9 9 Fwends! 👶👶

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Woooow! Ayiton! Yumi yayo tayo doon ta madami na titiw!" excited na yaya ni Khio sa pinsan at kaibigan nito habang itinuturo ang isang matandang lalaki na may dalang hawla, laman nito ang mga sisiw na may iba't-ibang kulay. 

 

 

Kasalukuyan ngayong ipinagdiriwang ang pista ng San Isidro, kaya naman puno ng iba't-ibang palamuti at makukulay na banderitas ang buong paligid sa mga barrio at bayan dito. May musika nang puma-paradang banda at ingay ng mga tao naman ang maririnig sa buong lugar.

 

 

Masaya ang lahat, lalo na ang mga maliliit na bata dahil sa mga laro, paninda at perya na talaga naman bentang-benta sa mga ito. At isa na doon sina Khio, Allison at Yumi na pinayagan mag-ikot ng kanilang mga magulang.

 

 

Sa court naman ay gina-ganap ang Miss.Barangay, hiyawan ng mga tao ang duma-dagundong sa loob nito para suportahan ang kani-kanilang mga pambato. At sa field katabi ng court naman naka-hilera ang mga food booths, kung saan ibinebenta ang iba't-ibang pagkain at street foods na sikat sa kanilang lugar.

 

 

Kaya naman may pwesto din ng Winter's tuhog-tuhog dito, patok na patok ito at pini-pilahan ng mga tao doon. 

 

 

"I want the pink one!" 

 

 

"Me too ate Khio!" 

 

 

"Wait yang, manong pabiye po pink na titiw." tawag ni Khio sa matandang may dala ng hawla, sabay abot ng bente pesos dito.

 

 

"Mga ineng pasensya na, hindi ko ibinibenta ang mga sisiw dito, kailangan nyo mag-laro para makuha ang sisiw na gusto nyo." nakangiting paliwanag ng matanda.

 

 

"Ooohhh paano po mag-yayo nyan?" excited na tanong ni Khio. 

 

 

"Nakikita nyo tong kapirasong papel?" ini-angat ng matandang lalaki ang maliit na papel na hugis square at ipinakita sa tatlong bata na nasa harapan nito. "Huhulaan nyo kung anong number ang nandito." 

 

 

"How po? We want to play, I want those pink chicks po." ani Allison sa tabi ni Khio. 

 

 

"Ako din po! And that red chicks too." dagdag din ni Yumi na nakakapit pa sa laylayan ng damit ng pinsan nito. 

 

 

"Bwue and gween po fow me, plis manong!" 

 

 

Napangiti ang matanda sa tatlong bata na mas naka-focus pa ang atensyon sa dala nyang hawla ng mga sisiw, kesa sa laro na itinuturo nya sa mga ito. 

 

 

"Oh sya sige, bibigyan ko kayo ng tig-iisang papel na huhulaan nyo, pero may technique dito kaya wag kayo mag-alala." 

 

 

"Technique?" 

 

 

"Oo, ganito, itatapat nyo sa araw ang papel para makita nyo ang number, parang ganito."  

 

 

"Wow! Amajjing! Payang teyestop!" manghang-manghang bulalas ni Khio nang itapat ng matandang lalaki ang papel sa araw. 

 

 

Wala naman talaga silang nakitang number, pero para sa mga inosenteng bata, ang tingin nila dito ay cool na, kahit simpleng pagtapat lang ng kapirasong papel sa araw ang gawin ng matanda. 

 

 

"How much po ang game nyo?" tanong ni Allison sa matanda na natuwa dahil may tatlong costumers na agad sya. 

 

 

"Limang piso isang papel." 

 

 

"Pabiye po nang twi manong." ani Khio sabay abot ulit ng dala nitong bente pesos sa matanda.

 

 

Pagkatapos kunin nang matanda ang bayad ay sinuklian sila nito ng limang piso, at agad din naman silang binigyan nang tig-iisang mali-liit na papel. 

 

 

Sabay-sabay na excited tumingala ang tatlo hawak ang kapirasong papel ng itinapat ng mga ito sa araw. Ginaya nila ang technique na itinuro ng matandang lalaki sa kanila para makita ang number na nakasulat dito. 

 

 

"Eyeven po ito manong." nagulat ang matanda ng i-abot agad sa kanya ng batang naka-boy cut at tayo-tayong buhok ang papel na hawak nito, napa-kunot ang noo nya dahil imposibleng makita agad nito ang naka-sulat dito.

 

 

"Sigurado ka na ba? Marunong ka ba magbilang?" paninigurado ng matanda, dahil sa tingin nya sa tatlong bata ay hindi pa nag-aaral ang mga ito, lalo na't hindi pa tuwid mag-salita ang unang batang naka-hula.

 

 

Tumango naman si Khio at ngumiti sa matanda. "Opo manong, tinuyuan po ato ni mimi at naynay to, taya to na po mag-biyang hanggang five handed! Mayunong na din po ato mag-adityon and tabtakyon." naka-ngiti at proud na sagot ni Khio. 

 

 

Hindi pa rin naniwala ang matanda pero hinayaan na lang nito dahil bata naman ang kausap nya.

 

 

"This is 30." 

 

 

"24 po sa akin manong." 

 

 

Hindi na nakipag-talo ang matanda, dahil ina-asahan na nyang hindi tatama ang mga ito, kaya kinuha na nito ang tatlong papel sa tatlong bata, pagkatapos ay inilagay nya ito sa takip ng tupperware na may laman na tubig. 

 

 

"Omg!" 

 

 

"Yes! We won!" 

 

 

"May titiw na tayo! Wohooo!!! Panayo tayo!" 

