20 🦁

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Ayay ayay to po naynay dahan dahan po, matatit po." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang si Winter habang hawak ang brush na pang-suklay sa buhok ni Khio. Nasa sala silang mag-ina at nagta-talo na naman ng dahil lang sa pagsu-suklay ng buhok nito.

 

 

"Sorry anak hindi sinasadya ni nanay, pero kahit anong gawin natin puro buhol talaga yang buhok mo kasi ayaw mo magpa-suklay eh." kunot ang kilay na alo ni Winter sa mochi nila. 

 

 

Sa araw-araw na lang talaga eh etong pagsu-suklay ng buhok ang laging pinagta-talunan nilang mag-ina. May pa-iyakan pa nga minsan lalo na't kapag alam ni Khio na nandyan ang mommy Karina nya na pwede nyang takbuhan. Ang kaso'y ngayong araw nga ay wala itong palag dahil sila lang ng kanyang nanay Winter ang nasa bahay.

 

 

"Peyo nay, ayaw to nga po mag-tutyay, matatit po..." ungot ni Khio na nangha-haba pa nga ang nguso habang hawak ang buhok nitong nag-mukha ng bagong gising na lion. 

 

 

Sabog-sabog ang hanggang balikat nitong buhok, pero dahil nga sa gulo ay hindi na din makita ang style ng gupit nito. Kung titingnan nga ay para ito yung nasa mga cartoons kapag naku-kuryente ang characters, literal na naka-tayo ang buhok ni Khio.

 

 

Ansabe ni Albert Einstein?

 

 

"Kasi nga ayaw mo magpa-suklay, anak kailangan mag-suklay palagi tuwing pagka-gising ng umaga, pagkatapos maligo at bago matulog. Pero ikaw, swerte na ang magpa-suklay ng isang beses sa isang araw." stress ng sermon Winter sa mochi nila na lalo lang nang-haba ang nguso habang naka-tingin sa kanya. 

 

 

Nag-kamot lang din ito nang ulo.

 

 

Wala ng nagawa si Winter kundi ang mapa-iling na lang sa ka-kulitan ng anak nila ni Karina. Gustuhin man nyang pahabain ang buhok ni Khio at lagyan din ito ng mga cute na abubot na ponytails at clips, pero eto nga't nasa suklayan part pa lang sila, eh nagma-maktol na ang mochi nya. 

 

 

"Tiisin mo na lang anak, hawak naman ni nanay ang buhok mo eh, tapos dahan-dahanin ko lang para naman may ipit ka din katulad nila Allison at Yumi." mahinahon ng pakiusap ni Winter sa anak. 

 

 

Eto din ang ayaw na ayaw ni Khio, ang magpa-ipit ng buhok, minsan nga ay kapag nakikita nyang nagla-laro ang tatlo, pakiramdam nya ay walang nanay na nag-aalaga sa mochi nila.

 

 

Paano'y sala-salabat ang mga ipit nina Allison at Yumi sa buhok, with matching bracelets at hikaw pa. Samantalang si Khio, ma-swerte ng mahuli nya para lang ma-ipuyod ang buhok nito.

 

 

Kung minsan nga ay sa pagma-madali nya para lang maging ma-aliwalas ang itsura nito ay basta na lang nya nai-tali sa tuktok ang buhok ni Khio. Nag-mukha lang naman shaman king ang mochi nila, minsan naman kung walang ipit ay mukha ng anak ni san goku. 

 

 

"Ayaw to na po naynay, gupit nyo na yang po buhot to." ani Khio na tila stress na din sa pinag-gagawa ng nanay Winter nya sa kanya, lalo pa't nakita nya ang mga pamuyod na gagamitin nito para sa buhok nya. 

 

 

"Hindi anak, magpa-pahaba ka na ng buhok okay? Hindi ka na magpapa-gupit, para ma-itirintas natin ito sa graduation mo." madiin naman na sagot ni Winter kay Khio. 

 

 

Hindi na kasi talaga humaba ang buhok nito, palaging apple cut ang style ng gupit ni Khio dahil nga baby pa lang ay ayaw na nitong nagpapa-suklay. Kaya napag-desisyunan nila ni Karina na maikli lang lagi ang buhok ng mochi nila. Ngayon pa nga lang nila pinapa-haba para naman maipitan na ito. 

 

 

"When po ato gwaduweyt naynay?" 

 

 

"Next year pa." 

 

 

"Naynay tagay pa yon po eh, bata po may tuto na ato at yita non." maktol ulit ni Khio sa sagot ng nanay Winter nya. 

 

 

Napa-kamot na lang ng kilay si Winter bago nya ulit tingnan ang mochi nya na unti-unti ng lumalayo sa kanya sa sofa, pero napa-tigil din ito agad ng mahawakan nya ang likod ng sando nito para pigilin ito na tumakas.

 

 

Kaya naman wala ng nagawa si Khio kundi ang bumalik muli sa pwesto nya at ma-upo sa tabi ng kanyang nanay.

 

 

"Ku-kutuhin ka talaga anak kapag hindi ka nagpa-suklay, tingnan mo yang buhok mo, para ng pugad ng ibon." ani Winter habang pilit na ina-alis ang buhol sa dulo ng buhok ng mochi nila. 

 

 

"Naynay pwede po maya na yang ato tutyay? Pag-tuyo na po buhot to?" inosente tanong naman ni Khio sa nanay nya.

 

 

Pero napa-nguso lang ito ng mabilis na umiling ang nanay Winter nya sa kanya. 

 

 

"Nako Forrest Khione Yu, ayan ka naman, alam ko na yang galawan mo, matuyo at hindi, hindi ka talaga magsu-suklay." sermon pa nito. 

