16 Khio and chuychuy

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Kaga-galing lang ni Karina sa pag-hatid kay Khio sa school, at pag-uwi nya ng bahay ay na-abutan nya si Winter na nagbu-burda ng mga pangalan ng triplets sa mga damit at lampin ng mga ito. Pwede naman nila ito ipa-gawa sa shop, ang kaso ay ang asawa na nya mismo ang nag-sabi na gusto nito ng sariling burda. 

 

 

Simula ng malaman ni Winter na magkaka-triplets sila ay nag-ipon na sya ng mga lampin at damit na puti, caps, gloves pati na ang mga bibero na ga-gamitin ng triplets pagka-panganak ng mga ito. Lahat iyon ay pinag-titiyagaan nya na burdahan ng pangalan, parang naging libangan na nga nya, lalo ngayon at tumigil muna sya sa pag-titinda ng tuhog-tuhog sa tapat ng bahay nila. 

 

 

"Mahal? Pwede mo ba pa-kainin na muna si chuychuy? Nalimutan ko pakainin kanina, kawawa naman." narinig ni Karina na sabi ni Winter mula sa sala kung saan ito nagbu-burda. 

 

 

Nasa kusina naman sya para mag-timpla ng kanyang kape at gatas ni Winter. 

 

 

"Sure mahal." sagot nya. 

 

 

Pagkatapos noon ay sumilip sya sa ilalim ng lamesa na madalas tambayan ni chuychuy, pero wala syang nakitang maliit na tutang kulay light brown kaya naman tumuloy sya sa hallway papunta sa kwarto ni Khio. 

 

 

"Chuy? Chuychuy, where are you little baby?" 

 

 

Tawag nya sa tuta pero wala talaga, sinilip pa nya ang ilalim ng kama, wala pa din syang nakitang antukin na tuta. Chineck na din nya ang kwarto nilang mag-asawa, ang mga banyo at ang sala kung nasaan si Winter ay na-ikot na din nya ngunit wala syang nakitang chuychuy. 

 

 

Napa-kunot ang noo ni Karina, napa-isip tuloy sya kung saan nya ito huling nakita kaninang umaga. Ang naalala nya lang ay kalaro ito ni Khio sa sala, bago pumasok ang anak nila sa school. Imposible naman na maka-labas si chuychuy dahil sarado ang screen sa pintuan ng bahay nila, at may gate pa bago ito maka-labas ng bakuran nila. 

 

 

"Mahal, I can't see him, nandyan ba?" tanong nya kay Winter na kunot ang noong tumingala sa kanya mula sa sofa na inu-upuan nito. 

 

 

"Wala mahal, wala ba sa kwarto ni Khio? Kanina ko pa nga sya hindi nakikita, akala ko ay bumalik lang sa kwarto nila ni mochi at natulog ulit." pagtataka ni Winter. 

 

 

"Na-checked ko na doon, pati sa room natin at sa kitchen and bathrooms wala talaga mahal." 

 

 

"Hindi makaka-labas yon, tsaka hindi naman lalabas si chuychuy na walang kasama." ani Winter na nag-aalala na din sa tuta ng anak nila. 

 

 

"I'll go check outside, baka naka-labas hindi lang natin napansin." 

 

 

Nag-aalala na din si Karina, lalo pa't maliit pa nga si chuychuy, baka kung saan na iyon nag-suot. 

 

 

"Yari talaga tayo nyan kapag nawala si chuychuy, iyakan malala to mamaya pag-uwi ni mochi." nasabi na lang ni Winter. 

 

 

Lumabas na din sya para sundan si Karina at tulungan ito maghanap sa bakuran nila. 

 

 

____

 

 

Baranggay Daycare Center    

 

"Arff..." 

 

 

"Shhhh...wag itaw ingay, tuwayet yang chuychuy, mamaya punta tayo ta field paya yayo tayo otey? Wait ta yang dyan, tuyat yang ato name to otey? Wag itaw ingay.." 

 

 

Mahinang bulong ni Khio kay chuychuy na nasa loob ng kanyang dinosaur bag, nag-pumilit sya kanina sa nanay nya na dalhin ang bago nyang dinosaur bag, mas malaki kasi ito sa dating bag na ginagamit nya. At may mga butas din ito na design, sakto, kaya naisip nyang ilagay doon si chuychuy para i-sama sa school.

