Perfect Two 26

Perfect Two

Thursday ng hapon sa bahay nila Simon...

Hindi na mapakali si Simon sa kahahanap ng isusuot para sa guesting niya sa Kris TV para bukas..

Kaninang umaga pa siya naghahanap kung ano ang isusuot niya pero hindi siya makapili dahil na rin siguro sa kaba at kaba... Mix emotions...

Ang sakit na ng ulo niya kaiisip kaya hinigaan niya nalang ang kama niya na punong-puno ng shirts at pants halos inilabas na yata niya ang lahat ng laman ng cabinet niya...

"Ang hirap naman ng ganito!!!..." sambit ni Simon sa sarili habang nakahiga at halos pulang-pula na ang mukha niya kakahahaplos dito...

Ilang beses na niya naisipang tawagan si Kim pero ayaw niya namang istorbuhin ito dahil baka nagpapahinga ito..

"Sa damit palang suko na ako, pano pa kaya bukas.. Kung bakit ba naman kasi pumayag pa ako.." pagrereklamo ni Simon...

Ginulo-gulo ni Simon ang buhok habang nakahiga pa rin.. "God!!!.. Ang hirap ma in love... Hindi magawang tanggihan siya..." sigaw ni Simon na halos dinig sa buong bahay...

"Ano ba ang nangyayari sa Kuya mo?!?.." tanong ni Elena na Mom ni Simon kay Claire nung marinig ang sigaw ni Simon..

"Igi-guest siya bukas sa Kris Tv eh kaninang umaga pa nga siya naghahanap ng isusuot..." paliwanag ni Claire..

Hindi na maipaliwanag ang reaksiyon ni Elena...

"Bakit ganiyan ang histura mo Mom?!?.." tanong ni Claire..

"Hindi mo maiisip kung ano nanaman ang hitsura ng kuwarto ng Kuya mo... Katatapos ko lang linisin kahapon iyong room niya..." sambit ni Elena..

"Hmmm!!!.. Kanina nung pumasok ako sa room ni Kuya iyong mga sapatos niya nakapatong sa dalawang side table ng bed ni Kuya at iyong iba nasa sahig... Tapos iyong mga shirts at pants niya nasa kama niya parang okay okay lang.... Ganun kalinis ang room ni Kuya..." medyo natatawang sagot ni Claire..

Nailing-iling nalang si Elena...

Si Simon naman ay nakatulog na sa sobrang pagod kakahalungkat ng damit at sa kakareklamo na rin..

Si Elena naman ay umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para puntahan si Simon...

Halos sumakit ang ulo ni Elena nung makita ang looban ng kuwarto ni Simon... 

Inuna ni Elena na iligpit ang mga sapatos ni Simon pagkatapos ay inumpisahan na niyang tiklopin ang mga pants at shirts ni Simon na nakakalat sa kinahihigaan ni Simon.. "Batang ito talaga... Higaan ba naman ang mga damit niya.. Oh ayan lukot-lukot..." mahinang sambit ni Elena..

Nung matapos ng matiklop ni Elena ang lahat ng damit sa kama ni Simon ay bumaba na siya para mag-luto ng hapunan... Hinayaan niya nalang si Simon na magtulog muna... 

Pagkapasok ni Elena sa kusina naabutan niya si Raezen (pinsan ni Simon) na nagsasaing ng bigas... 

Habang tinutulungan ni Raezen si Elena sa pagluluto ay biglang may nag-doorbell... 

"Raezen tignan mo nga kung sino iyon ako na muna ang bahala dito..." ngingiti-ngiting utos ni Elena kay Raezen..

"Okay po.." sagot lang ni Raezen... 

Nakasalubong ni Raezen si Claire... Papunta rin sana ito para buksan ang gate sa labas.. "Ate ako na ang bahala manood ka nalang diyan..." ani ni Raezen sabay ngiti..

Tinapik lang ni Claire si Raezen sa balikat at muli itong bumalik sa sala para manood..

Nagmadaling binuksan ni Raezen ang main door ng bahay at nakita niya si Kim sa may gate.. Naka jeans ito ng black, naka-shirt ng White at naka flat shoes ito ng pink.. Kahit naka-flat shoes si Kim ang tangkad tangkad pa rin niyang tingnan... Hindi rin naman ito nakamake up... Doon lang na-realise ni Raezen na mas maganda pala si Kim kung walang make up.. 

