18 👶👶

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isang umaga sa munting bahay ng mga Yu ay isang nakaka-mangha ngunit nakaka-litong eksena ang nangyari. Maging si Winter ay naisipan na din ang magpa-tawas dahil pakiramdam nya ay na-maligno na sya. 

 

 

Ikaw ba naman ang makakita ng kamukha mo kahit na alam mo naman na wala kang kambal. Ang masama pa pati ang asawa nito ay kamukha din ni Karina, kapangalan pa nila. Pakiramdam na nga nya ay pinagla-laruan sya ng maligno, pero kasi, may kambal na anak naman ang Winter at Karina na kaharap nya ngayon.

 

 

"So ayon na nga po, ahm..dumalaw po kami dito kasi simula ng maligaw ang mga anak namin dito sa San Isidro eh hindi na po nila nakalimutan si Khio, at lagi din po silang nagpipilit na maka-balik dito lalo na po itong si Primo namin." paliwanag ng mama ng kambal na Winter din ang pangalan. 

 

 

Hindi pa din makapaniwala si Winter kaya ngumiti at tumango sya dito habang titig na titig pa din sya sa mag-asawang nasa harapan nya, kasama ng mga ito ang kambal na dalawang batang lalaki. 

 

 

Na-ikwento naman sa kanya ni lolo Vicente at Ryujin ang nangyari noong may nawala nga daw na kambal sa San Isidro, at ang anak nila na si Khio ang hindi ina-asahang makakita sa mga ito. At ngayon nga ay, bumalik ang dalawa kasama na ang mga magulang ng mga ito para dumalaw sa kanila. Si lolo Vicente na din ang nag-turo sa bahay nila sa pamilya ng kambal para ipakilala sya. 

 

 

"Ay opo, naalala ko na nai-kwento ng anak ko na si Khio ang tungkol kay Primo at Deuce, ang ga-gwapo pala ng kambal nyo po." puri ni Winter sa kambal. 

 

 

Napangiti naman ang mag-asawang Winter at Karina dahil ramdam nila na mabuting tao ang magulang ni Khio, kaya hindi na sila nagta-taka kung bakit mabait na bata din ito at gustong-gusto ito ng kambal nila. 

 

 

"May ibang sadya pa po ba kayo dito sa San Isidro?" tanong ni Winter dahil galing pa ng Maynila ang mga ito.

 

 

"Ah yes, we have a business here sa bandang bayan lang, we only passed by there for a while but we really came here to San Isidro because the twins really wanted to see Khio again."

 

 

Muntik pa matulala si Winter sa mommy ng kambal dahil kamukhang-kamukha talaga ito ng asawa nya. Pareho din na medyo seryoso, pati ang pormahan ay hindi nagkakalayo, siguro dahil na din nalaman nya na mayaman din ito.

 

 

"Ganon po ba? Nako, siguradong mag-e-enjoy po ang inyong kambal dito, kung ayos lang ho sa inyo, pwede natin sila pasamahin sa pakwanan. May tanim po kasi kami na mga pakwan, sa lolo ko ho, eh etong si Khio ko ay parating kasama doon ng lolo. Paalis na din nga sila ng dumating kayo, kaya kung ayos lang sa inyo ay maari silang sumama doon at mamitas ng pakwan." alok ni Winter sa magulang ng kambal. 

 

 

Ngumiti naman ang mga ito kay Winter.

 

 

"Sige po, para naman ma-experience ng kambal namin ang buhay sa bukid." sang-ayon ng mama ng kambal. 

 

 

Natawa sila ng tila naging excited ang mga ito sa narinig. 

 

 

"Really mama?! We can go with Khio?" 

 

 

"Please moms..." 

 

 

Paki-usap ng kambal sa mama at mommy nila, naging excited din sila dahil first time nila makaka-kita ng taniman ng pakwan, at higit sa lahat, maka-kasama pa nila si Khio. 

 

 

"Wag po tayo mag-ayaya, mama and mimi na tamuta ng naynay at mimi to, ato po bahaya tiya Pwimo at Deute." 

 

 

Hindi na-iwasan ng mga magulang ng kambal na matuwa sa cute na batang may kalusugan na si Khio, nang lumapit ito sa kanila at sabay pa nitong inakbayan ang kambal. Kahit pa nga hanggang balikat lang ng mga anak nila ang taas nito.

 

 

"Aww sobrang cute mo Khio, kaya pala tuwang-tuwa ang mga babies ko sayo eh." naka-ngiting pinisil pa ng mama Winter ng kambal ang matambok na pisngi ni Khio. 

 

 

"And she's brave too." dadag pa ng mommy ng mga ito, na lumuhod pa para maka-tapat ang laki ni Khio. 

 

 

Ngumiti naman ito sa kanya at hindi na din nya naiwasan ang mangiti kay Khio. Lumitaw kasi ang dalawang dimples ni Khio, at tila ngumiti din ang mga mata nito. 

 

 

"Thank you for being such a nice friend to them Khio, maybe you can teach them some of your skills sa farm nyo para marunong din sila?" ani Karina, dahilan para lalong ngumiti at tumango-tango pa si Khio sa kanya. 

