5 Allison and her princess charming 🦖

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Nay, ato na po uyit biye papay po." 

 

 

"Okay sige anak, salamat, basta uuwi agad ha?" 

 

 

"Opo nay! Yab you!" 

 

 

"I love you too, mag-iingat ka anak." 

 

 

"Opo naynay!" 

 

 

Napa-iling na lang si Winter habang pinapanuod nya si Khio na nagma-madaling magsuot ng tsinelas nito, pagkatapos ay kumaway ito sa kanya at lumabas na ng bahay. Natawa pa sya ng wala pa halos dalawang segundo ay bumukas muli ang pintuan, at pumasok muli si Khio para mag-flying kiss sa kanya bago ulit ito kumaway at lumabas ulit.

 

 

Napapa-dalas na si Khio na ang bumibili ng umagahan nila, minsan nga ay magigising na lang syang may naka-handa ng almusal sa lamesa na paborito nyang putok na tinapay at pandesal. Pinapa-alalahanan na agad sya ni Khio sa gabi bago matulog na maglagay ng pera sa lamesa para daw hindi na sya nito gigisingin para huminigi ng pang-bili. 

 

 

Tuwang-tuwa sila ni Karina sa anak nila, may kusa ito kahit na hindi nila utusan, lalo na kapag ang gagawin eh sa labas ng bahay. Mukhang namana din ni Khio ang pagiging gala ng tita Ryujin nya. Dahil isang beses na biniro nya ito na tulungan syang mag-tiklop ng damit ay imbes na tulungan sya eh nakatulog ito sa kumpol ng damit na tiklupin nila. 

 

 

Pero eto at utusan mo sa labas, hindi pa sya tapos mag-utos ay naka-tsinelas na agad at nasa pintuan na. 

 

 

Tinanaw na lang ni Winter si Khio sa bintana ng bahay nila, nakita nya pa itong sumilip sa kanan at kaliwa paglabas ng gate nila bago ito tuluyang lumabas at naglakad papunta sa bakery ng ninang Ning nito.

 

 

Panatag naman sya na mag isa si Khio, kilala ito sa lugar nila at walang sasakyan sa dadaanan nito, pero tinuruan na din nila ito na titingin muna sa kalsada at wag tatawid agad kapag may paparating na tricycle na minsan ay dumadaan sa lugar nila. 

 

 

"Malaki na talaga ang panganay ko." ani Winter sa sarili, hindi pa din sya maka-paniwala na nauutusan na nila si Khio, parang dati lang ay todo habol at pagbabantay sila sa panganay nila ni Karina dahil nga napaka-likot nito.

 

 

Pero tingnan mo nga naman ang panahon, may kakulitan pa din naman si Khio ngayon pero hindi na ito alagain. Nakikinig na ito sa kanila at kung may nagagawa man na mali ay hindi na nito inu-ulit kapag napagsabihan na.

 

 

Naka-tulong na din siguro na ipina-unawa nila ni Karina ang kalagayan nya ngayon, kaya naman ini-iwasan na din ni Khio ang magpa-saway lalo't sila lang laging dalawang mag-nanay ang nai-iwan sa bahay nila dahil nasa trabaho si Karina. 

 

 

"Baka sa susunod naka-buntot na din kayo sa ate Khio nyo pagbili ng pandesal." napa-ngiti na lang si Winter sa sarili bago nya marahang hinaplos ang may kalakihan na nyang tiyan.

 

 

Madalas nyang kina-kausap ang triplets nila ni Karina. Apat na buwan na lang, magiging apat na ang mga mochis nila. 

 

 

Excited na silang mag-asawa, at mas lalo na si Khio, parang nag-kabaligtad na nga, sya pa ang ina-alagaan ng anak nila. Kaya laking pasalamat talaga ni Winter kay Khio, parang kasama na din kasi nya si Karina dahil sa pagiging maalaga ng anak nila. 

 

 

____

 

 

"Pabiye po! Pabiye po papay!" tawag ni Khio habang naka-tayo sa harapan ng estante ng mga tinapay sa bakery ng ninang Ningning nya. Sumilip pa sya dito at hindi nya ma-iwasan na mapa-dako ang tingin sa paborito nyang tinapay na ensaymada. 

 

 

Mabilis na kinapa ni Khio ang pera sa bulsa ng suot nyang short, at napa-buga na lang sya ng hangin sa bibig ng makita nyang sakto lang ang dala nyang bente pesos pambili ng putok at pandesal. Hindi sya makaka-bili ng paborito nyang ensaymada, nakalimutan din kasi nya na mag-sabi sa nanay nya. 

 

 

"Hay, yimot to na naman..." napa-buntong hininga na lang si Khio, naisip nyang bukas na lang ulit nya susubukan bumili, ngayon ay kailangan muna nyang maka-bili ng tinapay pang-almusal nila ng nanay Winter nya dahil naghihintay na ito sa kanya sa bahay nila. 

 

 

"Ate bibi pabiye po papay-" 

 

 

"Khio? Good morning!" 

 

 

Agad na napa-lingon si Khio sa pintuan ng bakery ng bumukas ito at dumungaw dito si Allison na naka-mini duster na kulay sky blue, naka-punglot ang buhok nito at may masayang ngiti sa labi na dahilan para mapa-ngiti din si Khio ng makita ang kaibigan.

