Perfect Two 3

Perfect Two

"Ang tagal niya ah, bawas pogi points ka sa akin ngayon." sabi ni Kim habang nakatingin sa kinaroroonan ni Simon.

Inip na inip na si Kim sa loob ng sasakyan. Kaya naman nag-isip siya ng puwede niya pagka-abalahan.

Inilibot ni Kim ang kanyang paningin sa loob ng sasakyan at humanga siya sa nakita. Ang linis ng sasakyan, hindi siya makapaniwala na isang lalaki ang nagmamay-ari ng sasakyan.

Ilang beses inilibot ni Kim ang kanyang paningin at naging agaw pansin ang isang malaking pink teddy bear sa backseat.

Mabilis na inabot ni Kim ang teddy Bear. "Wow, Ang cute. Para kanino kaya ito." libang na libang na si Kim sa teddy bear ng mapansin niyang may nakasabit na card sa kamay ng Pink Teddy Bear. Binasa ni Kim ang naka-sulat.

"Happy Birthday, Jasmine." nag-isip si Kim. "Sinong Jasmine?".

Naibato nalang ni Kim ang Bear ng mapansin niyang palapit na si Simon.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nataranta, nang makita niyang papalapit na si Simon na ngingiti-ngiti.

"!!! May killer smile siya."

Dahil sa sobrang katarantahan niya, naisipan nalang niyang magkunwaring may hinahanap sa loob ng dalang bag.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Simon ng makabalik sa sasakyan.

"Ah, Ano kasi, ah..." Gusto ng sapakin ni Kim ang kanyang sarili. Bakit ba siya natotolero?

"Are you okay?" tanong ni Simon.

"Don't worry, okay lang ako. Hindi ko kasi kanina mahanap itong cellphone ko," relax na sagot ni Kim.

Thank God. Nagpapasalamat siya, worth ang paga-acting workshop niya at nagawa niyang magsalita ng hindi nauutal.

"Nahanap mo ba?" tanong ni Simon.

"Oo, ito oh!" sabay pakita ng phone.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit madami kang endorsements." natatawang sinabi ni Simon. Mabilis na inabot ni Simon ang sports bag at ang pink teddy bear na basta nalang naihagis ni Kim sa backseat.

"Why, naman?" tanong ni Kim habang nakatingin sa hawak na bear ni Simon.. Iniisip ba niyang ibibigay iyon sa kanya ni Simon?

"Kasi ang galing mong magpa-cute. Well, i'm wrong kasi cute ka naman talaga, no need effort para magpa-cute,, and you're pretty,."

Sanay na si Kim masabihan ng cute or pretty. Pero bakit ganun? iba ang dating nang sabihin iyon ni Simon at kinikilig siya?

Nagulat si Kim ng biglang may ini-abot na towel si Simon.

Kinuha naman ni Kim ang ini-abot na towel. "Ano ito?" tanong ni Kim.

"Eh di, Ano pa? Eh di Towel!!" pamimilosopo ni Simon.

"Yeah, I know naman na towel ito. Pero aanhin ko ito?" tanong ni Kim.

"Pang harang para hindi ka mapansin," sagot ni Simon.

"Hindi ko ito kailangan. May scarf ako dito." binuksan na ni Kim ang bag niya. "Tanga, na kay ma friend ko 'yong scarf, binigay ko pala sa kanya kanina." napahawak sa noo si Kim at saka umiling-iling.

"Here oh, ito nalang gamitin mo." sabay abot ng towel.

Nandidiring inabot ni Kim ang towel. At tila napansin iyon ni Simon.

"Don't worry malinis 'yan. Ginamit ko lang naman 'yang pampunas ng pawis kanina," pag-amin ni Simon.

"Alam mo kadiri ka. Sinabi mo malinis tapos pinampunas mo pala ng pawis kanina." nandidiring itinaas ni Kim ang towel.

"Mas cute ka kung naiinis ka,"

Ngumiti lang si Kim. Habang nandidiri pa ring hawak ang towel.

"Mabango 'yan," sabi ni Simon. "Try mo amuyin,"

"Proud ka pa talaga ah," natatawang sabi ni Kim. Binuksan na ni Kim ang pinto sa frontseat.

"Uy, wait. Huwag mo na akong hintayin sa labas. Pumasok ka na sa loob." pahabol ni Simon.

"Wag mo akong iwan dito, ah," pagmamakaawang sinabi ni Kim.

"Don't worry. Ipa-park ko lang ng maayos itong sasakyan at baka masita tayo." pinaandar na ni Simon ang sasakyan.

"Promise, ah," isinara na ni Kim ang pinto ng sasakyan.

Naglakad na si Kim papasok, kung saan nagti-trainig sina Simon.

Nakatalukbong ng puting tuwalya si Kim, nagmukha tuloy siyang si Mary.

Agree si Kim sa sinabi nina Mae, Donna at Haids na kahit pawis na si Simon, mabango pa rin ito. Kanina pa niya inaamoy ang towel habang naglalakad.

