Perfect Two Chapter 15

Perfect Two

"Gerald...... Paano mo nagawa sa akin iyon?!?...... Ayoko na, Tama na......" sambit ni Kim....

"Kim, i'm sorry... Hindi ko naman ginusto iyong nangyari..... Nag-sawa na ako, iyon na siguro iyon, wala na tayong spark kaya, siguro naghanap ako at nahanap ko iyon kay Bea....." sagot ni Gerald....

"Tama na.... Ako na ang tatapos nito.... Ayaw ko ng magpaka-tanga sayo.... Ayoko na, Tama na, Tama naaaaa!!!....." sigaw ni Kim.....

"Kim, Kim, Kim!!!" gising ni Simon kay Kim.....

Nagising si Kim, nakita niya si Simon nasa tabi niya..... Yinakap niya ito ng mahigpit......

"Are you okay?!?..... Nananaginip ka....." hinaplos ni Simon si Kim sa mukha at muling niyakap si Kim.....

Hinihingal si Kim, nanginginig, hindi siya makahinga para siyang sinasakal........

"Okay ka lang?!?...... Gusto mo ng tubig?!?" tanong ni Simon kay Kim, na hindi pa rin mapakali.....

Tumango lang si Kim.....

"Manang Jenny, tubig nga......" utos ni Simon kay Manang Jenny....

Hindi pa rin mapakali si Kim......

Hindi pa nagtagal pumasok na sa kuwarto si Manang Jenny dala ang isang baso ng tubig.....

"Iwan, ko muna kayo......" sambit ni Manang Jenny ng mailapag nito ang baso sa may side table.......

Tumango lang si Simon.... Iniabot ni Simon ang baso kay Kim....

Uminom si Kim ng tubig.....

"Okay ka na?!?....." tanong ni Simon.....

Hindi alam ni Kim bigla siyang napaiyak.....

"Stop crying!!!" sambit ni Simon atsaka niyakap si Kim....

"Bakit ganun?!? Bakit bumabalik iyong mga nangyari dati?!? Kung kelan okay na ako, tsaka ulit babalik.... Ayaw ko na,, ang sakit!!!...." humihikbing sambit ni Kim habang nakayakap kay Simon.....

"Kim, look at me..." sambit ni Simon...

Tinitigan ni Kim si Simon sa mata...

"I'm here, okay?!? Don't worry.... Hangga't andito ako, hindi ka nila pwedeng saktan.... Kapag nasasaktan ka, doble iyong sakit na mararamdaman ko.... Stop crying please...." sambit ni Simon at muling niyakap si Kim....

"Thank You... Thank You...." pagpapasalamat ni Kim kay Simon habang kayakap ito....

Hinaplos ni Simon si Kim sa kanyang likod..... "Don't worry, i'm here...." sambit ni Simon.....

Kumawala si Kim sa pagkakayakap kay Simon,,....

Pinahid ni Simon ang mga luha sa pisngi ni Kim.... "Baba na tayo?!.... Nakahanda na iyong almusal sa baba...." sambit ni Simon atsaka tumayo na ito....

Hinawakan ni Kim si Simon sa kamay...

Napatingin si Simon kay Kim.... "Gusto mong kumain sa Garden?!?" tanong ni Simon, dahil ang akala niya iyon ang tatanungin ni Kim...

Napangiti si Kim.... "Hindi!!... Ito naman, mapapagod lang si Manang Jenny..... I just want to say Thank You,...." nangingiting sagot ni Kim....

Umupo ulit si Simon sa kama, sa tabi ni Kim hawak hawak ang kamay nito..... "Ayan ang gusto ko.... Makita lang kitang ngumiti, sapat na iyon bilang Thank You..... Bilis!!! Tayo na...." tumayo na si Simon sa pagkakaupo sa kama atsaka hinila si Kim patayo.....

Na-out of balance si Simon at ka-muntikan na sila matumba ni Kim.....

Halos magkalapit na ang mga mukha nila...... Eye to Eye....

Hinalikan ni Simon si Kim sa pisngi....

"Ikaw ah!!!..... Ang daya mo!!!.... Kakainis ka..... HMP!!!...." sambit ni Kim, naitulak niya si Simon....

Napahiga si Simon sa kama at biglang ngumuso...

"Oh bakit ka naka-nguso?!?" tanong ni Kim....

"Gusto mo bumawi sa ginawa ko?!?.... Kung gusto mo sa lips okay lang sa akin...." sambit ni Simon na parang nanga-asar....

