Perfect Two 33

Perfect Two

Mga kapatid ni Kim ang unang naka-alam sa relasyon nila ni Simon... Ang saya-saya ng mga ito para sa kaniya lalo na ang kaniyang Ate Lakam..

Hindi pa pinaalam ni Kim kay Maja dahil gusto niya kapag nalaman nito ay kasama niya ito...

"Blooming iyong kilala ko.." pansin ni Ate Kams kay Kim nung bumaba na si Kim galing sa kuwarto niya.. 

Napapangiti lang naman si Kim..

"Love is in the air!!!.." pagbibiro ng Kuya William niya.. 

Hindi nalang pinansin ni Kim ang mga pang-aasar ng mga kapatid niya.. "Maliligo muna ako, may storycon mamaya..." paalam ni Kim.. 

"Movie then another teleserye?!?.. Ate mag-tira ka naman.." pagbibiro ni JP.. 

Natawa nalang si Kim.. "Magpasalamat nalang tayo sa lahat ng blessings.." nangingiting ani ni Kim.. 

"God is good talaga!!!." pagsang-ayon ng Kuya William niya.. 

"Oh sige na maligo ka na at baka ma-late ka..."
banggit ni Ate Kams.. 

Tumango tango lang naman si Kim pagkatapos ay tumungo na sa kuwarto niya at naligo na... 

Si Simon naman ay hindi pa rin makapaniwala na girlfriend na niya si Kim... 

Kahit na halos apat na oras lang nakatulog si Simon dahil sa madaling araw na nagsi-uwian ang mga friends niya ay ang hyper hyper pa rin niya at hindi pa rin naalis ang mga ngiti sa kaniyang mga labi..

Aminin man niya o hindi, alam niya sa sarili niya na kay Kim niya lang naramdaman ang ganoon... Oo marami na rin siyang naging girlfriend pero never siya naging ganun kaseryoso sa mga ito...

Simon Atkins @19simonatkins
Last night was great... 


Donna Cortez @donskie_21
Belated Happy Birthday!!!.. Sayang hindi kami nakapunta.. Nabasa ko nga pala ung pm mo.. CONGRATS!!!... :D


Tweet ni Donna kay Simon.. Si Donna ay isa sa mga naging bridge noon sa kanila ni Kim... Alam na rin ng mga ito na sila na, nagprivate message kasi si Simon sa kanila.. 

"Mom, alis na ako..." paalam ni Simon kay Elena.. 

"Saan ka pupunta?!?.." tanong nito.. 

Ngumiti lang si Simon pagkatapos ay umalis na..

Si Kim naman ay papunta na ng ABS-CBN kasama si Ate Porchia.. Iyong costumized van niya ang ginamit nila papunta doon.. 

Nung makarating sila sa ABS-CBN compound sinabihan niya si Mang Bert na huwag na siyang hinatayin at sasabay nalang siya kay Matteo dahil pupunta ito sa taping ng teleserye ni Maja na "Lumayo ka man sa akin"... Excited na rin kasi siyang ipaalam dito na hindi na siya single!!!..

Pumasok sina Kim at Porchia sa isang conference room, naroroon na sina Xian at Gerald na magiging leading men niya sa project na iyon.. 

Naroroon na lahat ng castat puro mga Veteran actors at actresses ang mga makakasama nila..

Parang "Tayong Dalawa" rin ang dating ng teleserye may pagka-Action, Drama at Romance... 

Dahil sa may mga kilig-kilig din hindi maiiwasang may kissing scenes iyon.. 

Kissing Scenes?!? tanong ni Kim sa sarili.. Si Simon kaagad ang pumasok sa isip niya...

"Kim may problema ba sa sinabi ko?!?.." tanong ng Direktor nung mapansin niyang hindi ma-ipinta ang mukha ni Kim.. 

"Ahmmmm... Wala! wala!" sagot nalang ni Kim.. 

Tumagal din ng isang oras ang storycon.. 

"Kim, tara lunch tayo.." paanyaya ni Xian kay Kim nung nakalabas na sila ng Conference room.. 

"Thanks but no thanks.." sagot ni Kim.. 

"Bakit naman?!?.." tanong ni Xian.. 

"Pupuntahan ko kasi si Mah Friend.." nangingiting sagot ni Kim.. 

"Kim let's go?!?.." tanong ni Matteo habang papalapit sa kanila may hawak hawak na isang buoquet ng bulaklak..

Ngumiti lang si Kim bilang pagsangayon...

"Sige mauuna na kami.." paalam nila Kim at Matteo... 

Iniabot ni Matteo kay Kim ang hawak niyang buoquet ng bulaklak habang naglalakad sila pababa ng ABS-CBN..

