Perfect Two 9

Perfect Two

"This is who I am, This is who i've always been. This is who I will always be.... GOOD MORNING, Kimberly!!..... Have a safe day.." Ngingiti-ngiting binasa ni Kim ang message ni Simon.

 

Naka-ayos na ang mga gamit ni Kim. Ready na siyang pumunta sa ASAP rehearsal.

 

"Good Morning din sayo." reply ni Kim sa text ni Simon ng makasakay na siya sa sasakyan.

 

"Kuya Bert sa ASAP Studio tayo..." Baling ni Kim sa personal driver nya na si Kuya Bert.

 

Simula ng mag-artista si Kim 5 years ago si Kuya Bert na ang driver nya kaya hindi na sila nagkakahiyaan,, minsan nga, Tatay na ang tawag ni Kim kay Kuya Bert....

 

Pinaandar na ni Kuya Bert ang sasakyan.

 

"Kim, diba every Saturday ang ASAP Rehearsals mo?" tanong ni Kuya Bert kay Kim ng medyo nakalayo na sila.

 

"Ipina-cancel lahat ni Mr. M. ang mga Mall shows ko eh, para naman daw makapag-pahinga ako," sagot ni Kim.

 

"Buti naman.. Awang-awa na ako sayong bata ka, halos  wala ka ng tulog," pag-a-alala ni Kuya Bert.

 

"Kuya Bert naman... Parang hindi nyo ako kilala.. Kelan ba ako huling nag-kasakit? Last year pa yata 'yon...."

 

"Buti nga at medyo tumaba ka na...."

 

"Kuya, Don't worry... Malakas ako, okay?"

 

Hindi na sumagot si Kuya at nag-concentrate nalang sa pagda-drive...

 

 

 

"ASAP STUDIO"

"Mah Friend!!!!" tumakbo si Maja ng makita niyang papasok na si Kim ng Studio..

 

Yumakap ito kay Kim.

 

"Mustah ang family dinner nyo kagabi?" nakangiting tanong ni Kim atsaka umakbay sa balikat ni Maja.

 

"Sorry ,ah. Late kasi ako nasabihan ni Tito Philip, hindi ko alam na may family dinner pala kami, kung alam ko lang eh di sana hindi na kita inimbitahan lumabas.." malungkot na paliwanag ni Maja.

 

"Okay lang," tinapik ni Kim si Maja sa balikat atsaka tumawa...

 

Tumaas ang kilay ni Maja.. "May hindi ka sinasabi sa akin, mah friend!!! Share naman dyan,,"

 

Humagikgik si Kim. " Mahabang storya, mah friend...." Pagkasabi nun ni Kim ay inunahan na niya si Maja sa paglalakad..

 

Napatigil si Maja at nag-isip.. "Ano kaya 'yon?"

 

 

Ini-enjoy ni Kim ang dance rehearsal niya with Matteo, Xian and Jolo... Ngiti-ngiti siya.. Hindi niya alam kung bakit,, basta ang alam niya masaya siya...

 

 

"Good Job, Kim..." Masiglang pagkakasabi ni Teacher Georselle.. Tuwang-tuwa si Teacher Georselle dahil nakuha kaagad ni Kim ang mga dance steps para sa farewell dance prod ng "My Binondo Girl".

 

"Ang galing mo kanina, Kim, ah... Nakuha mo lahat ng steps... Ang galing nung paganyan-ganyan mo oh (sabay kembot pababa-pataas,) turuan mo naman ako.." sambit ni Xian..

 

"Apir nga tayo, Jade (pangalan ni Kim sa My Binondo Girl)... Galing mo..." sambit ni Jolo....

 

"Aagawan mo na yata ng pwesto ang, Mah Friend mo ah... Ikaw na yata ang The Primetime Drama Dancing Princesss..."

 

Tumawa si Kim.. "Tumigil nga kayo..." pagkasabi nun ni Kim bigla siyang nalungkot...

 

"Oh, bakit sad face?" tanong ni Matteo.

 

"Mami-miss ko kasi ung mga bondings nating na ganito... Last 1 week na kasi ng My Binondo Girl..." sambit ni Kim.

 

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!" sabay-saby na reaction nila Jolo, Matteo at Xian...

 

"Group hug, group hug" sambit ni Xian atsaka sila nag-group hug....

 

"Wait wait sali ako dyan sa group hug na 'yan!!" ngingiti-ngiting pagkakasabi ni Maja ng makalapit sa kanila..

 

Kumawala si Kim sa yakap nila Xian, Matteo at Jolo.

 

"Eh andito na pala ang real leading lady ni Matteo." natatawang sabi ni Jolo.

 

"Hi, Babe.." sambit ni Matteo kay Maja sabay kiss sa pisngi...

 

"Ayieeeeeeeeeeeeeeeee!!!" sabay sabay na reaction nina Kim..

 

Nagkatawanan sila...

 

"Kim!" kinalabit ni Ate Porchia si Kim. Bumulong si Ate Porchia kay Kim "Si Simon tumatawag." atsaka ini-abot ang phone.

 

Ngingiti-ngiting inabot ni Kim ang phone.

 

"Wait lang guys..." sabay kindat sa solid barkada niya...

 

Lumayo si Kim..

 

"Ate Porchia, sino iyong tumawag at ganoon nalang makangiti si Kim?" tanong ni Maja.

 

"Kaya nga, sino ba iyon?" tanong ni Jolo.

 

"No comment!!" natatawang sagot ni Ate Porchia.

 

"Uy, may pa-no comment no comment na rin si Ate..." natatawang sambit ni Xian.

