Perfect Two 6

Perfect Two

Pauwi na sina Kim at JP. Katatapos lang ng game. Sina Simon ang panalo.

Nakasakay na sina Kim at JP sa kanilang sasakyan. Palabas na sina ng parking area ng magsalita si Kim.

"Close na close yata kayo?"

"Sino?" tanong ni JP habang naka-concentrate sa pagda-drive.

"Alam mo na kung sino iyong!" hindi alam ni Kim kung bakit hindi niya mabanggit banggit ang pangalan ni Simon.

"Sino nga?" nang-aasar na tanong ni JP kahit alam niya kung sino ang tinutukoy ni Kim.

"Si Simon," pasigaw na sabi ni Kim.

"Ate, huwag kang sumigaw." sumigaw rin ito.

"Ano nga? Bakit close na close kayo? Kung mag-tawanan kayo, parang parang kilalang kilala mo siya." curious na tanong ni Kim.

"Naa-alala mo pa naman siguro 'yong nangyari dati sa ASAP, nung nag-paalam si Kuya Gerald?"

Tumango lang si Kim.

"Diba pinapunta mo si Kuya Simon sa studio. Tapos sinabi mong wag ka na niyang i-text o tawagan!" paliwanag ni JP.

Binalikan ni Kim ang mga nangyari sa kanila ni Simon noon. Na-guilty siya, naisip niyang nag-over react siya. Halos hindi naman niya alam kung bakit aalis si Simon pero umasta siya ng ganun.

"Tapos nalaman ni Papa 'yong ginawa mo. Sinabi ni Ate Kam sa kanya. Inutusan ako ni Papa na puntahan si Kuya para mag-sorry, buti nga naabutan ko pa siya dati sa airport." paliwanag ni JP.

"Tapos?" tanong ni Kim.

"Kasi aalis na sila noon eh, hindi na kami puwedeng mag-kwentuhan dahil magche-check in pa sila. Kaya binigay ko nalang calling card ko.."

"Kailan pala siya bumalik dito sa Pilipinas?" tanong ni Kim.

"Umuwi siya last week. Nagulat nga ako nung tumawag siya sa akin na sunduin ko daw siya sa NAIA. Walang nakakaalam na umuwi siya."

"Ah, ganun ba?" 'yon nalang nasabi ni Kim.

"Infairness, kay kuya. 19 ang jersey number niya."

Ngumiti nalang si Kim.

 

--------------------------------------------------------------------------------------------

 

Pauwi na rin si Simon.

"Ang ganda pa rin niya," nakangiting sinabi ni Simon habang nagmamaneho siya pauwi.

Nag-ring ang phone niya. Mommy niya ang caller.

"Anak, asan ka na? Dito ka ba kakain sa bahay?" tanong ng Mommy ni Simon.

"Yes, Mom. Malapit na ako. Sige po at nagmamaneho ako."

"O, sige bye... Ingat ka."

Ibinaba na ni Simon ang phone at saka nag-concentrate sa pagda-drive.

 

"Mom, I'm here na," masayang sinabi ni Simon pagkapasok sa bahay.

"Kuya," tumakbo ang kapatid ni Simon at yumakap sa kanya. "I miss you, Kuya."

"Kailan ka bumalik galing America??" yumakap si Simon sa kapatid niya.

"Yesterday."kumawala ito sa yakap ni Simon.

"Bakit hindi ka nag-sabi?"

"It's okay. I know naman na you're busy."

"Claire and Simon kain na." tawag ng Mom nila na nasa dining area.

Nagku-kuwentuhan sila habang kumakain ng dinner.

"Congratulations nga pala. Nanalo kayo, diba?" masayang bati ng Mom niya.

"Yes, thank you."

"Inspire kasi, Mom." nang-aasar na sabi ni Claire.

"Did you invite her?" ngingiti-ngiting tanong ng dad ni Simon.

"Sino?" nakataas ang kilay na tanong ni Simon.

"Who else? You're Beautiful Princess. Si Kim." sabad ni Claire.

"No, I didn't invite her." pagkakaila ni Simon at totoo naman na hindi niya ininvite si Kim.

"Talaga lang, ha?" pang-aasar ni Claire.

