Perfect Two 35

Perfect Two

Papunta na sina Kim at Gerald kung saan gaganapin ang Red Carpet Premier... 

Sa Megamall...  

Iisang sasakyan lang ang gamit nila at si Mang Bert ang nagmamaneho... Kasama rin nila sa sasakyan ang kanilang mga Handler... Habang papalapit sila ng papalapit  sa Megamall ay mas lalong napi-pressure si Kim, ganun din si Gerald... 

Pareho silang kabado na baka hindi kagatin ng bayan ang movie nila, pagkatapos ng mga nangyari sa kanila last year... Pero sabi nga nila the show must go on... 

Nauna na sina Ate Kams, Ate Twinkle sa Mall, hindi naman nakarating ang Kuya William niya at si JP dahil nasa Cebu pa ang mga ito... 

Sa mga oras na iyon ay magkakasama na sina Kams, Twinkle, Maja, Matteo, Jewel, Jason at Simon.. Sabay-sabay naman dumating ang group of friends ni Kim na ChiuRiGoGoBaSchu.... Ipina-cancel ni Erich lahat ng schedules niya para lang ipakita ang full support sa kaibigan....

Napahanga si Simon sa dami ng tao dahil sa labas palang ng Mall ay ang dami ng fans na nakikipagsiksikan at nag-aabang sa pagdating nila Kim at Gerald... Kung sa Premier Night palang iba-base, for sure Box Office Hit ito.. The last time na um-attend si Simon sa Premier Night ay noong gumawa siya ng Horror Movie under GMA films kung saan siya ang Leading Man ni Iza Calzado... 

Alam ni Simon na pressured na si Kim kaya naisipan niyang i-text ito... Kim, don't worry.. Just relax, don't pressure yourself... Remember i'm always here... I Love You...

Nung mabasa ni Kim ang text ni Simon ay napangiti siya at kahit konti ay nabawasan ang kaba na kaniyang nadarama... 

"Napaka-supportive Boyfriend naman nito.." sambit ni Kitkat nung lumapit ito kay Simon... 

Nangingiti lang naman si Simon.. 

Maya-maya ay dumating na rin sina Kim at Gerald... Abot tenga ang ngiti ni Kim nung makita niya ang kaniyang mga kaibigan at mas lalo naman siyang napangiti nung makita niya si Simon, hindi naman kasi ito nagsabi ng konpermasyon kung pupunta siya o hindi kaya laking gulat nalang niya nung makita ito kasama ang mga kapatid at kaibigan niya...

Sabay na lumapit sina Kim at Gerald sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid at kaibigan... Isa-isa siyang humalik sa mga ito... Kay Simon naman siya huling yumakap... "Salamat sa pagpunta ha.." bulong ni Kim nung mayakap niya si Simon.. 

Kumawala naman kaagad si Simon sa yakap ni Kim at baka may makapansin pa.. " Ikaw pa, alam mo namang malakas ka sa akin..." pasimpleng sambit ni Simon pero kahit sino ay talagang mapapatingin sa kasweetan nila at mapapaisip...

"Oh, Dude!!!.." sambit ni Gerald pagkatapos ay nakipagkamay kay Simon... 

Tinanggap naman ni Simon ang pakikipag kamay ni Gerald sabay ngiti...

Hindi nagtagal ay naglakad na sina Kim at Gerald sa Red Carpet... Star Studded ang premier, nariyan sina Kris Aquino, Ai Ai Delas alas at Vilma Santos... 

Hindi matigil ang hiyawan ng mga fans habang naglalakad sila papasok sa loob ng sinehan... 

Bawat hakbang sa Red Carpet kumakaway si Kim sa mga fans... Bawat fansclubs ay may sari-sariling hawak na mga banners... Nandyan ang mga Fans ni Gerald na Geraldnaticx, AshRald, GeJeMon.... Andyan din naman ang isang dosenang fansclubs ni Kim na Kim_World, Kim_Nation, Kim_Baos, Team_KimXi, KimErald 4ever, KimErald Baos, Solid KimErald at syempre ang nagpangiti kay Kim ang KiMon_Official... 

Nung makapasok na sina Kim sa loob ng sinehan andami ng tao... 