Lakas maka-babae ni Ate Kim!!!... sa isip ni Raezen habang pinagmamasdan niya si Kim na nasa labas ng gate ng kanilang bahay...

Kung hindi pa kumaway si Kim hindi na siguro siya kikilos para pagbuksan ito ng gate...

"Ate Kim bakit hindi ka man lang nag-sasabi na pupunta ka dito.." ani ni Raezen habang binubuksan ang gate...

"Namasiyal kasi kami ni Maja eh naiisipan kong bisitahin si Tito.." ngingiti ngiting sagot ni Kim... 

"Kasama mo si Maja Salvador?!?..." mahinang tanong ni Raezen pero nasa boses nito ang excitement.. 

"Oo lalabas din iyon ng sasakyan mamaya kausap niya kasi si Matteo..." sagot naman ni Kim...

"Tara Ate sa loob..." paanyaya ni Raezen..

Ngumiti si Kim.. "Tinatawagan ko ang Kuya Simon mo pero hindi naman siya sumasagot..." ani ni Kim.

"Ehhhh... Nakatulog sa sobrang pagod kakahanap kung ano ang susuotin niya bukas..." nangingiting sagot ni Raezen.. "Pressured din kasi hindi siya sanay..." dagdag pa ni Raezen sabay kagat sa labi..

Napabuntong hininga nalang si Kim... 

Sumunod na rin si Maja sa kanila papasok sa bahay... "Uy, ikaw ba iyong naka-usap ko dati, iyong biglang nawala sa linya?!?..." tanong ni Maja kay Raezen..

"Ahhh... Ehhhh... Oo ehh..." medyo shy na sambit ni Raezen..

"Ito naman mahiyain!!!..." ngingiti ngiting sambit ni Maja sabay akbay kay Raezen...

Doon lang napagtanto-tanto ni Raezen na kung sino si Maja Salvador on screen iyon din ang mga Maja Salvador off screen...

Napangiti naman si Raezen sa ginawa ni Maja... "Pasok kayo sa loob... For sure masu-surprise silang lahat.. Specially si Kuya Sai mamaya kapag nagising siya...." paanyaya ni Raezen kina Kim at Maja..

Nangingiting sumunod naman si Kim kina Maja at Raezen, naka-akbay pa rin kasi si Maja kay Raezen... 

Bubuksan na sana ni Raezen ang main door pero bigla itong binuksan ni Claire...

"Raezen sino ba iyong nag-doorbell?!?.." tanong ni Claire bago buksan ang main door pero nagulat siya nung biglang si Maja ang nakita niyang kasama ni Raezen at nasa likuran naman ng mga ito si Kim na nakangiti sa kaniya... 

"Ate Ki-ki-i-im..." putol putol na sambit ni Claire kasi first time niyang makita si Maja...

Nginitian naman ni Maja si Claire... "Ikaw sister ni Simon?!?..." tanong ni Maja...

Tumango lang naman si Claire dahil medyo nahihiya pa siya... "Ahmmm.. Pasok kayo.." sambit ni Claire... "Ate Kim gusto mo gisingin ko si Kuya!?.." tanong ni Claire kay Kim nung makapasok na ang mga ito sa loob ng bahay..

"Sa kusina muna ako ha.." paalam ni Raezen kina Claire, Maja at Kim..

Ngumiti lang naman ang mga ito...

"Huwag na hayaan mo muna siyang magpahinga..." ani ni Kim... "Saan si Tito at Tita?!?.." tanong nalang niya...

"Si Mom nasa kusina nagluluto then si Dad nasa Tagaytay doon sa bahay ni Kuya Sai kasama niya sina Ate Mocha at Ate Juvy... Mas maganda kasi doon fresh air.." sagot naman ni Claire...

Tumango-tango lang sina Kim at Maja... 

Nasabi ni Raezen kay Elena na bumisita sina Kim at Maja kaya pumunta siya ng sala para kumpermahin kung totoo nga ang sinasabi ni Raezen at nakita niya ang mga ito naka-upo sa sala... 

"Hija!!!.." tawag ni Elena kay Kim.. 

"Tita!!!.." ani ni Kim.. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit kay Elena para hagkan ito... "Ahhh.. Oo nga pala Tita si Maja..." pagpapakilala ni Kim kay Maja..

