Perfect Two 21

Perfect Two

Gabi na ng ihatid ni Simon si Kim....

Bumaba si Simon para pagbuksan ng pinto ng sasakyan si Kim....

Lumabas ng sasakyan si Kim... "So,pasok ka muna sa loob?!?..." Hinawakan ni Kim ang isang kamay ni Simon at hinila...

Hindi naman nagpahila si Simon at nanatili sa kanyang kinatatayuan... "Hindi na Kim... Pagod ka na rin eh... Magpahinga ka na lang..." sambit ni Simon habang hawak ang kamay ni Kim..

"Sige na!!!... Pasok ka muna!!!..." parang batang pamimilit nito...

 Nangiti si Simon... "Hindi na nga eh... Kulit mo lang ha..."

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Kim at sumimangot...

Kinurot ni Simon ang ilong ni Kim... "Ang kulit... Sabi ko wag na!!!... May next time pa naman diba?!?... Magpahinga ka nalang, pagod ka na rin eh..."

"Sige na nga!!!... Kung hindi ka lang guwapo eh..." mahinang sambit ni Kim at umiwas ng tingin...

"What?!? Ano iyon?!?... Sinong guwapo?!? Ako?!?..." tanong ni Simon na tila hindi narinig ang sinabi Kim....

"Wala!!!.." sagot ni Kim...

"Siguro may gusto ka na sa akin noh?!?...." pabirong tanong ni Simon....

Tumitig si Kim sa mata ni Simon at nagsalita... "Ayaw mo yata eh?!?..." medyo mataray na sambit ni Kim...

"Syempre gusto!!!..." sagot ni Simon atsaka kinurot ulit sa ilong si Kim... Gigigil na gigil si Simon kay Kim...

"Tama na nga!!!...Namumula na itong ilong ko oh!!!..." natawang sambit ni Kim...

Natawa nalang din si Simon...

Maya-maya pa ay napapikit-pikit na ang mata ni Kim...

"Oh ayan na inaantok ka na!!!.. Pasok ka na..." sambit ni Simon...

"Sige na nga!!!... Good Night na!!!..." sagot ni Kim...

Maglalakad na sana si Kim patalikod pero bigla siyang hinawakan ni Simon sa kamay.... "Bakit?!?" tanong ni Kim...

"Ahmmmm.... Wala bang good night (ngumuso)?!?..." tanong ni Simon...

Natawa si Kim... "Hmmmm!!!... Sige na nga!!!... Pero sa cheeks lang ha!!!..."

Abot tenga ang ngiti ni Simon...

Hinalikan ni Kim si Simon sa magkabilaang pisngi...

"Eh sa lips?!?..." pabirong tanong ni Simon...

"Humihirit ka pa ah..." sagot ni Kim...

Hinawakan ni Simon ang dalawang kamay ni Kim... "I Love You, Kim..." tagos sa pusong sinambit ni Simon...

Walang alilangang yinakap ni Kim si Simon... "Thank You for always making me happy!!!.."

Kumalas si Simon sa yakap ni Kim at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito... "Mas happy ako kapag nakikita kitang masaya!!!..." sagot naman ni Simon....

Nakahawak si Simon sa beywang ni Kim at tila wala na yata siyang balak bitawan pa ito...

Maya-maya ay biglang may lumabas sa gate... Nagulat tuloy si Kim at natulak si Simon...

"Sorry!!!..." hinawakan ni Kim ang kamay ni Simon...

"Maga-alas diyes na Mah Friend!!!.. Remember Simon may usapan tayo knina na dapat before ten andito na ang Mah Friend ko!!!...." sambit ni Maja.

"Mah Friend naman!!!... Hindi na ako bata!!!..." sagot ni Kim... "Pagpasensyahan mo na lang siya Simon..." baling ni Kim kay Simon...

"Chossa!!!... Pasok na tayo sa loob!!!..." hinila ni Maja si Kim at pumasok na sa loob...

"Byeee!!!... Good Night ingat sa pagmamaneho ah!!!.." sambit ni Kim...

Hinintay naman ni Simon na makapasok na si Kim at Maja ng bahay bago siya umalis...

 

Makalipas ang dalawang araw, April 19, birthday ni Kim....

Nag-aayos na si Kim dahil meron siyang live interview sa e-live... Habang naglalagay siya ng kanyang earings tumawag si Simon....

-Hello?!?- sagot ni Kim sa tawag...

-Happy Birthday again!!!!- sambit ni Simon...

-Ano ka ba!!!.. Ilang beses mo na ako na-greet, tapos puno na ang inbox ko sa dami ng messages mo!!!...- natawang sagot ni Kim...

-Kim, sorry hindi kita masasamahan... Si Mom kasi eh... - sagot ni Simon..

-No, it's okay... Enterview lang naman iyon.... Atsaka kasama ko naman si Ate Porchia.....- sagot ni Kim habang isinusuot ang kanyang wedge shoe...

"Kim, bilisan mo... Baka ma-traffic tayo!!!..." tawag ni Ate Porchia kay Kim...