 

 

Nag-kamot na lang ulit ng ulo si Khio at bagsak ang balikat na tumalikod ng upo sa nanay nya para magpa-suklay na dito. Wala na syang magagawa, mapa-pagalitan lang sya nito kapag hindi sya sumunod. Lalo pa't wala ang mommy Karina nya na ta-takbuhan nya kung sakaling magalit ang nanay Winter nya sa kanya.

 

 

"Tige na nga po, bata howd mo po naynay, matatit po tayaga eh." 

 

 

"Oo nga-" 

 

 

"Ayay ayay.." 

 

 

Hiindi pa nga naha-hawakan ni Winter ang buhok ni Khio ay narinig na nyang umungot ito bigla, kaya napa-tigil agad sya. 

 

 

"Anak ang oa ha? Ha-hawakan ko pa nga lang." aniya. 

 

 

Nag-pigil na lang din sya ng ngiti ng marinig nya ang hagikhik ng sutil nyang mochi. 

 

 

Sutil na sutil itong mini me ni Karina, jusmiyo.      

Nasabi na lang ni Winter sa sarili ng makita nya ang malokong ngiti ni Khio ng humarap ito sa kanya at yumakap. 

 

 

"Tunwayi yang po nay, hehe hindi na po itaw ma-biyo naynay." natatawang sabi pa ni Khio kaya naman natawa na lang din si Winter sa kalokohan ng anak.

 

 

"Puro ka kalokohan, manang mana ka talaga sa mommy mo, ayan, pati gulo ng buhok nakuha mo." 

 

 

"I'm Tayina yiit~" 

 

 

______

 

 

"Khio don't move please." 

 

 

"Ayay to Ayiton, ayaw to nyan tuyay pink-" 

 

 

"I like it, so please be quite." 

 

 

Napa-kagat labi na lang si Winter habang pinapanuod nya ang mochi nila ni Karina na manduhan ng anak ng bff nya. Ang nakaka-tawa pa ay tahimik lang na naka-upo si Khio, habang si Allison at Yumi naman ay busy na lagyan ng palamuti ang ngayo'y bagong suklay ng buhok ni Khio. 

 

 

Hindi nya alam kung ano ba ang ginagawa ni Allison kung paano nito napapa-sunod ang mochi nya. Pero isang sabi lang talaga nito na tumahimik at huwag gumalaw ay nai-istatwa naman talaga si Khio sa pwesto nito. 

 

 

Hindi na ito gagalaw at hahayaan na sina Allison at Yumi na gawin syang ala Jolina Magdangal sa dami ng mga ipit na inilalagay ng mga ito sa ulo nito. 

 

 

"Tama na Ayiton Yumi, mabigat na uyo to, dami dami na ipit oh." reklamo naman ni Khio habang tinuturo ang ulo nitong may hairband na, tapos may ponytail at tirintas pa.

 

 

Maging ang bangs nga nito ay may naka-ipit din na maliliit at colorful na mga sanrio na goma. Pinag-tiyagaan talaga iyon na ilagay ni Allison, hindi pa nga ito nakunteto, dahil pagkatapos noon ay nilagyan pa ulit nito ng clips ang bawat kumpol ng bangs ni Khio. 

 

 

"Oh my, you look so pretty ate Khio~" manghang-manghang puri naman ni Yumi sa pinsan nya.

 

 

Sa sobrang excited nga nito sa masterpiece nila ni Allison ay hindi na nito napansin ang problemadong itsura ng ate Khio nya. 

 

 

"Tita Winter?" tawag ni Allison sa tita Winter nya na kunwari e nagb-busy-busyhan sa pagha-handa ng meryenda ng tatlong chikiting.

 

 

Pero ang totoo ay natatawa na talaga si Winter sa sinapit ng mochi nila ni Karina. 

 

 

Naka-ligtas nga ito sa kanya pero hindi naman naka-palag kina Allison at Yumi. 

 

 

"Yes baby Alli?" pigil ang tawang sagot ni Winter kay Allison, pinipigilan din nya ang wag mapa-tingin kay Khio na mukha ng fusion ang style ng buhok dahil sa pinag-halo-halong ipit ng buhok

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
221 streak 0 points #1
Chapter 24: May pinagmanahan ang mochi HAHAHAHA sharonian na rin. Ang tawa ko kay yeji HAHAHAHAHAHA
Etoile__
426 streak 0 points #2
Chapter 24: khio never fails to make my day 🥹🥹
howdoyouknowmee
615 streak 0 points #3
Chapter 24: THE BEST KA TALAGA TITI! HAHAHAHA
Eybrelros 0 points #4
Chapter 24: Ang lala ni yeji hahaha sya na nag suggest sya pa palpak😆🤦‍♂️

Go mochi ipakalat mo ang pagiging sharonian na namana sa naynay HAHAHAHA damay pa si manong kala mo talaga handa nila e makikisharon lang din naman😆
mellifluouswan
1771 streak #5
Chapter 24: ANG KHIO KO APAKAGALING MAG SHARON HAHAHAHAAH
ryujinie__
771 streak #6
Chapter 24: 😆🫶🏻
Etoile__
426 streak #7
Chapter 24: 🤣🤣🤣🤣🤣🤣
wintzkie #8
Chapter 24: Uy fiesta na naman 🤭 Sharonian pa nga ang mag naynay 😂
zeeroo
30 streak #9
Chapter 24: HAHAHAAHAHA certified sharonian ang bochog ni naynay . parang mag tropa talaga to si titi yeji at mochi sa kasutilan, tinaob ang tata ryujin niya sa bardahan 😂😂😂
ROYAL_LOCKSMITH #10
Chapter 24: Happy Fiesta. 😆

Pahingi naman ng lumpiang shanghai, ate khio.