21 💙

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Mahal? Did she finish her baon ba?" 

 

 

"Oo mahal, ang dami na nga non eh." 

 

 

"I think you should put more foods on her baon." 

 

 

"Siguro nga mahal." 

 

 

Wala nang ginawa ang mag-asawang Karina at Winter, kundi ang panuorin na lang si Khio na lantakan ang tanghalian nitong nilagang baka. Dahil sakto naman na tanghalian ang awas nito sa daycare kaya meryenda na lang ang ipinapa-baon nila dito at sa bahay na lang nagta-tanghalian. 

 

 

Ang kaso nga, kahit na may baon itong pandesal na may iba't-ibang palaman, chuckie, prutas at mga biscuits ay tila kulang pa din ang mga iyon sa mochi nila. Lalo na nitong nakaraang dalawang linggo, ni balat ata ng saging ay wala na itong nai-iwan sa baunan nito. 

 

 

"Anak dahan dahan, gutom ka pa ba? Gusto mo pa ng kanin?" alok ni Winter kay Khio na puno pa ang bibig ng kanin ng tumingin ito sa kanilang mag-asawa. 

 

 

"Opo nay, tenchu po." sagot nito, at humabol pa nga ng isang subo ng kanin, bago nito i-abot ang pinggan na tanging isang pirasong patatas na lang ang laman. 

 

 

Nag-aalalang napatingin pa si Winter kay Karina bago nya lagyan ng kanin ang pinggan ni Khio. Sinabawan na din nya iyon at hinati-hati sa maliliit ang karne ng baka para hindi na ito mahirapan kumain. 

 

 

"Tenchu po nay." pagpa-pasalamat naman ni Khio nang ilagay na ulit ng kanyang nanay Winter ang pinggan sa tapat nya, bago ito muling nagsimulang kumain. 

 

 

"She's hungry..." kunot ang kilay na sabi ni Karina kay Winter na sinang-ayunan naman nito. 

 

 

Dahil maging ito ay hindi maiwasan na mag-alala sa anak nila.

 

 

"Baby? Naubos mo ba yung baon mo sa school." mahinahon na tanong ni Winter kay Khio. 

 

 

"O-opo nay..." sagot nito ngunit hindi naman ito nag-angat ng tingin sa kanila ng mommy nito.

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter ng senyasan sya ni Karina na hayaan na muna. Kaya wala syang nagawa kundi ang sumang-ayon muna sa asawa nya. Dahil malamang, ito na mismo ang kakausap sa teacher ni Khio para i-monitor ang anak nila. 

 

 

"Ganon ba? Pero gusto mo ba anak, dagdagan ni nanay ang baon mo? Kasi mukhang nabibitin ka baby eh." ani Winter, pinilit nyang huwag ipahalata kay Khio na nag-aalala sya dito dahil baka matakot lang ito.

 

 

"T-tayaga po?" 

 

 

Marahang ngumiti si Winter kahit na narinig nya ang pagka-utal ng mochi nila, senyales iyon na may itinatago ito sa kanila. Pero hinayaan na muna nya, dahil mukhang hindi pa handa ang mochi na mag-sabi. 

 

 

"Oo naman, anong gusto mo na i-dagdag ni nanay sa baon mo?" tanong nya. 

 

 

Umaliwalas naman agad ang mukha ni Khio sa tanong nya dito, kaya parang naka-hinga sila ng maluwag ni Karina.

 

 

"Pandetal po naynay, taging and yatut." naka-ngiting request nito sa kanya. 

 

 

Napangiti na din si Winter, inisip na lang nya na baka nabibitin talaga si Khio sa ipinababaon nya dito. 

 

 

"Oh sige, bukas dagdagan natin ang baon mo." sabi pa nya, dahilan para matuwa pa ng husto ang mochi nila. 

 

 

"Tenchu po naynay and mimi." pagpa-pasalamat ni Khio sa kanila ni Karina. 

 

 

"Welcome anak, sige kain ka pa, gusto mo ng pakwan?" 

 

 

"Opo nay! Tenchu uyit po." 

 

 

Maya-maya nga ay tumayo na si Karina, humalik ito sa pisngi ni Winter at palihim din na bumulong sa asawa. 

 

 

"Sandali lang mahal, I will call her teacher muna." paalam ni Karina. 

 

 

Pa-simple naman na tumango si Winter para hindi sila mapansin ni Khio na magana na ulit na kumakain.

