Perfect Two 28

Perfect Two

Halos isang linggo na rin ang lumipas mula noong nag-guest si Simon sa Kris TV. Bale isang Linggo na rin silang walang communication ni Kim at hindi niya alam kung bakit siya nito iniiwasan... 

Ilang beses na niyang tinawagan si Kim pero si Ate Porchia ang laging sumasagot... At ang lagi nitong sinasabi ay may ginagawa si Kim.. Nung una naintindihan pa ni Simon pero nung mga sumunod na araw ay hindi na siya mapakali.. 

Kapag si JP naman ang tinatawagan niya lagi namang wala sa bahay si Kim.. Kaya naisipan nalang ni Simon na personal ng pintuhan si Kim para makapag-usap na sila ng maayos.. 

Hapon ng sabado nung puntahan ni Simon si Kim sa bahay nito.. 

Sakto namang kararating lang ni Kim galing sa taping.. 

"Simon?!?.." gulat na tanong ni Kim nung maabutan niya si Simon na naghihintay sa sala ng bahay niya... 

"Can we talk?!?" tanong ni Simon.. 

Tumango lang si Kim pero pagkatango niya bigla nalang dumating si Ate Porchia at hinawakan siya sa kamay..

"Privately?!?.." dagdag pa ni Simon.. 

"Ate please kahit ngayon lang naman.." medyo naiiyak ng sambit ni Kim..

"Umakyat ka na.." pabulong na sambit ni Ate Porchia.. 

"Ate naman.. Kahit ngaun lang.. Ipapaliwanag ko lang naman sa kaniya.." pagmamakaawa ni Kim.. 

"Umakyat ka na sa kuwarto kung ayaw mong malaman ito ni Mr. M.." ani ni Porchia..

Wala ng nagawa si Kim kundi ang umiyak at umakyat nalang sa kuwarto niya..

"Simon umuwi ka na.." ani ni Porchia.. 

Umiling si Simon.. "Kailangan naming mag-usap.." 

"Wala kayong dapat pag-usapan kaya umalis ka na.." pagkontra ni Porchia.. 

Nanatili si Simon sa kinatatayuan niya at umiling-iling lang.. 

"Simon aalis ka ng maayos o ipapakaladkad kita sa mga guard palabas?!?..." 

Wala na ring nagawa si Simon kundi ang umuwi dahil ayaw naman niyang iskandaluhin si Kim sa bahay nito... 

Kinabukasan ng hapon naiisipan ni Simon na muling puntahan si Kim pero hindi siya pinayagan ng guard na makapasok sa loob ng subdivision, kaya sa bungad nalang siya nag hintay ng mahigit dalawang oras...

At sa wakas nakita rin ni Simon ang costumized van ni Kim palabas ng subdivision..

Hinarang iyon ni Simon.. 

Maya-maya ay bumaba si Kim sa sasakyan.. "Balak mo bang magpakamatay?!?.." tanong nito..

Lumapit si Simon kay Kim.. "Mag-usap naman tayo... Ano bang problema?!?.." seryosong tanong ni Simon..

Hindi makatingin ng diretso si Kim kay Simon... 

Hinawakan ni Simon si Kim sa pisngi at iniangat ang mukha nito paharap sa kaniya.. "Kim magsalita ka naman... Ako kasi ang nahihirapan eh... Hindi ko alam kung anong nagawa ko.." mahinang sambit ni Simon.. 

"Kailangan ko ng umalis, Simon.." pag-iwas ni Kim..

Sasakay na sana si Kim sa van niya pero bigla siyang inawat ni Simon at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay... 

"Kim ano ba?!?.. Sasabihin mo lang naman sa akin kung anong problema!!!.." medyo mataas ng boses ni Simon.. 

"Gusto nila Mr. M na lumayo muna ako sayo.." mahinang sagot ni Kim habang nakatalikod... 

"Iyon lang?!?.. Kung sinabi mo nung una eh di maiintindihan ko at lalayo muna ako sayo... Pero bakit hnd mo sinabi?!?.." tanong ni Simon.. 

"Confiscated lahat ng gadgets ko.." mahinang sagot ni Kim.. 

"Kim, hanggang kelan ka magiging sunod-sunuran?!?.." tanong ni Simon..

Hindi sumagot si Kim.. 

