Perfect Two 32

Perfect Two

Linggo ng umaga sa bahay nila Simon... Ang ganda ganda ng gising niya... 

"Hi Mom!!!.." masiglang bati ni Simon kay Elena sabay yakap dito.. 

Nasa hardin sa mga oras na iyon si Elena nagdidilig ng mga halaman... 

"Happy Birthday!!!.." bati ni Elena sabay halik sa pisngi ng anak... "Ang hyper mo yata ngayon?!?..." dagdag pa nito.. 

Nangiti si Simon.. "Mom naman.. Masama maging happy?!?.." nangingiting tanong ni Simon... "What time pala kayo dumating last night?!?.." dagdag tanong pa ni Simon.. 


"Kaninang 5am lang kami dumating..." sagot ni Elena... "Eh ikaw yata ang tinanghali ng gising.. Alas nuwebe na oh.." banggit ni Elena.. 

Nangiti si Simon.. "Ang gulo kasi ng isip ko eh..." sabay buntong hininga.. 

"Mom alis muna kami ni Raezen..." paalam ni Claire.. 

"Oh san kayo pupunta?!?.." tanong ni Elena... 

"Ehhhh!!!... Basta Tita.. May bibilhin lang kaming isang big big big gift for Kuya..."  sagot ni Raezen... 

"Uyyy Raezen... Nabibili ba iyon?!?.. I don't think so..." nag-iisip na tanong ni Claire.. 

"Hindi mo talaga mabibili ang tiwala nun... Kaya bago pa magbago ang isip nun tara na!!!...." natatawang banggit ni Raezen... 

Tila na-intriga yata si Simon.. "Ano nanaman trip niyong dalawa?!?.." tanong ni Simon... 

Nagngitian sina Claire at Raezen... "Just wait and see!!!... Hintayin mo nalang kami.." banggit ni Claire pagkatapos ay umalis na sila... 

"Uyyy.. Na-invite ko nga pala sina Pilar pati iyong iba mo pang friends..." nangingiting sambit ni Elena.. 

"Na-invite niyo na pala lahat eh..." natatawang sagot ni Simon... 

Maya-maya ay pumasok na sila sa bahay at si Elena naman ay nagumpisa na rin sa pagluluto... Marami-rami rin ang mga na-imbitahan niyang friends ni Simon... 

Si Simon naman ay tumungo sa entertainment area nang bahay nila at naging busy uli sa Twitter at BBM... Sinubukan niyang imbitahan sana sina Donna, Mae at Haidz ng Kim_World kya lang busy ang mga ito... Si JP naman na kapatid ni Kim hindi rin sigurado kung pupunta.. 

Simon Atkins @19simonatkins
Getting older... 


Tweet niya.. Hindi pa man nakakapag-tweet si Simon, dagsaan na ang mga greetings sa kaniya.. 

Simon Valencia @therealsimonV 
Bro!!!.. Happy Birthday!!!.. See you later...


Gustong-gusto ni Simon pasalamatan lahat ng nagtweet sa kaniya pero hindi naman niya magawa... 

Simon Atkins @19simonatkins 
Thank you guys for all the birthday greetings.. :))


Pasasalamat ni Simon...

Sina Claire at Raezen naman ay pumunta sa bahay nila Kim... Ininvite din kasi siya ng mga ito... 

"Ohhh.. Ang aga niyo yata?!?.." tanong ni Kim nung makababa ito galing sa kuwarto niya.. 

"Ehhh... Iba kasi kapag nasa bahay..." nangingiting sambit ni Claire.. 

Pinaupo ni Kim sina claire sa may sala... Maya-maya ay sumunod na rin si JP sa sala may dalang mga pagkain.. 

"Kain muna kayo.." paanyaya ni JP..

"Salamat.." sabay na sinabi ni Claire at Raezen.. 

"Nagulat nalang ako kaninang madaling araw nung bigla kang tumawag..." nangingiting sambit ni Claire..

Tinawagan kasi ni Kim si Claire kaninang madaling araw... Pabalik na ng Maynila sina Claire nung tawagan niya ito na sana tulungan siya na i-set up sila ni Simon para makapag-usap...

"Siguro it's the right time na rin para kausapin ko Kuya niyo... Ang hirap kasi ng ganito eh..." sambit ni Kim.. 

Hindi maiwasan ni Raezen ang mapangiti at kiligin!!!... Bakit ba siya kinikilig?!?... "Parang may something na mangyayari!!!... Hindi ko knows iyon pero ay ewan!!!..." naguguluhang ani ni Raezen... 

Natawa si Kim.. "Ohh sige iwan ko muna kayo dito at maliligo muna ako baka kasi ma-traffic tayo..." paalam ni Kim pagkatapos ay tumungo na siya sa kuwarto niya at naligo... 

