Perfect Two 8

Perfect Two

Pareho ng lulan ng sasakyan sina Kim at JP. Papunta na sila bar kung saan mag-kikita sina Kim at Maja.

"Andito na tayo, Ate....." sabi ni JP.

Wala yatang narinig si Kim busy kasi ito.... Ka-bbm niya si Kris Aquino.

"Ate, may balak ka bang bumaba kasi late na ako sa lakad ko eh." asar na pagkakasabi ni JP.

"Oo, wait lang.." binuksan na ni Kim ang pinto sa frontseat ng sasakyan at saka bumaba.

"Ate, anong oras kita susunduin?"tanong ni JP.

"Magpapahatid nalang ako kay Maj,,"

"Okay," pinaandar na ni JP ang sasakyan. "Sige, Ate aalis na ako."

Ngumiti lang si Kim.

Nasa loob na si Kim ng bar nang biglang nag-ring ang phone niya..

Si Maja ang caller.

"Mah Friend!!! Asan ka na?" masiglang tanong ni Kim pagkasagot sa tawag ni Maja.

"Mah Friend, sorry hindi ako matutuloy, tumawag kasi si Tito Philip may family dinner pala kami ngayon.. Sorry.." mahinang pagkakasabi ni Maja.

"Ah, ganun ba? Oh, sige... Ingat ka nalang."

"Mah friend, sorry,.."

"Oo na,.. Okay lang..." ibinaba na ni Kim ang phone niya.

Palabas na si Kim ng bar para umuwi na.

Nagti-text siya, hindi niya pansin ang dinaraanan niya. Hindi niya tuloy napansin na may kasalubong siya. She ran smack straight into someone.

"Oh, sorry!!" sambit ni Kim.

"Kim?" tanong ng taong nakabangga niya.

Napaangat ang paningin ni Kim sa taong nakabangga.

"Simon?" gulat na sambit ni Kim.

"How are you?" masiglang tanong ni Simon. Abot tainga ang ngiti nito.

"Okay lang naman..." nakangiting sagot ni Kim.

"Buti naman.." hindi pa rin na alis ang mga ngiti sa mga labi ni Simon.

"Eh, ikaw? How are you? Good to see you here, ah.." masiglang tanong ni Kim.

"Okay na okay... Inihatid ko kasi iyong inaanak ko sa bahay nila and hindi ko rin alam kung bakit ako napadpad dito..." tumigil si Simon sa pagsasalita at saka tumingin sa likuran ni Kim. "Pansin ko lang ah,, wala kang kasama...."

"Mag-kikita sana kami ni Maja, kaya lang may family dinner pala sila ngayon, uuwi na sana ako, eh.."

"I see," natigilan si Simon at tila nag-isip. "How about we grab something to eat?" mungkahi ni Simon.

Ngumiti lang si Kim bilang pag-sangayon.

"Good... Gutom na rin ako eh," natatawang pagkakasabi ni Simon. "May dala ka bang sasakyan?"

Umiling siya. "Inihatid lang ako ni JP. Coding ang sasakyan ko, eh."

"We'll just use my car then,"

Sa isang Italian-Filipino restaurant humantong.

Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nasa loob na sila ng restaurant. Um-order sila ng pagkain. Italian spaghetti at juice ang in-order ni Kim habang salad, lasagna at juice naman ang in-order ni Simon.

Si Kim ang nagbukas ng usapan pag-kaalis ng waiter.
"About what happened, last year, sorry....."

"Let's just agree to forget about that, kim..."

Tumango lang si Kim.

"Congratulations nga pala," pag-iiba ni Simon sa usapan.

"Congratulations?" nagtatakang tanong ni Kim.

"Ang ganda ng performance mo sa My Binondo Girl, lagi mo akong pinapaiyak,," natatawang pagkakasabi ni Simon.

"TFC subscriber ka?" tanong ni Kim.

Tumango lang si Simon.

Dumating na ang order nila.

"Let's eat," sabi ni Simon pagkaalis ng waiter.

Nagulat si Simon, magaling pala kumain si Kim, talagang hindi lang ito tumataba.

Nag-ring ang phone ni Simon. Mommy niya ang caller.

"Excuse lang, ah," sinabi ni Simon bago niya sagutin ang tawag.

Ngumiti lang si Kim at saka nag-concentrate sa pagkain.

"Hello, mom?"

"Son, where are you? Kanina pa ako nagte-text sayo, sabi ko kung natanggap mo ang text ko mag-textback ka."

"Mom, sorry,..."

"Alam mo, nagtatampo na ako sayo.."

"Huh?"nagtatakang tanong ni Simon.

"Eh, kasi nung Monday ng gabi, bigla mo nalang ako tinakbuhan sa sala, alam mo naman na nahihirapan ako maglakad kung madilim..."

"What? Kayo 'yon? Alam niyo naman na ayaw kung tinatakot ako,.. Sorry,,.."

"Apology accepted" wika ng Mom ni Simon.

"Bakit nga pala kayo tumawag?"

"Hindi kami makaka-uwi ngayon ng daddy mo, ang lakas kasi ng ulan,,"

"Okay,, ingat kayo, ah..."

"Wait, kakausapin ko si Juvy, may sasabihin ako sa kanya.."

"Wala ako sa bahay, Mom."

"Eh,asan ka?"

"Kasama ko si Kim,"

"Really? Paka-usap nga.." na-excite ang mom ni Simon.