"Kim hindi lang mga fans mo ang niloloko mo!!!.. Pati sarili mo niloloko mo na... Magpakatotoo ka naman kahit minsan,... Maawa ka rin naman sa sarili mo.." medyo inis na sambit ni Simon.. 

"Para naman ito sa mga kapatid ko.. Hindi para sa akin.." naiiyak na sagot ni Kim.. 

"Kim, tinanong mo ba minsan sa mga kapatid mo especially si JP kung anong gusto nila?!?.. Kim ikaw ang gusto makasama ni JP!!!.. Halos kailangan pa yata niya magpa-schedule sa P.A. mo para lang magkaroon ka ng time sa kanila!!!.." hindi na mapigilan ni Simon ang sabihin iyon.. 

"Wala kang karapatan sabihin iyan.." humihikbi ng sambit ni Kim..

"Kim concern lang ako!!!.. You know how special you are to me.." madamdaming sagot ni Simon... 

"Simon intindihan mo nalang sana ako.." sambit ni Kim.. 

"Kim paano kita iintindihin kung ngayon palang hindi mo na kayang magtiwala sa akin!!!.. Or i mean matutunan mo sanang pagkatiwalaan muna ang sarili mo bago ka magtiwala sa iba.. Kasi ikaw takot ka sa lahat eh!!!.. Takot kang iwanan ka ng lahat!!!.. Kung sa kakaganyang mo baka pati fans mo iwanan ka!!!... Sa tingin mo ba kaya kitang iwan?!?.." walang prenong pagsasalita ni Simon... 

Hindi alam ni Kim pero bigla nalang niyang nasampal si Simon..  

"Okay fine!!!.." pagkasabi nun ni Simon ay umalis na siya.. 

Samantalang si Kim ay halos mapaupo na sa kaniyang kinatatayuan sa kakaiyak.. 

Bumaba si Mang Bert at inalalayan si Kim papasok sa loob ng Van..  "Kaya mo pa bang mag-punta sa Mall Show niyo ni Gerald?!?.." tanong ni Mang Bert.. 

Tumango-tango lang si Kim..

Si Simon naman ay nagpunta sa bahay ng kaibigan niyang si Simon Valenciano (S.V.) Lagi siyang pumupunta dun kapag may problema siya.. 

"Oh, Simon nandito ka?!?.." gulat na tanong ni S.V. dahil hindi naman nagsabi na pupunta si Simon sa bahay niya.. 

"Andito sina Tito at Tita??!." tanong ni Simon.. 

"Wala sila.. Out of the town.." sagot nalang ni S.V.  "Tara sa loob.." paanyaya nito.. 

Pumasok naman si Simon at dumiretso sa Hardin ng bahay.. Si S.V. naman ay tumungo sa kusina at nung sumunod ito sa hardin may dala na itong can ng beer.. Alam naman ni S.V. na kung pabigla-bigla nalang pumupunta dun si Simon ay may problema ito.. 

Iniabot ni S.V. ang isang can ng beer kay Simon.. "Anong problema??!.." tanong nito.. 

Hindi sumagot si Simon at tuloy tuloy lang ito sa pag-inom.. 

Nung una hinayaan lang ni S.V. si Simon sa pag-inom pero hindi nagtagal napaparami na ang naiinom ni Simon kaya inawat na niya ito.. 

"Look Simon beer can't solve your problems!!!.." pangaral ni S.V. sabay agaw sa hawak na beer ni Simon.. 

"Damn!!!.." sigaw ni Simon at napahawak ulo nalang si Simon at umiyak.. 

Lumapit si S.V. kay Simon at tinapik-tapik ito sa balikat.. "Okay lang iyan.. Ilabas mo.. Better for you.." naaawang sambit ni S.V.

Kahit na hindi magopen up si Simon kay S.V. ramdam niya na nasasaktan si Simon kaya hinayaan niya lang muna itong mapag-isa at makapag-isip ng maayos...

Samantalang si Kim naman ay isang beses lang nag-perform sa Mall Show nila ni Gerald dahil hindi na niya mapigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha... 

Naisipan ni Porchia na pauwiin nalang si Kim at baka ma-blind item pa ito... 

Alas-nuwebe na ng gabi nung makauwi si Kim dahil na rin siguro sa traffic.. 

"Kim sakto dating mo nakapagluto na ako..." tawag ni Ate Kams na kararating lang galing Cebu.. 