"Ang laki lang ng pagkakahawig ng bahay ni Ate Kim sa bahay ni Kuya sa Tagaytay..." pansin ni Raezen habang inililibot ang paningin sa looban ng bahay... 

"Kaya nga..." nangingiting pagsangayon ni Claire.. 

Wala pang nakakaalam na bumalik na ng Maynila si Kim ang mga malalapit lang sa kaniya ang nakaka-alam... Maging ang management ay hindi alam na bumalik na siya... Naisipan ni Kim na wag muna ipagsabi dahil baka kasi kontrahin nanaman siya ng mga ito sa mga lakad niya...

Halos tumatagal si Kim ng isang oras sa pagligo pero dahil may naghihintay sa kaniya nahiya naman siyang paghintayin ang mga ito kaya binilisan niya ang pagligo... 

Nagpatuyo si Kim ng buhok at hindi na naglagay ng kung ano ano pang make up sa mukha naglagay lang siya ng kunting lip gloss.. Naka-shirt siya ng white at naka-cardigan ng grey, naka-wedges... 

Hindi nagtagal bumaba na si Kim sa sala.... "Tara na!!!" paanyaya niya kaagad... 

Tumayo na rin sina Claire at Raezen... 

Alas dos na ng tanghali nung makarating sina Kim sa bahay nila..

Medyo natagalan sila dahil sa haba ng traffic!!!.. Well, hapon naman ang birthday celebration ni Simon mga 4 oclock ng hapon siguro magdadatingan ang mga relatives at friends nito.. 

Nasa kuwarto si Simon.. Sina Tita Juvy naman at iba pang pinsan at Tita ni Simon ay nasa kusina busy sa pagluluto.. Nagulat ang mga ito nung makita nila si Kim pumasok sa kusina, hindi kasi nila na pupunta siya... 

"Nag-lunch ka na?!?.." tanong kaagad ni Elena.. 

"Ay, hindi na po mamaya nalang ako..." nangingiting sagot ni Kim... "Si Simon nga po pala?!?.." tanong ni Kim.. 

"Nasa taas.. Hindi ko alam kung anong pinag-gagawa pero nauna na iyon kumain kanina... Ikaw tara sabayan mo nalang kami..." paanyaya ni Elena.. 

"Hindi na po.. Mamaya nalang.. Hindi pa naman po ako ganun kagutom.." ani ni Kim..

"Ikaw bahala.. Pero kapag nagutom ka maraming pagkain dito ha?!?.." banggit nito..

Nangiti lang naman si Kim.. 

"Ate tara muna sa kuwarto ko..." paanyaya ni Claire..

Sumunod lang naman siya kay Claire..

"Claire, ihatid mo nga lang ito oh sa Tita mo..." utos ni Elena... 

"Ate Kim mauna ka nalang sa kuwarto.." banggit ni Claire..

Tumango lang naman si Kim at nauna na sa itaas.. Bawat hakbang niya sa hagdan ganun nalang ang pagkabog ng dibdib niya.. Para siyang malalagutan ng hininga sa kaba.. Hindi niya alam kung bakit at paano.. Siguro dahil baka makasalubong niya si Simon?!?... 

May tatlong kuwarto sa taas.. Alam naman niya iyong kuwarto ni Simon mismong sa tapat ng hagdanan ang pinto nito tapo sa right side naman ang kuwarto ni Elena at Alan... Ang kuwarto naman ni Claire ay mismong tabi lang ng kuwarto ng kanilang Mom and Dad.. 

Papasok na sana si Kim sa kuwarto ni Claire pero bigla siyang na-intriga na pumasok sa kuwarto nila Elena at hindi niya alam kung bakit... Nung makapasok siya nakita niya iyong mga pictures ni Simon nung bata pa ito sa may side table ng kama.. Ang laki-laki lang ng mga pisngi nito at gustong gusto niyang kurutin..

Napapangiti naman si Kim habang tinitignan ang mga iyon nung biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.. Nagulat nalang sya kaya bigla siyang napaharap sa may pintuan...

Biglang napalunok si Kim nung bigla niyang nakita si Simon nakatopless... Parang nawalan ng hangin ang paligid at hindi siya makahinga, gusto niyang mahimatay nalang... Nanginginig ang tuhod niya... 

Nung matauhan si Kim dun siya nag-iwas ng tingin... "Ahmmm..." nanginginig na boses na banggit ni Kim sabay kamot sa batok.. 

"Anong ginagawa mo dito?!?.." tanong ni Simon.. 