 

 

"Good mownin Ayi, ang pwetty mo tayaga Ayiton." bati ni Khio kay Allison na lalong lumaki ang pagkakangiti dahil sa sinabi ng kaibigan. 

 

 

"Really? Do I really look pretty? Mama bought this for me." naka-ngiting turo ni Allison sa suot nitong mini duster. Umikot pa nga ito na parang prinsesa dahil hawak pa nito ang laylayan ng suot nitong duster. 

 

 

Agad naman tumango si Khio at lumapit sa kaibigan. Hindi man mahilig si Khio sa mga damit na katulad ng sinu-suot nina Allison at Yumi, pero marunong itong maka-appreciate at pumuri kapag naganda talaga ito.

 

 

"Pwetty Ayi, mow pwetty itaw tati colow blue tulay ng damit mo, favoyit to ang colow blue eh." puri pa din ni Khio sa kaibigan, marahan pa nitong pinisil ang namumulang pisngi ni Allison. 

 

 

"Thank you Khio." 

 

 

"Weytam pwetty!" umakbay pa nga si Khio kay Allison, ang kaso ay nahagip na naman ng tingin nito ang bagong lutong ensaymada sa estante ng mga tinapay. 

 

 

"Ayi?" 

 

 

"Yes Khio?" 

 

 

"Pwetty din ng hair mo." puri ulit ni Khio sa kaibigan ngunit ang mata nito ay nasa tinapay pa din.

 

 

"Thanks!" tuwang-tuwa din naman si Allison dahil balak nya talaga magpahatid sa bahay nila Khio para ipakita dito at kay Yumi ang bagong ootd nya. 

 

 

"Weytam...Ayi? Pwede ato pautang ng papay? Tuyang peya to eh, guto to ng entaymada, tomowow to na yang bayadan, otey yang ba?" kakamot-kamot ng ulong tanong ni Khio kay Alli na tumango naman agad. 

 

 

"Sure Khio, ate Baby? Can you please get some ensaymada for Khio? And it's free na po." 

 

 

"Wow fwee?!" gulat na tanong ni Khio sa tabi ni Allison. 

 

 

"Yup!" tango naman ni Allison sabay akbay sa kaibigan na pa-talon na sana sa tuwa.

 

 

"Huy! Ikaw Allison ha, sinabihan ka lang ng maganda, pinamigay mo na agad paninda ng mama mo." tukso ni Baby na naka-tayo lang pala sa likod ng estante at pinapanood sina Khio at Allison. 

 

 

Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena tuwing umaga, lalo na't suki na nila si Khio sa bakery nila, na-cucute-an din kasi sya sa dalawang bubwit kaya hina-hayaan na muna nyang magkamustahan ang dalawa na akala mo hindi nagkikita araw-araw.

 

 

Napapansin din kasi nyang madalas gumising ng maaga si Allison at pusturang-pustura na ito kahit alas siete pa lang ng umaga. Hinihintay na nito si Khio sa bakery nila para i-pakita ang daily ootds nito sa kaibigan.

 

 

"It's okay po ate baby, I'll tell mama later." chill lang na sabi ni Allison. 

 

 

Sa isip ni Allison, may hello kitty bank naman sya, kukuha na lang sya doon para sa ensaymada ni Khio. 

 

 

"Ate bibi, good mowning! Ang pwetty mo din po, peyo batit yabas ang putod mo po? Hindi po itaw ginaw?" inosenteng tanong ni Khio kay Baby, natawa na lang si Baby sa itsura ni Khio dahil kunot ang noo nito na naka-tingala sa kanya. Tila ba takang-taka itong naka-tingin sa suot nyang damit. 

 

 

"Okay na eh, ililibre na sana kita ng pandesal, crop top kasi ito Khio. Ganito uso ngayon para y, y ba si ate Baby?" birong tanong nya kay Khio na tumango naman agad at nag-thumbs pa sa kanya. 

 

 

"Opo! Vewi y! Fwee na din po ba ang pandetal at putot to?" lalo lang natawa si Baby sa ka-cute-an ni Khio dahil ginamitan pa sya nito ng beautiful eyes at dimples na marahang tinusok pa ng daliri ng tumatawa din na si Allison sa tabi nito. 

 

 

"Ikaw na bata ka, ang liit liit mo pa marunong ka na mangarinyo, oh sya sige. I-advance ko na papasko ng Ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
578 streak #1
Promoted ang bebe hehe
ryujinie__
734 streak #2
Congrats 🤍
dork_seulgi_k
903 streak #3
Chapter 22: 🥺🥺🥺🥺🥺
Jaeeeeee_
230 streak #4
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp #5
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
#6
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹
Eybrelros #7
Chapter 12: Ngayon ko lang napansin sosyal pala ng chef nila dito hahaha si Papa P ata to ng starting over again . Chef Marco na may jowang kamuka ni mama Mary. naalala ko lang😂

Kelangan ko ng vitamin khio kaya nagrereread ako hahahahahahaaaayyy namiss ko ang inaanak namin na yan
asdfghjklmaeee
184 streak #8
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
919 streak #9
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1200 streak #10
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