Parang walang narinig si Kim at dumiretso ito sa kuwarto niya.. 

Napatingin si Kams kay Mang Bert.. "Anyare dun??!.." tanong nito.. 

Napabuntong hininga si Mang Bert... "Nagkasagutan sila ni Simon kanina..." sagot ni Mang bert.. 

"Bakit?!?.. Paano?!?.." tanong ni Kams..

Ikinuwento naman ni Mang Bert lahat.. Sinabi nitong inutusan si Kim ni Mr. M na lumayo muna kay Simon at confiscated lahat ng gadgets nito.. Halos dalawang linggo rin kasing nasa Cebu si Kams kaya wala siyang alam sa mga nangyayari... Si JP lang ang nakasama ni Kim sa loob ng dalawang linggo pero pati ito ay walang alam sa mga nangyayari dahil laging late na nakakauwi si Kim... 

Magkakasama nga sila sa iisang bahay pero halos hindi naman sila nagkikita-kita.. 

"Tama rin naman si Simon.. Kailangan na rin ni Kim magpakatotoo.." ani ni Mang Bert.. 

Napailing-iling si Kams at naawa sa nakababata niyang kapatid... Naisipan niyang puntahan si Kim sa kuwarto pero na-realized niya na kailangan muna ni Kim ng space para makapag-isip.. 
"Dadalhan ko nalang siya ng makakain mamaya hayaan nalang muna natin siguro siya..." ani ni Kams... "Tara saluhan niyo na po kami ni JP.." paanyaya ni Kams kay Mang Bert.. 

Tumango lang naman si Mang Bert.. 

"Mauna na po kayo sa dining table at tatawagin ko lang si JP.." paalam ni Kams at tumungo ito sa kuwarto ni JP para tawagin ito.. 

Sa bahay naman nila Simon ay hindi na mapakali sina Elena at Claire.. Hindi na sila mapakali kasi hindi pa tumatawag si Simon, hindi kasi ito nagpaalam na lalabas siya... At kung uuwi man ito ng late nagte-text ito or tumatawag... Ilang beses ng tinawagan ni Claire ang phone ni Simon pero hindi ito sumasagot.. 

"Tawagan mo lahat ng kaibigan ng kuya mo.." hindi mapakaling utos ni Elena.. 

"Mom natawagan ko na lahat.." sagot ni Claire.. 

"How about Simon Valenciano?!?.." tanong ni Elena.. 

"I dont know his phone number..." pagkasagot nito ni Claire ay biglang may nag-doorbell.. 

Nagmadaling binuksan nila Claire at Elena ang main door at nakita nila si S.V. na inaalalayan si Simon na lasing na lasing... 

"Juskoww!!! Anong nangyari?!?.." tanong ni Elena nung makita ang kaanyuan ni Simon.. Ngayon niya lang ito ulit nakita si Simon na nagkakaganun... "Dalhin na natin siya sa kuwarto niya..." dagdag pa ni Elena at tinulungan niya si S.V. na alalayan si Simon.. 

Si Claire naman ay tumungo sa kusina para kumuha ng Bimpo pampunas kay Simon.. 

"Ano bang nangyari?!?.." tanong uli ni Elena nung kay S.V. nung maihiga na nila si Simon sa kama nito..  "Hindi naman iyan maglalasing kung wala siyang problema... May nasabi ba siya sayo?!?.." ani ni Elena habang inaalis ang sapatos ni Simon.. 

"Wala naman po siyang nasasabi pero i think it's about Kim.." sagot ni S.V. 

Hindi na sumagot si Elena at umupo nalang siya sa tabi ni Simon pagkatapos ay hinaplos-haplos nito ang buhok nito..

"Tita sige po.. Mauuna na rin ako... Late na eh.." paalam ni S.V. 

"Mag-iingat ka ha!!.. Salamat na rin sa paghatid kay Simon.." 

"No problem Tita.." ani ni S.V. sabay ngiti.. 

Sumunod na rin si Claire sa kuwarto ni Simon may dalang palanggana at Bimpo.. 

"Claire ihatid mo na si Simon sa baba ako ng bahala sa kuya mo.." utos ni Elena.. 

Tumango lang si Claire pagkatapos ay inihatid na niya si S.V. sa baba.. 



Itutuloy...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(