Perfect Two 34

Perfect Two

Mag-iisang Linggo palang sina Kim at Simon pero pareho na silang nahihirapan sa situwasyon pero kinakaya naman nila... 

Naging sunod sunod ang mga TV guestings ni Kim para i-promote ang movie nila ni Gerald na kinabukasan ang premier night... Tulad ni Kim nagfocus na rin si Simon sa pagti-training para sa finals na gaganapin naman sa susunod na Linggo... Kahit ganun sila ka-busy gumagawa pa rin naman sila ng para magkita... Kapag pauwi na si Simon galing sa training dumadaan muna siya sa bahay ni Kim...

"Ang hirap naman ng ganito.."  baling ni Kim kay Simon... 

Nasa pool sila ng bahay ni Kim sa mga oras na iyon... Nakahiga si Simon sa lap ni Kim samantalang si Kim naman ay nakatampisaw ang paa sa tubig... 

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim.. "Okay lang naman sakin, kahit anong desisyon mo..."

"Sorry ha!!!.." 

Nagtaas ng isang kilay si Simon.. "Sorry?!?"

"Ihhh kasi naman ang pangit ng set up natin... Palihim.." sagot ni Kim habang nakatingin kay Simon, hinahaplos haplos nito ang buhok ni Simon.. 

"Ikaw naman kasi ang made-decide not me.." sambit ni Simon pagkatapos ay dahan dahan kinurot si Kim sa kaliwang pisngi..

Napaisip si Kim... Alam naman niyang hindi sanay si Simon ganung situwasyon kaya na-realize niya na kapag naipalabas na ang movie nila ni Gerald kaya na rin siguro niyang umamin... 

Muling tumingin si Kim kay Simon.. "Gusto ko nasa premier night ka bukas ha?!?.." paaniyaya ni Kim..

"Ayoko.." sagot kaagad ni Simon..

"Ha?!?.. Bakit naman?!?.." medyo sad na sambit ni Kim.. 

"Baka may makita ako sa movie.." nakangusong sagot ni Simon.. 

Nangiti si Kim, alam niya kung ano ang mini-mean nito... "Fake naman lahang ng iyon!.. Ikaw naman ang love ko..." ngingiti-ngiting sambit ni Kim.. 

Umiling si Simon.. 

"Pleaseeee!!!... Gusto ko andun ka... Magtatampo ako sayo..." paglalambing ni Kim.. 

"Hmmmm!!!... Kiss mo muna ako.." kondisyon ni Simon...

Kunwaring nag-isip si Kim.. "Sa cheeks lang ha?!?.."

"Sa mga leading men mo okay lang, tapos sakin (kunot noo) It's so unfairrrrr!!!.."  pagtatampo nito.. 

"Oo sige na pero pupunta ka ha?!?.."

Muling napangiti si Simon pagkatapos ay tumango tango.. 

"Pikit ka muna.."  

Pumikit naman si Simon.. 

Unti-unting yumuko si Kim para halikan si Simon... Pagkadampi ng kaniyang labi sa labi ni Simon bigla nalang siya nitong hinila pabagsak sa pool ng hindi napaghihiwalay ang kanilang mga labi... 

Itinali ni Kim ang kaniyang kamay sa leeg ni Simon dahil kinakapos ang paa niya sa taas ng tubig.. 

Tumagal din iyon ng ilang minuto, tsaka nalang nila pinakawalan ang isa'y isa nung pareho na silang makuntento...

Tumingin si Kim sa mga mata ni Simon pagkatapos ay niyakap niya ito... "I love you.."

"I love you more!!!.." pagtugon ni Simon habang kayakap si pa rin Kim..

Sa ganoong posisyon sila naabutan ni Gerald..

Hindi yata napansin nila Kim at Simon na naroroon si Gerald dahil busy sila sa isa't isa... 

"Kayo na pala.." pang-aagaw pansin ni Gerald sa kanilang dalawa... 

Sabay silang napatingin kay Gerald... 

