Perfect Two 5

Perfect Two

After 1 year,,.....


"JP, Bakit tayo lumiko? diba dapat diretso?" tanong ni Kim sa kanyang kapatid ng makita niyang lumiko ang sasakyang gamit nila.

"Ate, may pupuntahan pa ako."

"Asan ba si Ate Kam? Diba siya dapat ang susundo sa akin?"

Katatapos lang ng isang TV guesting ni Kim. Si Ate Kam niya dapat ang susundo sa kanya ngunit nagkaroon ng emergency problem sa bahay nila.

"Hindi ba tumawag sa'yo si Ate Kam?" tanong ni JP.

Umiling-iling lang si Kim.

"Nagkaroon kasi ng problem sa bahay." paliwanag ni JP.

"Problem? Bakit? Si Lola okay lang ba? Sina Raine at William okay lang ba? Si Ate Twinkle diba nasa bahay sila?" kinakabahang tanong ni Kim.

"Ate relax lang."

"Paano ako magre-relax kung hindi ko alam kung anong nangyayari sa bahay!!"

"Tawagan mo nalang si Ate Kam,"

Inilabas na ni Kim ang phone niya at saka tinawagan si Ate Kam.

"Hello? Ate Kam, anong nangyari?" tanong kaagad ni Kim.

"Sorry, hindi ako nakatawag kaagad. Pero okay na, huwag ka ng mag-alala. Mas maganda siguro na huwag muna kayo umuwi dahil nangangamoy pa 'yong gas." paliwanag ni Ate Kam.

"Ano ba kasi ang nangyari?"

"Don't worry,, okay na, wag ka ng mag-alala,." ibinaba na ni Ate Kam ang phone.

"Ate? Hello?"

Napakamot sa ulo si Kim.

"Oh, bakit?" tanong ni JP.

"Pinatayan yata ako ni Ate ng phone..." naiinis na sabi ni Kim.

Hindi na mabilang ni Kim kung ilang beses na niya natawagan si Ate Kam pero ni isa sa mga tawag niya ay walang sumagot.

"Uwi na tayo JP. Kinakabahan ako eh,"

"Ngayon pa? Eh nandito na tayo,."

Sumilip si Kim sa labas ng sasakyan.

"Araneta? Anong gagawin natin dito?"

"Ano pa eh di manonood ng basketball." pagkatapos iyon sabihin ni JP ay lumabas na ito ng sasakyan.

"Aba.... Kelan ka pa natuto manood ng basketball?" inayos na rin ni Kim ang bag niya at sumunod na rin kay JP sa labas.

"Matagal na Ate, simula noong nag-showbiz ka..."

"Oh, sige na... Manonood na rin ako..." pagpayag ni Kim.

"Talaga?"

"Oo nga,"

 

Sa loob ng Araneta. Marami na nga'ng tao sa loob. Ang alam ni Kim ay sa likod na sila pu-puwesto sa dami ng tao. Ngunit hindi pala dahil may naka-reserved na dalawang upuan para sa kanilang magkapatid sa lower box.

Bago sila maka-upo ay nag-paalam si JP.

"Ate, may gagawin lang ako, babalik din ako."

"Samahan na kita. Mamaya iwan mo ako dito."

Natawa si JP. "Ano ba naman 'yan, parang mawawala ka. Ate, kilala ka ng buong Pilipinas hindi ka mawawala. Maupo ka lang,." 

Naka-upo na si Kim nang biglang lumabas ang mga players ng "Air21". Napatayo siya noong makita niya si Gerald, matagal din silang hindi nagkita. Simula noong mag-paalam si Gerald sa "ASAP" ay nawalan na sila ng communication.

"Ate okay ka lang?" tanong ni JP nang makabalik ito.

"Bakit hindi mo sinabi? na Air21 ang maglalaro?" tanong ni Kim.

"Eh, Hindi ka naman nagtatanong."

Naupo nalang si Kim.

