17 Manila bibi

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

Alas syete ng umaga sa bagong gawang bahay ng pamilya Yu sa Maynila ay maagang nagising ang ilaw ng tahanan na si Winter para magluto ng aalmusalin nilang pamilya. 

 

 

Wala silang kasambahay sa bago nilang bahay dahil sinabihan nya si Karina na kaya naman nya ang gawain sa ngayon, at magtu-tulong na lang muna silang mag-asawa. Mas gusto ni Winter na maging full time na nanay na mag-aasikaso sa buong bahay at mga anak nila ni Karina hangga't kaya nya. 

 

 

Si Khio pa lang naman ang anak nila at anim na buwan pa lang ang tiyan niya, kaya hindi pa nila kailangan ng tulong. Basta ang usapan nila ni Karina, kapag lumabas na ang triplets ay tsaka na lang sila kukuha ng maglilinis ng bahay dahil mahihirapan na sila, lalo na't may toddler at eto nga't tatlong babies pa sila na padating. 

 

 

Sinangag na may mixed vegetable, binating itlog, at ham ang ulam ng mag-anak ngayong umaga. Kada-dating lang kasi nila kahapon kaya naman pang isang araw pa lang ang nabili nilang groceries. 

 

 

"Mahal nasaan si Khio? Kakain na." tawag ni Winter kay Karina na nagbu-buhat ng ilan pang bagahe na naiwan nila kagabi sa sala. 

 

 

"She's still sleeping mahal, wait lang gisingin ko." ani Karina na dumaretso na sa 2nd floor ng bahay buhat-buhat ang huling maleta, para gisingan na ang mochi nilang napa-haba ang tulog. 

 

 

Maya-maya lang ay nakita na ni Winter ang dalawa na pumasok sa kusina, ipinatong na din nya ang bagong timplang kape para kay Karina sa lamesa. 

 

 

"Antok pa ang baby mochi natin mommy? Kawawa naman yan, napagod sa byahe." malambing na hinalikan ni Winter si Khio sa pisngi habang naka-hilig pa ang ulo nito sa balikat ni Karina habang karga ito. 

 

 

Tulog pa ang mochi nila, at mukhang wala pa itong balak na gumising. Pero dahil halos mag-aalas dyes na ng umaga at nalipasan na din sila ng almusal ay kailangan na nila kumilos. Pupunta pa kasi sila sa mall at mamimili ng iba pa nilang kailangan sa bago nilang bahay. 

 

 

"Baby wake na, let's eat breakfast love." marahang tapik ni Karina kay Khio pagkatapos ay hinaplos-haplos nya ang likod nito.

 

 

Pero wala, tulog na tulog pa din talaga ang mochi nila. 

 

 

"Anong oras ba kasi kayo natulog mag-mommy kagabi? Antok antok oh." kunot ang noong tanong ni Winter kay Karina, bago sya ma-upo sa pwesto nya katabi ang dalawa. 

 

 

"12 ata mahal.." 

 

 

"Kaya naman pala eh." nai-iling na lang na nasabi ni Winter. 

 

 

Ipinag-sandok na muna nya ng kanin si Karina sa pinggan nito habang ina-ayos ng asawa nya ang pagkaka-upo ni Khio sa kandungan nito. 

 

 

Sa sobrang pagod nya kasi kagabi pagka-dating nila ay nauna na syang naka-tulog. At dahil hindi pa nga ubos ang energy ni Khio kagabi ay si Karina na muna ang nag-bantay dito. Ang kaso nga ay nag-puyat pala ang dalawa, eto nga't hanggang ngayon ay tulog pa din ang mochi nila.

 

 

"Anak..Khio gising na baby, kain na ikaw para aalis tayo pagkatapos." tawag nya kay Khio pero umungot lang ito. At isiniksik pa ang sarili sa dibdib ni Karina. 

 

 

"Pupunta tayo ng mall baby.." dagdag pa ni Winter.

 

 

"Nay..sweepy pa po ato..." mahina at garalgal pa ang boses na sabi naman ni Khio.

 

 

"It's late na love eh, tapos aalis tayo before lunch, kaya you need to wake na po." 

 

 

"Ano po uyam mimi?" 

 

 

Naka-hinga naman na ng maluwag ang mag-asawa ng umupo na ng tuluyan si Khio, nag-hikab ito at nag-kusot ng mata pagkatapos, bago ulit ito sumandal kay Karina. 

 

 

"Nanay, cooked sinangang, scrambled egg and ham, love." 

 

 

Nag-hikab muli si Khio at ini-upo na din ito ni Karina sa upuan nito sa pagitan nila ni Winter. 