Ang akala yata ni Kim ay ipinahawak lang sa kaniya ni Matteo iyong buoquet ng bulaklak nagulat nalang siya nung may makita siyang envelop at pangalan niya ang nakasulat... "Hoy, Matteo ano 'to?!?.." tanong ni Kim habang papasok sila sa elevator.. 

"Paano mo malalaman kung hindi mo bubuksan?!?.." nangingiting sagot ni Matteo.. 

Binuksan naman iyon kaagad ni Kim at binasa... I Love You, Princess... 


Napangiti si Kim nung mabasa iyon at si Simon nanaman ang unang pumasok sa isipan niya.. 

"Anong ginagawa niyan dito?!?.." tanong ni Kim nung makita niya ang Nissan na sasakyan niya nung nasa Parking lot na sila... 

Iniabot ni Matteo ang susi nito.. "Convoy nalang tayo.." pagkasabi nito ni Matteo binuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya.. 

"Uy, pero pano napunta dito ito?!? Sino nagdala nito dito?!?.." nag-iisip na tanong ni Kim..

Napangiti lang naman si Matteo pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan niya... 

Nagtaas balikat nalang si Kim.. Una niyang ipinasok ang buoquet pagkatapos ay pumasok na rin siya..


Ibinaba ni Matteo ang window ng sasakyan niya at sumenyas kay Kim na mauuna na siya at sumunod nalang daw siya.. 

Tumango lang naman si Kim... 

Pinaandar na rin ni Kim ang sasakyan niya nung biglang may hangin na parang dumaan sa leeg niya galing sa backseat... Nagtaka siya dahil hindi naman nakabukas ang mga window kaya napalingon siya sa may backseat at nakita niya si Simon na nakangiti.. 

"Anong ginagawa mo dito?!?... Don't tell me ikaw nagdala nitong sasakyan?!?.. Eh iyong sasakyan mo, nasaan?!? Baka may nakakita sayo?!?.." hindi mapakaling tanong ni Kim.. 

Natawa si Simon pagkatapos ay lumipat sa may frontseat.. 

"Wala, walang nakakita sa akin..." nangingiting sagot ni Simon.. "Iniwan ko sa bahay mo iyong car ko then ako na nag-drive nito papunta dito.." pataas taas kilay na sambit pa ni Simon...

Kumunot ang noo ni Kim... "Ang kulit mo sobra..."

"Kaya nga nagustuhan mo ako diba?!?.." nangingiting ani ni Simon.. 

Naiiling-iling si Kim sabay tawa... "Sa taping muna tayo ni Maja ah?!?.." banggit ni Kim pagkatapos ay tuluyan na silang umalis sa ABS-CBN compound... 

"San mo gusto pumunta mamaya?!?.." tanong ni Simon.. 

Nagtaas balikat si Kim... 

Nag-isip si Simon kung saan pwedeng pumunta na walang makakakita sila pero wala siyang maiisip.. Saan bang parte ng Maynila na walang ganoon karaming tao?!?.. 

"Sa bahay nalang tayo para safe..." sambit ni Kim.. 

Ngumiti lang naman si Simon bilang pagsangayon.. Okay lang naman sa kaniya kahit saan basta kasama niya si Kim okay lang...

Nung nasa taping na sila, naku andaming fans na sumalubong sa sasakyan ni Kim.. Buti nalang at black tinted ang salamin ng sasakyan niya... 

Thank God at biglang dumating si Matteo at pinaalis sandali ang mga fans... 



"Look who's here!!!..." taas kilay na banggit ni Maja nung makita niya sina Kim at Simon na pumasok sa tent nakaholding hands pa... 

"Mah Friend wait nga... Tama ba iyong naiisip ko?!" tanong ni Maja..

Hindi sumagot si Kim pero mababasa mo sa kaniyang mga mata ang kasagutan. 

"Kailan pa?!?.." tanong ni Maja... Abot tenga ang ngiti nito... 

"Kahapon lang.." sagot ni Kim.. 

Bigla nalang nagtitili si Maja na ikinabulabog ng mga staffs at direktor sa set... Buti nalang at alerto si Matteo na lumabas kaagad para sabihan ang mga staffs na huwag mag-alala... 

"Mah friend ang ingay mo..." ani ni Kim.. 

"Ayyy.. Bakit hindi pa ba alam ng management?!?.." tanong ni Maja.. 

Nagtinginan si Kim at Simon na sabay umiling-iling... 

Biglang niyakap ni Maja si Kim.. "Ano ba!! Okay lang iyan... Remember ganiyan din kami ni Matteo dati.." sagot nito.. "Uy, atsaka ikaw Simon ha!!.. Huwag mo itong paiiyakin ha?!?.." biglang pag-iiba ni Maja sa usapan... 