Hinila ni Kim ang paa ni Simon at nahulog si Simon sa kama.... "Alis at ililigpit ko na itong pinagtulugan ko....." sambit ni Kim....

Tumayo si Simon sa pagkakahulog....

Nakaharap si Kim sa may kama nagtitiklop ng kumot at nasa likod niya naman si Simon.....

Lumapit si Simon sa likuran ni Kim at bumulong "I love you, Kimberly...." sabay halik ulit sa pisngi ni Kim..... Pagkahalik niya kay Kim nagtatatakbo siyang parang bata pababa ng hagdanan.....

"Ikaw ha!!!....." sambit ni Kim.... "Namimihasa ka na....." sigaw niya, kay Simon.... Ipinatong na ni Kim ang kumot sa kama.....

Napapangiti siya tuwing naiisip ang mga pinaggagawa ni Simon....

Biglang pumasok si Manang Jenny sa kuwarto.... "Okay ka naman na siguro ano, iba na ang mga ngiti mo eh?!?..... Masaya siya kasama diba?!?" sambit ni Manang Jenny kay Kim...

"Opo...." sagot nalang ni Kim...

"Ito nga pala iyong mga damit mo kagabi.... Nalabhan ko na,..." sambit ni Manang Jenny....

Ipinatong ni Manang Jenny ang mga damit sa may kama.....

"Salamat po.... Pakisabi kay Simon, mauna na siyang mag-almusal, maliligo lang ako sandali...." sambit ni Kim.....

Tumango lang si Manang Jenny atsaka nilisan ang kuwarto.....

Napapangiting pumasok ng bagno si Kim.... Napaharap sa salamin si Kim.... Hinaplos niya ang kanyang pisngi kung saan humalik si Simon at bigla siyang napatawa..... "Kimberly, nababaliw ka na.... Huwag kang tumawa mag-isa...." sambit ni Kim sa sarili.... "Baliw na nga ako at pati sarili ko, kinakausap ko...." natatawang sambit ni Kim at napailing-iling nalang......

Hindi nagtagal natapos naring maligo si Kim.... Bumaba siya sa sala at dumiretso sa kusina at nakita niyang nakapalit na rin si Simon, katatapos rin nitong maligo.....

"Saan ka kumuha ng damit mo?!?" tanong ni Kim kay Simon.....

"Remember?!? This is my house, Kim....." paalala ni Simon....

Natawa nalang si Kim.... "Oo nga pala.... Tara kain na tayo..."

Humarap na sila sa harap ng hapagkainan......

"Manang kain tayo..." paanyaya ni Kim kay Manang Jenny....

"Sige Kim, kanina pa kami tapos kumain..." sagot naman ni Manang Jenny....

"Kayo pong bahala....." napatingin si Kim kay Simon.....

"Is there a problem?!?.." tanong ni Simon....

Natawa si Kim.... "Ang kalat mo kumain.... Tignan mo oh, may kanin ka pa sa pisngi....." inalis ni Kim ang kanin sa pisngi ni Simon...

Nag-uusap si Simon at Kim habang kumakain....

"Ay, Sai....." sambit ni Kim...

"Yes?!?...." tanong ni Simon....

"Pwede mo ba akong samahan mamaya sa Mall of Asia?!?...." tanong ni Kim...

"Of course... Pero anong gagawin mo doon?!? Diba maraming tao doon?!?,.... Baka pagkaguluhan ka...." sambit ni Simon...

"Magdi-disguise naman ako..... May bibilhin lang ako... Tapos kapag nabili ko na pwede na tayong mag-gala kung may oras pa...." sagot ni Kim....

"Sige ba... Ikaw ba naman ang kasama ko.... Eh di tira tira....." biglang pumiyok si Simon.....

Natawa si Kim at nagmadaling sinalinan ng tubig ang baso ni Simon.... "Hinay hinay lang kasi oh....." iniabot ni Kim ang baso kay Simon..... "Lunukin mo muna iyang kinakain mo bago ka magsalita.... Para kang bata... Remember bawal magsalita kapag may laman pa ang bunganga...." paalala ni Kim kay Simon... Uminom ng tubig si Kim....

"Yes, po!!!" sagot ni Simon..... "Hindi na po mauulit,..."

"Good Boy..." sambit ni Kim....

"Hindi po ako aso,...."

"Oo na.... Tapusin na natin itong kinakain natin para maaga tayong makadating ng Maynila...." sambit ni Kim...

