Perfect Two 38

Perfect Two

 

Halos magwa-walong taon na ring magka-relasyon sina Kim at Simon, still strong pa rin and happy...

"Mah Friend san ka na?!?..." tanong ni Kim...

Nasa Araneta si Kim sa mga oras na iyon, kasama niya ang iba pang mga Star Magic Talents... Nagre-rehearse sila para sa gagawin nilang Flash Mob na gaganapin kinabukasan sa PBA Finals.. 

"Ito na papasok na nagpapark na ako... 3 minutes..." sagot ni Maja sa kabilang linya... Tumatakbo ito...

"Bilisan mo ha..." ani ni Kim pagkatapos ay pinatay na ang phone... 

"Nasan na daw siya?!?.." tanong ni Erich... 

"Nagpapark daw..." 

Hindi sila makapag-rehearse ng maayos dahil wala pa si Maja, siya kasi ang intro... 

Habang hinihintay nila si Maja ay, nagrehearse nalang muna sila ng ibang dance steps.. 

"Teacher Geo.... Game na!!!..." sigaw ni Maja, tumatakbo ito sa court palapit sa kanila..

Pumuwesto na ang ibang Artist... 

"Mah Friend.." bati ni Maja pagkatapos ay humalik kay Kim.. 

Ilang beses sila nagrehearse, nung una ay medyo magulo pero nung sumunod ay mas maayos na... 

Patapos na sina Kim nung dumating si Simon, doon niya lang naalala na may lakad pala sila pero dahil sa na-late si Maja ay medyo madi-delay ang lakad nila...

Nilapitan ni kaagad ni Kim si Simon nung matapos sila... 

"10 minutes lang.." banggit ni Kim..

Bigla siyang tinawag ni Teacher Georcelle... "Kim, sumama ka na.." 

"Ha ?!? Sigurado kayo?" tanong ni Kim...

"Sige na mah friend..." ani ni Maja.. 

"Sabi niyo ha na okay lang.." sago ni Kim.. 

"Oo nga..." sabay na sambit ni Erich at Melissa.. 

"Okay, ito na sasama na,... Relax lang..." nangingiting sambit ni Kim.. 

Ini-ayos na ni Kim ang kaniyang mga gamit.. 

"Akin na iyan.." ani ni Simon... Kinuha niya ang bag ni Kim.. 

Pumunta sila sa Shangrila para mag-lunch... 

"Sayang hindi kayo nakapasok sa finals this season.." sambit ni Kim nung patapos silang kumain.. 

Nangiti si Simon... 

"Manonood ka naman bukas diba?!?.." tanong ni Kim..

"Syempre.." ngingiti ngiting sagot ni Simon.. 

"Parang may iba..." pansin ni Kim sa ngiti ni Simon...

"Ha?!?.. Mas lalo bang naging pogi?!?.." pagbibiro ni Simon.. 

Hinawakan ni Kim ang chin ni Simon pagkatapos ay iginalaw pa-left and right... "Hmmmm... Slight lang... Slight.." natatawang sagot ni Kim... 

"Slight lang?!? tsk! tsk! tsk!" kunwaring nailing-iling si Simon... 

Natawa lang si Kim... 

"Tara na ihahatid na kita sa inyo..." ani ni Simon... 

Ngumuso si Kim, nakakunot noo... "Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?!?.."

"Bukas nalang..." sagot ni Simon.. 

"eh wala akong time bukas.." medyo inis na sambit ni Kim.. 

"Naiinis nanaman..." sambit ni Simon...

"Kasi naman..." ngunguso ngusong sambit ni Kim..

"Promise babawi ako sayo.. May bibilhin pa kasi ako..." paglalambing ni Simon..

"Sige na nga..." napipilitang sambit ni Kim.. 

Kinuha na ni Simon ang bag ni Kim pagkatapos ay umalis na sila sa kinainan nila..

Mas nauuna si Kim sa paglalakad dahil medyo naiinis siya... 

Medyo binilisan ni Simon ang paglalakad at sumabay kay Kim... Hinawakan nito ang kamay ni Kim.. "Sorry na.. Promise babawi ako.. May bibilhin lang.."

"Tara na.." sambit nalang ni Kim... 

Pagbubuksan sana ni Simon si Kim ng pinto ng sasakyan niya pero inunahan na siya ni Kim na buksan iyon para sa sarili..

Napalunok nalang si Simon alam niyang nagtatampo si Kim.... Lagi silang ganun pero alam niya naman kung paano amuhin si Kim kaya hinayaan nalang muna niyang magtampo ito...

-Mah Friend daan ka sa bahay... angry- text ni Kim kay Maja... 

Hindi rin naman nagtagal ay nag-reply na rin si Maja... -Sige, katatapos lang rin naman ng rehearsal.. Akala ko ba may lakad kayo ni Simon?..

-Basta punta ka sa bahay...-

-LQ?..- tanong nalang ni Maja.. 

-Wag na maraming tanong.. Mamaya ko nalang sayo iku-kuwento...- naiinis na reply ni Kim na halos tirisin na niya ung iphone sa sobrang inis... 

-Okay.. Dadaan kami ni Matteo...


Hindi na sumagot si Kim at pinaglaruan nalang iphone niya.... 




"Nakakainis siya..." pagku-kuwento ni Kim kina Maja at Matteo...

Nasa bahay na siya sa mga oras na iyon.. 

Nagtinginan lang sina Maja at Matteo..

"Wag nga kayong magtinginan ng ganyan mas naiinis ako eh..." ani ni Kim..

"Eh sa gusto namin magtitigan?!? Inggit ka noh?!?.." natatawang pagbibiro ni Maja..

"Tsk! Blah! Blah! Blah! Nakakainissssssssss..." gigil na sambit ni Kim...

"Ano ba kasi nangyari at naiinis ka?!?..." taas kilay na tanong ni Maja...

"Eh kasi naman, magyayaya siyang lumabas tapos, hindi rin naman pala matutuloy... Alam mo iyon?!? Nakakainiss..." 

"Eh ikaw ba?!? ilang beses ka na ba nag-cancel ng date niyo?!?.. once, twice, trice?!?" 

Napakagat labi si Kim... "Nakakainis naman!!!..." nagkamot sa batok.. 

"Ano?!?.. Naiinis ka pa?!?.." tanong pa ni Matteo..

"Grrrrr!!!" ginulo-gulo ang kaniyang buhok..

"Hindi ko alam kung naiinis 'to or nababaliw na..." pansin ni Maja..

"Kim.." agaw pansin ng kaniyang kasambahay... "Dumaan iyong kaibigan ni Simon... Ipinapaabot daw ito ni Simon oh...(iniabot ang bouquet ng bulaklak)"

"Ha?!? Sino?!?..." 

"Iyong si Mataba..." sagot nalang nito kasi hnd niya maalala kung sino...

Nagkibit balikat nalang si Kim... 

Hinablot ni Maja ang envelop at binasa nakasulat na envelop sa Bouquet at binasa iyon ng pagkalakas lakas.. "Sorry na... I love you..." 


"Akin na nga yan..." ani ni Kim pagkatapos ay kinuha ang envelop kay Maja at muling binasa... 

Inilabas ni Kim ang phone niya at tinawagan si Simon pero hindi ito sumasagot... 

Kahit paano ay humupa ang inis ni Kim kaya hinayaan niya nalang.. Naisip niya rin naman ang sinabi ni Maja sa kaniya... 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(