Perfect Two 27

Perfect Two

Friday na ng umaga Simon is on his way na papuntang ABS-CBN... Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, kinakabahan siya baka magkamali siya sa isasagot niya... 

Nasa ABS-CBN compound na si Simon lumabas na siya sa sasakyan niya at pumasok na sa loob ng ABS-CBN... Dumiretso na rin siya sa Studio ng Kris TV... 

Nakasalubong ni Simon ang isa sa mga staffs kaya inasikaso siya ng mga ito.. Nakita rin niya si Kris Aquino papalapit sa kaniya.. 

"Uyyy.. Salamat at pumayag ka na mag-guest sa amin ng LIVE..." banggit ni Kris nung lumapit ito kay Simon sa backstage... 

Nangiti naman si Simon at hindi alam ang isasagot dahil baka kung ano ano ang itanong ni Kris sa kaniya... "Si Kuya James?!?.." pag-iiba ni Simon sa usapan.. 

"Ayan na oh..." turo ni Kris kay James na halos kadarating lang... 

Nag-shakehands si James at Simon... "Bunso.." bati ni James.. 

"Iiwan ko muna kayo ha..." ani ni Kris at umalis na ito.. 

Nag ngingitian lang naman si James at Simon.. 

"Nervous?!?.." tanong ni James kay Simon dahil napansin nitong hindi ito mapakali.. 

"Super!!!.." sagot nalang ni Simon... "Atsaka hinihintay ko si Kim.." dagdag pa niya.. 

Nailing-iling si James... "Kim nanaman.." 

Hanggang sa tawagin na sila ng mga staffs dahil magi-start na ang Kris TV... Hindi mapakali si Simon dahil wala pa rin si Kim, hindi niya naman ito matawagan dahil naka-busy ang phone nito.. 

"Simon, James dito kayo oh... Mamaya tatawagin na kayo.." tawag ng isang staff kina Simon at James..

Hindi pa man nakakatungtong si Simon sa mismong stage ng studio nanginginig na siya... 

Nag-opening message na si Kris.. "Good Morning and a happy Friday mga Kapamilya.. Isang bagong morning, bagong kuwentuhan at bagong karanasan nanaman.. Ako po si Kris Aquino and you are watching Kris TV!!!..." masiglang pagbati ni Kris.. 

Si Simon naman na nasa backstage ay hindi na mapakali.. Kaya tumalon-talon muna siya para mawala iyong kaba...

"Sobrang special ng araw na ito kasi special din ang mga guest natin (sabay tawa).. Isa sila sa mga kinababaliwan niyong PBA players (sabay tawa nanaman)... Sige na nga huwag na nating patagalin ito... Please welcome James Yap and Simon Atkins..." masiglang pagpapakilala ni Kris sa mga guest niya...

Bago pa man lumabas si Simon huminga muna siya ng malalim.. 

Hanggang sa lumabas na sila ni James... Sinalubong sila ni Kris.. 

Nginitian lang ni Simon si Kris.. 

"Uyyy, Simon mas guwapo ka sa Personal..." pagbubukas ni Kris sa usapan...

"Salamat po.." nahihiyang sambit ni Simon.. 

"Kumusta naman samahan niyo...." tanong ni Kris.. 

"Nino?!?.." tanong ni Simon.. 

"Syempre kayo... (sabay tawa)" 

Natawa si Simon.. "Okay naman po kaming lahat sa team..."

"Ikaw James diba bago lang si Simon sa team niyo?!?... Syempre kayo magkakakilala na kayong lahat sa team pano niyo isinama sa grupo si Simon para hindi siya ma-out of place nung first time niyo siya makasama sa training.." tanong ni Kris.. 

"Nung first wala namang nangyaring ganun.. Open naman kaming lahat sa mga new mates.. Atsaka siya iyong pinakabata sa team para lang kaming mga magkakapatid.. Family ganun.." sagot ni James.. 

"About your lovelifes naman.. Ikaw Simon when was the last time na nagka-gf ka??.." tanong ni Kris..

"Siguro 2 years ago na..." simpleng sagot ni Simon.. 

"Diba ex mo si Sam Pinto?!?.. Siya ung FHM iest last year... Nakaramdam ka ba ng regrets na iyong ex mo ang ganda at super sikat na iyong ganun..." tanong pa ni Kris.. 

"Yeah.. No, wala naman akong naramdaman na ganun actually i was super proud and very happy for her... We're very good friends now even hindi naging maganda iyong relation namin dati..." sagot ni Simon.. 