Nang matapos silang kumain hindi na tinawag ni Kim at Simon si Manang Jenny.... Sila na ang nag-ligpit ng kanilang mga pinagkainan.....

"Oh, ako na ang bahala sa mga pinagkainan nyo ha?!?" sambit ni Manang Jenny ng muli itong pumasok sa kusina, pero nagulat siya dahil nahugasan na ni Simon at Kim ang lahat.....

"Tapos na kami..." sambit ni Kim..... "Nahugasan na lahat ng napagkainan, nakapagwalis na rin ng kusina,,,,...." dagdag pa ni Kim...

Natawa si Manang Jenny....

Inakbayan ni Simon si Kim.... "We're the Perfect Two...." sambit ni Simon....

"Bagay na Bagay!!!" pagsangayon ni Manang Jenny.....

"Sige, iaayos ko lang iyong sasakyan at aalis na kami mamaya-maya...." sambit ni Simon.....

"Sama ako, Sai,,,,...." sinabi ni Kim....

"Let's Go...." sambit ni Simon at inakbayan si Kim papuntang garahe......

Tinignan ni Simon ang mga gulong at kung tama lang ang gasolina nila..... "Wala namang problema kaya, okay na....." sambit ni Simon...

"Paalam na tayo, sa kanila?!?" tanong ni Simon kay Kim ng matapos tignan ni Simon kung maayos ba ang lagay ng sasakyan niya....

"Sige ba...." sagot nalang ni Kim.....

Sabay silang pumasok ng bahay...... Nagpaalam na sila kina Manang Jenny at saka umalis na.....

Ala-una na ng tanghali ng makarating na sina Simon sa Maynila....

Dumiretso muna sila sa bahay ni Kim bago dumiretso ng Mall of Asia.... Napagdesisyonan na rin nilang doon nalang kumain sa MOA.....

"Hintayin mo nalang ako dito, Kim..... Take out ko nalang iyong pagkain....." sambit ni Simon ng magpark siya sa parking lot ng MOA...

Tumango lang naman si Kim... Hindi pa naman siya masyadong gutom..... Kaya habang hinihintay niya si Simon inayos ni Kim ang kanyang sarili.... Nag-disguise siya.....

Hindi rin nagtagal bumalik na si Simon dala ang tanghalian nila....

"Kain na tayo...." sambit ni Simon...

"Ohhhooooo!!! Tocino....." sambit ni Kim ginanahan siyang kumain....

"Kain na tayo?!?..." tanong ni Simon....

"Game!!!...."

Sabay nang nagtanghalian sina Simon at Kim..... As always, tawa pa rin sila ng tawa.....

"Oh ano?!? Busog ka na?!?" tanong ni Kim kay Simon nang matapos na silang kumain....

"Sasabog na ang tiyan ko sa sobrang busog....." sambit ni Simon.....

Naglabas ng tissue si Kim pinahid ang bibig ni Simon.... "Alam mo ang kalat mo talaga kumain,...."

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim at kinuha ang tissue sa kamay nito.... "Ikaw nga ang makalat kumain..... inilabas ni Simon ang phone niya at kinunan ng picture si Kim... "Tignan mo iyang face mo oh......." ipinakita ni Simon ang picture ni Kim.... "Tapos may itim ka pa sa ngipin...." natatawang sambit ni Simon....

Napatakip ng bunganga si Kim....

"Okay lang 'yan.... Cute nga eh....." puri ni Simon...

"Oo na cute na kung cute...." sambit ni Kim....

"Ano tara?!? Ano nga bang bibilhin mo?!?...." tanong ni Simon....

"Ahmmmm..... Basta!!!!.... Samahan mo nalang ako...."

Pumasok na si Kim at Simon sa loob ng mall.... Naka sobrero si Kim.... Nakaakbay naman si Simon sa kanya....

"Huwag ka ngang umakbay!!" sabi ni Kim...

"Okay,...." iyon nalang ang nasabi ni Simon....

Pumasok si Kim isang branch ng Bench.....

"Anong bibilhin mo?!?" tanong ni Simon...

"Bibili ako ng ilang pares ng medyas,underwear at Jeans...." sambit ni Kim....

Tumango nalang si Simon... "Doon lang ako... Tignan ko lang iyong andun ha?!?"

Ngumiti lang si Kim...

"Pink or White?!?" Habang namimili si Kim kung anong color ang pipiliin niyang underwear, nagulat nalang siya ng may biglang nagsalita.....

"Mas cute po iyong Pink...." sagot ng sales lady.....