 

 

"Tenchu po nay, and good mowning po naynay and mimi~" 

 

 

Napa-ngiti na lang ang mag-asawa bago nila sabay na halikan sa magkabilang pisngi ang mochi nila. Halos mag-hugis crescent moon naman ang mga mata nito sa pagkaka-ngiti ng makita ang mga pagkain sa lamesa. 

 

 

"Wow~ yummy, ityog and ham!" excited pa na sabi ni Khio hawak ang kutsara at tinidor nito. 

 

 

Masaya na nag-salo ang mag-anak sa kanilang almusal, ayon nga lang ay tinanghali na sila ng alis pagkatapos. Inubos pa kasi ni Khio ang natirang ulam dahil nasayangan ito sa matitira. 

 

 

____

 

 

"Eto anak? Gusto mo nito?" 

 

 

Tanong ni Winter kay Khio na nagpa-palipat-lipat lang ang tingin sa kanya at sa hawak nyang dinosaur toy para dito. 

 

 

"Here love, may dinosaur egg dito oh, choose whatever you like, baby, gusto mo ba pareho natin kunin?" tanong din ni Karina sa mochi nila na tila biglang natahimik. 

 

 

Nagtaka ang mag-asawa dahil parang nag-aalinlangan lang na tumingin sa kanila si Khio bago ito nagsalita. 

 

 

"Mimi? May peya po ba tayo?" tanong ni Khio sa mommy Karina nito na medyo napa-kunot ang noo dahil sa tanong ng mochi nila. 

 

 

"Ofcourse love, meron, pili ka kahit anong gusto mo." sagot nya, pero hindi naka-ligtas sa paningin nya ang pa-simpleng pag-sulyap ni Khio sa nanay Winter nito na tila nagpipigil ng ngiti sa tabi nya. 

 

 

Lihim na napangiti na lang din si Karina, dahil malamang ay may itinuro na naman dito ang asawa nya. Katulad na lang ng pagtawad-tawad sa palengke, nagulat na lang sya isang beses na mautusan silang mag-mommy na mamalengke sa talipapa ni Winter. 

 

 

Kinulang sila ng cash na dala noon dahil kailangan pa nila bumili ng sibuyas, pero itong mochi nila eh mautak talaga, at madaling matuto. Napa-nganga na lang si Karina dahil natawaran nito yung binili nilang isda, kaya ang nangyari, may 20 pesos pa sila para ipambili ng sibuyas. 

 

 

"Mahay po yan mimi, diba po naynay? Mahay pag fow po yung numbews? Dapat po two yang payang ta payengte." 

 

 

Tuluyan ng natawa si Winter at napapa-iling na napa-kamot na lang ng ulo si Karina. Hindi na talaga sya mag-tataka, pag laki ni Khio ay business malamang ang magiging trabaho nito. Bata pa lang magaling na dumiskarte, manang-mana sa asawa nya. 

 

 

"Pwede po ba tawad dito mimi? Tati mahay po yan eh, tingin nyo po oh-" turo pa ni Khio sa price tag ng laruan na hawak nya, sabay nanlaki ang mga mata nito pagkakita doon. "Woah~! Two tawtan po yan mimi! Two hundwed yang po yan tay aying Judie ta payengte." gulat na gulat pang sabi ni Khio.

 

 

Halos lumayo na ito sa laruan na akala mo'y maba-basag at pagbabayarin sya kung nagkataon. 

 

 

Wala ng nagawa si Karina kundi ang mapa-nganga na lang, naisip nya tuloy kung tini-tipid ba nila ang anak nila. Pero hindi naman, madaming laruan si Khio, sadyang minsan lang kasi nila ito i-sama kapag bibili ng laruan, madalas ay pasalubong at regalo ang natatangap nito mula sa kanila.

 

 

Ngayon kasi ay may isip na si Khio at matalino ang anak nila, marunong na nga tumingin ng presyo kahit three years old pa lang. 

 

 

"Khio anak, bawal tumawad dito kasi mall ito, tsaka okay lang yan baby, si mimi mo naman magba-bayad." natatawa pa din na sabi ni Winter kay Khio. 

 

 

"Madami po itaw peya mimi?" paninigurado na tanong ni Khio sa mommy nya, kaya naman mabilis na tumango si Karina at ngumiti dito. 

 

 

"Yes love, kami ni nanay ang bahala sayo, okay? Choose ka kahit ano gusto mo baby, don't mind the price, basta gusto mo get it, si mommy at nanay na ang bahala." 

 

 

Mabilis naman na tumango si Khio at ngumiti sa kanilang mag-asawa. Simula kasi ng magka-isip ito ay napansin nila na hindi ito nagpapa-bili sa kanila ng laruan. Dahil na din siguro sa murang isip ni Khio ay namulat na ito sa simpleng buhay nila sa San Isidro. Wala itong kaalam-alam na balang-araw ay nakatakda syang maging tagapag-mana ng isa sa napaka-laking kumpanya sa Pilipinas at Asya. 