Hindi alam ni Kim kung anong isasagot niya... Para siyang pusa na hindi mapaanak... 

"I said what are you doing here?!?.." tanong ulit ni Simon.. 

Tumalikod si Kim at sinampal-sampal ang sarili... Kim gumising ka please lang!!!... nanginginig na banggit ni Kim sa sarili... Hindi niya alam kung paano haharapin si Simon.. Hindi pala ganun kadali... Huminga ng malalim si Kim... Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Relax Kim... pagpapakalma ni Kim sa sarili... 

Napahawak si Kim sa tapat ng dibdib niya, ang bilis kumabog nito, parang sasabog sa sobrang lakas... 

Haharapin na sana niya si Simon pero bago pa niya ito maharap, naramdaman niyang naglakad papalapit si Simon sa kaniya at niyakap siya patalikod..

"I miss you!!!..." bulong ni Simon malapit sa tainga niya... 

Nangilid ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata...

"I love you Kim.." sambit ni Simon.. 

Hindi alam ni Kim ang nararamdaman niya, para siyang hinihele sa hangin... 

"I love you! I love you! I love you!" paulit ulit na ibinubulong ni Simon..

"Mahal din naman kita eh.." mahinang sagot ni Kim... 

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Simon nung marinig ang sinabi ni Kim.. 

Hinawakan nito ang magkabilaang balikat ni Kim at pinaharap sa kaniya... "Ulitin mo nga?!.." hindi makapaniwalang tanong ni Simon...

"Sabi ko mahal kita.." ulit ni Kim.. 

Napangiti si Simon.. "Ulitin mo nga ulit.."

"Mahal Kita!!!.." kagat labing sambit ni Kim.. 

"Hindi ko marinig!!!.." pangungulit ni Simon.. 

"Sabi ko Mahal kita!!!... Mahal..... na..... Mahal!!!..." pang-uulit ni Kim.. 

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim.. "So, tayo na?!?.." hindi mapakaling tanong ni Simon,,, 

Kagat labing tumango tango si Kim...

Halos mabulabog ang buong bahay sa pagsisigaw ni Simon... "Wala ng bawian?!?.." 

Umiling iling si Kim... 

"Girlfriend na kita at Boyfriend mo na ako?!?.." tanong ulit ni Simon.. 

"Oo nga!!! Tayo na!!!.." abot tenga na sagot ni Kim.. 

Biglang binuhat ni Simon si Kim dahil na rin siguro sa kasiyahan.... 

"Uy ano ba... Ibaba mo nga ako.." 

Ibinaba naman siya ni Simon.. 

Hinawakan siya ni Simon sa may beywang... "I love you!!!.." paglalambing ni Simon pagkatapos inilapit ang nose nito sa nose ni Kim... 

Nangingiti naman si Kim.. "I (kiss sa right cheek) love (left cheek) you..." 

Bigla siyang kinindatan ni Simon.. 

"Hoy, tigilan mo ako ha..." ani ni Kim.. 

Biglang naging seryoso ang mukha ni Simon.. Palapit ng palapit ang mukha nito sa mukha ni Kim hanggang sa dumampi na ang labi nito sa labi ni Kim... 

Itinali ni Kim  ang kamay niya sa leeg ni Simon at nakahawak naman si Simon sa beywang ni Kim.. Kung tutuusin ayaw na talaga bitawan ni Simon si Kim... 

"Ate Kim.." tawag ni Raezen sabay bukas sa pinto.. Pagkabukas ni Raezen ng pinto para siyang nabuhusan ng mainit na tubig dahil sa nakita niya.. "Oooopppssss!!! (sabay lunok)" reaction ni Raezen.. 

Siguro dahil sa nagulat si Kim natulak niya si Simon... 

"Ahmmm!!!..." hindi alam ni Kim ang sasabihin.. 

Pati si Raezen ay parang nailang.... "Ahhhmmm... Du-dumating na sisinaa Viitttoo..." nauutal na sambit ni Raezen... 

"Then?!?.." kakamot ulong tanong ni Simon.. 

"Mauuna na ako sa baba..." paalam kaagad ni Raezen pagkatapos ay nagtatakbo na pababa... 

"Nabigla yata natin si Raezen..." naiilang na ani ni Kim.. 

Lumapit si Simon sa kaniya.. "Tara na sa baba..." paanya nito.. 

Hinawakan siya nito sa kamay pababa na sana sila ng hagdan... "Hoy, baba ka ng ganiya?!?.." awat ni Kim... 

"Oh bakit?!?.." tanong ni Simon saba akbay kay Kim.. 

"Seryoso ka?!?.." utos ni Kim.. 

Biglang nang-agaw ng halik si Simon... 

