Happy mochi 💙

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter
Author's note: sa nahihirapan po magbasa ng lines ni Khio may technique po dyan, basahin nyo sya na puro T lang HAHAHAHAHAH

 

 

Kinabukasan pagkatapos ng nangyaring insidente sa Daycare na pinapasukan ni Khio, katulad nga ng ipinagpalaam nina Karina at Winter sa guro nito, hindi na muna nila pinapasok sa school ang kanilang anak. Minabuti na din ni Karina na mag- vacation leave agad ng maaga para asikasuhin ang napagpasyahan nilang gawin mag-asawa para kay Mrs.Cruz.

 

 

Naka-usap na din nya si Mr. Uchinaga na lawyer ng pamilya nila tungkol dito. Child abuse at Defamation ang pwede nilang isampang kaso kay Mrs.Cruz. Sinigurado talaga ni Karina na mananagot ito sa ginawa nito sa pamilya nya. 

 

 

Hanggang ngayon ay hindi matanggap ni Karina ang ginawa nito sa mag-ina nya, lalo na at buntis si Winter. Sobrang stress ang inabot ng asawa nya sa mga nangyari. Umabot pa sa punto na dinala nya ito sa hospital kinagabihan dahil panay pa din ang pag-sakit ng tiyan nito.

 

 

Mabuti na lang at maayos ang naging check-ups na ginawa sa mag-iina nya. Ang kina-katakot talaga ni Karina ay makasama ito kay Winter at sa ipinagbubuntis nitong triplets, lalo na at medyo hirap ang asawa nya ngayon sa pagbubuntis.

 

 

Pina-physically test na din nila si Khio dahil sa mga pasa nito sa katawan. Sobrang panlulumo lang ang naramdaman nilang mag-asawa, puno ang likod, balikat, pati na din ang mga braso ni Khio ng pasa. May bakat din ito ng kuko sa may bandang likod nito. 

 

 

Sa tuwing nakikita ni Karina ang mga pasa ni Khio sa katawan ay hindi nya maiwasan makaramdam ng matinding galit, hindi mawala sa isip nya ang sinapit ng anak nila sa mga kaklase nito, lalo na ang masasakit na salita mula sa mag-inang Mrs.Cruz at Alex. 

 

 

"Itay!

 

 

"Vicente! Maghunos dili ka!" 

 

 

"Bitawan mo ako Soledad! Nakita mo kung anong naging epekto ng ginawa nila sa apo natin! Pati si Winter muntik mapa-anak ng maaga ng dahil sa babaeng yon!" 

 

 

"Kumalma ka muna Vicente! Alam ko na nasasaktan tayong lahat sa nangyari sa mga apo natin, at sino ba naman ang may gusto na hindi managot si Salve? Pero huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas, mag-hunos dili ka Vicente, gumagawa na ng paraan si kumpadre at Karina." 

 

 

"Lolo please po, wag natin daanin sa dahas, naka-usap ko na po si Mr.Uchinaga, hindi din po ako makaka-payag na walang mananagot sa nangyari sa mag-iina ko." 

 

 

"Dapat lang Karina, at baka kapag naka-salubong ko dito ang taong gumawa ng kawalanghiyaan sa mga apo ko, ay patawarin talaga ako sa pwede kong gawin sa kanya." 

 

 

"Sorry po sa nangyari lolo..." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter habang naririnig nya ang nangyayaring komusyon sa sala nila. Gustuhin man nyang kalmahin din ang pamilya nila ay hindi sya hinayaan ni Karina na lumabas pa ng kwarto, dahil nag-aalala ito na baka ma-stress na naman sya, lalo't ang payo ng OB nya ay magpahinga at wag masyado mag-iisip. 

 

 

"N-nay..." 

 

 

Agad na hinaplos ni Winter ang likod ni Khio habang naka-siksik ito sa tagiliran at nakayakap sa bewang nya. Kasalukuyan silang nasa kwarto mag-ina at binabantayan nya si Khio na naka-tulog agad ng tanghaling tapat pagkatapos itong liguan ni Karina.