 

 

Napa-nganga na lang ang matanda habang pina-panood ang tatlong bata babae na masayang nag-group hug habang tumatalon pa-ikot sa sobrang tuwa. Hindi sya makapaniwala na ganito kabilis mahuhulaan ng mga ito ang palaro nya.

 

 

"Manong, ita pa po, may payb petot pa ato hehe." 

 

 

Napa-kamot na lang ng ulo ang matanda ng abutan na naman sya ng natirang limang piso ng batang inakala nyang wala pang alam dahil baby na baby pa ang itsura nito. 

 

 

Nagkamali sya, dahil sa pangalawang pagkakataon ay nanalo na naman ito. 

 

 

"Manong, wait yang po tayo dyan, hihingi po ato ng peya uyit sa mimi to otey po? Yayayo uyit po tami." excited na paalam ni Khio sa matanda. 

 

 

"H-huh? Hindi na, lilipat na ak-" 

 

 

Hindi na naituloy ng matanda ang sasabihin ng manakbo na palayo ang tatlong bata papunta sa isang booth ng tuhog-tuhog, dala ang kariton, laman ang apat na sisiw na napanalunan ng mga ito. 

 

 

"Naloko na, mau-utak na mga bubwit ang buena mano ko." kakamot-kamot ng ulo na lang na nasabi ng matanda sa sarili. 

 

 

____

 

 

"Anak tama na yang kaka-kain mo ng isaw, eto ang i-ulam mo chopsuey." pigil ni Winter kay Khio na naka-tatlong sticks na ng isaw. 

 

 

Katabi nito sina Allison at Yumi na nakain sa maliit na lamesa na nilagay nila sa likod ng booth ng tuhog-tuhog. Alas kwatro na ng hapon kaya naman pinakain na muna niya ang tatlo habang busy si Karina, ganon din ang mag-asawa Giselle at Ningning, Yeji at Ryujin sa ihawan nila. 

 

 

Sobrang daming tao ngayon sa field at court, pati ang tuhog-tuhog nila ay hindi na halos na-bakante sa dami ng costumers. Nagpa-dagdag pa nga sila ng isa pang i-hawan dahil hindi na kayang i-accomodate ng dalawang i-hawan ang mga orders ng mga tao. Lalo't pa-gabi na, kung saan dumadagsa na ang mga namamasyal.

 

 

At dahil buntis nga si Winter, ay ito ang naka-toka sa kaha ng booth nila para hindi ito masyadong mapagod. Taga bantay na din ng mga anak nila na gutom na gutom nang bumalik sa booth, galing sa pag-iikot sa buong field.

 

 

Nagulat pa sila dahil may dala ang mga ito na karton na may laman ng sampung sisiw na may iba't-ibang kulay, at tatlong supot ng plastik ng yelo na may tubig at may lumalangoy na gold fish. Kaya naman pinigil na muna nila na mag-ikot ang mga ito at baka kung anong klaseng alaga na naman ang mapanalunan at madala pag-balik.

 

 

"Naynay pwede po ba tami punta doon ta payayuan mamaya?" paalam ni Khio kay Winter, tinulungan na nya itong kumain dahil nalilito na ito kung ano ang unang kakainin sa dami ng iba't ibang pagkain na naka-hain sa lamesa.

 

 

Lahat kasi ay tini-tikman na ni Khio.

 

 

"Oh sige, basta kapag madilim na, babalik na kayo dito ha? At wag lalayo, sa palaruan lang kayo, doon sa lugar na tanaw pa din namin kayo okay?" paalala ni Winter sa tatlo, tumango naman agad ang mga ito sa kanya. 

 

 

"Otey po nay." sagot ni Khio, mabilis itong ngumanga ng subuan ni Winter ng kanin. 

 

 

Napangiti si Winter habang pina-panuod ang tatlo na maganang kumain, kahit si Allison na pihikan sa pagkain ay magana din, siguro ay dahil nakikita nitong malakas kumain ang mag-pinsan kaya hindi na ito namili pa ng ka-kainin. Dahil sarap na sarap ito ngayon sa sisig na inoder nila sa kabilang booth. 

 

 

"Tita Winter si ate Khio po kinain ang ulam ko!" mangiyak-ngiyak na sumbong ni Yumi sa tiyahin.

 

 

"Anak, kay Yumi yan, ubos na agad yung sayo? Kay Yumi na yang kinakain mo." pigil ni Winter kay Khio na inosenteng nakatingin sa kanya habang kinakain na nito ang ulam na hotdog ni Yumi. 

 

 

"Ay, sowi Yumi, eto oh, itang bite to pa yang naman yan." agad naman ibinalik ni Khio ang hotdog sa pinggan ni Yumi pero nagulat na lang sya ng tuluyan ng umiyak ang pinsan nya kaya nataranta sya. "Sowi na nga eh, Yumi, pwomise ita yang bite to sa hotdog mo-" 

 

 

"Isa lang pero kalahati na lang to! Mommy!!!" iyak ni Yumi habang tinatawag ang mommy Yeji nito na natawa na lang ng makita ang komusyon na nangyayari sa mag-pinsan. Habang si Allison naman ay busy tinidurin ang kinakain na isaw na hinati pa nito sa mali-liit. 

 

 

"Eto na, eto na, tahan na Yumi, eto oh, bibigyan ka ulit ni tita, tahan na baby." alo ni Winter sa pamangkin. Naawa sya dito dahil tuloy-tuloy ang agos ng luha nito sa pisngi. 

 

 

Agad nyang kinuha ang bagong ihaw na hotdog na inabot ni Yeji sa kanya para ibigay kay Yumi. Habang si Khio naman ay masama pa din ang tingin sa hotdog na kinagatan nito na nasa pinggan na nang pins

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1180 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!