"Pag-usapan natin ang buhay pag-ibig ni Simon at James sa pagbabalik ng Kris TV..." banggit ni Kris at pagkatapos ay nagbreak muna sila... 

Si Simon naman ay tila disappointed at nakakaramdam ng kunting tampo kay Kim.. Kasi nangako si Kim sa kaniya na andun siya habang ini-interview siya.. 

Bago sila mag-live airing uli nagkaroon ng problema dahil kinailangan na umalis ni James... 

Kaya parang magso-solo si Simon hanggang sa matapos ang kris tv..

Nung matapos ang first gap humingi ng tawad si Kris sa mga nanonood... "Sorry po sa mga nanonood at ina-abangan si James.. Kinailangan kasi niyang umalis... Emergency Problem.." paumanhin ni Kris.. 

Si Simon naman ay napapatingin sa may backstage dahil hinihintay niya si Kim.. 

"Hoy!!!.." panggugulat ni Kris kay Simon.. "Sinong tinitignan mo sa backstage?!?.." tanong pa niya..

"Wala, wala..." sagot ni Simon.. 

Nangiti naman si Simon..

"How many times we called you ba para mag-guest dito?!?.. Kasi everytime tinatawagan ka namin lagi kang tumatanggi..." tanong ni Kris..

"Hindi ko po alam kung ilang beses na.. Meron din po kasi sa kabila nag-aalok ng mga roles pero hindi ko po pinapansin.." sagot ni Simon..

"Kabilang istasyon?!?.." 

Tumango lang si Simon.. 

"Taray mo ha!!.. Kasi since last year ang daming nare-request na i-guest ka... Ang alam tuloy ng lahat hindi namin pinapansin iyong mga request nila..." paliwanag ni Kris..

"Ayaw ko po talaga.. Atsaka nasa UK ako that time..." nangingiting sagot ni Simon..

"Nung una ang sabi ko.. Ano ba ito ang chossy chossy... Tapos nung ilang beses ka na naming natawagan at lagi mo kaming ni-rereject doon ka na-realised na baka you don't like showbiz talaga..." banggit ni Kris.. "Pero diba you made a movie dati?!?... With Iza yata iyon diba?!?..." dagdag tanong ni Kris..

"Ayaw ko talaga.. Iyong sa movie sabi kom ma-try nga ganiyan ganiyan.. Pero nagi-start palang ako pero halos wala na akong privacy... That was the first time and last time na talaga.." sagot ni Simon... 

"Pero na-linked ka rin sa mga sikat na celebrities like Rhian Ramos, Sam Pinto, Iza Calsado and recently sa pretty sister ko na si Kimmy!!!.." kinikilig na sambit ni Simon..

Natawa si Simon.. "Sa mga sinabi mo naman Ate Kris si Sam lang ang naging girlfriend ko... Iyong kay Rhian friends lang kami and about Iza siya iyong leading lady ko sa movie.." sagot ni Simon.. 

"Eh how about Kimmy?!?.." tanong ni Kris.. 

Parang hindi kinaya ni Simon na i-deny ang feelings niya kay Kim.. "Eh iba naman iyong sa kaniya.. Mahal ko iyon eh.." sagot ni Simon at mahina sa parteng Mahal ko iyon eh.. 

"Ano iyong sinabi mo sa last part?!?... Inilayo mo iyong mic eh!?!?.." tanong ni Kris..

Nailing iling lang si Simon.. 

"You know naman na i love kimmy.. Aware ka rin naman siguro na i like Xian for Kim (napatingin si Kris sa may audience at nakita niya si Kim) ohhhh.. Speaking of Kimmy.. There she is oh nasa mga audience..." nangingiting sambit ni Kris.. 

Napatingin naman si Simon sa audience at nakita niya si Kim... 

"Kimmy come here.. Join us.." paanyaya ni Kris.. "Samahan mo si Simon.." 


Lumapit naman si Kim at tumabi sa sofang kinauupuan ni Simon.. 

"Kim may talent fee ba?!?.." tanong ni Kris..

"Dahil mahal kita Ate Kris wala na.." ngingiti ngiting sagot ni Kim..

"i love you Kimmy... That's why your one of my favourites..." ngingiti ngiting sambit ni Kris..

Biglang may pa-simpleng ibinulong si Simon kay Kim.. "Bat ang tagal mo?!.."