 

 

Mabuti na lang din at tulog ang anak nila, dahil nagulat na lang silang mag-asawa ng biglang dumating ang pamilya nila. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng mga ito sa bahay ay ramdam na ang tensyon. Lalo na ang grandpa at lolo Vicente nila na syang kanina pa gustong sugurin si Mrs.Cruz sa bahay nito at gantihan. 

 

 

"N-nay-!" 

 

 

Mabilis na napa-balikwas sa pagkaka-upo sa kama si Winter ng biglang umiyak ng malakas si Khio. Nataranta sya dahil tila takot na takot ito, sakto naman na bubuhatin na sana nya ang anak ng bigla bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang nag-aalalang si Karina, kasunod nito ang pamilya nila. 

 

 

"What happened? Please don't carry her mahal, bawal ka mapagod, ako na." agad na lumapit si Karina sa mag-ina nya, kinuha nito si Khio na nasa tabi Winter at kinarga para patahanin. 

 

 

"Hindi ko alam mahal, bigla na lang umiyak eh, Khio anak..." kahit may kalakihan na ang tiyan ay pinilit ni Winter na tumayo para lapitan si Khio na pumapalahaw ng iyak habang karga ni Karina. 

 

 

"M-monster..m-mimi I'm s-scawed..." inu-ubong iyak ni Khio, isiniksik pa nito ang mukha sa balikat ni Karina at hindi na din ito bumitaw sa pagyayakap sa mommy nito.

 

 

"Shhh It's okay baby, It's just a dream, no one will gonna hurt you again my love..." 

 

 

Pinilit ng mag asawa na pa-tahanin si Khio na humihikbi pa din sa balikat ni Karina. Nag-aalala sila dito dahil kagabi pa ito biglang nagigising at iiyak na parang takot na takot. 

 

 

"N-nay..." 

 

 

"Bakit anak? Tahan na..nandito lang si nanay at mommy, wag ka matakot baby..nandito din sila papa, lolo at lola mo, nandito din ang mga tita at ninang mo. Si Alli at Yumi nasa bakery, hinihintay ka nila anak, maglalaro kayo." alo ni Winter sa anak habang hinahaplos nya ang likod nito. 

 

 

"I'm s-scawed po..d-dito yang po tayo plis..w-wag nyo po a-ato iwan..tatot ato-n-nay mimi..." sini-sinok na pagmamaka-awa ni Khio sa kanila.

 

 

Lihim na pinahid ni Winter ang luha na biglang dumaloy sa pisngi nya, hindi na nya namalayan na umiiyak na pala sya, tila dinudurog ang puso nya sa nangyayari kay Khio. Hindi na sya naglakas ng loob na magsalita pa dahil alam nyang iiyak lang sya kapag nagkataon. Kaya lumapit na lang sya sa likod ni Khio at marahan itong hinalikan doon at sa balikat nito. 

 

 

"Don't worry baby, I promised you, nanay and I will never ever leave you again anak.." bulong ni Karina dito habang tuloy pa din silang mag-asawa sa paghaplos sa likod ng kanilang anak.

 

 

Tila naman napanatag si Khio sa sinabi ni mommy Karina nya kaya medyo tumahan na ito.

 

 

"Winter anak?" nilingon ni Winter ang nanay nya ng marinig nya ang tawag nito at paghaplos nito sa likod nya, katabi nito si Ningning na binigyan lang sya ng maliit na ngiti bago sya alalayan ulit ng mga ito pa-upo sa kama. 

 

 

"Maupo ka na muna.." alo ng nanay nya sa kanya at ni Ning, pinag-gitnaan sya ng mga ito.

 

 

"Uminom ka muna insan, tahan na at makakasama sayo yan..." inabutan naman sya ni Ryujin ng isang basong tubig. Ininom nya ito habang sina Giselle at Yeji ay nagtutulong para pa-inumin din ng tubig si Khio at punasan ang luha nito habang karga ni Karina.