Kinikilig si Kim sa amoy ng towel.

Papasok na si Kim ng biglang may humawak sa beywang niya.

"Bilis pasok na," sabi ni Simon. Habang nakahawak pa rin sa beywang ni Kim.

Nasa loob na sila ng i-abot ni Kim ang towel. Magsasalita pa sana si Simon kaya lang biglang dumating si Mang Jerry.

"Napatay ko na 'yong surveillance camera Simon."sabi ni Mang Jerry. Nagulat ito ng makita niya si Kim. "Kaya pala pinapatay mo iyong camera." nakangiting sabi ni  Mang Jerry.

Ngumiti si Kim. Na-appreciate niya iyong ginawang iyon ni Simon. At medyo naging comfortable siya dahil inuna nito ang kapakanan niya.

"Ay, oo nga pala. Pakibigay ito kay Jasmine." Sinabi ni Simon sabay abot ng Pink teddy Bear.

"Ano nanaman ito?" tanong ni Mang Jerry habang hawak ang Teddy Bear.

"Birthday ni Jasmine next week. Hindi ko alam kung maibibigay ko sa kanya ng personal.. Pupunta kasi ako ng U.K." paliwanag ni Simon.

Nagulat si Kim sa sinabi ni Simon. Wala siyang alam na aalis ito. Tumingin si Kim kay Simon na tila nagtatanong ang mga mata. Bakit wala siyang sinasabi sa akin na aalis siya? Iiwan din pala ako nito. nanlulumong sinasabi ni Kim sa kanyang sarili.

"Mag-i-start na ang PBA next week. Hindi ka ba mag-lalaro? Diba pasado ka sa trainings mo at pwede ka ng maglaro itong season na ito?" nagtatakang tanong ni Mang Jerry.

"Pwede naman sigurong next season nalang ako mag-laro. Naka-usap ko na rin naman si Coach. Okay lang naman daw."

"Gaano ka katagal doon? Sigurado mami-miss ka ni Jasmine,"

"1 week, 1 month, 1 year? I don't know. Gusto ko muna gamitin itong natapos ko then magba-basketball na ako.  Gusto ko muna patunayan na nagamit ko iyong napag-aralan ko." At kailangan ako ni Lolo ngayon, gusto pa sana idagdag ni Simon subalit hindi siya sanay mag-kuwento tungkol sa private life niya.

"Tama ka naman, sayang din ang napag-aralan mo kung hindi mo gagamitin." Ngumiti si mang Jerry kay Kim.

"Sige punta na kami ng Basketball court." paalam ni Simon. "Let's go Kim."

"Take me home." tumakbo si Kim palabas.

"Mang Jerry sandali lang,.. Thank you ulit, kung hindi kami bumalik dito paki-on nalang ulit iyong surveillance camera,,, salamat." mabilis na pagkakasabi ni Simon.

Tumango lang si Mang Jerry at tinapik siya sa likod. "Habulin mo bilis,"

"Kim, wait. Where are you going?" tumakbo na rin ito para habulin si Kim. "Are you crazy?" tanong ni Simon ng mahabol niya si Kim.

Nasa gitna sila ng parking area at hindi malayong may makakita sa kanila.

Nagpatuloy si Kim sa paglalakad at tila walang naririnig.

"Are you really crazy? tatakbo kang ganyan, hindi malayong may maka----"

"I don't care" putol ni Kim sa sasabihin ni Simon.

"What the hell? tell me, what have i done to you at bigla ka nalang tumatakbo?" pasigaw na sinabi ni Simon.

"Kailan mo balak sabihin sa akin na aalis ka? Kapag naka-alis ka na? pare-pareho kayong lahat..... Lahat kayo iniiwan ako... Ano bang mali sa akin at lagi nalang ako iniiwan ng mga tao sa paligid ko?" pasigaw na sinabi ni Kim.

"Don't say that. Nandito naman ako," mahinang sabi ni Simon.

"So, Bakit lahat kayo iniiwan ako?. Una si Mama, tapos si Papa, tapos si Gerald, tapos si Erich, then now pati ikaw rin?" humihikbing sabi ni Kim. "Si Maja, Angelica, mga kapatid ko at s-si L-lola nalang meron ako. Hindi naman ako makapaglabas nang saloobin ko sa mga kapatid ko dahil masiyado silang busy at ayaw kung alalahanin pa nila ang problema ko, ganoon din kina Maja at Angelica busy rin sila sa mga shows nila at private life nila, Ayaw ko namang maglabas ng sama ng loob kay Lola dahil ayaw kung maga-alala pa siya... Mas ayaw ko naman umiyak sa harap nina Ate haids, ayaw kung ipakita sa kanila na mahina ako." hindi na tumitigil sa pag-hikbi si Kim. "S-sayo nalang ako puwedeng tumakbo, pero pati  ba naman ikaw iiwan ako." hindi na mapigil ni Kim ang pag-tulo ng kanyang mga luha.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(