10 👶🌾🌴🌳🍉🥭

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Alas kwarto pa lamang ng madaling araw at tunog na ng tagapag-balita sa radyo ang maririnig sa buong bahay ng mga Reyes. Malamig ang simoy ng hangin dahil kaka-pasok pa lang ng buwan ng enero. Dinig sa loob ng bahay ang kalampagan ng bubong ng yero dahil sa tama ng hangin, at tunog ng mga nagha-hampasang dahon ng punong kahoy sa paligid.

 

 

Wala naman bagyo ayon sa balita, kundi amihan lamang na syang nagpapa-lamig ngayon sa iba't-ibang parte ng bansa at isa na doon ang San Isidro.

 

 

Kasalukuyang nagka-kape si lolo Vicente at nagta-tanggal naman ng ipa sa bigas si lola Soledad sa kusina, nang may mapansin silang maliit na pigura ang nanakbo papunta sa sala. Mamaya pa ay umikot ito at nanakbo ulit papunta naman sa kusina kung nasaan silang mag-asawa. 

 

 

"Gising na ang mabait at mahinhin mong apo, Soledad." natatawang biro ni lolo Vicente kay lola Soledad, bago ito humigop ng mainit na kapeng bigas.

 

 

Hindi naiwasan mangiti ni lola Soledad nang lumitaw mula sa madilim na sala papasok ng kusina ang apo nilang si Khio. Naghi-hikab pa ito at nagka-kamot ng matambok nitong pisngi. 

 

 

Naka-tayo at magulo pa ang buhok ni Khio sa may bandang tuktok ng ulo nito, nang tumigil ito sa tapat ng pinto sa kusina at ngumiti ng makita silang mag-asawa. May suot itong puting sando at puting pajama, wala na din ang isang pares ng suot nitong medyas na may mukha ng dinosaur. Habang bitbit din nito ang paborito nitong dinosaur stuff toy. 

 

 

"Good mownin po wowo and wowa!" 

 

 

Masayang bati sa kanila ni Khio, bago ito lumapit sa pwesto nila para mag-mano at mag-kiss sa pisngi nilang mag-asawa na masaya naman nilang tinaggap. 

 

 

Tuwing sabado at linggo na lang kung matulog ang mga apo nila dito sa kanilang bahay, dahil bumukod na ang mga ito ng tirahan. Kahit sabihin na katabing bahay lamang nila ang mga ito lumipat, ay namimiss nila ang ingay na naka-sanayan na nilang mag-asawa sa araw-araw.

 

 

Hinahanap-hanap nila ang yabag ng paa at tili ni Khio kapag tumatakas ito sa kanyang magulang. Pati na din ang tawanan at iyakan nina Yumi at Allison na madalas ay ang panganay na apo nila sa tuhod ang dahilan.

 

 

Kaya naman tuwing sabado at linggo ay sinusulit na nilang mag-asawa ang pagkakataon.

 

 

Hina-hayaan na nila ang ingay at kalat sa kanilang tahanan, bagkos ay ipinagpa-pasalamat pa nila ito. Dahil kumpleto ang kanilang pamilya, at may masasaya at malulusog silang mga apo. 

 

 

"Khio apo, ang aga mo naman magising, alam ba ng nanay at mommy mo na lumabas ka na ng kwarto nyo?"  tanong ni lolo Vicente, sinubukan pa nitong buhatin ang apo para sana kadungin ito, ngunit napa-tigil din ng hindi na nito mai-angat si Khio.

 

 

Nalimutan nyang may kantandaan na nga pala sya at may kalusugan naman ang kanilang apo sa tuhod. Napansin naman iyon ni Khio kaya ito na mismo ang nag-kusang ma-upo sa upuan katabi ng kanyang lolo Vicente.

 

 

"Hindi po wowo, peyo paayam po ato mamaya tati tatama po ato ta inyo ta butid-! Wow! Papay~!" sagot nito, sabay palakpak ng makita ang isang balot ng mainit na pandesal sa lamesa.

 

 

Excited itong dumampot ng pandesal na nasa harapan nito at pagkatapos ay magana itong kumain, hindi alintana ang gulat sa mukha ng kanyang lolo at lola.

 

 

"Apo, hindi ka pwedeng sumama, tsaka na hane? Kapag malaki ka na." ani lolo Vicente.