 

 

Pinagda-dasal na lang nya na sana ay ayos lang si Khio sa school nito. 

 

 

____

 

 

"Hew Joy, tain itaw madami otey? Wag na itaw hiya tunin mo na to tati madami naman ato baon." alok ni Khio sa bago nilang kaibigan ni Tintin na si Joy sa mga pagkain na baon nya. 

 

 

"Oo nga Joy kunin mo na, eto may apple ako dito sayo na din." alok din ni Tintin dito. 

 

 

Halos maluha-luha naman ang limang taong gulang na si Joy, nang tanggapin nya ang mga pagkain na ibinigay sa kanya ng mga bagong nyang kaibigan na sina Khio at Tintin. 

 

 

Si Joy ay ang bagong transfer student sa daycare, galing nang Samar ang pamilya nito at nag-iisang anak lang sa pamilya. Karpintero ang tatay nito at labandera naman ang nanay kaya medyo hirap din sa buhay. Madalas ay wala itong baon sa school at ang dahilan daw ng magulang nito ay apat na oras lang naman daw ito sa paaralan.

 

 

Ang kaso nga, ang kwento nito kina Khio at Tintin ay kung minsan daw, pumapasok itong walang almusal, dahil wala daw gawa ang tatay nito at wala din nagpa-palaba sa nanay nito. 

 

 

Nahabag naman ang mag-bestfriend dahil dito, lalo pa ng makita nila isang beses si Joy na naka-tingin lang sa kanila na kumakain, habang tubig lang ang iniinom nito, kaya inalok nila ito ng pagkain. 

 

 

Kaya simula noon, pinagha-hatian na nilang tatlo ang baon nina Khio at Tintin para lang makakain si Joy. 

 

 

"Maraming salamat sa inyo, pasensya na kayo kung lagi ako walang baon, nakakahiya-" 

 

 

"Otey yang Joy, hindi naman yagi may peya ang pawents natin eh, taya gagawa tayo ng payaan paya may food tayo. Diba Tin?" alo ni Khio sa bago nilang kaibigan ni Tintin. 

 

 

"Tama, tingnan mo si Khio, mayaman sila, pero namumulot yan ng macopa sa bukid para may meryenda sya." dagdag pa ni Tintin na tila ba proud na proud pa sa bestfriend nya. 

 

 

"Hindi to pinupuyot yon Tintin, nitutungtit to yon." angil ni Khio sa kaibigan, dahilan para matawa si Joy. 

 

 

Si Tintin naman ay inakbayan agad ang bestfriend nya, natakot din sya na baka hindi na sya nito bigyan ng macopa at bayabas. 

 

 

"Joke lang bestfriend, pinapatawa ko lang si Joy kasi na-touch sya sa atin." sabi pa ni Tintin kay Khio. 

 

 

Tumango naman Khio at ngumiti kay Joy na hindi maiwasan na mangiti na din dahil sa kabaitan ng mga bago nyang kaibigan. 

 

 

"Wag itaw iyat joy-" 

 

 

"Aray!" 

 

 

Agad na bumitaw si Khio sa pagkaka-hawak sa balikat ni Joy nang dumaing ito, nanlaki pa lalo ang mga mata nya ng malaglag ang manggas ng suot nitong tshirt. 

 

 

"Oh sowi sowi..ay you hawt? May oo itaw!" nag-aalaang bulalas ni Khio nang makita nya ang kulay ube at mamula-mulang pahabang pasa sa balikat ni Joy. 

 

 

Agad naman nitong itinaas ang manggas ng tshirt nya kaya nag-alala na lalo sina Khio at Tintin.

 

 

"H-huh? Ah eh ano, nabangga kasi ako sa cabinet." pagda-dahilan naman ni Joy. 

 

 

"Huy, ang dami mong pasa Joy, ayos ka lang ba? Gusto mo pumunta sa nurse? Wag ka mag-alala libre yon." alok ni Tintin, humawak pa ito sa kamay ni Joy para yayain ito sa clinic. 

 

 

"H-hindi okay na, ayos lang yan, lagi kasi ako nadadapa..." tanggi naman nito, mabilis din na umiling si Joy at nag-simula na lang kumain ng mga pagkain na bigay ng dalawa. 

 

 

Nag-aalala man ay tumango na lang si Khio, dahil mukhang okay naman si Joy maliban sa mga pasa nito sa katawan. 