Napahawak si Kim sa kamay ni Simon.. 

Pareho silang basang-basa nung umahon sila galing sa pool... 

"Kelan pa?!?.." tanong ni Gerald.. 

"Last Sunday.." si Simon na ang sumagot.. 

Parang doon na talaga nawalan ng pag-asa si Gerald.. Doon na niya naramdaman iyong sakit na nagawa niya dati kay Kim na bigla niyang pinagsisihan... "I'm happy for both of you..." napipilitang sambit ni Gerald.. 

Napangiti lang naman sina Kim at Simon.. 

"Ano nga palang ginagawa mo dito?!?.." biglang tanong ni Kim.. 

Hindi maiwasan ni Gerald na hindi mapatitig sa kamay ni Kim at Simon na magka-holding hands.. "Ha?!? eh, ano, wala... May ano may pinahatid lang si Mommy na pagkain.." wala sa sariling sagot ni Gerald.. 

"Tita Kim, mo kaon na ta... (kakain na tayo)" tawag ni Raine sa kanila.. 

"Una na mo... Mo sunod lang mi.. (mauna na kayo, susunod na rin kami)" sagot naman ni Kim sa kaniyang niece... 

"Okay!!!.." sagot lang naman ni Raine pagkatapos ay nagtatakbo na papunta sa kusina... 

"Tara kain na tayo ng dinner..." muling baling ni Kim kina Simon at Gerald.. 

"Gerald mauna ka na doon, magpapalit muna kami.." paalam ni Kim.

Tumango lang naman si Gerald..  

Sina Kim at Simon naman ay nagkukulitan habang naglalakad papunta sa kuwarto ni Kim.. 

Si Kim ang unang nagpalit, nung matapos siya ay si Simon naman ang pumasok..

Kinatok ni Kim ang pinto ng bagno..

Lumabas si Simon na nakatowel lang... 

"Ito oh mamili ka nalang diyan ng isusuot mo..Kaka-pull out ko lang kasi kahapon..." sambit ni Kim pagkatapos ay iniabot ang isang paper bag ng Bench... 

Pagkasabi nun ni Kim muli siyang humarap sa may salamin at nag-suklay, si Simon naman ay napapatingin sa kaniya... 

"Magpalit ka na!!!... Magkasakit ka niya eh.." sambit ni Kim nung makita niya sa salamin na nakatingin sa kaniya si Simon... 

Natawa si Simon... 

"Mauuna na ako sa baba ha, sumunod ka nalang... " muling sambit ni Kim.. 

Ngumiti lang naman si Simon bilang pag-sangayon.. 

Nauna na si Kim sa baba, pagkatapos ay tumungo siya sa may dining table kung saan naroroon sina Raine at Gerald na naghihintay...

Tinulungan niya sina Ate Twinkle at Ate Kams sa  paglalabas ng mga pagkain at pinggan.. 

Maya maya ay bumaba na rin si Simon... 

"Tita Kim puwede ng kumain?!? Gutom na kasi ako ih.."  basag ni Raine sa katahimikan nung nasa harap na silang lahat ng hapagkainan...

"Kim oh!!!..." sabay na sambit ni Simon at Gerald, sabay nilang nalagyan ng ulam ang pinggan ni Kim...

Parang nailang naman si Kim dahil sa ginawa ng mga ito... "Salamat.." iyon nalang ang nasabi ni Kim...

Nagtitinginan lang naman sina Twinkle at Kams... Pati ang mga ito ay naiilang... 

Hindi naman makapagbukas ng usapan si Kim dahil naiilang siya kay Gerald... Hindi siya sanay ng ganun, iyong nandyan si Gerald, okay na sila friends na nga diba?!?... Kaya lang mas priority naman niya si Simon na boyfriend niya... 

Tinapos lang ni Gerald ang pagkain niya pagkatapos ay nagpaalam na siya kina Kim.. 

"Aalis ka na?!?.." tanong ni Kim.. 