 

 

Sa tuwa ng kambal sa narinig ay napa-fistpump pa ang mga ito. 

 

 

"Otey po, tutuyuan to po tila mag-tuha po ng patwan and mag-tuha ng matopa. Wag po tayo mag-ayaya tati, nandoon naman po ti wowo to paya po di tami ma-hawt." sagot naman ni Khio, ready na din ito na isama ang kambal dahil hawak na nya sa mag-kabilang braso ang mga ito. 

 

 

"Thank you Khio, ang sweet mo naman..kaya kayo Primo and Deuce." hinarap ng mama ng kambal ang mga ito para pa-alalahanan. " Behave kayo doon ha? And help Khio na din para mabilis nila matapos yung gagawin nila doon, I'm sure na mage-enjoy kayo sa farm." 

 

 

"Thank you mama, can we go na po?" paalam ni Primo sa kanyang mama Winter na tumango naman agad at ngumiti sa kanya. 

 

 

"Take care of each other babies, see you later." paalam din ni Karina sa kambal. 

 

 

"Bye mama and mommy!" humalik na din ang kambal sa kanilang mga magulang at ganoon din si Khio sa nanay nito. 

 

 

"Mag-iingat kayo doon anak ha? I love you mochi." 

 

 

"Opo nay, ayabyu too..ayabyu din wittew dinotors, bait tayo ha? Don't be pataway paya hindi pagod ti nanay natin." ani Khio na pagkatapos humalik sa kanyang nanay Winter ay yumakap at humalik din ito sa tiyan ng ina, para mag-paalam sa triplets. 

 

 

"Sobrang cute nya!" 

 

 

Napangiti naman si Winter ng marinig nya ang impit na tila ng mama ng kambal dahil kay Khio. 

 

 

"Tee you nay! Tee you din po, mimi and mama ng twins! Yeyaks yang po tayo, otey? Byee!" 

 

 

"Sobrang cute po ng baby nyo, grabe, sobrang mature na ng isip nya sa edad nya, nakaka-tuwa." dagdag pa ng mama ng kambal habang pinapanood nila ang tatlo na lumabas ng bakuran. 

 

 

Nagka-pare-pareho pa nga ang kulay ng mga sumbrero ang mga ito na kulay green. 

 

 

"Salamat po, pinsan po kasi ni Dora the explorer yang anak namin na yan." biro ni Winter na ikinatawa ng mag-asawa. 

 

 

Niyaya na din nya ang mga ito na pumasok muna sa bahay nila at ng maka-pagmeryenda. Sakto at pauwi na din galing sa trabaho si Karina, tiyak ni Winter na magugulat din ang asawa nya, katulad ng nangyari sa mall noong nakita nito si Katkat na kamukha din nito. 

 

 

______

 

 

"Ayiton tatama ba itaw ta butid?" 

 

 

Tanong ni Khio kay Allison na nasa loob ng lumang kubo ng lolo Vicente nila na dati nilang tambayan, dahil busy itong mag-laro ng barbie nito. 

 

 

"I don't want to, It's too hot." sagot naman ni Allison habang sinu-suklayan nito ang barbie na nilalaruan.

 

 

Sa sobrang busy nga ni Allison ay hindi na nito namalayan na lumabas na ng kubo si Yumi at mag-isa na lang sya sa loob.

 

 

"Otey, yet go Yumi, Pwimo and Deut-" 

 

 

"Wait! Primo?-What are you doing here?" 

 

 

Nagulat na lang sina, Khio, Yumi, Primo at Deuce ng biglang lumabas ng kubo si Allison, naka-pamewang na ito at kunot ang kilay na tumingin sa kanila...

 

 

Pero ang totoo ay kay Primo talaga naka-tutok ang tingin ni Allison, ngunit ngumisi lang ang batang lalaki bago nito akbayan si Khio na nagulat, dahil halos mapa-yakap na sya dito. 

 

 

"We came here to visit Khio, and we are going to go to their farm to harvest some watermelons." sagot ni Primo.

 

 

Inayos pa nito ang suot na sumbrero ni Khio na medyo tumabingi ng tamaan ito ng kamay nya sa pag-akbay dito. 

 

 

Muntik ng mag-tagpo ang mga kilay ni Allison sa noo, sa nakita nito, kaya naman agad nitong binitawan ang hawak na barbie at mabilis na lumabas ng kubo para lumapit sa apat. 

 

 

Habang sina Yumi at Deuce naman ay himalang naging magka-sundo kahit pa nga tahimik si Deuce, kabaligtaran kasi nito si Yumi na madaldal, pero dahil madaldal na hindi naman magaslaw si Yumi ay naka-palagayan na din ito ng loob ni Deuce. 

 

 

"Then I will come too-" 

 

 

"Ataya to ba ayaw mo tumama tati mainit ta butid?" nagta-takang tanong ni Khio kay Allison ng makalapit na ito sa kanila. 

 

 

"No, I'm okay, It's fine, It's not that hot." sagot naman agad ni Allison, pero ang tingin n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1180 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!