19 Sleeping alone 👶

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Isang hapon sa kwarto ni Khio, kung saan kasama nitong nagla-laro sina Yumi at Allison, habang ang kanilang mga magulang naman ay nagha-handa para sa kanilang hapunan.

 

 

Napag-pasyahan kasi ng mga ito na sa bahay nina Karina at Winter magsalo-salo para sa hapunan. Wala lang, trip lang nila na mag-bonding pagkatapos ng isang buong linggo na busy sila sa kanya-kanyang trabaho. Lalo na't kaka-uwi lang nina Karina, Giselle at Yeji galing sa isang linggong out of the country business trip ng mga ito. 

 

 

"Where are your pillows Khio?" takang tanong ni Allison, habang nagpa-palinga-linga sa buong kwarto ng kanyang kaibigan. 

 

 

Naka-upo silang tatlo sa kama ni Khio na may dinosaur theme at nagla-laro, barbie ang sa kanila ni Yumi na dala pa nila dahil wala naman laruang barbie dolls si Khio, puro dinosaur toys lang ang laruan, at maging ang stuffedtoys nito.

 

 

Nag-taka lang naman si Allison kung bakit walang gamit sa higaan nya si Khio maliban sa cover nito. 

 

 

"Nata yoom ni mimi and naynay to."  sagot naman ni Khio.

 

 

Busy ito na lagyan ng cape ang t-rex nya para sakyan ng barbie ni Allison at Yumi.

 

 

"How about your blanket?" tanong ulit ni Allison.

 

 

"Doon din." turo pa ni Khio sa pintuan ng kwarto.

 

 

Kunot ang mga noo na nagka-tinginan sina Yumi at Allison.

 

 

"So you are still sleeping in their room, ate Khio?" tanong naman ni Yumi sa nakaka-tandang pinsan nya. 

 

 

"Yet, ta tabi ni mimi at naynay to." tumango-tango pa ngang sagot ni Khio, dahil busy pa din itong kalikutin ang cape sa dinosaur toy nito. 

 

 

"But you're already a big girl, you should be sleeping in your own room na." ani Allison. 

 

 

"B-but, I'm scawed...tatot ato ta diyim tati may mumu, what if eat ato ng mumu?" mahina ngunit takot na sabi ni Khio. 

 

 

"Ghost are not real Khio." alo ni Allison dito. 

 

 

Pero hindi din talaga magpapa-talo si Khio dahil takot talaga sya.

 

 

"Atwang, what if may atwang?" 

 

 

"Wala din aswang-" 

 

 

"Mama said may aswang daw, hinabol pa nga daw sila nila tita Giselle and tita Karina." sabat naman ni Yumi.

 

 

Lagi kasi iyon ang sinasabi ng mama nya sa kanya, lalo pa't gustong-gusto nya ang gumala kahit hapon na, para sumama sa ate Khio nya sa bukid at sa bahay nila Allison. 

 

 

Napa-irap na lang si Allison sabay tingin sa mag-pinsan sa harapan nya, kabaligtaran sa palaban nitong postura habang naka-tiklop pa ang mga braso sa dibdib, ay sya naman tila takot nina Khio at Allison. 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Allison, dahil naawa sya sa dalawa na parang iiyak na ang itsura na naka-tingin sa kanya. Ibinaba na din nya ang kanyang mga kamay para kunin muli ang barbie doll na nasa tabi ni Yumi.

 

 

"Hindi aswang yung nakita nila, remember what lolo Vicente said? Diba itik ni lolo Ernesto yon?" paalala pa ni Allison sa dalawa. 

 

 

"Ooohhh my mama is so silly talaga." ani Yumi na nawala na ang takot sa mukha, dahil natawa na ito ng maalala ang sinabi ng lolo Vicente nila. 

 

 

Tumabi na din ito kay Allison, kaya parang nawalan na ng kakampi si Khio na hindi na-kumbinsi sa paliwanag ng kaibigan nya, dahil natatakot pa din sya. 

 

 

"Hindi pa din ato tutuyog mag-ita dito, tatot ato, bata mag-open yung window tapot tuha ato ng mumu-" 

 

 

"Wala ngang mumu!" inis ng sabi ni Allison. 