"Uyyy!!!..." taas kilay na reaksiyon ni Kim sabay kurot kay Simon... "Mag-shirt ka nga!!!.." utos ni Kim.. 

"Opo.." sagot nalang ni Simon pagkatapos ay tumungo sa kuwarto niya at kumuha ng shirt... 

Sabay silang bumaba... Holding hands pa!!!... 

"Woooohooooooooooo!!!!..." reaksiyon ni Simon Valencia.. "Ganda naman ng pa-birthday mo Kim..." pabirong sambit ni Simon Valencia...

Natawa si Simon at Kim... 

Kahit naman hindi magsalita sina Kim at Simon makikita naman sa galaw nila na sila na...  

Hindi naman nagtagal nagsidatingan na ang iba pang mga kaibigan ni Simon... 

Halos hindi na mapaghiwalay si Kim at Simon... Kung saan pupunta iyong isa dapat kasama iyong isa.. Kulang na nga lang pati sa bagno magsama na rin sila..

"Simon, baka naman si Kim na ang iharap mo sa altar niyan..." pabirong sambit ni Charles.. 

"Kung pwede nga lang na dalhin na ung simbahan dito, gagawin ko..." banat ni Simon..

Piningot ni Kim ang tenga ni Simon... "Ang ano mo talaga.." natatawang reaksyon ni Kim.. 

Nagtatawanan lang sila.. Super close lang si Kim sa mga relatives at friends ni Simon... 

Gabi na rin pero andun pa rin sila sa bahay nila Simon at tila hindi nauubusan ng mga pagkukuwentuhan... 

Sina Kim at Simon naman ay nagkaroon ng sariling mundo sa may hardin... 

Nakaupo sila sa isang unique swing chair... 

"Sai," tawag ni Kim kay Simon..

"Oh?!?.." ani ni Simon habang hinahaplos nito ang buhok ni Kim.. 

"Okay lang ba sayo na ilihim muna natin?!?.." tanong ni Kim.. 

Napabuntong hininga si Simon... 

Sumandal si Kim sa dibdib ni Simon.. "Okay lang.."

"Hanggang kelan ba natin ililihim?!?.." tanong ni Simon.. 

"Hindi ko pa kasi alam pano sasabihin sa management... Siguro kapag showing na iyong movie?!?.." hindi siguradong sagot ni Kim.. 

"Okay! Okay!" pagsangayon na ni Simon.. 

Niyakap ni Kim si Simon.. "Thank You!!!..." 

"May lakad ka bukas?!?.." tanong ni Simon..

"Pupunta ako ng ABS eh.. Bakit?!?.." 

"Late na rin... Ihahatid na kita..." ani ni Simon...

"Hindi na.. Maya-maya andito na rin si Mang Bert.. Atsaka andami mong bisita tapos ako ang hinaharap mo dito.." nangangamot ulong sagot ni Kim..

"i think ayaw mo lang talaga magpahatid.." 

"Baliw!!! Hindi noh..." kontra ni Kim...

Natawa nalang si Simon... 

Maya-maya ay biglang tinawag ni Claire si Kim.. "Ate nandyan na sundo mo si Gerald.." pang-aagaw pansin ni Claire..

Nagsalubong ang kilay ni Simon.. "Kaya naman pala ayaw mong magpahatid kasi.."

"Joke lang Kuya!!!... Hahaha... Si Mang Bert ang nasa labas, hinihintay si Ate Kim..." pagbibiro ni Claire.. 

"Pano ba iyan uuwi na ako.." paalam ni Kim pagkatapos ay tumayo na.. 

Tumayo na rin si Simon... 

Nagpaalam na si Kim kina Elena at iba pang friend and relatives ni Simon... 

"Happy Birthday Simon.." bati ni Mang Bert nung nasa labas na sila.. 

"Salamat.." pasasalamat ni Simon...

Binuksan ni Kim ang costumize van niya.. 

"Oh wait lang.." awat ni Simon, pagkatapos ay sinilip ang loob ng van.. 

"Ano ba!!.. Wala diyan si Gerald.." natatawang ani ni Kim.. 

"Eh baka alam mo na.." nangangamot ulong sambit ni Simon.. 

"Sige na... Mauuna na kami... Bye happy birthday uli(sabay halik sa labi).." pagkatapos ay niyakap ni Kim si Simon ng pagkahigpit higpit.. 

Sumakay na si Kim sa costumized van niya.. 

"Mang Bert alagaan niyo ha?!?.." nangingiting paalala ni Simon.. 

"Syempre..." sagot naman ni Mang Bert...

Pinaandar na ni Mang Bert ang sasakyan atsaka tuluyan ng umalis.... 




Itutuloy....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(