-Oh sige Simon... I have to go!!!... Bye...- pagkasabi nun ni Kim ibinaba na niya ang phone...

 

 

Dumating sina Kim sa Studio.... Halos lahat ng nakakasalubong niyang ABS-CBN staffs puro happy birthday ang sinasabi at nagpapasalamat naman si Kim dahil hindi nila nakakalimutan iyon...

-Kim, next ka na....- tawag ng isang staff..

Maya-maya ay nag-commercial break na.... Si Nikki Gil ang magi-interview sa kanya...

Naupo na si Kim kaharap niya si Nikki...

"Ohhhh!!!... Ang ganda ganda naman ng ating Birthday girl!!!... Super Blooming!!!...." pag-uumpisa ni Nikki... "Happy Birthday Kim..." pagbati nito...

"Salamat, Nikki!!!..." sabay tawa..

"Oh, kumusta naman ang Star Magic Tour?!?... At kumusta naman kayo ni Gerald?!?... Balita dito nag-dinner daw kayo!!!." sunod-sunod na tanong nito...

"Super Happy... Nagpapasalamat kami sa mga nanood!!!... Atsaka salamat din sa mga KIMERALD Globies na walang sawang sumusupurta... Basta Yun na yun!!!..." sagot ni Kim at tawa nanaman...

"Sagutin mo muna iyong una kung tanong... Bali-balita kasi dito sa Pinas, nag-dinner daw kayo ni Gerald.. Ano iyon?!? Friendship dinner or nagkabalikan na kayo?!?...." prangkang tanong ni Nikki....

"Ayun na nga... Nagulat ako about sa lumabas na issue... Oo, nag-dinner kami, pero kasama ko naman sina Erich, Maja, Enchong and iyong iba pang Star Magic Talents!!!... OA naman masiyado iyong balitang nagkabalikan... Pero we're okay na!!!..." sagot ni Kim...

"May closure bang nangyari?!?..." tanong ni Nikki...

"Sabihin nalang nating ganun!!!..." simpleng sagot ni Kim...

"Eh di nag-dinner nga kayo!!!..." pabirong tanong ni Nikki...

"Hindi ah.... Atsaka hindi pwede!!!..." sagot ni Kim...

"Anong hindi pwede?!?... May magagalit ba?!?..." tanong ni Nikki... "May kailangan bang malaman ang ating pinakamamahal na mga viewers?!?..." dagdag na tanong ni Nikki...

Tumawa lang si Kim...

"Ayyyy... Ang ating birthday girl kinikilig!!!... Dahil kay Simon Atkins ba iyan?!?..." tanong ni Nikki.... "Bago mo iyan sagutin panoorin mo muna ito!!!!..."

Napatingin si Kim sa screen...

"Hi Cutie!!!... Happy Happy Birthday!!!... I didn't know na may interview palang ganito, sabi nila VTR birthday greeting para sayo!!!... (sabay tawa).... Ahmmm... I don't know what to say, hmmm.. Basta stay who you are, huwag kang magbabago and more projects to come.... Hmmmm,,Happy Happy birthday again and i love u" pag-greet ni Simon...

"Nakita nyo ba ang fezz ng ating birthday girl?!?... Hahaha... Kinikilig... May I love you?!?" makulit na tanong ni Nikki...

"Wala, wala!!!... Basta!!!..." medyo kilig na sinambit ni Kim...

"Sige prangkahan na ito!!!... Kim may relasyon na ba kayo ni Simon Atkins?!?...." walang prenong tanong ni Nikki..

Walang prenong sumagot din si Kim... "M.U.!!!.."

Sigawan ang mga nanonood live...

"Meaning pwede pa iyan mag-level up?!?..." kinikilig na tanong ni Nikki..

"Pwede, i mean Oo, sa tamang oras at tamang panahon!!!..." sagot ni Kim...

"Sige na nga Ikaw na ang may mahabang listahan ng mga manliligaw!!!.... May gusto ka bang pasalamatan?!?.. Projects to promote?!?..." tanong ni Nikki...

Pinasalamatan naman ni Kim lahat ng fans niya, lahat ng kanyang ini-endorse... "Hmmmm, abangan niyo nalang po, kung anong mga next projects ko!!!... Salamat po!!!..." pasasalamat ni Kim...

Iniabot ni Nikki ang bouquet ng pink and whiter roses kay Kim... "Happy Birthday again Kim...." nakipagbeso beso ito....

 

Pagkatapos ng e-live interview umalis na agad si Kim at Ate Porchia....

Alas-Otso na ng gabi ng maka-uwi sina Ate Porchia at Kim...

Papasok na si Kim sa pinto ng kanyang bahay, super pagod siya halos hindi na nga niya maalala na birthday niya ngayon...

Pagka-pasok niya sobrang dilim, eh super takot si Kim sa dilim... Hinanap niya si Ate Prochia pero wala na ito sa likod...

Naglakad si Kim papasok sa sala...

Laking gulat niya ng biglang umilaw at may nag-sigawan ng "Happy Birthday!!!..."