Natawa si Simon.. "Never!!!.." 

"Good Boy!!!.. (muling napatingin kay Kim) at ikaw mah friend sa susunod huwag kang sumasabog pabigla-bigla katulad nung ginawa mo sa Araneta last Saturday may pasigaw-sigaw ka pa ng Atkins gago ka!!! Kung alam mo lang mahal kita... Asusss!!!..." 

Napangiti si Simon sa narinig niya... "I knew it!!!.."

Napasulyap si Kim kay Simon at namula.. "Narinig mo iyon?!?.." nahihiyang tanong ni Kim.. 

"Of course!!!.. Lakas lakas nga eh.." 

Kinurot ni Maja si Kim sa tagiliran... "Ito naman kung kelan naging kayo dun ka pa nahiya.."

Maya-maya ay muling pumasok si Matteo may dalang mga pagkain.. 

Sabay-sabay silang nag-lunch... 

"Musta storycon niyo?!?..." tanong ni Maja.. 

"Okay lang naman... Sina Xian at Gerald leading men ko.." sagot ni Kim... 

"ohhhhhhhh!!!..." reaksiyon nalang ni Maja.. 

"Kayo nalang muna kumain.." sambit ni Kim.. 

Napatingin si Simon sa kaniya... "Ayaw mo kumain?!?.."

"Wala akong gana.." sagot ni Kim..

"Baka naman magkasakit ka niyan.." pangaral ni Simon.. 

Nakatingin lang naman sina Matteo at Maja sa kanila... Nakaka-relate sila... Parang ganun din sila noon.. 

"Ihhhh!!! Baka kasi kapag kumain ako maduwal pa ako..." sagot ni Kim.. 

"Ganyan talaga kapag stress at..........in love hindi makakain ng maayos..." pagbibiro ni Maja.. 

Natawa si Kim... "Loka! loka! ka talaga..." 


Kumain na sila pero si Kim ay pinapanood lang sila kumain... 

"Magtatagal pa ba kayo dito?!?.." tanong ni Maja..


Tumango-tango lang si Kim.. 

"Kim hindi sa pinapaalis ko kayo ha, kaya lang papunta na si Mr. M dito eh bibisita daw, ito ung text oh basahin mo (sabay abot sa phone.)" banggit ni Maja.. 

Kinuha naman iyon ni Kim at binasa... Nung mabasa niya iyon wala siya  sa sariling hinila si Simon palabas ng tent buti nalang at walang nakakita sa kanilang mga fans kundi patay, halos hindi na nga sila nakapag-paalam ng maayos kina Maja at Matteo sa pagmamadali dahil baka maabutan sila ni Mr. M, hindi pa siya handang umamin....

"Kanina ko pa nahahalata hindi ka umiimik..." pansin ni Kim kay Simon nung medyo nakalayo na sila.. 

"Si Xian at Gerald pala leading men mo sa next teleserye mo?!?.."  sagot ni Simon... 

Napabuntong hininga si Kim.. "Nagseselos ka?!?.." tanong ni Kim.. 

"Of course!!!.." walang alinlangang sagot ni Simon..  

Natawa si Kim habang nagda-drive...

"What's funny?!?.." kunot noong tanong ni Simon.. 

Mas lalong natawa si Kim.. "Para kang bata... Ano ka ba, friends lang kami nila Xian at Gerald huwag ka mag-selos..." 

"Wala ka kasing alam..." sagot ni Simon.. Alam naman ni Simon na may feelings pa rin si Gerald kay Kim nasabi balak nga niya makipag love triangle diba?!?.. 

Nagtaka si Kim.. "Ha?!?.. Ano pino-point mo?!?.." 

Hindi sumagot si Simon... 

"Uy ano?!?.." pangungulit ni Kim... 

"He still in love with you..." sagot ni Simon... 

"Alam mo?!?.." tanong ni Kim pagkatapos ay napa-preno at iginilid ang sasakyan... 

"Oo, remember nung pumunta ako sa taping ng movie niyo?!?.. Iyong bigla akong umalis?!?.." pagpapaalala ni Simon.. 

"Nag-usap na kami ni Gerald nung nasa Boracay pa kami... Sinabi ko na sa kaniya na hanggang mag-kaibigan nalang kami (hinawakan ang kamay ni Simon) ikaw naman mahal ko eh.." sagot ni Kim....

Napangiti si Simon.. 

"Okay na?!?.." tanong ni Kim.. 

Kinindatan lang ni Simon si Kim... 




Itutuloy......

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(