15 Taking care of naynay. ๐Ÿ’›

TT (Khio's Adventures) ๐Ÿฆ–๐Ÿฆ•
Please Subscribe to read the full chapter

ย 

ย 

"Nay?"

ย 

ย 

"Khio, nandito ako sa kwarto baby."ย 

ย 

ย 

Nang marinig iyon, ay agad na nanakbo si Khio sa kwarto ng kanyang magulang kung nasaan ang nanay Winter nya, para ibigay ang saging na pasalubong nya dito. Naka-lagay iyon sa sako bag kaya naman halos kaladkarin na iyon ni Khio sa sobrang bigat.ย 

ย 

ย 

Pag-bukas nya ng pinto ay na-abutan nya ang kanyang nanay na nagti-tiklop ng mga damit. Kaya Iniwan na muna ni Khio ang saging sa gilid ng pinto para mag-kiss at mag-mano sa kanyang nanay. Kaka-hatid lang kasi ng lolo nya sa kanya, nandoon sya sa bahay ng mga ito simula ala-una ng hapon at inabot na nga sya ng alas singko dahil sumama pa sya sa parang.ย 

ย 

ย 

"Mano po nay." ani Khio, pagkatapos ay inabot ni Winter ang kanyang kamay para maka-pagmano si Khio sa kanya.ย 

ย 

ย 

Napangiti si Winter habang gina-gawa iyon ng mochi nya, natutuwa sya na lumalaki itong magalang at ma-respeto na bata. Napaka-bait talaga ng anak nila ni Karina, kaya kahit sila lang dalawa madalas sa bahay ay panatag ang loob ng mommy nito, dahil hindi alagain si Khio. May kusa ito kahit na sa mga gawaing bahay, akala mo nga'y matanda na kahit tatlong taong gulang pa lang.ย 

ย 

ย 

"Hi naynay, how ay you po and bibis? Ay you otey po?" tanong ni Khio sa nanay Winter nito habang maingat itong umakyat sa kama para naman humalik sa pisngi ng ina at tiyan nito. "Missed you bibis, tenchu tati bait tayo tay naynay habang waya ti ate Tiyo." sabi pa ni Khio na panay ang halik sa tiyan ni Winter.ย 

ย 

ย 

"We missed you too, ate Khio, ayos naman si nanay at mga kapatid mo. Ikaw? Kamusta ka? Masaya ka ba sa pag-punta ng parang kasama si lolo?" tanong ni Winter kay Khio na tumango-tango naman agad at todo ngiti sa kanya.

ย 

ย 

Sa isip ni Winter, mukhang may kapalit na si Ryujin sa pagiging apprentice ng lolo Vicente nila. Dahil nag-eenjoy talaga si Khio sa bukid, at sa tuwing mang-gagaling nga ito doon ay may dala pa itong pasalubong, madalas ay prutas at minsan naman ay gulay na nagiging ulam pa nga nila sa hapunan.ย 

ย 

ย 

"Opo nay, ayon po oh, may patayubong po tami ni wowo tayo at ta bibis natin. Taging po na taba at tenyoyita, paboyito mo po yung tenyoyita diba po?" turo ni Khio sa sako bag na nasa gilid ng pintuan, pagkatapos ay malambing ito na yumakap sa ina, at sa tuwa at pagka-miss ni Winter dito ay pinupog nya ito ng halik sa pisngi at leeg nito.ย 

ย 

ย 

"Salamat anak, paborito talaga ni nanay yan, thank you baby ko na big girl na. I love you mahal ko."ย 

ย 

ย 

"Ayabyu nay!" tuwang-tuwang sagot din naman ni Khio, gustong-gusto kasi nya kapag kini-kiss sya ng nanay nya.ย 

ย 

ย 

Mga ilang minuto pa silang nag-lambingan mag-ina at tinawagan na din nila si Karina na nasa Maynila. Kaya naman inabot na ng alas-syete ng gabi bago pa sila nakapag-hapunan.

ย 

ย 

_____

ย 

ย 

Tapos ng mag-hapunan ang mag-ina at kakatapos lang din na mag-hugas ng pinggan si Winter, habang si Khio naman ay nag-pupunas ng lamesa. Nang bigla na lang makaramdam ng matinding hilo si Winter, mabuti na lang at pagka-sara ng ref iyon nangyari kaya't nakakapit sya sa hawakan nito. Minabuti nyang saglit muna na pumikit at hintayin na mawala ang pakiramdam nya na parang umi-ikot ang paligid.

