14 Sick day

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isang umaga sa Daycare center ng barangay, ay saktong oras ng recess at maganang na-kain ang mga estudyante sa kanya-kanyang nilang mga lamesa. May pangilan-ngilan na tumatayo din para magpa-tulong na magpa-bukas ng kanilang mga baunan, snacks, straw at kung ano-ano pa kay Miss. Rose.

 

 

Ngunit sa isang sulok malapit sa bintana nang klase, ay tahimik na naka-yuko sa lamesa si Khio, kumagat ito sa pandesal na may palaman na binating itlog at cheese pagkatapos ay dahan-dahan itong ngumaya, ngunit ang pisngi nito ay naka-lapat pa din sa lamesa nakatagilid ang ulo paharap kay Tintin na katabi nito sa upuan.

 

 

Kalagitnaan ng klase ay naka-ramdam ng matinding antok at ginaw si Khio, masakit din ang kanyang ulo at lalamunan. Ngayon nga ay ilang beses na din nyang pilit na nilalasahan ang pandesal na baon nya ngunit wala syang malasahan. Napa-kunot ang noo ni Khio kaya ini-angat nya ang tinapay na kanyang hawak para tingnan ito. 

 

 

"Ityog na matabang...hay..." bagsak ang balikat na ibinalik na lang ni Khio ang pandesal sa loob ng kanyang lunch box.

 

 

Dahil kahit ano talaga ang kanyang gawin ay wala syang malasahan, inisip na lang nyang busy ang kanyang nanay Winter kaya nalimutan nitong lagyan ng asin ang binating itlog na palaman ng kanyang pandesal. 

 

 

Isa pa, ay masakit ang kanyang lalamunan kapag lumulunok, naisip ni Khio na na-tinik sya, pero naalala din nya agad na wala nga palang tinik ang pansit at pandesal na kinain nya sa kanyang almusal kaninang umaga.

 

 

"Khio?" 

 

 

Tawag ni Tintin sa kaibigan dahil himalang tahimik ito sa tabi nya, kaya nilapitan nya ito at tinapik sa balikat ng makita nyang itong naka-pikit. Namumula din ang pisngi ni Khio kaya sinundot nya iyon gamit ang daliri dahilan para sandaling mag-dilat ang kanyang kaibigan ng mga mata para tingnan sya. 

 

 

"T-tin-tin? Maya na yang tayo yayo otey? I'm sweepy eh-" ani Khio sa kaibigan. Napapikit si Khio ng mas lalong sumakit ang lalamunan nya ng magsalita sya. 

 

 

Ilang minuto lang ang lumipas ay nakaramdam ng pagka-inip si Tintin, dahil hindi sya sanay na tahimik si Khio. Nalulungkot syang kumain mag-isa lalo pa't nakita nyang walang bawas ang pagkain sa loob ng dinosaur lunch box na nasa tabi nito.

 

 

Hindi na naka-tiis pa si Tintin dahil wala syang kalaro, kaya imbes na hayaang matulog ang kanyang kaibigan, ay napag-pasyahan nyang dutdutin muli ang matambok na pisngi ni Khio at pagkatapos ay pinisil nya pa ito. Ngunit laking gulat ni Tintin ng maramdaman nya ang kakaibang init sa namumulang pisngi nito. 

 

 

"Hala! Bakit ang init mo?!" gulat na tanong ni Tintin kay Khio na hindi alintana ang pag-aalala ng kaibigan dahil hindi man lang ito nag-dilat ng mata. 

 

 

Hindi kalayuan sa pwesto ng dalawang magkaibigan, ay natanaw ni Miss. Rose ang komusyon na nangyayari, napa-kunot ang noo nito.

 

 

Dahil nakita ng guro na naka-tayo ang estudyante nyang si Tin-tin at pilit na ina-alog sa balikat si Khio na naka-tungo sa lamesa. 

 

 

"Tintin? Anong ginagawa mo?" tanong ni Miss.Rose sa kanyang estudyante pero tila hindi sya narinig ni Tintin. 

 

 

"Khio! Ang init mo! Masu-sunog ka na ba?!" tarantang tanong ni Tintin sa kaibigan, halata na ang pagkataranta ng bata dahil agad nitong kinuha ang coloring pad nito para i-paypay sa kaibigan na akala nya'y mag-aapoy na dahil sa sobrang init ng balat nito. 

 

 

"I'm yuto na..." wala sa wisyong sagot ni Khio.

 

 

Dahil nagla-laban na ang antok na diwa at panaginip nya na nag-i-ihaw daw ng masarap na isaw ang kanyang nanay Winter. Lalo pa't may tuma-tamang hangin sa kanyang mukha habang naka-pikit.