 

 

"Jimin..ipa-counselling mo kaya si Khio, baka na-trauma ang pamangkin ko kaya siguro sya nagkakaganito." ani Yeji. 

 

 

"I was thinking the same thing, maybe she was traumatized by what happened. It would be better if you take her for counselling Jimin." dagdag din ni Mr. Yu na tahimik na pinapanuod ang mga nangyayari.

 

 

Habang isa-isa na din nitong pinaplano ang maaring gawin para maparusahan ang may gawa nito sa mga apo nya. 

 

 

"Napag-usapan na din po namin ni Winter yan kagabi grandpa, nagpa-schedule na din po ako for her assessment." ani Karina. 

 

 

Alam nilang mag-asawa na sobrang na-apektuhan talaga si Khio ng mga nangyari, kaya nag-desisyon sila na ipa-counselling agad ang anak nila dahil baka madala ni Khio ang trauma hanggang paglaki nito. Lalo pa't nakita na nila dito ang epekto kagabi, bigla na lang kasi itong umiiyak at ayaw na lumabas ng kwarto nila. 

 

 

"Mabuti pa at magpahinga na muna kayo, kami na ang bahala sa lahat." ani lolo Vicente na halos hindi na matingnan ang kalagayan ng kanyang mga apo. Dahil pakiramdam nito ay sa tuwing nakikita nya ang kalagayan ni Khio at Winter ay gustong-gusto na nyang may gawin na masama sa taong nanakit sa mga ito. 

 

 

"Nandito lang kami sa labas beshie, kapag may kailangan kayo tawag lang kayo, magpahinga ka muna, Karina samahan mo na muna ang mag-iina mo dito." dagdag din ni Ning. 

 

 

Tumango naman si Winter sa kaibigan at binigyan nya ito ng ngiti bilang pasasalamat, kung nagalit ang mga lolo nila sa pangyayari ay ganoon din ang mga kaibigan at pinsan nila ni Karina. Mabuti na lang din daw at napigilan ni Aling Tess si Ningning ng mabalitaan nito ang nangyari sa kanila ni Khio. Muntik na daw itong sumugod sa bahay ni Mrs.Cruz at gusto na makipag-sabunutan. 

 

 

Eto din ang pinagpapasalamat nilang mag-asawa, lumalakas ang loob nila dahil nandito ang pamilya nila para sumuporta palagi sa kanila.

 

 

____

 

 

"Nay? Otey yang po ato, waya po ato ouchie, u-uwi na po tayo..."

 

 

Takot at halos mahila na ang damit ni Winter ng higitin ito ni Khio na nagyayaya na palabas ng ospital. Kaya naman marahan nyang hinawakan ang kamay nito para pigilan, umupo din si Karina sa tabi ng anak nila para aluin si Khio na pa-iyak na sa takot.

 

 

"Anak wag ka matakot, hindi ka namin dinala ni mommy dito para injection-an ka kung yan ang ikina-katakot mo." alo ni Winter kay Khio na bakas ang takot sa mukha. Ang iniisip kasi nito kapag nasa ospital sila ay tuturukan sya kaya naman ayaw an ayaw nito kapag napupunta sila dito. 

 

 

"May kakausap lang sayo baby, so don't be scared.." dagdag din ni Karina. Nakaupo silang mag-anak sa private room sa Ospital na pagmamay-ari ng pamilya nila at hinihintay na lang ang doctor na titingin kay Khio. 

 

 

"Utap yang po mimi? Waya po tayayom?" paniniguradong tanong ni Khio sa magulang nya. 

 

 

Ngumiti naman ang mag-asawang Karina at Winter para mapanatag ang kanilang anak.

 

 

"We promise you love, walang injection, usap lang, Doctor is just gonna ask you some questions about what you feel and if you like, you can tell her about your day or your favourite toys and foods." dagdag pa ni Karina, binigyan nya ng halik sa ulo ang anak para mapanatag ito.

 

 

Napangiti naman sya ng biglang nagbago ang mood ni Khio. Nawala na ang takot sa mga mata nito, bagkos ay tila naging excited ito na tumingin sa kanila ni Winter. 