 

 

"Tenchu po mimi and naynay!" 

 

 

"Welcome baby." 

 

 

"Welcome anak, sige na, mamili ka na ng gusto mo." ani Winter. 

 

 

Ngunit hindi pa nakaka-layo ay muli itong huminto at nanakbo pabalik sa kanilang mag-asawa. 

 

 

"Mimi? Naynay?" 

 

 

"Yes baby?" 

 

 

"Pwede po ba ato mag-sharwe ng yayuan? Doon po ta mga bata po ta tumbento? Paya happy po tiya, plis mimi and naynay? Madami na po tati ato toys, guto to po mag-sharwe tati po pag-madami dapat po ni-se-sharwe diba po?" inosenteng paki-usap ni Khio sa kanila. 

 

 

Nakaramdam ng sobrang pagka-proud ang mag-asawa ng dahil sa hiling ng kanilang mochi. Eto din ang isa sa dahilan kung bakit natutuwa silang lumalaki si Khio sa simpleng pamumuhay. Mas natu-tutunan nito ang maging mapag-kumbaba at mapag-bigay sa kapwa. 

 

 

"Sure baby, gusto mo ba ikaw ang mamimili ng mga ibibigay natin sa kanila?" 

 

 

"Tayaga po?" 

 

 

"Oo naman anak, ikaw ang mamimili, pati si father at sila sisters reregaluhan din natin." 

 

 

"Wow! Tenchu po na madami mimi and naynay! Ayabyu! Maha-happy na po ang mga bata doon ta tumbento! I'm etayted!" 

 

 

"Welcome baby and we love you too, mochi~ sige na, mamili ka na doon, anak." ani Winter. 

 

 

Agad naman na nanakbo si Khio sa aisle ng mga teddy bear stuffed toys, naisip nito na unahin muna bilhan ng laruan ang mga maliliit na babies doon sa kumbento. 

 

 

Nakangiting naka-tinginan ang mag-asawang Karina at Winter, at pagkatapos ay magka-hawak ang kamay nila na sinundan ang mochi nila na mas inuna pa ang pamimili ng laruan ng mga bata sa kumbento kesa sa sarili nitong laruan. 

 

 

"Mimi! Biye mo na yang po yahat ng toys dito, tati madami naman po itaw peya!" 

 

 

Ang tawa na lang ni Winter kay Karina na halos mamula na dahil sa ginawang pag-sigaw ni Khio. Lahat kasi ng naka-rinig sa kanilang anak ay nag-tawanan din. 

 

 

"Paano ba yan mimi? Mukhang kailangan mo na mag-overtime sa opisina." biro ni Winter kay Karina na natawa na lang din.

 

 

"Mukhang matututo na din ako tumawad, nanay." 

 

 

_____

 

 

"Are you sure na okay lang sayo mag-isa dito, baby?" 

 

 

"Opo mimi, otey yang po ato, tamahan nyo na yang po ti naynay doon paya po mag-papahinga po tya. Don't woyi po tati di po ato matutuha ng atwang doon, dami po iyaw." inosenteng paliwanag ni Khio sa mommy nya. 

 

 

Napag-pasyahan ng mag-asawang Karina at Winter na dalhin muna nila sa kidzooona si Khio para makapaglaro muna ito, ang balak sana ni Karina ay sasamahan ito sa loob. Ang kaso ay ayaw pumayag ni Khio na maiwan mag-isa sa labas ang nanay Winter nya na nasa café sa labas lang ng palaruan. At dahil may kalakihan na nga ang tiyan ni Winter ay minabuti na muna nito na ma-upo at mag-pahinga sandali. 

 

 

"Okay...just call us kapag may need ka ha? Sa labas lang kami ni nanay and nasa labas lang din si kuya Mike." paalala ni Karina kay Khio na naghuhubad na ng sapatos nito at ready na maglaro sa loob. 

 

 

"Otey po mimi, yeyaks yang po tayo ni nanay, taya to na po dito." paninigurado din naman nito sa kanya.

 

 

"Oh sige, I love you, enjoy and please be careful, baby." hinalikan na ni Karina ang pisngi at ulo ng mochi nila at inihatid na ito sa loob ng palaruan. 

 

 

Napangiti na lang din sya ng makita itong masayang kumaway sa kanya bago nanakbo sa isang lugar doon na may padulasan at maraming plastic balls. 

 

 

"Yabyu too mimi! Tee you yeytew po!" 

 

 

"See you later, love." kaway din nya dito 

 

 

At nang makasigurado na ayos na sa loob si Khio ay tinanguan ni Karina si Kuya Mike na syang naka-tayo sa labas ng entrance ng palaruan. Pagkatapos ay lumabas na din sya para puntahan at sa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1181 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!