"Super happy to meet you personally Maja..." malugod na pakikipagkamay ni Elena..

"Same here rin po..." sagot ni Maja..

Naupo naman si Elena sa tabi ng kinauupuan ni Claire... "Buti naman at bumisita kayo.."

"Actually Tita we're here sana to visit Tito pero nasabi ni Claire kanina na nasa Tagaytay pala si Tito.." ani ni Kim..

"Oo nga nasa Tagaytay siya ngayon... Para mas mabilis iyong pag-galing niya..." sagot naman ni Elena..

"Ayyy.. Oo nga po pala... Nabanggit kanina ni Raezen na hindi daw alam ni Simon ang susuotin niya bukas... If you don't mind po kami na ni Maja ang mamimili kung ano ang susuotin niya..." pagpi-presenta ni Kim...

"Oo naman, walang problema sa akin iyon... Pasasamahan ko nalang kayo kay Claire papunta sa room ni Simon..." pagsangayon ni Elena..

"Tara na sa taas?!?..." paanyaya ni Claire... 

Tumango lang si Maja at Kim...

Tumungo sila papunta sa hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay... 

Binuksan ni Claire ang pinto ng room ni Simon... "Ate iyon yung Cabinet ni Kuya (sabay turo sa kinaruruunan ng cabinet ni Simon)... Kapag may kailangan kayo katukin niyo nalang ako diyan sa kabilang kuwarto..." ani ni Claire at tuluyan na niyang iniwan sina Maja at Kim sa loob ng kuwarto ni Simon...

Lumapit si Kim sa Cabinet ni Simon at binuksan ito... 

"Kim!!!.." mahinang tawag ni Maja..

Nilingon ni Kim si Maja.. 

Ngumuso si Maja paturo kay Simon na nahihimbing sa pagtulog... "Ang cute niya matulog oh.." 

Siniko ni Kim si Maja.. "Tumigil ka nga.. Tulungan mo nalang ako sa pagpili ng isu-suot niya bukas..." ani ni Kim..

"Ang dami pala niyang damit..." mahinang sambit ni Maja nung makita ang laman ng Cabinet ni Simon..

Tinignan ni Kim ang mga damit ni Simon... 

"Mah Friend ito nalang kaya atsaka mag-pants nalang siya.." tanong ni Maja sabay pakita sa nakita niyang damit... 

Napangiti si Kim.. "Okay na iyan.. Hindi bagay sa kaniya iyong masiyadong ma-porma... Kahit simple lang damit niya ang disente pa rin niyang tignan..." pagsangayon ni Kim sa ipinakitang damit ni Maja... 

Nung makapili na sila ng damit itinuklop na nilang dalawa ang mga ito at ipinatong sa kama ni Simon ang susuotin nito..

Lumabas na sina Kim at Maja... Kinatok nila si Claire sa kabilang kuwarto.. "Claire sa baba na kami ha?!?.." paalam ni Kim.. 

Tumango si Claire.. "Susunod na rin ako..."

Nauna na sina Kim pababa... 

"Ate Kim at Ate Maja dito nalang kayo kumain?!?.." paanyaya ni Raezen... 

"Hindi na po siguro mauuna na rin kami.." sambit ni Kim..

Lumabas si Elena sa kusina.. "Ayy hindi... Dito na kayo kumain..." hindi pagpayag ni Elena.. "Naghanda ako oh.." dagdag pa nito..

Nahiya naman sina Kim at Maja kaya pumayag na sila.. 

Maya-maya ay sumunod na rin si Claire sa baba...

"Kuya mo?!?.." tanong ni Elena kay Claire habang inihahanda nito sa hapagkainan ang mga ulam... 

"Natutulog pa yata..." sagot naman ni Claire..

Si Raezen naman ay nahulog niya ung takip ng kaldero na dahilan kung bakit nagising si Simon na natutulog sa taas... Nagising si Simon sa ingay... Tumayo na siya at inilawan ang kuwarto... Nagulat siya kasi wala na iyong mga damit na nasa kama niya kanina pati iyong mga sapatos na nakapatong sa side tables ng kama niya... Nakita rin niya iyong mga ipinatong ni Kim at Maja sa kama niyang damit.. 

Nagbagno si Simon para maghilamos at pagkatapos nun ay bumaba na rin siya sa taas pala ay naamoy na niya iyong amoy ng niluto ng Mom Elena niya... 

