4 Don't be sad Yumi

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Rawwr rawwwr rawwr-...Yumi? Yumi- why itaw yungtot?" 

 

 

 

Napahinto sa paglalaro ng dinosaur toys nya si Khio, nang makita nito si Yumi na naka-nguso at tahimik na sinu-suklayan ang hawak na laruang barbie sa tabi nya. Napansin din ni Khio na kanina pa ito tahimik, kahit na kinakausap nya ito ay tumatango o umiiling lang ang pinsan nya sa kanya. 

 

 

 

"Ha?" kunot ang noo na tanong din ni Yumi kay Khio, habang tuloy pa din ito sa pag-susuklay sa hawak nitong barbie. 

 

 

 

"Why itaw yungtot?" ulit ni Khio, binitiwan na din nito ang hawak na t-rex dinosaur, para lapitan si Yumi.

 

 

 

"Yungtot? Anong yungtot ate Khio?" 

 

 

 

Kahit na nagtatampo ay hinarap na ni Yumi si Khio dahil hindi nya talaga ito maintindihan. Minsan talaga ay may mga salita ang ate Khio nya na kailangan pa nito i-action para lang maintindihan nila. 

 

 

 

"Hay...yungtot, ganito oh-" 

 

 

 

Napa-iling na lang si Yumi nang mag-sad face si Khio sa kanya para maintindihan nya ang sinasabi nito. 

 

 

 

"Ah malungkot, dapat sinabi mo sad na lang kasi." ani Yumi na bumalik ulit sa pag-susuklay ng barbie. 

 

 

 

"tad, why itaw tad?" tanong ulit ni Khio. 

 

 

 

Nalungkot din sya ng makita nyang malungkot si Yumi, lalo na't masaya sya ngayon dahil makakasama nya ang pinsan nya ng dalawang araw. Lahat nang laro pwede na nilang gawin ng magkasama dahil hindi muna uuwi si Yumi sa kanila. 

 

 

 

Nasa sala ang dalawa at naglalaro, dahil may pupuntahan daw ang mommy Yeji at mama Ryujin ni Yumi at hindi ito pwedeng isama. Kaya naman iniwan muna ito sa bahay ng pamilyang Yu, at doon muna si Yumi ng dalawang araw hanggang sa maka-uwi ang mga magulang nito. 

 

 

 

Sa sobrang excited nga ng mag-pinsan ay ala-sais pa lang ng umaga, gising na ang dalawa at nagpahatid na agad si Yumi sa bahay ng tita Winter at tita Karina nya para makapaglaro na sila ng ate Khio nya.  

 

 

 

"Kasi, lagi na lang dinosaur toys mo ang nilalaro natin, mag-play naman tayo ng barbie ate Khio. Look oh, super cute ng mga dresses nila, may make up din dito." turo ni Yumi sa mga laruang barbies nya na nakalagay pa sa pink na case. Pati ang mga damit, sapatos, make-up at kung ano ano pang accessories ng barbie ang nandoon. 

 

 

 

Napa-kamot ng noo si Khio ng makita nya ang iba't-ibang shades ng kulay pink sa harapan nya. Nasanay na kasi ang mga mata nya sa kulay na blue, green at brown kaya naman eto na din ang naging mga paborito nyang kulay, hindi din sya nasanay sa laruang manyika dahil medyo takot sya sa mga ito simula ng aksidenteng matanggal ang ulo ng barbie ni Yumi na nilalaruan nila isang beses. 

 

 

 

"But, ayaw to ng barbie, guto to ng dinotors." 

 

 

 

"Okay..." 

 

 

 

Hindi alam ni Khio ang mararamdaman ng makita nyang tila lalong nalungkot si Yumi, tahimik itong yumuko at tumingin sa manyikang sinusuklayan nito sabay talikod sa kanya. Sa murang isip ni Khio, alam nya na sya ang dahilan kung bakit nalungkot ang pinsan nya. Kaya naman gumawa sya ng paraan para mapasaya muli si Yumi. 

 

 

 

Kinuha nya ang isa sa ang mga dinosaur collection nya pati na din ang isa sa mga barbie ni Yumi, at ang ibang accessories ng manyika nito.