 

 

"Ooohhh payang fwends yang po tami?" inosenteng tanong ni Khio, kaya naman naka-hinga na ng maluwag ang mag-asawa. Nag-aalala kasi sila na baka maging pa-iyakan pa ang mangyari kapag dumating na ang espesyalista na titingin dito. 

 

 

"Yes baby, her name is Doctor Yoona, she can be your friend, you can tell her everything." naka-ngiting paliwanag ni Karina.

 

 

"Mag-yayo din po tami?" 

 

 

"Oo naman anak, maglalaro din kayo ni Doc Yoona, kaya wag ka matakot, parang magku-kwentuhan lang kayo ni Doc." ani Winter na marahang kinabig si Khio para haplusin ang likod nito.

 

 

"Good morning- oops excuse me, I'm sorry I forgot to knock."

 

 

Napa-tingin ang mag-anak ng may biglang pumasok sa pinto at nakita nila ang Doktor ni Khio, agad naman tumayo si Karina para salubungin ito. 

 

 

"That's fine auntie Yoong, I've missed you..." isang mahigpit na yakap ang isinalubong ni Karina kay Doc Yoona na yumakap din ng mahigpit sa kanya. Tinapik pa nito ang likod nya at binigyan sya nito ng halik sa pisngi pagkatapos. 

 

 

"I've missed you too darling, how are you?" nakangiting tanong ni Doc Yoona kay Karina na kasing tangkad na nya, ang huling kita nya dito ng personal ay nasa college pa lang ito.

 

 

Ngayon ay may sarili na itong pamilya, at bakas sa mukha nito na masaya ito ngayon. Nakilala na din nya ang asawa nito na si Winter, tinawagan sila ni Karina dati sa videocall para proud na proud na ipakilala ang napangasawa nito. 

 

 

"Ok naman po, It's just-" 

 

 

"Wow! Hi po Dot pwetty!" kaway ni Khio kay Doc Yoona na hindi naiwasan ang mapangiti ng mapadako ang tingin nya sa cute na cute nyang apo. Naka-upo ito sa tabi ni Winter sa sofa at tila bumalik sa ala-ala ni Doc Yoona ang itsura ng batang Jimin noon, dahil kamukhang-kamukha nito ang anak.

 

 

Ang gulat lang din nina Karina at Winter sa bungad na bati ng anak nila sa doktor nito. Parang kanina lang ay todo alo sila dahil takot na takot si Khio, tapos ngayon ay parang walang nangyari dahil na-distract na agad ito sa itsura ni Doc Yoona. 

 

 

"Well thank you my beautiful apo sa bff, Wow Jiminie, hanga na talaga ako sa dugo ng mga Yu. Look at her, she's such a cutie and a charmer." natatawang sabi ni Doc Yoona kay Karina na natawa na lang din kay Khio.

 

 

Isa si Doc Yoona sa matatalik na kaibigan ng mama Tiffany nya, kahit wala na ang mga magulang nya ay hindi sya pinabayaan ng mga ito. Hindi din nakakalimot ang mga ito na kamustahin sya kahit ng ang iba sa mga kaibigan ng mama nya ay naninirahan na sa ibang bansa. 

 

 

Matapos ang kamustahan nilang dalawa ay naka-ngiting lumapit din si Doc Yoona kay Winter na naka-upo sa sofa katabi ni Khio, nag-beso ito dito at yumakap.

 

 

"Ang gandang buntis naman ng asawa mo Jiminie, kaya naman pala ang ganda ganda din ng apo ko eh." puri ni Doc Yoona kay Winter na medyo nahiya pa dahil sa totoo lang ay parang si Khio, na-starstruck din sya sa ganda ni Doc Yoona. "Kamusta ka iha? Kamusta ang pinagbubuntis mo? Balita ko ay triplets daw ang susunod na mga apo ko." excited na hinawakan ni Doc Yoona ang may kalakihan ng tiyan ni Winter. 

