Him.

First True Love

 

Mamang Pokie: Kimmyyyyy… gising na. Ano ba tumitirik na ang araw oh. Diba maaga pa klase mo? Kimberlyyy…

Sigaw ng sigaw si mamang habang inaayos ang susuotin ko. Kahit malaki na ako si mamang pa rin ang nag-aayos ng mga susuotin ko, ewan ko ba nasanay na yata ako eh. Pero hindi ako spoiled brat ha. siguro hinahanap hanap ko lang ang mga ganun bagay kasi hindi ako lumaki sa piling ng aking mama.

Kim: mamang naman, kung maka sigaw ah. Anong oras na po ba?

Nagkukoskos pa ako ng aking mata.

Mamang Pokie: aba eh, alas siyete na.

Kim: ha? naku naman mamang, ba’t ngayon mo lang ako ginising? 7:30 klase ko.

Mamang Pokie: at talagang sinisi mo pa ako ha. eh kanina pa ako sigaw ng sigaw dito.

Kim: ay, sorry po. Sige po maliligo na po ako. Si Jp po?

Mamang Pokie: umalis na. may try-out daw sa basketball eh kaya ang agang umalis.

Kim: ah, ok po. Sige po mamang.

Pumasok na ako sa loob ng banyo.

Mamang Pokie: pagkatapos mong maligo bumaba ka na lang ha. Habang inaayos ni mamang ang aking kama.

Kim: opo mamang. Sigaw ko habang ako’y naliligo sa loob ng banyo.s

10 mins na ligo, 10 mins. Nag bihis na ako, 5 mins. Kumain na ako, naku 5 mins na lang. kaya ko to’.

Nang makarating ako sa school…

BOOOGS!!!

Kim: aray. Ano ba hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Ahh, kasi yang buhok mo gupitin natin kasi nakaharan na sa mata mo.

----: Subukan mong galawin ulit ang buhok ko, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka. at paghumarang ka pa ulit sa dinadaanan ko lagot ka sa’kin. Salot ka sa mundo eh.

Kim: suplado mo naman. Ang aga-aga eh. Diyan ka na nga.

Hindi na nakasagot ang lalaki, iniwan ko na lang siya doon ng nakatayo. ayaw ko malate no, lagot ako sa prof namin pag nagkataon.

Pagdating ko sa classroom buti na lang wala pa ang prof naming, pero nandun na ang mga kaibigan ko.

Maja: bes, dito. Palagi kami sa likuran umuupo para naman kahit papaano eh nakakatulog kami na hindi nakikita ng Prof. Malabo na kasi mga mata nun eh.

Empress: Late ka na naman. Mabuti na lang wala pa si Prof.

Erich: asus! Di ka na nasanay diyan sa kaibigan natin.

Kim: pasensya na kayo noh, traffic kasi.

Mel: traffic daw, eh ang lapit lapit lang bahay sa school niyo.

Kim: pwede bah, wag niyo ng dagdagan ang init ng ulo. Walang hiyang lalaki yun, kalalaking tao parang bakla kung mag salita. Kala mo kung sino.

Maja: hoy bes, easy lang. sino ba yan?

Kim: hay naku, wag na nga nating pag-usapan yun. Di nakakadagdag asenso sa ekonomiya natin yun.

Sa isip ni Kim. Walang hiya siya, walang modo. Bakit hindi ko naman sinasadya ma bangga siya eh. Bakit ba, paharangharang kasi siya sa  daan, eh nag mamadali ako. Ako pa ang salot. Haaay.

Ilang sandal pa ay dumating na ang prof namin.

Prof M: Good morning, everyone.

BSBA1 (bachelor of science in business ad): Good morning prof.

Prof M: before anything else, I would like you all to meet Mr. Gerald Anderson. He’s a transferee from the other school.

Gerald: prof, I don’t want you to introduce me in front of them. College na po kami prof. Nonsense.

Halos kaming lahat sa klase napatunganga sa sinabi ng supladong lalaki. Pati si prof na sobrang terror ay hindi naka imik.

Prof M: ok, go find your sit. I’ll start my discussion.

Nagulat ako ng matandaan ko ang lalaking pinapakilala sa amin ni Prof M ay ang taong nakabangga ko.

Kim: Ah, so transferee pala siya dito? Siguro ang dami niyang ginawang masama sa school niya dati. Naku kung umasta siya eh matagal na siya dito sa school. Naku wag na wag siyang magkakamali na… oh God kung minamalas ka nga naman, dito pa talaga sa katabi kong upuan ang bakante. Lagooot.

Pagkadaan niya sa harapan ko ay nag tinginan lang kami. Siyempre hindi naman ako magpapatalo noh. Siya ang baguhan dito hindi ako.

Umupo na si Gerald sa katabi kong upuan. Ni hi, hello. Wala. Parang invincible lang kami sa paningin naming dalawa.

Habang nasakalagitnaan ng discussion bigla siyang napatingin sa’kin at ako napatingin din sa kanya. Tapos bigla siyang nagsalit na pabulong sa’kin.

Ge: You’re dead. Pagbabayaran mo ang pagbangga mo sa’kin.

Kim: Bigla akong natakot. Naku baka may record na ito sa dati niyang school, baka nakapatay na siya or di kaya nambobogbog ng babae ito. Lagooot na. Kimberly, you’re sooo dead.

Binaling ko na lang ang tingin ko sa bintana, ayaw ko rin ipakita na takot ako sa mokong nay un.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superkgfriends #1
may soft copy kaya?hehe
KG4life #2
DESTINY indeed!!! Thanks for this Kimerald fanfic, I hope you can make another fanfic :)
philhaus115 #3
thanks for the updates...isang bagsak lang ah...
:-)
philhaus115 #4
more updates please, thank you for re-posting the lost chapters...
4everkg #5
thank you for the upadate..please update again..
KG4life #6
Waaaa the first time ;) and ano kaya surprise ni daddy chiu?
b1_nipahut #7
waaaaaaaaaaaaaaaaaa pabaon talga!!

pandesal lan ang peg hahaha

i lurve it, what kaya suprise ni dadi chiu??

cant wait for more update.
tnx
nippyz #8
waaaaaaaaaaaaaaaa kaloka first time LOL! thnx sa update mo...:))
keeegeee #9
waaaaaaaaaaaaaa!!!

ohhhhh--eemmmm--GERALD!!!!

i love the PINABAONan!!waaaaaa
wagas ang banat ni Kim dito!!lolz

salamat ng marami Bubblegumgirl!! :kiss:
KG4life #10
JP wrong timing ka naman eh...pero di bale...may continuation sa room naman eh ;) *naughthy*