"Oo, marami pang gagawin bukas.. Thank you nga pala sa dinner..." nangingiting sambit ni Gerald..

"Ihahatid na kita sa labas.." banggit ni Kim.. 

Ngumiti lang si Gerald..

Tumayo na rin si Kim pagkatapos ay tinapik si Simon sa balikat na parang sinasabi niyang Don't worry.. Walang mangyayari..

Napangiti na rin si Simon... 

"Ge, kung pwede sana, hayaan mo nalang na ako mag-sabi sa management.." pagmamakaawa ni Kim nung nasa labas na sila..

Hinawakan ni Gerald ang kamay ni Kim... "Don't worry.. Your secret is safe.. I'm happy for you Kim.. Sorry for all the heartaches...." biglang pagso-sorry ni Gerald.. 

Biglang tumulo ang luha ni Kim... Oo ilang beses na nag-sorry si Gerald sa kaniya pero ngayon lang niya naramdaman ang sincerety nito... 

Pati si Gerald ay nangingilid na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.. 

Biglang niyakap ni Kim si Gerald.. "Okay na..." sambit nito pagkatapos ay tinapik tapik si Gerald sa likod.. 

Maya-maya ay sumunod si Simon sa kanila.. 

Kumuwala si Gerald sa yakap ni Kim.. "Tama na.. (natawa) baka magselos pa boyfriend mo niyan eh.." nangingiting sambit ni Gerald.. 

Napangiti rin si Simon pagkatapos ay hinawakan si Kim sa beywang.. 

"Ingatan mo ha...." nangingiting sambit ni Gerald.. 

"Oo naman.." sagot ni Simon pagkatapos ay nakipagkamay kay Gerald...

"Sige mauuna na ako..." paalam ni Gerald.. 

Ngumiti lang naman sina Kim at Simon...

Hanggang sa paandarin na ni Gerald ang sasakyan niya at tuluyan ng umalis.. 

Sina Kim at Simon naman ay nanatili sa labas pinapanood ang sasakyan ni Gerald na papalayo.. 

"Aalis na rin ako.." paalam ni Simon.. 

"Sige gabi na rin..." ani ni Kim.. 

Humarap si Kim kay Simon pagkatapos ay humalik ito sa pisngi ni Simon.. "Ingat ka ha!!!.." 

Ngumiti si Simon... Pagkatapos ay inilapit ang mukha sa mukha ni Kim.. (nose to nose) 

Napangiti si Kim.. "Sige na.." 

Binuksan na ni Simon ang pintuan ng sasakyan niya at pinaandar na ang sasakyan... 

Ibinaba ni Simon ang window ng sasakyan niya.. "May nakalimutan ka (ngumuso)..." 

Lumapit naman si Kim sa may sasakyan at dinampian lang ang labi ni Simon... "Oh sige na.. Umuwi ka na.. Kumusta mo nalang ako kina Ate Juvy, Tita, Tito, kina Claire ha..."

"Opo!!!.." Pinaandar na ni Simon ang sasakyan pagkatapos ay umabante ng konte pero umatras din kaagad pabalik sa tapat ng gate ng bahay ni Kim... "I love you pala.." 

"Kala ko nga nakalimutan mo na... (natawa) i love you too.. Ingat..." sagot ni Kim...

"Pumasok ka na muna bago ako umalis.." kondisyon ni Simon..

"Oo ito na... Umuwi ka na rin ha, baka kung saan saan ka pa pumunta..." pangaral ni Kim..

"San naman ako pupunta?!?... Natatakot ka na baka ipagpalit kita noh?!?..." pagbibiro ni Simon..

"Tseee!!! Basta umuwi ka na... Mag-ingat ka ha.." nangingiting sambit ni Kim pagkatapos ay muling binuksan ang gate papasok sa bahay niya..

"I love youuu!!!..." sigaw ni Simon..

Nag-flying kiss lang naman si Kim pagkatapos ay pumasok na..

Umalis na rin si Simon nung makapasok na si Kim ng maayos.. 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(