 

 

"Meyon!"

 

 

Ayaw din naman patalo ni Khio na lalong ikina-inis ni Allison.

 

 

Nagpalipat-lipat lang ang tingin ni Yumi sa dalawa, gusto nyang umawat pero mukhang nagkaka-initan na ang magkaibigan.

 

 

"Wala! It's just your imagination Khio." ani Allison na hindi talaga papayag na hindi sya ang mananalo sa kanila ni Khio. 

 

 

Kaya kahit nai-inis ay napa-buntong hininga na lang si Khio dahil alam nya na kapag nanalo sya, ay magta-tampo naman si Allison at totoyoin na ito. 

 

 

Pero hindi sya pa-payag na mananalo si Allison ng ganon-ganon na lang. 

 

 

"Meyon nga tabi eh!" sagot nya, sabay turo pa sa likuran nina Allison at Yumi. "Ayan ta yitod nyo may mumu." 

 

 

Huli na ang lahat bago pa maka-takbo si Khio pagkatapos ng pananakot nya sa dalawa, dahil nahawakan agad sya ng mga ito sa magkabilang braso kasabay ng matitinis na mga tili nina Allison at Yumi. 

 

 

"AAAHHHHHHHHH OMG OMGGG!!!!" 

 

 

"MAMAAAAAAAAA!!!" 

 

 

Tili nang dalawa sa takot, sabay siksik kay Khio na napangiti na lang sa reaksyon ng kaibigan at pinsan nya kahit pa nga narindi na ang dalawang tenga nya sa ingay ng mga ito. 

 

 

"Tee? Tatot tayo."

 

 

Naka-ngisi pang sabi ni Khio habang ang dalawa naman ay sabay syang itinulak sa kama pagkatapos ng pananakot nya sa mga ito, dahilan para mapatuwad sya doon at masubsob ang mukha. 

 

 

"Khione Yu!" 

 

 

"Ate Khio! I-susumbong kita kay tita Winter!" 

 

 

Agad na umupo ng ayos si Khio galing sa pagkaka-tuwad nito sa kama, at mabilis na hinarap sina Allison at Yumi na masama ang tingin sa kanya. 

 

 

"Sowi! Sowi! Sowi na, wag nyo ato tumbong tay naynay to....tati tatot nga ato eh.." hingi tawad nito sa dalawa with matching pagkuskos pa ng dalawang palad na parang nagda-dasal sa mga ito. 

 

 

"Khio? Anak anong nangyayari dyan?" 

 

 

Maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Khio dahil narinig nya ang boses ng kanyang nanay Winter sa labas ng kwarto nya.

 

 

"Ah eh nay-" 

 

 

"Wala po tita Winter, we are just playing lang po, don't worry!" nagulat si Khio ng sabihin iyon ni Allison. 

 

 

"Okay babies, kakain na tayo maya-maya ha?" 

 

 

"O-opo nay!" 

 

 

Napa-kamot na lang ng ulo nya si Khio ng muli nyang tingnan sina Yumi at Allison na pareho ng nakataas ang mga kilay na naka-tingin din sa kanya. 

 

 

"S-sowi Ayiton and Yumi, sowi if I scawed you two..a-and tenchu tati hindi nyo ato tumbong ta naynay to..."

 

 

Na-guilty naman si Khio sa pananakot nya, pero napa-iling na lang din ang pinsan at kaibigan nya, dahil sanay na sila sa pagiging sutil ni Khio. 

 

 

"Eh bakit kasi nakiki-tulog ka pa din sa kwarto ng parents mo ate Khio? You can just open the lights kung scared ka sa dark, para hindi ka matakot dito." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Khio, naisip nya na talagang hindi sya titigilan nina Allison at Yumi tungkol sa hindi nya pag-tulog sa sarili nyang kwarto.

 

 

"Otey yang naman ta naynay and mimi to eh, batit? Hindi ba tayo natutuyog ta yoom ng mama and mimi nyo?" tanong nya sa dalawa.

 

 

Napanganga at tila nahiya na lang si Khio ng mabilis na umiling ang mga ito sa kanya.