Napaharap tuloy si Kim at nahulog ang sombrero niya.... Bigla siya yumuko para pulutin ang sombrero at muli itong isinuot...

"Kayo pala Miss Kim Chiu!!!" sambit ng Sales Lady....

"Hey, Kimberly.... Look At this one...." lumapit si Simon kay Kim at ipinakita ang nagustuhan niyang t-shirt ang nakasulat ay "She's The One".....

"Ohhhhhhhh!!!" iyon nalang ang nasabi ng sales lady at biglang umalis ang sales lady...

"Hey, wait!!!" tawag ni Simon sa sales lady....

Humarap ang Sales Lady kay Simon...

"Please..... Don't tell anyone about what did you see.... Kahit na sa mga co-sales lady mo dito....." pagmamakaawa ni Simon.....

"Don't worry, Sir..... I love my work...." ngumiti nalang ang sales lady....

"Favor naman,,,..." sambit ni Kim sa sales lady....

"Ikaw nalang ang magbayad nito.... Ito iyon bayad oh, baka makilala pa ako..." sambit ni Kim...

"No problem...." kinuha ng sales lady ang lahat ng mga pinamili ni Kim atsaka binayaran....

Bumalik ito at bayad na lahat ng pinamili ni Kim.... May sukli itong 500 pesos...

Iniabot ng sales lady ang 500 pero hindi tinanggap ni Kim.... "Sayo na iyan.... Pasasalamat  na rin.... Sige mauna na kami...." sambit ni Kim atsaka lumabas na ng shop....

Napadaan sila sa harap ng "Time Zone"..... Ngumiti si Simon kay Kim....

"Ano?!? Bakit mo ako ngini-ngitian?!?" tanong ni Kim....

"Pasok tayo?!?" tanong ni Simon....

"Ikaw kung gusto mo......" iyon nalang nasabi ni Kim.....

Pumasok sila.....

"Nakikita mo iyong life size Teddy Bear na iyon?!?" tanong ni Simon kay Kim...

"Oo, bakit?!?"

"Mabibigay ko sayo iyon!!!" sambit ni Simon....

"Haaa?!? in Cash?!? eh kapag hindi ticket, 4ooo pesos ang bayad niyan wag naaa..." sambit ni Kim....

"Sinabi ko bang in cash ko bibilhin?!? and kung in cash ko ba bibilhin tatanggapin mo?!?..." tanong ni Simon..

"Kung in cash mo bibilhin, hindi ko tatanggapin.... Masyadong mahal, ang 4ooo para lang sa isang teddy bear..." sagot ni Kim...

"Eh kapag in cash 4ooo ang cost ng life size teddy bear pero kapag itong 5oo natin ibinili natin ng coins para makapaglaro at nakakuha tayo ng 5,ooo+ tickets eh di  5oo pesos lang ang cost ng Teddy Bear kung nakakuha tayo ng 5ooo+ tickets......."

"Ito ang budget natin lang ang budget nati, 5oo pesos......"

"Sure ka?!? Last time na pumunta kami dito nila Melissa umabot kami ng 5ooo pesos, para makuha lang iyong Life size teddy bear na iyon....." gulat na tanong ni Kim.... "Imagine ha?!? bumili kami ng timezone coins... 5oo pesos sakin, 5oo pesos kay Maja, ganun din kina Erich at mga kasama ko pang iba..... Pero 1ooo tickets lang ang nakuha namin....." natatawang sambit ni Kim.....

"Trust me!!!..." un nalang ang nasabi ni Simon....

Bumili siya ng 5oo coins....

Unang naglaro si Simon sa may basketball ring....... Doon palang naka-9oo tickets na si Simon.....

Napanganga si Kim...

"2 coins palang naihuhulog ko ha?!?... May 498 pa....." sambit ni Simon.....

Hindi nagtagal naka- 4ooo tickets na si Simon......

"Sai, 1ooo tickets nalang makukuha natin iyong life size teddy bear sa halagang 5oo lang....." na-excite na sambit ni Kim....

"Oh.... I told you!!!".....

"Ang yabang mo talaga...." sambit ni Kim....

"Hindi nagtagal naka-6ooo tickets na sila at may natitira pa silang 1o coins...." pagod na rin naman si Simon kaya ibinigay niya nalang sa batang umiiyak iyong 1o coins dahil ayaw na siyang bigyan ng Mama niya pambili ng timezone coins.....