 

 

 

Sinimulan na ni Khio ang balak nya, mga ilang minuto nya din ito ginawa. At nang matapos ay proud nyang tiningnan ang laruan nila ni Yumi bago sya humarap sa pinsan nyang nakatalikod pa din sa kanya. 

 

 

 

"Yumi, pitit itaw my toprays ato tayo-" 

 

 

 

"No ate Khio! I'm sad, I'm tampo!" 

 

 

 

Napa-atras sa gulat si Khio nang mapalakas ang boses ni Yumi, agad din nyang binawi ang kamay nya na pinang-tapik nya sa balikat nito dahil pinalis ito ni Yumi sabay layo sa kanya. 

 

 

 

Malungkot na napa-yuko si Khio sa inasta ng pinsan nya, ngunit mas na-ngibabaw ang ka-gustuhan nya na mapasaya si Yumi na lihim na nag-pupunas ng luha sa sulok, umiiyak na ito. Tila may kumirot sa puso ni Khio sa nakita nya, ayaw na ayaw nya na may nalulungkot dahil sa kanya. 

 

 

 

"I'm sowi Yumi, sowi na si ate Tiyo..." mahinahong tawag ni Khio kay Yumi na tahimik pa din na naiyak sa tabi.  "Tahan na Yumi, pitit na yang itaw may toprays ato tayo, plis.." 

 

 

 

"Hmp!" angil ni Yumi, ngunit dahil paborito nya ang ate Khio nya ay sinunod nya pa din ito kahit na nagtatampo sya. 

 

 

 

Tila naman naka-hinga ng maluwag si Khio nang makita nitong nagpunas muli ng luha si Yumi, bago ito humarap sa kanya at pumikit. 

 

 

 

"I'm sowi Yumi, wag na itaw sad otey? Here bibi, you ten open yow eyes na."

 

 

 

"Woah! Ate Khio?" nanlaki ang mata ni Yumi sa tuwa at excitement ng pagdilat nya ay nakita nya ang hawak ng ate Khio nya. 

 

 

 

Tila hindi ito galing sa pag-iyak at pagtatampo dahil agad itong lumapit sa pinsan nya. 

 

 

 

"Ayaw to itaw yungtot eh, taya ginawa to printet ti barbie. Dinotor printet na ti barbie, otey yang ba Yumi? Yayo na tayo?"

 

 

 

Marahang inakbayan ni Khio si Yumi na sumiksik naman agad sa tagiliran nya at tuwang-tuwa nitong hinakawan ang barbie nito na naka-angkas na sa laruang dinosaur toy nya. Sinuotan din ni Khio ng crown ang t-rex nya at cape na kulay pink na nakita nya sa case ni Yumi.

 

 

 

"Thank you ate Khio! I love you!" 

 

 

 

"Weytam Yumi, ti ate Tiyo bahaya tayo otey? Ay yab you." 

 

 

 

Masayang pinanood ni Khio si Yumi na tila ginawang unicorn na ang dinosaur toy nya dahil pati ang wig na para sa barbie nito na kulay rainbow at isinuot na din dito. Pa-simple nyang tinapik ang sarili nyang balikat, katulad ng ginagawa ng mommy Karina nya sa kanya kapag good job daw sya. 

 

 

 

Napasaya nya ulit si Yumi, kaya good job sya.

 

 

 

"Ate Khio, may make up ako dito, pwede ko ba make-up-an mga dinosaurs mo? Para hindi sila scary..." alinlangang tanong ni Yumi kay Khio habang hawak ang iba't-ibang make up ng mga barbies nito. 

 

 

 

Ngumiti naman agad si Khio at tumango "Otey yang Yumi, yagyan mo pa ng yipistit hehe."  sagot ni Khio na ikina-tuwa lalo ng pinsan nya. 

 

 

 

"Thank you ate!" excited na yumakap si Yumi kay Khio bilang pasasalamat. 

 

 

 

Masaya ang puso ni Khio habang pinapanood nya si Yumi na lagyan ng blush on ang mga dinosaurs nya. Kahit na alam nyang mahihirapan sya na mag-punas ng mga ito mamaya, ang mahalaga ay hindi na malungkot si Yumi.