 

 

"Ingat itaw next time otey?" paalala na lang nito sa kaibigan. 

 

 

Ngumiti naman si Joy at nag-umpisa na din kumain, excited sya lalo na't first time nya makakain ng iba't-ibang biskwit at inumin. Eto yung mga pagkain na gusto nyang ipabili sa nanay nya, ngunit dahil wala nga silang pera na pambili ay wala syang magawa kundi ang mangarap na lang na sana, isang araw ay matikman nya ang mga ito. 

 

 

At laking pasasalamat nya nga ngayon, dahil kung hindi dahil sa dalawang bago nyang kaibigan ay baka hanggang pangarap na lang ito.

 

 

"Thank you ulit sa inyo." 

 

 

"Weytam Joy, Yet eat na! Wow! Cownbeef payaman ng papay to! Hmm~yummy!" 

 

 

Magana na ngang kumain ang tatlo, at higit sa lahat, hindi na nabitin si Khio dahil dinamihan na ng nanay Winter nya ang mga pandesal na baon nya.

 

 

_____

 

 

"Tintin! What ay you doing hew-" 

 

 

"Ay kabute! Khio shh! Wag ka maingay!" agad na inakbayan ni Tintin si Khio ng bigla itong sumulpot sa likuran nya. 

 

 

Nasa likod sila ngayon ng daycare center at hindi alam ni Khio kung bakit nagpunta doon si Tintin kaya sinundan nya ito. Sakto naman at recess kaya naman hinayaan silang mag-laro sa covered court. 

 

 

"Ano ginagawa mo Tintin? Tino nititiyip mo?" 

 

 

"Shhh...Khio wag ka maingay baka marinig ka nila-" 

 

 

"NAPAKATIGAS NG ULO MONG BATA KA! HINDI KA NA MAG-AARAL! DAGDAG GASTUSIN KA PA!" 

 

 

"Itay! Itay tama na po! Itay masakit po!" 

 

 

Nanlaki ang mga mata at takot na nagka-tinginan sina Khio at Tintin, nang matanaw nila mula sa butas-butas na yero na syang naging harang ng daycare ang isang maliit na kubol. Doon ay nakita nila si Joy na walang-awang pinagpa-palo ng isang lalaki.

 

 

Magka-halong takot, kaba at awa ang naramdaman nang dalawa habang pinapanuod ang kaibigan nila na tamaan ng sinturon na ipinapalo dito, lalo pa't tila walang pakialam ang lalaki kung saan tatama ang mga palo nito sa katawan ng kaawa-awang si Joy. 

 

 

"T-ti Joy...Tintin ti Joy nipapayo! Tuyungan natin ti Joy!" tarantang sabi ni Khio kay Tintin.

 

 

Nai-iyak na din ito sa takot at awa para kay Joy, dahil eto ang unang beses na nakakita si Khio ng pinapalo na bata. At talaga naman kahit hindi sya ang pina-palo ay ramdam nya ang sakit sa bawat palahaw ni Joy. 

 

 

"Paano? Khio salbahe ang tatay nya, ang sabi ni papa noong pinagsabihan nila ang tatay ni Joy, nagalit pa daw iyon lalo, muntik pa nga silang awayin." sabi naman ni Tintin na agad pinigilan si Khio nang muntik na itong lumusot sa maliit na daanan sa bakod para tulungan si Joy. 

 

 

"T-tin tawawa naman ti Joy...taya ba, taya ba madami oo ta tatawan nya?" maluha-luhang tanong na lang ni Khio dahil kinapitan na sya ng mahigpit ni Tintin sa braso para hindi sya makawala.

 

 

Malungkot na tumango si Tintin, bago ito muling tumingin sa butas

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
578 streak #1
Promoted ang bebe hehe
ryujinie__
734 streak #2
Congrats 🤍
dork_seulgi_k
903 streak #3
Chapter 22: 🥺🥺🥺🥺🥺
Jaeeeeee_
230 streak #4
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp #5
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
#6
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹
Eybrelros #7
Chapter 12: Ngayon ko lang napansin sosyal pala ng chef nila dito hahaha si Papa P ata to ng starting over again . Chef Marco na may jowang kamuka ni mama Mary. naalala ko lang😂

Kelangan ko ng vitamin khio kaya nagrereread ako hahahahahahaaaayyy namiss ko ang inaanak namin na yan
asdfghjklmaeee
184 streak #8
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
919 streak #9
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1200 streak #10
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