero iba ang aking nakikita. Nag smile na lang ako, baka kasi mgtanong pa si Xian kung bakit ako malungkot.

Xian: Wow! Perfect!

Nag smile lang ako, fake smile.

Kim: mamang alis na po kami.

Mamang Pokie: nagulat kay Xian.

Kim: mamang, mamaya ko na lang ipapaliwanang sa’yo ok? Bye mamang. Love you.

Mamang Pokie: sige, enjoy ka – kayo ok?

Nasa loob na kami ng sasakyan ni Xian.

Xian: sayang hindi kita maisayaw.

No comment ako.

Xian: kimmy, may problema ba?

Inalog-alog ni Xian ang balikat ko at doon lang ako natauhan ulit.

Kim: ah wala. Iniisip ko lang yung event sana maging successful.

Xian: don’t worry everything will be ok. Ok?

Hinawakan ni Xian ang kamay ko, pero dali-dali ko itong kinuha. Paano magiging ok? Eh galit nag alit sa’kin si Gerald. Dumating kami sa resort nakita ko agad sila Maja and erich sila kasi ang naka-assign sa pag welcome ng mga guest. Alam ko na ang magiging reaction nila pagnakita nila kaming magksama ni Xian. Lumapit ang mga ito sa’min.

Maja: ohheemgee. Am I seeing right? Magkasama kayong dalawa? Teka, kalian ka dumating? Di ka man lang nagpasabi Xian ah.

Xian: hello girls. Na miss ko kayo. Kakarating ko lang kahapon. Sabay yakap isa isa kay maja at erich.

Erich: Nakatingin lang kay Kimmy na parang naguguluhan sa mga pangyayari.

Maja: ha? eh nasaan si Ge…

Kim: Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Maja. Hindi pa kasi alam ni Xian ang tungkol kay Gerald. Tumingin ako kay erich na parang naghihingi ng tulong. Ang ingay kasi ni Maja eh.

Erich: ah, ano. I think we need to go na. mag start na tayo in a few minutes.

Kim: oo tara na. bye Xian. Dali-dali kong hinila ang dalawa kong kaibagan papalayo kay Xian. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ito.

Pagpasok naming sa loob ng resort nila Mel…

Maja: hoy bez, nagkabalikan ba kayo ni Xian?

Erich: oo nga paano na si Gerald?

Kim: isa-isa lang pwede? Hindi kami nagkabalikan ni Xian at wala akong balak. At hindi ko alam kong nasaan si Gerald, nag-away kasi kami.

Maja at Erich: Ha? Bakit?

Kim: basta ikukwento ko na lang sa inyo.

Nag simula na ang program. Lahat ng mga kaibigan ko nasa kanya-kanya na silang nobyo. Ako naiwan mag-isa. Hindi ko mahagilap kung nasaan na si Gerald. pupunta kaya siya?

Ayun nag start na ang party, sayawan na ang mga kaibigan ko… tapos sweet music naman ang pinatugtog. Ano ba ito. Para akong tangang nakaupo mag isa dito. Sana talaga hindi na lang ako umattend. Hindi ko pa rin nakikita si Gerald. uuwi na lang siguro ako. Hindi ko na napigilan, umiyak na talaga ako. Miss na miss ko na si Gerald. Saan na ba ang mokong nay un. Kainis naman.

Natigil ang music at nag sibalikan na ang mga kaibigan ko sa table namin. Tapos lumabas si Juris, as in si Juris ng MYMP. Akala ko ba banda ang kukunin nila? Pero kahit sila empress nagtaka din. Yung banda kasi ng Calla Lily ang kinuha nila. Tapos nagstart mag play ang instrumental ng song na kakantahin ni Juris. No ordinary love? Favorite ko pa yan. Naiiyak na talaga ako. Hindi pa nag simula kumanta si Juris nag salita pa ito.

Juris: this song is dedicated to Ms. Sunshine.

Nagtaka ang mga tao kungsino si Ms. Sunshine pero ako naman hindi makapaniwal sa narinig ko. Hindi ako nagkakamali sa narinig ko, at hindi ako nagkakamali kung sino ang may pakana nito. Isang tao lang ang tumatawag sa’kin ng Ms. Sunshine. Pero saan na siya? Naririnig kong nagbubulong-bulongan ang mga kaibigan ko, nagtatanong kung sino si Ms. Sunshine.

Nagsimula ng kumanta si Juris. Dapat masaya ako diba, kasi alam ko si Gerald ang gumawa ng lahat nito. Pero bakit ako naiiyak. Tumulo na ang mga luha ko. Gerald, I’m sorry saan ka na ba? Nagulat ako ng biglang may tumayo sa gilid ko. Inabot niya sa’in ang kanyang panyo. Pag taas ko ng aking ulo para tignan kung sino ito, nagulat ako. Gerald? Mas lalo akong napaiyak. Naka smile lang ito sa’kin. Tumayo na ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. At bumulong ako sa kanya.

Kim: Babe, I’m sorry. I’m really, really sorry.

Ge: Shh. Wag ka ng umiyak. Nangako pa naman ako kay Jp na, you’ll only cry happy tears.  Let’s enjoy the night ok? I love you, Ms. Sunshine.

Kim:  I love you too, Gerald. Mahal na mahal kita. Ikaw lang wala ng iba.

Habang kumkanta si Juris, magkayakap lang kami.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superkgfriends #1
may soft copy kaya?hehe
KG4life #2
DESTINY indeed!!! Thanks for this Kimerald fanfic, I hope you can make another fanfic :)
philhaus115 #3
thanks for the updates...isang bagsak lang ah...
:-)
philhaus115 #4
more updates please, thank you for re-posting the lost chapters...
4everkg #5
thank you for the upadate..please update again..
KG4life #6
Waaaa the first time ;) and ano kaya surprise ni daddy chiu?
b1_nipahut #7
waaaaaaaaaaaaaaaaaa pabaon talga!!

pandesal lan ang peg hahaha

i lurve it, what kaya suprise ni dadi chiu??

cant wait for more update.
tnx
nippyz #8
waaaaaaaaaaaaaaaa kaloka first time LOL! thnx sa update mo...:))
keeegeee #9
waaaaaaaaaaaaaa!!!

ohhhhh--eemmmm--GERALD!!!!

i love the PINABAONan!!waaaaaa
wagas ang banat ni Kim dito!!lolz

salamat ng marami Bubblegumgirl!! :kiss:
KG4life #10
JP wrong timing ka naman eh...pero di bale...may continuation sa room naman eh ;) *naughthy*