Perfect Two 29

Perfect Two

Sinubukang kausapin ni Kams si Kim sa gabing iyon pero hindi naman maka-usap si Kim ng maayos kakaiyak, kaya hinayaan niya nalang muna ito... 

Kinabukasan naman maagang nag-ayos si Kim... 

"Ate mag-breakfast ka muna.." paanyaya ni JP.. 

Ngumiti naman si Kim at kumain ng breakfast kasama sina Kams at JP.. 

Magkasabay nga silang kumakain pero hindi naman sila nag-iimikan... 

"Ahhhhmmmm!!!.. Ate Kim..." basag ni JP sa katahimikan..

Napatingin si Kim kay JP.. "Oh?!?.." tanong nito.. 

"Pupuntahan mo ba si Kuya Simon mamaya?!?.." tanong ni JP... Wala itong alam sa mga nangyayari kaya hindi siya naging aware sa mga pinagtatanong niya... 

Umiling iling si Kim.. "May flight ako mamayang ten papuntang Boracay may mga kukunang scenes kasi dun... Bakit ano bang nangyari?!?..." tanong ni Kim.. 

"Ahhh.. Naka-BBM ko kasi si Claire, lasing na lasing daw na umuwi si Kuya kagabi..." sagot ni JP.. 

Napatigil si Kim sa pag-subo at pa-simpleng tumingin kay JP... "Kumusta naman daw siya?!?.." tanong ni Kim pero nasa boses nito ang concern... 

Napabuntong hininga si JP... "I don't know... Bibisitahin ko nga siya mamaya eh.." sagot nito.. "May gusto ka bang iparating sa kaniya?!?.." 

"Wala.." sagot kaagad ni Kim pagkatapos ay tumayo na siya...

"Aalis ka na?!?.." tanong ni Kams.. 

"Oo Ate.." sagot ni Kim pagkatapos ay lumapit siya dito at hinagkan ito sa pisngi... 

"Ilang araw ka mawawala?!?.." tanong pa ni Kams.

"2 weeks pero siguro magi-stay pa ako dun ng one week kung wala na silang kukunan na scenes dito sa Maynila..." sagot ni Kim.. 

"Ahhh... Ganun ba?!?.. Bakit kailan ba ang screening?!?.." tanong pa ni Kams..

"Hmmm!!!.. Baka next month... First week or second week of July siguro.." sambit ni Kim..

"Kim tara na baka kasi ma-traffic tayo..." tawag ni Mang Bert kay Kim... 

Tumango lang naman ito... "Sige Ate alis na ako..." paalam ni Kim pagkatapos ay muling humalik sa ate niya at nagmadali ng umalis.. 

Nung umalis si Kim, umalis na rin si JP at pumunta sa bahay nila Simon... Pero tulog pa si Simon kya hindi na siya masiyadong nagtagal... 

Sakto nung kaalis ni JP dun naman nagising si Simon... Sobrang sakit ng ulo niya ata di pa nahihimasmasan... 

Tumungo si Simon sa may dining table... "Mom.." tawag ni Simon sa Mommy niya na nagwawalis sa mismong dining area... "Mom bakit ganun si Kim?!?.." mahinang baling ni Simon sa kaniya Mommy.. 

Natigil sa pagwawalis si Elena at at hinawakan sa balikat si Simon.. "Maupo muna tayo.." ani nito pagkatapos ay umupo sila sa dining table.. 

"Ano ba kasi ang nangyari?!?.." tanong ni Elena.. 

"Mom, i don't understand kung bakit hindi niya kayang magtiwala sa akin.." ani ni Simon.. 

Hinawakan ni Elena ang kamay ni Simon... "In her case.. Mahihirapan talaga siyang magtiwala sa iba after her last relation with Gerald.. Alam mo naman kung ganu niya minahal si Gerald diba?!?.. Kaya intindihin mo nalang siya.." paliwanag ni Elena..

"But Mom.." kontra ni Simon at pilit iniintindi ang kaniyang Ina.. 

"Look Simon.. Sa observation ko lang kay Kim bilang babae.. Siya kasi iyong taong malihim sa problema sinasarili niya lahat kaya kapag hindi na niya kaya sasabog nalang siya ng basta basta.. Kaya imbis na dumadagdag ka sa bigat ng loob niya, i-comfort mo nalang siya ha?!?.." masuyong banggit ni Elena..

Napabuntong hininga si Simon... 

"Mag-usap kayo kapag kaya niyo ng harapin ang isa't isa ha.." dagdag pa ni Elena.. 

Tatango tango lang si Simon.. "Sa taas nalang muna ako.." paalam ni Simon.. 

"Oo nga pala,.. Dumaan si JP dito kani-kanina lang pero nakatulog ka pa kaya hindi ka na niya nahintay.." pagpapaalam ni Elena.. 

"Anong sabi?!.." tanong ni Simon.. 

"Gusto ka lang daw niya kamustahin.. Tapos pinapasabi rin niyang baka two or three weeks daw si Kim sa Boracay.." banggit nito.. 

Wala sa sariling tumango tango lang si Simon pagkatapos ay muling tumungo sa kuwarto niya.. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(