Si Kim naman ay hindi makuntento na hindi makatulong kaya tumayo ito, iniwan niya si Maja sa sala at pumunta sa kusina para tumulong.. "Tita tulungan ko na po kayo..." sambit ni Kim.. 

"Hindi na.. Doon ka nalang sa sala.." ani ni Elena...

"Hindi po kasi ako sanay ng ganito.. Pagbigyan niyo na po ako..." pangungulit ni Kim.. 

"Oh sige na nga.. Ano ba puwede mong maitulong.. Ahhh... Oo, sige maglabas ka ng kutsara at tinidor iyon lang.." ngingiti-ngiting sambit ni Elena..

Si Simon naman ay bumaba na.. Madilim sa sala tanging iyong Lampshade at TV lang ang umiilaw dito... May nakita siyang isang babae naka-upo sa sofa... Ang akala yata niya ay si Claire iyon kaya lumapit siya at ginulo ang buhok nito... 

Napasulyap naman si Maja nung gulhin ni Simon ang buhok niya... 

"Maja?!?.." gulat na sambit ni Simon... "Anong ginagawa mo dito?!?..." tanong pa niya.. 

Nangiti si Maja.. 

"Oh, Kuya tamang-tama kakain na tayo..." abot tengang ngiti ni Raezen nung pumunta ito sa sala para sana tawagin si Maja.. 

Si Simon naman ay tila nahihiwagaan kaya nagmadali siyang pumunta sa kusina... Nagtataka siya kung bakit nasa bahay nila si Maja... "Mom bakit andito si Ma--?!?..." naputol iyong sasabihin ni Simon nung biglang lumabas si Kim sa kusina may hawak na mga kutsara.. 

"Hi!!!..." simpleng ngiti ni Kim kay Simon sabay pakita sa hawak na kutsara.. 

"Anong ginagawa mo dito?!?.. Ikaw din iyong nag-ayos ng mga damit sa taas?!?..." tanong ni Simon..

"No, Son.. Ako iyong nagtiklop ng damit mo..." sambit ni Elena.. 

Napamaang si Simon..  

Biglang hinila ni Raezen si Simon.. "Dito ka Kuya oh para tabi kayo ni Ate Kim.." ngingiti-ngiti nitong sambit.. 

Habang kumakain sila nagku-kuwentuhan lang sila.. 

"Nakita mo iyong damit sa kama mo?!?.." tanong ni Maja kay Simon.. 

"Oo.. Kayo namili?!?.." tanong ni Simon..

Ngiti lang ang isinagot ni Kim..

Hanggang sa matapos na silang kumain... 

Bago umalis sina Kim at Maja nag-usap muna si Kim at Simon sa labas... 

"Uyyy.. Pano bukas?!?..." tanong ni Simon..  

"Don't worry bukas maaga akong pupunta ng ABS-CBN kasi magme-meet rin kami ni Mr. M ng 12:30.." sagot ni Kim.. 

"Eh pero..."

"Ano ka ba.. I will tell Ate Kris na carefull lang siya sa mga itatanong niya sayo.. Don't stress yourself..." ngingiti ngiting sambit ni Kim..

"Basta bukas gusto ko habang ini-interview ako gusto ko nakikita kita..." sambit ni Simon.. 

Tumango lang si Kim.. 

Hinawakan ni Simon ang kamay ni Kim.. "Gagawin ko lang ito cause I love you..." paglalambing ni Simon.. 

Napangiti naman si Kim.. "Pano ba iyan madilim na... Kailangan na rin naming umalis ni Maja..." paalam ni Kim.. 

Muli silang pumasok sa loob para magpaalam... 

"Tita aalis na po kami ni Maja.." paalam ni Kim.. 

"Oh sige... Ikaw ba ang magmamaneho?!?.." tanong ni Elena.. 

"Opo..." sagot lang ni Kim.. 

"Mag-ingat ka ha.." paalala nito..

"Opo..." sambit ni Kim at pagkatapos ay hinagkan ni Kim si Elena sa pisngi..

"Tita mauna na po kami.." paalam ni Maja... 

"Oh sige ha... Mag-iingat kayong dalawa..." nangingiti ngiti nitong sambit..

"Claire at Raezen mauuna na kami..." paalam ni Kim at Maja sabay kaway... 

Ngumiti lang naman ang mga ito.. 