 

 

"Okay naman po auntie, medyo hirap po kasi mabigat at malaki po mag-buntis pag-triplets, pero hindi naman po ako pinababayaan ni Karina, sobrang maalaga po ng asawa ko." nakangiting sagot ni Winter. 

 

 

"Buti naman, akala ko makulit pa din yan si Jiminie eh, sumbong mo sakin kapag pasaway, kami ng auntie Yuri mo bahala sa kanya." biro ni Doc Yoona na ikina-haba ng nguso ni Karina. 

 

 

"Mabait naman po sya, minsan na lang makulit." napangiti na lang si Winter ng bigyan ng nakakalokong ngisi ni Karina ang auntie nito. 

 

 

"Nah she's still a silly child." asar din pabalik ni Doc Yoona sa asawa nya. Natawa na lang si Winter sa mag-tiyahin.

 

 

Maliban kay Doc Yoona ay nakilala na din nya ang iba pa sa mga kaibigan ng magulang ni Karina, at ang masasabi nya lang ay tropang dyosa ang mga ito. Kaya naman hindi nya masisisi si Khio kung unang kita pa lang nito kay Doc Yoona ay napa-wow na talaga ang anak nila ni Karina. 

 

 

"Hi baby mochi, It's nice to finally meet you little Yu, ang cute cute mo sa personal, kung nandito lang ang ibang lola mo, baka nakagat ka na ng mga yon." nakangiting bati ni Doc Yoona kay Khio na parang kamatis na sa sobrang pula. Nahihiya din itong nakipag-kamay kay Doc Yoona na hindi naiwasan na pisilin ang matambok na pisngi ng apo.

 

 

Tila nakikita nya dito ang namayapang kaibigan, lalo na ng ngumiti ito at lumabas ang eyesmile ni Khio na hindi maipagkaka-ilang namana sa lola Stephanie nito. 

 

 

"Nice to meet you po, yow tow pwetty po Dot Yoona.." nahihiyang bati  pabalik ni Khio. Natatawang naka-tinginan na lang sina Karina at Winter sa reaksyon ng anak nila, para na itong itlog na pula.

 

 

"Thank you sweetie, you're so pretty too, just like your grandma Stephanie and grandma Taeyeon, you really look like them." 

 

 

Nakangiting tumango naman si Khio na tila masaya sa narinig "Tamuta to po daw ti mimi tabi po ni naynay, taya po daw matuyit din ato." inosenteng sabi ni Khio na ikinatawa ng mga nakaka-tanda na kasama nito sa kwarto.

 

 

"Your mimi is makulit din tala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 10: hahahaha ang kulit naman ng abunjing na yarnn
asdfghjklmaeee
131 streak #2
Chapter 19: Scared ang mochi na yan na at na pressure sa pagtulog sa own room niya 🥺 It's okay mochi brave pa din ikaw 😚
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 10: rereading, coz I had a bad day kailangan ko ang aking abunjing 🥰
jaangwaang
885 streak #4
Chapter 3: cutieees 🥰🥰
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 19: Ok lang yan bebe khio. Brave ka kaya, hindi ka nga takot sa cornbeef ni wowo erning eh. Ma oovercome mo lang yan, lalo na nandyan si mimi and naynay.

Thanks author for the update.
tipsylesbi #6
Chapter 19: muntik na ko maiyak dito sa office grabe nakaka lungkot dahil lumalaki na si khio pero nakaka proud siya ng sobra
howdoyouknowmee
528 streak #7
Chapter 19: Otey lang yan mochi, bibi ka pa rin naman namin ehhh
asdfghjklmaeee
131 streak #8
Chapter 18: Aww nag bonding ulit ang mga cuties 😍 Haba naman nang hair ni mochi na 'yan HAHAHAHA dalawa dalawa eh at si deuce and yumi na friends na talaga dahil nangiti na si deuce HAHAHA ❤
AhnWony
#9
Chapter 19: Don’t grow up too fast, our mochi🥹
jaangwaang
885 streak #10
Chapter 19: Khiooooo, ang bebe ko na yan 🤧🤧🤧