12 12 Happy Vayentams Day! 💙🧡💛

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Naynay! Mimi! Hiiii!!!" 

 

 

Agad na humarang si Karina sa harapan ni Winter ng makita nila ang nanakbong si Khio na palapit sa kanila, para salubungin ito. Napag-pasyahan nilang mag-asawa na sunduin ang kanilang anak sa Daycare at dadaretso na sila sa bayan para kumain sa labas. 

 

 

Su-supresahin sana ni Karina na i-date ang mag-ina nya ngayong araw dahil Valentines day, ang kaso ay weekdays ngayon, wala syang i-dadahilan kay Winter kapag sinabi nyang hindi sya papasok, kaya nagsabi na lang sya ng totoong plano nya dito ngayong araw ng mga puso.

 

 

Ayos na din naman, dahil umaga pa lang ay kita nya na ang biglang pag-aliwalas ng mukha nito, mukhang naging excited ang kanyang asawa sa hinanda nyang date nilang mag-anak.

 

 

Matagal-tagal na kasi ang huling beses na lumabas silang pamilya para mag-bonding simula ng mabuntis ulit ang asawa nya. Lalo pa't mas gusto ni Winter ang manatili na lang muna sa bahay, dahil napa-pagod agad ito kapag kumikilos dahil may kalakihan na talaga ang tiyan nito. 

 

 

Ngayong araw nga ay tila pinagbigyan si Karina ng pagkakataon, dahil nasa mood ang kanyang asawa para lumabas, para magkapag-bonding silang pamilya. 

 

 

"Here comes the energy ball nanay, wait Khio-ugh wow, ang bigat mo na baby." daing ni Karina ng buong lakas na dumaba sa kanya si Khio.

 

 

Mabuti na lang at naisipan nyang harangan ito dahil muntik pa itong matalapid at sa mismong tiyan ng nanay Winter pa sana nito ito masusub-sob kung nagkataon. 

 

 

"Hehe big guwl na po tati ato mimi." malaki ang ngiting sabi ni Khio.

 

 

Kinarga na din ito ni Karina dahil nakita nyang nanghahaba na ang nguso nito para maka-kiss sa nanay nito na nasa tabi nya. 

 

 

"Muah! Hi naynay, how ay you po and bibis?" malambing na tanong ni Khio sa nanay Winter nito, pagkatapos mag-kiss sa pisngi ng ina. 

 

 

Nakangiting naka-tinginan na lang ang mag-asawa sa ka-sweetan ng kanilang anak. Sobrang ma-alalahanin ni Khio at maalaga, kaya naman ang laging tanong nito kapag uuwi ng bahay ay kung kamusta ang kanyang nanay at mga kapatid. 

 

 

"Ayos naman si nanay, baby mochi, pati na din ang mga little mochis natin sa tummy ni nanay, namiss ka nila ate Khio." malambing din na sagot ni Winter habang hina-haplos ang mag-pipitong buwan na niyang tiyan. 

 

 

"Aww~ my wittew dinotors~ ate tiyo missed you too bibis~" 

 

 

Natawa na lang sina Karina at Winter sa tawag ni Khio sa mga kapatid nito. Mukhang ngayon pa lang ay pinag-paplanuhan na agad ng anak nila kung paano nito i-papakilala ang mga dinosaurs na paborito nito sa triplets.

 

 

"We will go to the mall today baby, are you excited?" 

 

 

"Bibiye po tayo papay mimi?! I'm hungwy na po eh." excited na tanong ni Khio. 

 

 

"Hindi lang tinapay anak, may spaghetti, cake, ice cream, kahit ano anak, kasi ide-date tayo ni mommy mo." excited din na dagdag ni Winter, dahilan para bigyan ito ng halik sa pisngi ni Karina. 

 

 

Natutuwa talaga si Karina na masaya at excited ang mag-ina nya, hindi naman mahirap pasiyahin ang mga ito. Kaya kahit nasa San Isidro sila kung saan limitado ang mga magagarang restaurant ay ginawan nya ito ng paraan. 

 

 

"Wow~! Yet go mimi and naynay! I'm excited!" tuwang-tuwang sigaw ni Khio, taas pa ang dalawang kamay habang karga ni Karina. 

 

 

"Let's go mahal! Excited na din ako, may ginataang suso ba doon?" 

 

 

"H-ha?" 

 

 

Ayon lang...

 

 

Napa-kamot na lang ng ulo si Karina sa tanong ni Winter sa kanya.

 

 

At syempre, paano naman nya bibiguin ang asawa nya na halos mag-ningning ang mga mata at may malawak na ngiti habang naghihintay ng sagot nya. 