"Simon, ihatid mo na sila sa may gate.." utos ni Elena.. 

Tumango lang si Simon.. 

Nauna na si Maja sa loob ng sasakyan.. 

"Bukas ha..." paalala ni Simon kay Kim.. 

"Oo.." 

"Aalis na kami.." sambit ni Kim pero hindi pa rin binibitawan ni Simon ang kamay niya.. 

Nangingiti lang si Simon.. 

"Sabi ko aalis na kami.. Iyong kamay ko po..." 

"Dito ka nalang..." sambit ni Simon ayaw pa rin nitong bitawan ang kamay ni Kim.. 

"Eh san naman ako matutulog?!?.." tanong ni Kim.. 

"Ahmmm... Kung okay lang sayo tabi tayo sa kuwarto ko..." pabirong sambit ni Simon... 

Piningot ni Kim si Simon sa tainga... 

"Joke lang naman..." natatawang sambit ni Simon... "Atsaka dito ka rin naman titira after 10 years..." dagdag pa niya..

Natawa nalang si Kim... "Sige na aalis na kami... Pakawalan mo na ako.." 

"Hindi naman magandang salita iyong salitang pakawalan.. Hindi ko yata kaya yon.." banat ni Simon..

Natawa si Kim na kinilig.. "Sige na ikaw na... Ikaw na talaga..." 

"Mr. Simon David Lamorena David Atkins II aalis na po kami... Dilikado na.. Gusto mo bang may mangyaring masama sa Prinsesa mo?!?..." nangingiting sambit ni Kim..

"Syempre ayaw ko naman may mangyari masama sayo..." sagot pa ni Simon..

Maya-maya ay muling lumabas ng sasakyan si Maja.. "Ehem! Ehem! Ehem! Hindi pa ba kayo tapos mag pa tweetums tweetums diyan?!?..." tanong ni Maja.. 

"Oh ayan galit na si Mah Friend.. Aalis na kami.." paalam ni Kim pagkatapos ay humalik sa pisngi ni Simon.. 

Bubuksan na sana ni Kim iyong sasakyan pero tinawag nanaman siya ni Simon..

"Psssttt!!!... Miss Kimberly Sue Yap Chiu soon to be Atkins... I love you... muah.." natatawang sambit ni Simon.. 

Nailing-iling si Kim at kinidatan nalang si Simon... Sumakay na siya sa may Driver's seat ng sasakyan niyang Nissan 370Z pero bago pa man sila umalis, ibinaba niya muna iyong window ng sasakyan... "Pssstt!!.."tawag niya kay Simon (flying kiss).."

Catch naman ni Simon at itinapat niya sa puso pagkatapos sa labi.. 

"Ang corny niyo mah friend..." natatawang pansin ni Maja.. Sumilip si Maja sa labas at kumaway kay Simon... 

"Ingat kayo.." paalam ni Simon habang kumakaway... 

Hanggang sa tuluyan ng umalis sina Kim at Maja...





Itutuloy....

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
JeonJiyoon_
#1
SO DELUSIONAL AHAHAHAHAH
143kimon
#2
Thank You again... Break po muna ako sa pagsusulat... Will concentrate to my studies pero if there's a time talagang tatapusin ko po ung isa kong kimon story.. :D
graeye82
#3
waaahhhh tapos na? hehehe...
love this fic
ang cute ng story
two thumbs up to you *_*
saisai19 #4
waaahhh..kikilig nanaman ako!!

-buti nga sau budoy!! ang dapat sau tinatapon sa ilog pasig!hahaha
graeye82
#5
weeehhh!!! kakakilig!!! sweet sweet naman hihihi =)
gracelayson #6
MOR AND MORE AND MORE UPDATE PLS!!!!!!!!!!!!
braveyface #7
KILIG MUCH!NEXT CHAPTER NA!!hahaha
graeye82
#8
naku sana kausapin na ni kim si simon para magkaintindihan na sila... miss their sweet moments together... pls update soon =)
graeye82
#9
weh? kawawa naman si simon... kakainis naman ni mr.m! hindi ata tama na pakialaman niya pati personal na buhay ng talents niya!!! heeessshhh!!! tama naman si simon, dapat niyang magpakatotoo and fight for her rights as person... please update soon =)
143kimon
#10
sorry guys for the late update... Grounded po kasi ako and kinuha ung pc ko, di tuloy ako makapag-update.. ;(