"Don't tell me, Ate. Naaapektuhan ka pa rin ni Kuya Gerald. Ang tagal na nun, nakapag-move on na siya. Masaya na siya ngayon."

Napailing-iling lang si Kim.

"Oh, Bakit ganyan ang mukha mo, kung wala? ang dami mong manliligaw pero ni isa wala kang sinagot ni isa man sa kanila. Okay, naman si Kuya Simon noon, kaya lang ipinagtulakan mo siyang umalis." pangungulit ni JP.

"Pwede ba JP, tama na. Nandito tayo para mag-enjoy." asar na pagkakasabi ni Kim. "Sino nga pala ang kalaban ng Air21?"

Bago pa man makapagsalita si JP ay nagsigawan na ang mga tao sa paligid nila noong lumabas ang mga players ng "Purefoods".

"Diba si Simon Atkins iyon?" tanong ng isa sa likuran nila.

"Kailan pa siya dumating galing U.K.? Diba dapat last season maglalaro rin siya kaya lang pumunta siya ng U.K." gulat ring tanong ng isa.

"Simon Atkins? Siya ba iyong na-link kay Kim Chiu noon?" sabi pa ng isa.

Iba-iba ang reactions ng mga tao sa loob ng Araneta.

Natulala si Kim habang nakatitig kay Simon. Mas guwapo ito ngayon at mas hot.

"Ehemmm!! Ate, Love at second sight ba ang tawag sa mga titig na iyan?" nang-aasar na pagkakasabi ni JP.

"Second sight?" nagtatakang tanong ni Kim.

"Oo, kasi diba dati hindi mo naman siya gusto? eh ngayon? pwede na ba?" sabay tawa.

"Ikaw, talaga..." nang gigigil na sabi ni Kim.

First, second at third quarter, sina Simon ang nangunguna. 71-65 ang scores.

Sa lahat ng oras nakatitig lang si Kim kay Simon habang naglalaro ito. Halos hindi niya nga pinapansin si Gerald.

Kaka-start palang ng first quarter ng biglang magka-foot cramps si Simon. Itinayo siya ng iba niyang ka-teammates at dinala sa bench kung saan naka-upo ang iba nilang ka-teammates.

Napatayo si Kim sa nangyari. Makikita sa mukha niya ang matinding paga-alala.

"Miss, pwede maupo ka. Magi-start na ulit iyong game eh, hindi namin makita." sinabi ng isang lalaki na nasa likuran nilang magkapatid. 

Tumingin si Kim sa likuran niya. "Ay, sorry," at saka siya na-upo.
 

Nagulat ang lalaki, hindi niya napansin na si Kim Chiu pala iyon.

"Diba si Kim Chiu iyon?" tanong ng isang babae.

"Oo nga,. Baka sila na ni Simon..Or baka sila na ulit ni Gerald"

Walang malay si Kim na pinag-uusapan na pala siya nang mga tao sa likuran niya.

Tumayo si JP. "Ate, sandali lang."

"Saan, ka pupunta?" tanong ni Kim.

Hindi na sumagot si JP, dumiretso siya sa kinauupuang bench ni Simon at saka bumulong. Kung titignan mo sila ay halatang close na close sila. Pagkatapos bumulong ni JP kay Simon, ay biglang tumingin si Simon sa kinaroroonan niya.

Nahihiya si Kim kay Simon. Matapos nung nangyari dati ay hindi na siya nakapag-sorry dito.

Nagulat nalang si Kim nang biglang kumuway at ngumiti si Simon sa kanya.

Ngumiti lang si Kim.

Sumenyas si JP na lumapit siya sa bench na kinaroroonan nila pero umiling si Kim. Hindi  niya alam kung paano niya pakikiharapan si Simon pagkatapos ng mga  nasabi niya last year.

Pagkakataon na sana iyon ni Kim para makapag-sorry subalit hindi niya maintindihan kung bakit siya tumanggi na lumapit.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(