ย 

ย 

Anim na buwan na ang triplets na pinagbu-buntis nya, ma-bilog na talaga ang kanyang tiyan na tila nga walong buwan na ito sa laki. At lahat na ata ng sakit sa katawan eh nararamdaman na nya, kadalasan ay pag-sakit ng bewang, mga binti at paa, dahil na din sa bigat ng triplets. Maging pagka-hilo at minsanang pag-sakit ng tiyan na parang naba-batak ito ay dina-danas nya.ย 

ย 

ย 

Ang sabi naman ng doktor ay normal iyon, lalo na nga't triplets, ngunit kahit nahi-hirapan ay ini-enjoy na lang ni Winter ang kasalukuyang pagbu-buntis nya, dahil hindi lahat ng nanay ay katulad nya na mabibiyayaan ng ganitong pagkakataon, na mag-dala ng tatlong sanggol sa sinapupunan.ย 

ย 

ย 

"Nay? Ay you hawrt?" narinig ni Winter na tanong ni Khio sa kanya, hindi pa din sya nag-dilat ng mata dahil medyo nahihilo pa sya.ย 

ย 

ย 

"H-hindi anak, nahihilo lang si nanay, pero ayos lang ako wag ka mag-alala..." sagot nya dito, napa-hinto din sya sa pag-haplos ng kanyang tiyan ng maramdaman nya ang pag-hawak ni Khio sa kamay nya at kasunod niyon ay ang pagyakap nito sa binti nya dahil maliit pa si Khio. Medyo abot lang ng konti nang ulo nito ang tiyan nya.ย 

ย 

ย 

"I'm hew nay, patong mo po tamay mo ta head to nay.." mahinahong sabi sa kanya ni Khio, ngunit ito na din ang nag-lagay ng kamay nya sa ulo nito. Alam nyang tuming-kayad si Khio kaya na-abot nya ang ulo nito. "Tunyawi head to tungtod mo po naynay, paya hindi po itaw tumba, howd mo po ato nay."ย 

ย 

ย 

Kahit hilong-hilo at naka-pikit ay hindi na-iwasan ni Winter na mapangiti sa ginawa ni Khio. Sobrang sweet at ma-asahan na talaga ang mochi nila, hindi nya alam kung paano naisip iyon ni Khio, pero ramdam nya na talagang parang i-pinang-salo nito ang katawan sa binti at hita nyang halos gumewang na.ย 

ย 

ย 

Naka-tulong talaga ang ginawa ni Khio dahil kahit pa-paano ay maliban sa hawakan ng ref, ay na-hinto din ang panginginig ng mga binti nya dahil sa supporta ng katawan nito. Nakaramdam ng awa si Winter sa anak, kahit sabihin pa na may kalusugan ang katawan ni Khio ay maliit pa din ito. Pero eto nga't todo suporta sa kanya ang mochi nya.ย 

ย 

ย 

Kaya't nang makaramdam ng kaunting ginhawa ay marahan nyang hinaplos ang ulo ni Khio, at pagkatapos ay itinapat iyon sa kanyang tiyan, dahil pini-pilit pa din nitong tuming-kayad. Napangiti sya lalo na ng marinig nya ang mahinang bungisngis nito sa ginawa nya.ย 

ย 

ย 

"Bibis hiii!! Ate Tiyo it hew, wag tayo matuyet sa tummy ni naynay otey? Behave muna tayo tati nahihiyo ti naynay..." paalala pa ni Khio sa mga kapatid nito.ย 

ย 

ย 

Unti-unting nag-dilat ng mata si Winter nang maramdaman nya na umayos na ang pakiramdam nya. Nawala na kahit pa-paano ang pagka-hilo nya kaya't huminga sya ng malalim, akala nya talaga ay matutumba sya kanina.ย 

ย 

ย 

Tiningnan nya si Khio na marahang hina-haplos ang tiyan nya, kaya ganoon din ang ginawa nya sa ulo nito at nanatili lang silang mag-nanay sa ganoong pwesto ng ilan pang minuto, para maka-sigurado sya na hindi na sya mahihilo pa.

ย 

ย 

Sinabihan na din nya si Khio na tumayo na ng ayos dahil naawa na sya dito, malamang ay nangalay na ito sa pagting-kayad.ย 

ย 

ย 

"Thank you baby ko, okay na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee ๐Ÿ˜š
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜
iamriou_
1180 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! ๐Ÿฅณ
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio๐Ÿ’™๐Ÿ’™๐Ÿ’™
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.๐Ÿ˜…

Thanks po for the update author ๐Ÿ˜€.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿฅฐ
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan ๐Ÿ˜ญ
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!