 

 

Sinubukan pa ng matanda na haplusin ang tuktok ng ulo ng kanyang apo para ayusin ang naka-tayong buhok nito, ngunit na-tawa na lang din si lolo Vicente sa sarili, nang kahit anong gawin nya ay bumabalik pa din sa dating pwesto ang ayos nito.

 

 

"Mayaki na po ato wowo, paya tuyong po tita, tapot po, aga po itaw uwi." puno ang bibig ng pandesal na sagot ni Khio. 

 

 

Nagka-tinginan na lamang ang matatanda, tila nag-uuyuhan kung paano ba nila mapapa-payag ang kanilang apo na huwag na sumama. At dahil sunod ang gusto nito sa kanyang lolo Vicente, kaya ang nangyari'y si lola Soledad na lang nito ang sumagot.

 

 

"Malakas ang hangin doon apo, lalamigin ka, at tsaka maaga naman uuwi ang lolo mo, dito mo na lang sya hintayin." dagdag pa ni lola Soledad. 

 

 

Nag-aalala sya para sa apo nila, bukod sa napaka-bata pa nito para dalhin sa bukid, ay may kalikutan din kasi si Khio. Kaya naman kung hindi bukol, ay pasa naman ang ina-abot nito pagkatapos mag-laro. Ngayon pa na gusto nito sumama sa bukid kung saan mangunguha ng kuhol si lolo Vicente para sa mga alaga nilang itik. 

 

 

"Wowa pwomise po, bait po ato doon..plis po wowa and wowo..." pamimilit ni Khio. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang na nagka-tinginan muli sina lolo Vicente at lola Soledad, dahil halos magmaka-awa na sa kanila si Khio habang hawak nito ang nangangalahati na nitong pandesal. 

 

 

At sino ba sila para matiis ang apo nila sa tuhod? Lalo't ginamitan pa sila nito ng maluha-luha nitong mata.

 

 

"Oh sya sige-" 

 

 

Hindi na na-ituloy ni lolo Vicente ang sasabihin ng nauna na mag-diwang si Khio, itinaas pa nito ang dalawang kamay at kumembot-kembot pa sa upuan nito.

 

 

"Yehey!!" 

 

 

Natawa na lang ang mag-asawa sa pagiging bibo ng kanilang apo. 

 

 

"Sandali apo." pigil ni Lolo Vicente kay Khio na nasamid pa nga sa pandesal kaya pina-inom muna nila ito ng tubig.

 

 

"Ayos ka lang ba apo?" tanong ni lola Soledad habang tinatapik-tapik nito ang likod ni Khio na tumango naman agad at ngumiti pagkatapos.

 

 

"Otey yang po ato wowa, tenchu po." 

 

 

"Dahan-dahan kasi ang kain."

 

 

"Khio, payag na si lolo na sumama ka, pero kailangan mo muna magpaalam sa mommy at nanay mo-" 

 

 

Muli, ay hindi na naman na-ituloy ni lolo Vicente ang sasabihin, nang mabilis na i-subo ni Khio ang natitirang pandesal sa kamay nito, sabay baba ng upuan para bumalik sa kwarto kung nasaan ang magulang nito. 

 

 

"Ato po bahaya wowo! Tandayi yang po, pa-paayam yang po ato, wait nyo po ato otey?" ani Khio na nagma-madaling bumalik sa kusina para paalalahanan ang kanyang lolo Vicente. "Wag nyo po ato iiwan wowo, mabiyis yang po ato." paninigurado pa nito. 

 

 

"Oh sya sige, madali ka't hihintayin kita dito." 

 

 

Natatawang sagot na lang ni lolo Vicente dito, kaya naman hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Khio, at mabilis na itong nanakbo para mag-paalam sa magulang nito. 

 

 

"Naynay! Mimi! Tatama po ato tay wowo!" 

 

 

"Siguro'y napa-dami ng kain nang matatamis si Winter noong ipinagbubuntis nya ang ating apo. Tingnan mo't alas kwatro pa lamang ng umaga ay animo'y bagong karga na ang baterya sa katawan." natatawang biro na lang ni Lolo Vicente habang pinapanuod nila na maligaw ang apo nila sa madilim na sala papunta sa hallway kung nasaan ang kwarto ng mga ito. 