Gustong maiyak ni Kim... Kasi ang alam niya nasa Davao sina Erich at Enchong, andun din sina Melissa, Kitkat, Empress, Maja at Matteo..

Mas lalo siyang naiyak nung lumabas ang Papa niya at mga kapatid niya.... Lumapit si Kim sa Papa niya at niyakap ito ng mahigpit....

"Happy Birthday, Kim..." bati nito..

Sunod sunod na lumapit ang mga kaibigan ni Kim at binati siya... "Uyy, may isa pang gustong bumati sayo!!!..." sambit ni Erich..

"Labas ka na, guwapo!!!..." sambit ni Kitkat..

"Ano nanaman to?!?..." tanong ni Kim...

"Basta, wait ka lang!!!... Lalabas din iyon!!!..." sambit ni Melissa.... "Ayan naaaaaaa!!!..." dagdag pa ni Empress...

Hala, kinilig si Kim nung biglang lumabas si Simon sa sala at may dalang flowers...

"Happy Birthday, Kim!!!.." ngingiting sinabi ni Simon ng makalapit ito kay Kim, ini-abot nito kay Kim ang hawak na bouquet ng bulaklak...

"Salamat!!!..." pasasalamat ni Kim at niyakap si Simon... "Bakit hindi mo sinabi na may VTR?!?!..." tanong ni Kim kay Simon...

"Surprise nga daw eh.." natatawang sagot ni Simon...

"Mamaya na kayo mag-landian!!!... Kumain nalang muna tayo, gutom na kami eh!!!..." pabirong sambit ni Maja....

"Sige na tara!!!..." sambit ni Kim...

Hinawakan ni Kim si Simon sa kamay....

Pumunta si Kim at Simon sa may entertainment area...

Habang kumakain sila, lumapit ang Papa ni Kim sa kanila....

"Kim, hinahanap ka ng mga kaibigan mo, may ibibigay daw sila sayo..." sinabi ng kanyang ama ng makalapit ito sa kanila...

"Ahhhhh.... Sai, doon muna ako, titignan ko lang iyon..." sambit ni Kim.. "Sige Pa, doon muna ako..." baling ni Kim sa kanyang Papa at tinapik ito sa likod...

Si Simon at ang Papa ni Kim ang naiwan sa entertainment area...

Kinabahan si Simon...

"Salamat sa pagpapasaya at paga-alaga sa Anak ko ha..." sabi ng Papa ni Kim kay Simon...

"Ahh, wala iyon... Masaya naman po ako tuwing nakikitang masaya si Kim..." sagot ni Simon...

"Mahal mo ba anak ko?!?..." walang prenong tanong ng Papa ni Kim..

"Of course... Mahal ko po siya..." diretsong sagot ni Simon...

"Good!!!... Basta huwag mo siyang sasaktan!!!... Ayaw ko ng makita ulit siyang umiiyak... Ingatan mo siya... Hindi naman kasi ako laging andito para alagaan... Mahal na mahal ko ang mga anak ko..." madamdaming sambit ng Papa ni Kim... 

Hindi naman alam ni Simon ang isasagot dahil kinakabahan siya...

"Nakikita ko naman sa mga mata mo na mahal mo si Kim, ang hiling ko lang bantayan mo siya... Kung ako ang papipiliin, okay ka na sa akin para sa Anak ko.... Ngaun ko lang siya uli nakita na ganito kasaya...." dagdag pa ng Papa ni Kim..

"I will do anything to make her happy..." sagot ni Simon..

Maya-maya ay bumalik na si Kim sa Entertainment area....

Tumayo na rin ang ama ni Kim.... "Sige maiwan ko muna kayo..." sambit ng ama ni Kim..

Naupo si Kim sa tabi ni Simon... "Anong sabi ni Papa?!?..." tanong nito...

"Nothing.." nangingiting sambit ni Simon...

"Ito naman... Kain na nga lang tayo..." sagot ni Kim..

"May ibibigay nga pala ako sa iyo..." sambit ni Simon.. 

Inilabas ni Simon ang isang necklace...

"Ano ito?!?..." tanong ni Kim..

"Gift ito ni Dad kay Mom, bago sila ikasal..." sambit ni Simon...

"Eh bakit isinusuot mo sa akin?!?..." tanong ni Kim...

"Last year... Noong birthday ko, ibinigay sa akin iyan ni Mom... Sabi niya, ibigay ko daw ito sa babaeng pinaka-special sa akin...." sagot ni Simon at isinuot ang kwentas kay Kim..

Hindi alam ni Kim kung anong sasabihin... Ang saya niya hindi niya maipaliwanag kung anong nararamdaman niya... "Thank You, Simon..." yinakap ni Kim si Simon...

Ngumiti lang si Simon.... "Basta para sayo, mahal kasi kita..."

Nag-party party sila hanggang madaling araw... Nag-sleepover na sina Simon, Erich, Enchong, Melissa, Kitkat, Empress, Maja at Matteo sa bahay niya... Gabi na rin kasi kaya hindi na pumayag si Kim na pauwiin pa ang kanyang  mga kaibigan na umuwi...

 

 

Itutuloy.....

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(