 

 

 

"Otey yang yan bibi dino, unitorn muna tayo otey? Play muna tayo ni printet barbie and printet Yumi." ani Khio na isa-isang ini-hilera ang mga laruang nyang dinosaurs sa harap ni Yumi na excited na mine-make-up ang mga ito. 

 

 

____

 

 

"Khio! Yumi! Halika na muna kayong dalawa at kakain muna ng tanghalian."

 

 

 

Sabay na nabitawan nina Khio at Yumi ang kinakain na cookies ng marinig ng mga ito ang tawag ni Winter mula sa kusina ng bahay, dahil kakain na sila ng tanghalian. 

 

 

 

"Hala! Ate Khio, lagot tayo kay tita Winter, busog na ako." kabadong sabi ni Yumi kay Khio na mabilis isinubo ang kalahati ng cookies na nahulog sa kandungan nito.

 

 

 

"Ato din Yumi.." ani Khio na pilit nginu-nguya ng mabilis ang kinakain na cookies. 

 

 

 

"Khio! Yumi!" tawag muli ni Winter na lalong nagpa-taranta sa magpinsan. 

 

 

 

"Opo naynay! Wait po!" sagot agad ni Khio, dahil kapag naka-tatlong tawag na ang nanay Winter nya at hindi sila sumunod ay siguradong mapapa-galitan na sila. 

 

 

 

"Dali na at malilipasan kayo ng gutom." 

 

 

 

"Opo nay!" mabilis na tumayo si Khio kasunod ni Yumi, sabay din nilang pinagpag ang sofa kung saan sila naka-upo at siniguradong walang bakas ng ebidensya ang naiwan bago sila pumunta sa kusina. 

 

 

 

Burp

 

     

Nanlaki ang mata na naka-tinginan ang mag-pinsan, lalo na si Yumi na  syang pinang-galingan ng dighay. 

 

 

 

"Omg, lagot talaga tayo ate Khio, sabi ko sayo wag na natin kainin yang cookies mo eh." 

 

 

 

"Tabi mo tanina guto mo, taya to tuha ng papay." nangha-haba ang ngusong sagot ni Khio. 

 

 

 

"Wala naman ako sinabi na kunin mo, ang sabi ko, gusto ko lang, tapos hindi ka pa nagpaalam kay tita Winter." 

 

 

 

Totoo naman na gusto ni Yumi ang cookies, pero dahil nga sinabihan na sila ng tita Winter nya na wag na muna mag-snacks, dahil kakain na din sila ng tanghalian, ay tiniis na nya. Kaya laking gulat nya ng kunin ito ng ate Khio nya sa laga

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 10: hahahaha ang kulit naman ng abunjing na yarnn
asdfghjklmaeee
131 streak #2
Chapter 19: Scared ang mochi na yan na at na pressure sa pagtulog sa own room niya 🥺 It's okay mochi brave pa din ikaw 😚
jaangwaang
885 streak #3
Chapter 10: rereading, coz I had a bad day kailangan ko ang aking abunjing 🥰
jaangwaang
885 streak #4
Chapter 3: cutieees 🥰🥰
ROYAL_LOCKSMITH #5
Chapter 19: Ok lang yan bebe khio. Brave ka kaya, hindi ka nga takot sa cornbeef ni wowo erning eh. Ma oovercome mo lang yan, lalo na nandyan si mimi and naynay.

Thanks author for the update.
tipsylesbi #6
Chapter 19: muntik na ko maiyak dito sa office grabe nakaka lungkot dahil lumalaki na si khio pero nakaka proud siya ng sobra
howdoyouknowmee
528 streak #7
Chapter 19: Otey lang yan mochi, bibi ka pa rin naman namin ehhh
asdfghjklmaeee
131 streak #8
Chapter 18: Aww nag bonding ulit ang mga cuties 😍 Haba naman nang hair ni mochi na 'yan HAHAHAHA dalawa dalawa eh at si deuce and yumi na friends na talaga dahil nangiti na si deuce HAHAHA ❤
AhnWony
#9
Chapter 19: Don’t grow up too fast, our mochi🥹
jaangwaang
885 streak #10
Chapter 19: Khiooooo, ang bebe ko na yan 🤧🤧🤧