Nakuha nga ni Simon ang Life size Teddy Bear may naiwan pa silang 1ooo tickets ibinigay na rin nila iyon sa batang pinagbigyan nila kanina ng 1o timezone coins.....

Lumabas na si Simon at Kim ng MOA, pinanood ni Simon at Kim ang sunset....

7:30 na rin ng gabi.... Inihatid ni Simon si Kim sa bahay nito....

Nang nasa harap na sila ng bahay ni Kim, pinagbuksan ni Simon si Kim ng pintuan....

"Salamat.." sambit ni Kim..... Papasok na sana si Kim ng gate kaya lang bigla siyang tinawag ni Simon...

"Paano itong life size teddy bear mo?!?" tanong ni Simon...

"Akin na nga si Mr. Atkins... I will call him Mr. Atkins...." sambit ni Kim...... "Thanks ha!!" pumasok na si Kim sa loob ng bahay ng hindi man lang nagpapaalam kay Simon.....

-Ang labo naman niya..... Bukas ang alis niya hindi man lang nagpaalam sa akin- pagtatampo ni Simon.... Papasok na sana si Simon ng sasakyan ng biglang tinawag siya ni Kim......

Tumatakbo ito palabas ng bahay nakayapak lang, wala siyang suot na tsinelas....

Humarap si Simon.... "Tsinelas mo?!?" tanong ni Simon....

"Ito naman umaalis ka na, hindi pa ako nakakapag-paalam sayo ng maayos... Ipinasok ko lang si Mr. Atkins, aalis ka na kaagad..."

Natawa si Simon... "I thought, ikaw ang nakalimot magpaalam,, pero never mind.... The most important is you're here again nasa harap ko to say Good Bye...... Hatid kita sa Airport tomorrow?!?..." tanong ni Simon...

"No thanks.... 9:30 ang flight namin.... And i want you to take a rest... May game ka sa Monday right?!?.... Para iwas issue na rin..."

"It's up to you.... For me okay lang na ihatid ka...." nangingiting sambit ni Simon....

Lumapit si Kim kay Simon at niyakap ito ng mahigpit.... "Salamat, sa lahat Simon.... Salamat about doon sa kanina, lagi mong pinapagaan ang loob ko,, basta Salamat talaga....." sambit ni Kim habang nakayakap kay Simon.... Kumawala sa yakap si Kim atsaka humalik sa pisngi ni Simon... "I will miss you..... If you want ikaw nalang ang sumundo sa akin pag-balik namin...." sambit ni Kim...

"Kelan ba balik niyo?!?..." tanong ni Simon....

"April 17...." sagot ni kim... "Byeeee!!! Pasok na ako ng bahay... Ingat sa pag-uwi..." Bago pumasok ng bahay si Kim nag-flying kiss siya kay Simon.....

Sinalo naman iyon ni Simon at inilapat sa kanyang labi..... Natawa nalang si Simon sa ginawa niya at napailing- iling na pumasok sa kanyang sasakyan... Papaandarin na sana ni Simon ang kanyang sasakyan ng biglang nag-text si Kim "Ingat ka sa pag-uwi ha?!?.... pm me or call me kung nakauwi ka na ha?!?.... Thanks, sa regalo mo!!!..... muahhh" nangingiting binasa ni Simon ang text ni Kim....

Maga-alas onse na ng gabi ng maka-uwi si Simon sa kanila, dahil sa sobrang traffic.....

Ang tahimik ng bahay.... Tsaka niya lang naisip na ngayon pala umalis ang kanyang Daddy Alan at kanyang dalawang pinsan na sina Juvy At Mocha,..... Pumunta ang mga ito sa Bagiuo.... Madilim na sa bahay..... Kaya ang tao lang sa bahay ay sina Raezen, Mommy Elena at Claire.....

Hindi na nag-shower si Simon, dahil pagod siya sa mag-hapon nilang pagsa-sama ni Kim.... Bago siya dumi-retso ng kanyang kuwarto, sinilip nya ang kuwarto ni Juvy At Raezen, pero wala roon si Raezen,...... "Saan kaya iyong batang iyon?!?" tanong ni Simon sa sarili.... Sumilip si Simon sa master bedroom at nakita niyang magkatabi sa pagtulog ang kanyang mommy Elena at kanyang pinakamamahal na kapatid na si Claire.....

Pumasok na si Simon sa kanyang kuwarto at natulog ng may ngiti sa kanyang mga labi....

 

 

Itutuloy......

 

PS:

< Happy Haloween po!!! >

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(