 

 

"I don't, I like to sleep in my own room, because my mama keeps on watching her kdrama in their room and she's so loud when she feels kilig. My mom is used to it, but I don't, so yeah, I love my peace and quite in my own room." ani Allison na may pa-irap at hairflip pa nga habang nagsasalita ito. 

 

 

"Me too, my mom snore so loud and I get scared because of that, kaya gusto ko matulog sa room ko. And I love my pink room too!" sabi din ni Yumi na tila na-excite ng mabanggit nito ang kulay ng sariling kwarto. 

 

 

Natahimik na lang si Khio. 

 

 

Naisip nya na kung kaya nila Allison at Yumi na matulog mag-isa sa kani-kanilang mga kwarto ay kailangan kayanin nya din. Dahil matanda sya sa mga ito, kaya dapat ay hindi na sya nakiki-tulog sa kwarto ng mommy at nanay nya. 

 

 

Kaya naman napag-pasyahan ni Khio na maging matapang ngayong gabi, sa sariling kwarto nya na sya matutulog mag-isa.

 

 

Hindi na lang sya magpa-patay ng ilaw. 

 

 

_______

 

 

Nagka-tinginan na lang ang mag-asawang Karina at Winter habang pinapanuod nila si Khio na bumaba ng kanilang kama, dala nito ang dinosaur pillow na halos kasing laki lang ng bochog nila at ang dinosaur theme blanket nito. 

 

 

"Anak halika na dito matutulog na tayo." tawag ni Winter kay Khio na nasa baba na ng kama nila at halos hindi na nila makita ang mukha nito dahil sa unan at kumot.

 

 

"Naynay, mimi, doon po ato tutuyog ta yoom to po." ani Khio na nagsimula ng maglakad papunta sa pintuan ng kwarto nila para lumabas. 

 

 

Napa-kunot ang noo ng mag-asawa, kaya naman si Karina na ang sumunod sa anak nilang hirap na hirap na sa mga dalahin nito na malaking unan at kumot. 

 

 

"Are you sure na gusto mo doon baby?" paninigurado ni Karina, kinuha na din nya ang kumot ni Khio para tulungan ito. 

 

 

"Opo mimi, tati big na po ato eh, taya to na po." determinadong sagot ni Khio.

 

 

Kahit pa alam nina Karina at Winter na desidido na talaga si Khio sa desisyon nito ay nanigurado pa din sila. 

 

 

"Anak sigurado ka ba na hindi ka matatakot? Pwede ka pa din naman dito sa amin ng mommy mo eh." dagdag pa ni Winter. 

 

 

Nag-aalala pa din sya dito, noong huling beses kasi na sinubukan nila ni Karina na i-hiwalay si Khio ng kwarto noong bago ito mag-3 years old, ay halos magising pati ang kapitbahay nila sa lakas ng pagkaka-iyak ng mochi nila, dahil nagising ito na mag-isa na lang sa loob ng kwarto nito.

 

 

Hindi na nila inulit iyon mag-asawa, dahil sa sobrang takot nga noon ni Khio ay isang linggo ito halos ayaw matulog ng maaga. At kahit siesta ay inayawan na din nito matulog sa sariling kwarto.

 

 

"Don't woyi po naynay, hindi na po ato tatot, bata may iyaw yang po otey na po ato." ani Khio na kinawayan pa ang nanay Winter nya.

 

 

Muling nagka-tinginan ang mag-asawa at napa-buntong hininga na lang. Sa itsura ni Khio ay mukhang hindi na nila ito mapipigilan kaya naman kinuha na din ni Ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
575 streak #1
Promoted ang bebe hehe
ryujinie__
731 streak #2
Congrats 🤍
dork_seulgi_k
900 streak #3
Chapter 22: 🥺🥺🥺🥺🥺
Jaeeeeee_
227 streak #4
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp #5
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
#6
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹
Eybrelros #7
Chapter 12: Ngayon ko lang napansin sosyal pala ng chef nila dito hahaha si Papa P ata to ng starting over again . Chef Marco na may jowang kamuka ni mama Mary. naalala ko lang😂

Kelangan ko ng vitamin khio kaya nagrereread ako hahahahahahaaaayyy namiss ko ang inaanak namin na yan
asdfghjklmaeee
181 streak #8
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
917 streak #9
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1198 streak #10
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