"Mamaya.." pasimpleng sagot ni Kim..

"Ahemm.. Live po tayo ngayon.. Huwag kayo gumawa ng sarili niyong mundo.." kinikilig na sambit ni Kris.. "Infairness you look good together.."

Natatawa lang si Kim at Simon.. 

"Paano ba nag-start ang paghangan mo kay Kim?!?.." tanong ni Kris kay Simon..

"i like her since PBB days pa dati.. Pero i started to like her more nung makita ko siya last year sa elevator dito rin sa ABS then i was very happy kaya i just tweeted what i was feeling hindi ko rin naman alam na mapapansin iyon ng mga tao...Nagulat nalang ako nung bigla akong i-text ng friend ko na parang nabanggit daw ang name ko sa SNN..." pagku-kuwento ni Simon.. 

"Ang cute mo mag-tagalog.." pansin ni Kris..

Nangingiti lang si Simon... 

"Anong nararamdaman mo everytime na sinasabi nilang you're using Kim just to get attention.." 

"I don't care about them.. Think what do they want to think!!!.. Do negative issues about me... If they think i am using Kim para lang makakuha ng attention, i don't care the most important is me and Kim... We are happy.. Atsaka i know naman sa sarili ko na hindi ako iyong sinasabi nila, hindi ako iyong taong binabanggit nila sa mga nega issues nila so bakit ako maapektuhan
?!?... At iyong masakit hinuhusgaan nila ako kasi nakita nila iyong mga pictures na me and Sam were kissing, kami naman that time so walang mali dun.... Yes i've done things in the past that i am not proud of but what is important is that i've learned from it..." diretsong sagot ni Simon.. 

"Pero syempre Kim dahil sayo may nangyayari na ganito anong nararamdaman mo.." tanong ni Kris..

"Syempre nakakahiya kay Simon kasi nagugulo iyong buhay niya dahil sa akin, pati kina Tita at Tito..." ani ni Kim..

"Anong nagugulo?!?... I won't regret the times na magkasama tayo.." pag-kontra ni Simon...

"Sige na ikaw na ikaw na talaga!!!.." kinikilig na sinambit ni Kim..

Parang napamaang naman si Kris sa mga sinabi ni Simon.. "What's the real score between you and Kim?!?.." tanong ni Kris.. 

"Andun pa rin kami sa getting to know more each other stage palang kami Ate Kris.." sagot ni Kim..

"Getting to know more each other stage palang kayo?!?.. eh nag-drama ka na sa harap ni Simon nung una kayong nag-meet tapos na meet mo na rin ang parents ni Simon getting to know more each others pa rin?!?..." pangbubuko ni Kris.. 

Nagtago si Kim sa likuran ni Simon dahil nahihiya siya tuwing naiisip iyong nangyari nung una silang mag-meet.. 

"Hoy, Kimmy ha!!!... Halos sa lahat ng leading men mo na nakasama mo mag-guest dito di ka naging ganiyan.." pansin ni Kris.. 

"Ate Kris naman kasi!!!.. Nakakahiya iyong nangyari.. Huwag mo ng ibuko..." natatawang sambit ni Kim..

"Simon anong naramdaman mo nung nagpaka-drama princess dati si Kim sa harapan mo.." natatawang tanong ni Kris... 

"Parang i didn't want to leave pero wala akong choice kasi Lolo ko iyon eh.. Love ko iyong Grand Dad ko.." sagot ni Simon.. 

"love mo family mo?!?.." tanong ni Kris kay Simon.. 

Napatingin si Simon kay Kim.. "Of course!!!." walang alinlangang sagot ni Simon..

"Specially his Mom Ate Kris..." pagsangayon pa ni Kim...

Kinilig ang audience at si Kris..

"Simon what is love?!?.." tanong ni Kris..

Tila nag-isip si Simon... "Love?!?.. Kim Chiu.."nangingiting sagot ni Simon..

Piningot ni Kim si Simon sa tainga.... "Tigilan mo nga ako.." kinikilig na ani ni Kim..

Hindi man ipakita ni Kris, halata namang kinikilig siya.. 

"I do believe in love at first sights..." seryosong sagot ni Simon.. 

"Sincere ka kay Kim?!?.." tanong ni Kris..

"Of course!!!... Ayaw kong ma-disappoint si Tito.."

"Papa ni Kim?!?.." 

"Yeahh.." sagot ni Simon.. 