"Oo, nga eh. Si JP lang ang ininvite ko, hindi ko alam na manonood din pala siya." paliwanag  ni Simon.

"You don't have to explain, my dear." sabi ng mom ni Simon pero nasa tinig nito ang pang-aasar.

"Ano ba yan, pagtutulungan niyo nanaman ba ako?. I didn't invite her, okay?" tumayo si Simon at naglakad papuntang sala.

"Walk out?" pahabol pa ni Claire.

"Tseee!!" pang-iisnub ni Simon.

Nagkatawanan sina Claire sa harap ng hapagkainan.

Tinapos na rin ni Claire ang pag-kain niya at saka sumunod kay Simon sa sala.

"You still love her, right?" seryosong tanong ni Claire. Naupo ito sa tabi ni Simon.

Humarap si Simon kay Claire. "Sino?" tanong ni Simon kahit alam niya kung sino ang tinutukoy ng sister niya.

"Si Kim." seryosong sagot ni Claire.

Tahimik lang si Simon.

"Kuya, kahit hindi mo aminin, alam kong hindi mo lang siya gusto, you love her." sabi ni Claire.

"Yes, you're right. I love her pero siya mahal niya ba ako?" tanong ni Simon kay Claire.

Ngumiti si Claire. "Paano mo malalaman kung hindi mo siya tatanungin."

"eh, kasi--"

"Kasi ano? Kasi nato-torpe ka?" putol ni Claire sa sasabihin ni Simon.

"Torpe naman talaga ako."

"Kuya, walang taong torpe. Pagdating sa Love lahat tayo pantay-pantay, lahat tayo nasasaktan, iniiwan, at umiiyak. Ipakita mo sa mga tao na hindi mo siya ginagamit for publicity. Ipakita mo na she's important, na mahal mo siya. Kuya, walang excuses ang love. If you love her, gawin mo lahat, to make her happy. Kung kailangan mong maging P.A. niya gawin mo."

"Ano gagawin ko?" tanong ni Simon.

Napahawak sa noo si Claire at saka tumawa ng malakas. "Kuya, walang hindi nagagawa ang Love.. Iyong iba nga diyan nakakapatay ng tao dahil lang sa pag-ibig. Ikaw nalang dumiskarte, kailangan mo rin, matutong manligaw hindi iyong babae ang manliligaw sayo, ibahin mo si Kim sa mga ex mo..."

Tumingin si Simon kay Claire. "May boyfriend ka na ba? Bakit ang dami mo ng alam?" tanong nito.

Ayaw pa ni Simon magka-boyfriend si Claire. Kung sakaling may manligaw man sa kanya ang gusto niya ay, sa bahay siya magpapaligaw hindi kung saan saan.

"Kuya, matutulog na ako, pagod na ako, eh." pag-iwas ni Claire sa tanong ni Simon.

"Oh, sige."

Tumayo na si Claire at saka humalik sa pisngi ni Simon. "Pati, ikaw kuya. Matulog ka na rin. I know you're also tired."

Tumango lang si Simon.

Si Simon nalang ang tao sa sala, nakapatay na rin ang ilaw sa kusina at sala. Tanging ang ilaw nalang ng TV ang umiilaw sa paligid niya.

Napatingin si Simon sa phone niya. "Alas dose na pala. Matutulog na ako." sabi ni Simon sa sarili.

Pinatay na nito ang TV at tanging ang ilaw ng iphone niya ang umiilaw sa daanan niya.

"Tama si Claire. Wala taong torpe. Hindi ako torpe papatunayan ko iyan," aakyat na sana si Simon sa hagdanan ng biglang may magsalita sa likuran niya.

"Hindi ka torpe, hijo."

Napalingon si Simon at hinanap ang pinanggalingan ng boses. Inilawan niya ang paligid gamit ang iphone niya.

"Sino 'yan?" nanginginig ang boses ni Simon. "Claire, please. Huwag kang mag-joke ng ganito."

"Matulog ka na. Pasado alas-dose oh."

Napamura si Simon ng may makita siyang isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok.

"White Lady?" mahinang sabi ni Simon at saka nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Halos madapa siya sa sobrang pagmamadali at takot.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(