 

 

"Tintin? Ano bang nangyayari-" 

 

 

Hindi na nai-tuloy ni Miss Rose ang sasabihin, dahil pag-lapit nya sa pwesto ng mga ito ay nakita nya si Khio na pulang-pula at nanginginig ang katawan habang naka-yuko sa lamesa nito. Habang si Tintin naman ay aligaga sa pagpa-paypay at paghingi ng tulong sa kanya.

 

 

"Miss Rose! Si Khio ang init po! Tulong po! Baka maluto na ang bestfriend ko!" 

 

 

______

 

 

"Po?! Sige po Miss Rose, papunta na po ako, sandali lang po!" 

 

 

Agad na binitawan ni Winter ang kanyang mga tahiin sa kama ng makatanggap sya ng tawag mula sa guro ni Khio. Ina-apoy daw ito ng lagnat kaya naman ganoon na lang ang taranta nya, lalo't ilang bata na ang nao-ospital sa kanilang barangay dahil sa sakit na dengue. 

 

 

Uso ito ngayon, natakot sya lalo pa't ang kanilang bakuran ang hilig galaan at tambayan ni Khio.

 

 

"Yeji! May gagawin ka ba? Samahan mo naman ako please." 

 

 

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Winter na mag-bihis, agad syang lumabas ng bahay kahit pang-bahay na duster lamang ang kanyang suot. Sakto naman at pag-labas ng pinto ng bahay, ay nasalubong nya si Yeji na papasok naman sa kanilang bakuran dala ang tool kit na hiniram nito. 

 

 

"Saan?" kunot noong tanong ni Yeji na hindi maiwasang ma-alerto dahil sa tila pagka-taranta ni Winter. 

 

 

"Sunduin natin sa daycare si Khio! Tumawag ang guro nya, inaapoy daw ng lagnat, Yeji tulungan mo ako, dalhin natin sa ospital ang anak ko!" 

 

 

Doon tila nahawa na din si Yeji, nataranta na din sya. 

 

 

"Ha?! Sandali! Hintayin mo ako dyan kukunin ko ang sasakyan." ayon lang at nanakbo na pa-labas ng bakuran nila si Yeji para kunin ang sasakyan nito.

 

 

"Dalian mo!" halos mangiyak-ngiyak ng sigaw ni Winter dito. 

 

 

Biglang pumasok sa isip ni Winter yung dalawang bata na hindi naka-ligtas sa sakit na dengue sa kabilang barangay, nangyari lang iyon noong isang linggo. Kaya naman simula noon ay hindi na nya masyadong pinapalabas ng bahay si Khio. Kung lalabas man ito ay naka-longsleeve at pajama ito. At may anti-mosquito repellant sa katawan, dahil ayaw nyang pa-kampante. 

 

 

Ang kaso'y eto nga, nilagnat si Khio, parang sumakit tuloy bigla ang ulo nya sa pag-iisip at pag-aalala.

 

 

Pinag-dasal nya na sana, hindi ito dengue.

 

 

_____

 

 

"Baby ko, nandito na si nanay..." 

 

 

Awang-awa si Winter kay Khio ng abutan nya ito na naka-higa sa bed ng clinic sa kanilang baranggay. Naka-kumot ito at mahimbing na natutulog, mapula din ang magka-bilang pisngi nito, tanda na ma-init nga ang temperatura ng katawan ni Khio.

 

 

Mugto din ang mga mata, siguro'y umiyak, isip nya. 

 

 

"Mrs.Yu, hindi po namin napilit si Khio na uminom ng gamot kaya panay tubig lang po ang napa-inom namin, nagsu-suka na din po kasi kaka-iyak. Mataas po ang kanyang temperatura, nasa 39 degree celcius na po." paliwanag ng barangay nurse nila. 

 

 

Nag-aalalang tinapunan ng tingin ni Winter si Khio na mahimbing pa din na natutulog, hinaplos nya ang noo nito at napa-buga na lang sya ng hangin sa bibig ng maramdaman nyang mainit pa din ito. 

 

 

"Dadalhin po namin sya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
RookieToki
0 points #1
Chapter 22: aNG CUTE NAKAKABADTRIP HWIDNALJDOAJSIA KHIOOO ABUNJING BUNJING NANIYAN MAGALING MAGTAWADDD
RookieToki
0 points #2
nako si primo HWJSHSJSHSH saang story kaya silaaa

di pa nakikita ni karina si jimjim huhu pag pinagsama siguro sila sa iisang room mahihimatay itong si karina
RookieToki
0 points #3
Chapter 9: naker daf vs alliton
tas si yumi pala at si saf HWHSHHSHS mga chinita rin type ni yumi like her mama
jaangwaang
921 streak 0 points #4
Chapter 22: cutie talaga ng abunjing na yan 😍🥰🤗
howdoyouknowmee
581 streak #5
Promoted ang bebe hehe
ryujinie__
738 streak #6
Congrats 🤍
dork_seulgi_k
907 streak #7
Chapter 22: 🥺🥺🥺🥺🥺
Jaeeeeee_
234 streak #8
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp #9
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
#10
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