"Ayyyy... Nagka-one on one na pala si Father at ang suitor... So pasado ba?!?.." tanong ni Kris..

"I don't know.. Basta ang nasabi lang sa akin ni Tito eh alagaan ko daw si Kim.." natatawang sagot ni Simon...

"Uyyy... Kim crush na crush ko iyang suot mong kwintas san mo nabili?!?.." tanong ni Kris.. 

Napatingin si Kim kay Simon sabay ngiti.. 

"Suot mo pala hindi ko napansin.." ngingiti ngiting ani ni Simon...


"Gift ito ni Simon nung birthday ko..." nangingiting sagot ni Kim..

"Is there a story behind that necklace?!?.." tanong ni Kris.. 

Napatingin si Simon kay Kim na tila sinasabi nitong si Kim nalang ang magkuwento...

"Ikaw na mag-kuwento!!!.." ani ni Kim.. 

"Sige na nga.. Gift ni Dad iyan kay Mom before they got married.." sagot ni Simon..

Napatakip ng bibig si Kris... Ang mga audience ay halos mamatay na sa sobrang kilig... 

"Last year, noong birthday ko, ibinigay ni Mom sa akin iyan... Then she said, ibigay ko daw ito sa babaeng pinakamahalaga sa akin.." dagdag pa ni Simon... 

"Alam niyo kung hindi lang tayo LIVE ngaun paabutin ko ang usapan natin hanggang mamayang hapon... Kaya lang overtime na tayo eh.." banggit ni Kris..

Hanggang sa mag-off air na sila... Medyo nakahinga na rin ng maayos si Simon... 

"Sai mauna muna ako.. May meeting ako with Mr.M" paalam ni Kim..

"Hintayin kita.." ani ni Simon.. 

Tumango lang si Kim at nagmadaling pumunta sa office kung saan sila magmi-meeting.. 

Binuksan ni Kim ang pinto ng office at nakita niya doon sina Mr. M, Miss Linggit Tan at ang handler niyang si Ate Porchia.. Kinabahan tuloy siya.. 

"Ano pong meron?!?" tanong ni Kim..

"Maupo ka.." ani ni Mr. M

Naupo naman si Kim at hinarap ang mga ito.. 

"Kim we know that Simon is okay but sana kahit ngayon lang sabihin mo sa kaniya na lumayo-layo muna siya?!?.." diretsong paalala ni Ms. Linggit Tan at wala ng pasikot sikot pa..

Tila kinabahan naman si Kim.. 

"Kim may movie ka and parang hindi maganda ang mga lumalabas na issue... Hope you understand..." pangaral ni Mr. M.

Tumatango-tango lang si Kim.. 

"I think we're done.." sambit ni Ms. Linggit Tan at magkasunod na silang lumabas..

Naiwan si Ate Prochia at Kim sa loob ng office.. 

Nakayuko si Kim at hindi pa rin alam kung ano ang nararamdaman niya... 

"Akin na lahat ng gadgets mo..." biglang sambit ni Ate Porchia...

"Ha?!?.." gulat na tanong ni Kim..

"Akin na!!!.." pangungulit nito... 

Inilabas naman lahat ni Kim ang gadgets niya at ibinigay kay Ate Porchia.. 

"Akin na muna ito habang hindi pa naipapalabas ang movie mo with Gerald.." 

"What?!?.. Nooooo!!!.." medyo naluluha ng sambit ni Kim.. 

"Sorry Kim, napaguutusan lang.." pagkasabi nun ni Porchia biglang nag-ring ang isa sa mga phone ni Kim... 

Si Simon ang caller.. 

Kim, lumabas na ako.. Hintayin nalang kita dito... ani ni Simon sa kabilang linya...

"Ate akin na!!!.." pangungulit ni Kim...

Simon si Porchia ito.. Mauna ka na medyo matatagalan pa yata si Kim sa loob tatawagan ka nalang niya mamaya.. sagot ni Porchia.

Oh sige Ate pasabi nalang i love you... pagkasabi nun ni Simon ibinaba na niya at umalis na siya...

Inalis ni Porchia ang sim card ni Kim.. Bali  confiscated lahat ng gadgets niya.. "Sumunod ka na sa labas.." baling nito kay Kim..

Samantalang si Kim naman ay naiwang nakaupo at umiiyak... 

Pati ang Kim_World na close kina Simon ay napag-sabihan na rin pala ng Star Magic Management kaya walang masabihan si Kim.. 




Itutuloy...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(