"Mom, naman,... Huwag na,,..."

"Simon? magagalit ako sayo.,"

"Okay Fine.." tumingin si Simon kay Kim. "Kim, gusto ka raw kausapin ni Mom,"

"Ako? Bakit?" inabot ni Kim ang phone.

Tumago lang si Simon.

"Hello, Kim?"

"Hello po?"

"Hi, i'm Simon's Mother.. Free ka ba on Saturday? Golden Wedding Anniversary kasi namin ng Tito Alan mo.."

"Ini-invite niyo ako? What time po ba?" tanong ni Kim.

Napatingin si Kim kay Simon, hindi ito mapakali.

"Mga 6 or 7.."

Napa-isip si Kim,, naalala niyang wala siyang rehearsal sa Saturday, wala rin siyang mall shows dahil ipina-cancel lahat ni Mr. M.

"Okay po,.. See you po.."

"Thank You, see you then.."

Iniabot ni Kim ang phone kay Simon.

"Hello, Mom?" tanong ni Simon pagkakuha sa phone ngunit wala na ito sa linya.

"Anong sabi sayo ni Mommy? Hayaan mo na yon,wag mo siyang pansinin.." kinakabahang sinabi ni Simon kay Kim.

Natawa si Kim. "Ano ka ba,, wala namang sinabi ang Mom mo, ininvite niya lang ako sa Saturday."

"What?" napasigaw si Simon halos napatayo pa ito. Nagkatinginan ang ibang kumakain sa restaurant.

"Ano ka ba, balak mo bang mag-eskandalo?" natatawang sabi ni Kim. "Maupo ka nga."

"Sorry,, alam ko naman ang schedules mo, eh.. Okay lang ba? baka napilitan ka lang?"

"Okay lang, wala naman akong work sa Saturday, wala akong mall shows,, ipina-cancel lahat ni Mr. M."

"Sure?" nasa mukha pa rin ni Simon ang paga-alala.

"Oo nga,"

"Okay, sunduin nalang kita sa Saturday?"

"Okay, text me nalang,.." may iniabot si Kim na isang calling card.

Napatingin si Kim sa relo niya.

"Oh god, 9:00 na pala,..."

"Why? May work ka bukas?"

"May rehearsal ako ng 9 eh.."

"Oh, sige ihahatid na kita.." Tinawag ni Simon ang waiter at saka nag-iwan nalang ng 5k sa mesa,..

Tumango lang si Kim.

"Sir, sobra po masiyado, 3k lang." sabi ng waiter.

"Sayo na iyong 2k" kumindat si Simon sa waiter.

"Let's go, Kim."

Napangiti si Kim sa ginawa ni Simon. Aba mahirap din maghanap ng 2k sa isang araw.

Sabay silang lumabas ng restaurant.

Hindi nagtagal ay pareho na silang lulan ng sasakyan. Pinaandar na ni Simon ang sasakyan.

"Alam mo ba kung saan pumunta si JP ngayon?"

"Huh?" gulat na tanong ni Kim.

"May date siya ngayon, alam mo ba iyon?"

"Talaga?"

Ngumiti lang si Simon. "Alam mo ba noong nanood siya ng game noong monday, magdi-date sana sila nung pinopormahan niya kaya lang hindi sumipot iyong girl."

Medyo na-sad si Kim sa sinabi ni Simon. "Kaya pala may naka-reserved na dalawang upuan."

"Tama ka, nagulat nga ako noong nakita kung ikaw ang kasama niya."

Ngumiti lang si Kim at saka hindi na nag-salita. Dahil sa katahimikan at pati na rin siguro sa  pagod hindi namalayan ni Kim na nakatulog na siya.

Nagising si Kim ng kalabitin siya ni Simon. "Kim, andito na tayo sa bahay niyo."

"Ay, nakatulog ba ako? i'm sorry.."

"Okay, lang.. Alam ko namang pagod ka."

"Sige, pasok na ako ng bahay, thank you sa paghatid. Iti-text nalang kita,.." bumaba na si Kim at saka pumasok na sa bahay.

 

-------------------------------------------------------

 

Dumating si Simon sa bahay nila na nakangiti.

"Kuya, okay ka lang?" natatawang sabi ni Claire na nasa sala kasama sina Raezen, Mocha at Juvy, nanonood sila ng My Binondo Girl.

Napangiti ulit si Simon ng biglang mapatingin sa TV at si Kim ang una niyang nakita.

"Ehemmm!!!!" sabi ni Mocha.

"May nangangamoy ah!!!" sabi ni Raezen.

"Share mo naman" sabi ni Juvy.

Nagulat nalang sina Raezen, Mocha, Claire at Juvy nang biglang magtatalon at sumigaw si Simon.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Raezen.

"Ewan ko, nababaliw na yata si Simon." sabi ni Juvy.

"Aba, malay ko.. Hay pag-ibig..." sabi ni Mocha.

Sigaw ng sigaw si Simon habang paalis sa sala. "Yessssssss!!!"

Nagkatawanan sina Raezen, Mocha, Claire at Juvy na nasa sala.

"Hindi man lang tayo pinansin?" natatawang pagkakasabi ni Raezen.

Nagkatawanan nalang sila ng bigla ulit magsisigaw si Simon sa kuwarto nito.

Napailing-iling nalang si Claire.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(