Bago mag-start ang movie nag-salita muna sina Kim at Gerald... 

Nung makapagpasalamat na sila ay naupo na sila... 

Napatingin si Kim sa kaniyang likuran, mismong sa tapat lang kasi ng kinauupuan niya naka-upo si Simon... Napangiti lang naman silang pareho nung magtama ang kanilang mga paningin... 

Nagbigay ng sign si Kim kay Simon na hintayin nito ang text message niya..

Nag-thumbs up lang naman si Simon bilang pagsangayon.. 

Maya maya ay nag-start na ang movie si Kim naman ay naging abala sa pagse-send ng message kay Simon.. 

Nakasilent si Simon pero malakas ang vibration nito, binasa iyon ni Simon... -Kapag may kissing scenes magtakip ka nalang ng mukha.. cheeky-

Pinigilan ni Simon ang tawa niya... 

-Ha! Ha! Ha! Sige gagawin ko iyan mamaya, my lovely Princess... laugh- sagot ni Simon sa message ni Kim..

Nangingiti namang binasa ni Kim ang message ni Simon.. Magre-reply na sana siya nung biglang may magtext uli sa kaniya... Ang akala niya ay si Simon.. Pati si Simon ay ang alam si Kim ang nag-text... Si Maja pala... Nag-group message ito.. -Hoy kayong dalawa wag nga kayong maglandian dito.... -

Halos sabay napatingin sina Kim at Simon sa kanauupuan ni Maja...

Ngumiti si Maja na tila nagpapa-alala... Parang sinasabi nito na wag sila masiyadong pahalata..

Tumango lang naman si Kim pagkatapos ay tumigil na sa pakikipagkulitan kay Simon... 

Natapos ang movie... Dahil nga sa sequel ito ng Till My Heartaches parang dinugtungan lang ito kung saan sina Kim at Gerald din ang nagkatuluyan sa huli... Maraming kinilig lalo na sa mga nakunang scenes sa Boracay... 

Hindi matigil ang tilian sa loob ng sinehan kahit tapos na ang Movie...

Tulad ng inaasahan nadama ng kunting selos si Simon pero okay lang naman at hinayaan niya nalang...

Bago lumabas ng sinehan sina Kim muli silang nagpasalamat ni Gerald sa lahat ng mga fans na laging naririyan at lagi silang sinu-suportahan...

Palabas na sila sa loob ng sinehan pero ang dami pa ring tao na naghihintay sa labas, maraming hindi nakapasok..

Maraming camera ang sumalubong sa kanila pagkalabas... Kaliwa't kanan ang mga reporters... Nauna ng umalis ang ibang friends ni Kim dahil sa lakas ng ulan... 

Sina Matteo, Maja at Simon naman ay nakasunod sa kanila ni Gerald.. 

"Kim, mauuna na kami ni Matteo.." paalam ni Maja... 

"Oh sige.." sambit ni Kim... Nasa Mall pa rin sila sa mga oras na iyon at tuloy tuloy pa rin ang pagkuha sa kanila ng pictures...

"Ikaw Simon hindi ka pa ba sasabay sa amin palabas?!?.." baling ni Matteo kay Simon... 

Napatingin si Kim kay Simon... "Sumabay ka na rin sa kanila palabas.. Huwag mo na ako hintayin..."

"Sigurado ka?!?.." tanong ni Simon.. 

Lumapit ang mga kapatid ni Kim.. "Kami na bahala sa kapatid namin Simon (sabay ngiti).." sambit ni Twinkle..

"Atsaka baka lumakas pa ang ulan mamaya kaya mauna ka na..." dagdag pa ni Kams.. 

Wala ng nagawa si Simon kundi ang sumunod nalang sa kagustuhan ni Kim...

Nakipagbeso beso si Kim kay Maja ganun din kay Matteo at Simon... 

"Ingat ka ha.." pa simpleng bulong ni Kim kay Simon... 

Tumango tango lang si Simon pagkatapos ay pamandaliang hinawakan ang kamay ni Kim at binitawan rin kaagad... 

"Congrats uli mah friend..." nangingiting sambit ni Maja pagkatapos ay lumabas na sila ng Mall ni Matteo kasama si Simon... 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(