 

 

"Ofcourse nanay, you can eat whatever you want, basta safe sa inyo ng mga babies natin." sagot nya, pagkatapos ay binigyan nya ito ng matamis na halik sa labi na lalong nag-pangiti dito. 

 

 

"Thank you mommy, I love you~muah!" 

 

 

Napangiti si Karina, halata naman ang saya sa ngiti at kilos ni Winter, dahil hinila pa sya nito para halikan din sa labi at sa magkabilang pisngi nya. Parang nang-gigigil pa nga, muntik na syang kagatin sa pisngi. 

 

 

"You're always welcome, I love you too, anything for the both of you, my loves." 

 

 

_____

 

 

"How's your food mahal? Masarap ba yang ginataang suso?" 

 

 

Natawa na lang si Karina ng halos mapa-palakpak pa si Winter sa tuwa ng masungkit ulit nito ang ginataang suso na sarap na sarap nitong kinakain. Parang ekspresyon lang ni Khio kanina ng makita nito ang iba't-ibang putahe na naka-hain sa lamesa nila. 

 

 

"Sooobra mahal! Ang sarap nito, pwede ba mag-take out?" tanong ni Winter sa kanya, bumulong pa nga ito sa huli na akala mo ay may makakarinig sa kanila, bukod kay Khio na magana din na na-kain sa tabi nilang mag-asawa.

 

 

"Oo naman mahal, madami pa nyan sa kitchen, I'll tell chef Marco to cook for a new batch para mai-uwi natin." naka-ngiting sagot nya.

 

 

Mabuti na lang din at natawagan agad nya ang restaurant kanina para i-hanap sila ng suso na request ni Winter. Hindi naman na ito naglilihi, sadyang magana lang talaga itong kumain ngayon lalo't triplets ang ipinagbubuntis nito. 

 

 

"Thank you mahal, ang sarap talaga nito, tsaka, tayo lang ba talaga ang costumers dito?" kunot ang noong tanong ni Winter kay Karina, inilibot pa nito ang paningin sa buong restaurant.

 

 

Wala ang lahat ng lamesa sa loob nito, maliban sa lamesa na kina-kainan nilang mag-anak. Gulat na gulat pa sya dahil pagka-pasok nila ay may decorations na ang buong resto ng mga rosas at lobo na hugis puso. Pati ang lamesa nila ay naka-ayos na din at ang sosyal sosyal tingnan, hindi din papahuli ang mga waiters at waitress na todo asikaso sa kanila. 

 

 

Tila pati nga si Khio ay kinilig din sa pa-bulaklak ng mommy Karina nito, maliban kasi kay Winter na binigyan ni Karina ng napaka-laking bouquet ng pulang rosas, ay pati ang kanilang anak ay binigyan din nito. 

 

 

"Pinasara ko para makapag-date tayo." kindat ni Karina kay Winter na natawa na lang sa asawa nya.

 

 

Hindi na sya magtataka, dahil alam nya na basta para sa kanilang mag-ina, lahat ng imposible, gagawan ng paraan ng asawa nya. 

 

 

"Thank you mahal, sorry kung wala kaming regalo sayo ng mochi natin." ani Winter na tila nalungkot. 

 

 

Kaya naman agad itong hinawakan ni Karina sa kamay.

 

 

"Hey, don't think about it, you gave me more than this mahal, yung love at sacrifices mo para sa amin ng mga anak natin, sobra sobra pa dito, at hindi mapapantayan yon. Kaya don't be sad na, okay? Wala pa to sa efforts mo para sa amin, thank you nanay, and I love you so much." alo ni Karina sa kanyang asawa, inabot nya din ang kamay nito para bigyan ng halik dito.

 

 

"I love you too, so much, salamat mahal, sa lahat lahat." pagpapasalamat din ni Winter. 

 

 

"You're always welcome-" 

 

 

"Mimi, pwede pa po ba ato tuha ng tanin? Tuyang po yung niyagay ni tuya eh." 

 

 

Natawa na lang ang mag-asawa sa anak nilang mukhang nag-eenjoy kumain sa tabi nila, pagtingin nila dito ay ubos na nga ang laman ng pinggan nito at buto ng fried chicken na lang ang sini-simot. Kaya naman agad na tinawag ni Karina ang waiter para lagyan ulit ng pagkain ang pinggan ng mochi nila. 

 

 

"Wow! Tenchu po tuya, ta uuyitin po~!" pag-papasalamat naman ni Khio sa waiter na nangingiti na lang, pang-tatlong balik na kasi nya ito para lagyan ng pagkain ang pinggan ni Khio. 

 

 

_____

 

 

"Anything else mahal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1181 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!