 

"Kung sinabi ko sa inyo eh di hindi na iyon secret!!." kumindat si Ate Porchia sa kanilang lahat. Si Ate Porchia lang ang pinagsabihan ni Kim ng mga nangyari ng nakaraang gabi. "Sige,,... Pakisabi kay Kim sumunod nalang siya mamaya sa sasakyan."

 

Nagka-tinginan nalang silang lahat at saka nagkatawanan.

 

"Wait lang, puntahan ko lang si Kim." paalam ni Maja kina Matteo, Xian at Jolo.
 

 

"Hello?" simpleng sagot ni Kim.

"Hi," sagot ni Simon.

"Napatawag ka?" tanong ni Kim.

"Mangungumusta lang sana.. So, How are you?"

"Ahmmm... Okay lang naman ikaw?" tanong ni Kim.

"Ah,, okay lang naman din.. Andito ako ngayon sa training namin eh wala pa iyong iba kung teammates kaya naisip kung kamustahin ka!!"

"Ahhh... Pa-uwi na rin ako eh... Katatapos lang ng rehearsal ko.."

"Ingat sa pag-uwi.." sabi ni Simon.

"Thanks, ingat din,,.." ibinaba na ni Kim ang phone.

"Sino ang mag-iingat?" tanong ni Maja na nasa likuran na pala niya,..

Ngingiti-ngiting humarap si Kim kay Maja. "Iki-kuwento ko sayo lahat mamaya sa bahay.." kikindat kindat pagkakasabi ni Kim...

"So bilisan na natin para mai-kuwento mo na sa akin.." excited na sagot ni Maja..

"Hindi ka magpa-paalam sa Babe mo?" tanong ni Kim.

"Hayaan mo na siya,," sabay tawa.. "Iti-text ko nalang siya mamaya. Bilis halika na..." hinila-hila nya si Kim palabas ng studio.

 

"Sa Bahay Ni Kim"

"Mah Friend, totoo nagkita kayo kagabi?" gulat na tanong ni Maja.

Nasa entertainment area sila ni Kim kumakain ng popcorn.

"Oo nga. Ilan beses ko ba dapat sabihin sayo.."

"So anong nangyari? Nag-sorry ka ba? Anong ginawa niyo?"

"Wait lang, mah friend.... Isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban." Natatawang sabi ni Kim.

"Sige na kasi i-kuwento mo na!!" pangungulit ni Maja...

"Oo na, ito na..."

Nag-umpisa si Kim sa pagku-kuwento kung paano sila nagka-salubong ni Simon at hanggang sa ihatid siya ni Simon pauwi..

"Echoserang baklita ka.. Ang haba haba ng hair mo... Super Duper haba!!! Ikaw na,, Da Best Ka eh!!" natatawang sabi ni Maja.

Ngumiti si Kim.

"So anong feeling??" kinikilig na tanong ni Maja.

"Wala happy ako,, kasi naramdaman ko ulit iyong ganitong feeling..."

"Anong feeling 'yan teh?? baka iba na yan ah...." pangungulit ni Maja..

"Ano ka ba!! Hindi..."

"Charottt ka!!" sabay tawa... "Baka soulmates kayo,, kasi sa lahat ng nangyari sa inyo last year nagkita kayo,, at sa ganoong pagkakataon pa teh!!!..."

"Bahala ka nga..." Tumayo na si Kim at saka pumunta ng kusina..

Sumunod naman si Maja..

"Ay, mah friend.. Siya nga pala pwede ka ba sa Saturday? kasi 1st anniversarry namin ni Matteo sa Monday, samahan mo sana ako bumili ng gift.."

Humarap si Kim kay Maja hawak ang isang mansanas.. "Ay, mah friend hindi ako pwede... Golden wedding anniversarry kasi nila Tita Elena sa Saturday... Eh niyaya akong pumunta sa kanila..."

"Wait nga,, iyang Tita Elena ba yan ay yung Mother ni Simon.."

Ngumiti lang si Kim...

"Ang taray mo mah Friend!!!!!,, Ikaw na talaga... Anong isusuot mo sa Saturday?"

Napakagat labi si Kim. " Ewan..."

"Halika!!" hinila ni Maja si Kim papunta sa closet...

"Ano ba?" natatawang sambit ni Kim. "Bakit ikaw ang excited!!?"

"Hanu ka ba?? Parents ni Simon ang nag-invite sayo,, isa lang ang ibig sabihin nun... Gusto ka nila for their son..." binuksan ni Maja ang cabinet ni Kim. "Hmmm,.. Ano ba 'yon, anong klaseng party ba iyon?"

"Family dinner yata?? Sabi ni Tita sila-sila lang.. Close Friends, Relatives lang ang mga bisita."

Napaharap si Maja kay Kim. "Kim, pipikutin ka yata nila eh..." sabay tawa...

"Diyos ko, wag naman sana... I love my work!!!"

"Tanga,,, Joke lang... So!!! Family dinner pala ang pupuntahan mo... Try mo ito, ito, ito, ito, ito." inalabas na yata lahat ni Maja ang mga damit ni Kim. "Tapos i-try mo itong sandals na ito or ito oh... Biliss!!!!"

Sumunod nalang si Kim sa mga utos ni Maja.

Sukat sila ng sukat...

Hanggang sa nagustuhan na ni Maja ang damit ni Kim. "PERFECT!!! Tapos ang sandals mo eh ito oh.. i-try mong isukat..."

Isang One Shoulder Panel Dress in Black, Pink and Grey ang napili ni Maja... "Oh ayan na ang isu-suot mo ah!!"

"Thanks mah friend hindi ko talaga  alam kung ano  ang isusuot ko eh,, hulog ka ng langit...."

 

......................................................

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(