 

 

"Aaahhhh mumu!!!" tili nito habang nanakbo papunta sa kwarto ng mga ito.

 

 

"At ayan naman ang namana nya sa kanyang nanay Winter, ka-ingayan." dagdag din ni lola Soledad. 

 

 

Sino nga ba ang makakapag-sabi, naabutan pa nilang mag-asawa ang mga apo nila sa tuhod. 

 

 

_____

 

 

"Saan ka galing anak? Maaga pa..." 

 

 

Paos pa ang boses na tanong ni Winter kay Khio na dahan-dahang bumalik sa pwesto nito sa pagitan nila ni Karina. Tulog na tulog pa din ang asawa nya, malamang ay hindi din nito naramdaman na umalis ang kanilang anak.

 

 

"Kay wowo at wowa po, naynay?" 

 

 

"Hmm?" antok na antok pang sagot ni Winter, pinili nyang ipikit pa ang mata dahil nasa kalaliman pa sya ng tulog ng maramdaman nya si Khio na wala sa tabi nilang mag-asawa. 

 

 

"Nay? Pwede po ba ato tama tay wowo ta butid po? Pwomise po naynay di po ato magpapa-taway tay wowo." 

 

 

Napa-dilat naman agad ng mga mata si Winter sa narinig, at kahit sa malamlam na liwanag na tumatama sa mukha ni Khio galing sa buwan na tanaw sa kanilang bintana, ay na-aninagan nya ang bilugang mga mata nito na nahahawig sa mommy nito.

 

 

Kumurap-kurap pa ito na tila nagmama-kaawa sa kanya.

 

 

Tumagilid sa pagkaka-higa si Winter para maka-tapat nya si Khio na handa ng mag-makaawa sa kanya kung sakali. Alam na alam na nya ang paandar nito kapag may gusto itong hilingin sa kanila. 

 

 

"Anak, hindi pwede, mahangin ngayon at malamig baka magka-sakit ka." malumanay na paliwanag ni Winter sa anak, habang hina-haplos nya ang may kalusungang braso nito.

 

 

Kita-kita nya kung paano nalungkot ang mga mata ni Khio, kung hindi nga lang malakas ang hangin ay papayagan naman nya ito. Ang kaso nga'y naririnig nya mula sa bintana na gawa sa kapis ang hampas ng malakas na hangin mula sa labas. 

 

 

"Payag po ti wowo, plis po nay, hindi po ato mag-tutuyit doon..." ungot pa din ni Khio sa kanya. 

 

 

"Mahal? Bakit gising na kayo? Are you in pain? Do you need to go to the bathroom?" 

 

 

Napa-tingin naman ang mag-inang Winter at Khio kay Karina na nagising dahil sa pag-uusap nilang dalawang mag-nanay.

 

 

"Hindi mahal, may ipina-paalam ang anak mo." ani Winter na inabot ang kamay ng kanyang asawa para marahan itong pisilin. 

 

 

"What is it love?" tanong ni Karina kay Khio na naka-upo sa pagitan nilang mag-asawa.

 

 

Nangha-haba naman ang nguso nito na tumingin kay Karina, hindi pa ito na kuntento at malambing pa itong dumapa at sumiksik sa dibdib nito. 

 

 

Napa-iling na lang si Winter habang pinapanuod ang dalawa, dahil todo alo agad ang asawa nya sa anak nila kahit hindi pa naman alam nito ang inu-ungot ni Khio. 

 

 

"Mimi..." 

 

 

"Yes baby? Are you okay?"  malambing na tanong ni Karina sa anak.

 

 

Naramdaman naman ni Karina ang marahang pagtango ni Khio habang naka-siksik pa din ito sa dibdib nya. Kaya niyakap nya ito at hinaplos sa likod, pag-tingin naman nya kay Winter ay nangingiting napa-irap na ito sa kanya.

 

 

"Sabihin mo na kay mommy, baby." paalala ni Winter kay Khio na mabilis na umupo ng ayos para humarap sa mommy Karina nito. 

 

 

"Mimi? Pwede po ba ato tama tay wowo po ta butid? Payag na po ti wowo, peyo tabi nya po, paayam po muna ato ta inyo ni naynay."

 

 

"Sure baby, go with lolo-ow!" daing ni Karina nang maramdaman nya bigla ang pag-kurot ni Winter sa kamay nyang hawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1180 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!