 

 

"Arrhmm.." 

 

 

Tila naman, wala lang kay chuychuy dahil tahimik lang ito at chill na chill lang sa loob ng bag ni Khio. May pagka-antukin din kasi ang tuta kaya minsan ay hindi nag-tutugma ang energy nito kay Khio. 

 

 

"Khio? Bakit nandito si chuychuy?" 

 

 

Nanlaki ang mga mata ni Khio ng pag-lingon nya sa tabi nya ay naka-silip na si Tintin sa loob ng bag na pinag-lalagyan nya kay chuychuy. Inu-usisa na nito ang tuta na relax na relax habang natutulog sa loob nito. 

 

 

"Tin, shhhh...wag itaw ingay, pagayitan ato ni teacher!" madiin pero mahinang saway ni Khio sa kaibigan nya. Tumango-tango naman si Tintin at nag-thumbs up pa sa kanya sabay ngiti. 

 

 

"Okay, basta sama mo sya mamaya sa field kapag recess natin ha? Para makapag-laro tayo." 

 

 

"Oo nga, yayo tayo mamaya, basta wag itaw ingay, tapot mag-tuyat ta na din ng name mo paya tapot na itaw." paalala na din ni Khio kay Tintin dahil nag-uumpisa na naman itong dumaldal kesa mag-sulat ng pangalan.

 

 

"Okay! Pero may foods ba sya? Baka magutom si chuychuy, na-kain ba sya ng pandesal na may palaman na scrambled egg?" kunot-noong tanong ni Tintin na sinilip pa nga ang baunan ni Khio. 

 

 

"Ham na payaman ng pandetal to ngayon, Tintin and hindi pwede ti chuychuy ng pandetal." sagot ni Khio na napa-iling na lang, dahil ang akala ni Tintin ay ang laging palaman ng pandesal nya eh binating itlog. "Pewo yet! May baon ato na foods ni chuychuy, tabi nga ni naynay, otey yang pagod, wag yang gutom. Di ba chuy?" 

 

 

'Arf!" 

 

 

"Ssshhhh!!!" 

 

 

"Tintin? Khio? What are you doing there?" 

 

 

Nanlaki ang mga mata at napa-upo ng ayos ang mag-kaibigan ng bigla silang lingunin ni Teacher Rose na nasa unahan ng klase at nagsu-sulat sa whiteboard. Napa-lakas kasi ang tahol ni chuychuy kaya nataranta ang dalawang bata. 

 

 

"A-ah ako po yon /cough/ ako po yon Miss.Rose, na-samid po ako." mabilis na sagot ni Tintin na umakto pang ubong-ubo para pag-takpan si chuychuy na bumalik na din ulit sa pag-tulog na parang walang nangyari.

 

 

Nakuha naman iyon ni Khio kaya tinapik nya ang kaibigan sa likod nito para kunwari'y tinu-tulungan nya ito, at mukhang naniwala naman doon si Miss. Rose, kahit na nga mukhang halos mamula na si Tintin kaka-pilit sa actingan nito na pag-ubo-ubo. 

 

 

"Are you okay, Tin? Drink your water, honey." paalala ni Miss. Rose na bumalik na ulit sa pag-susulat sa whiteboards ng makita nito na tumango na si Tintin.

 

 

Dahilan para sabay na mapa-buga ng hangin ang mag-kaibigan sa sobrang kaba. Akala talaga nila ay mahuhuli na sila at si chuychuy.

 

 

/cough/ 

 

 

"Muntik na tayo." 

 

 

"Tin, ay you otey?" bulong ni Khio kay Tintin na tumango naman agad. 

 

 

"Okay ba acting ko?" naka-ngiting tanong ni Tintin kay Khio na napa-ngiti din dahil nag-thumbs up pa ang bff nya at kumindat-kindat pa sa kanya.

 

 

"Gaying mo Tintin! Payang dog itaw tayaga, gaying mo mag-bark!" sagot naman ni Khio na proud na proud sa actingan ng kaibigan nya. 

 

 

"Tunog ng nasamid kasi yung ginawa ko Khio, hindi bark." 

 

 

"Ay-ops...hehe." 

 

 

______

 

 

"Ah, kaya pala wala sa loob ng bag mo yung lunch box mo kasi nandyan si chuychuy." 

 

 

"Yup, vewy tuwayet naman ti chuychuy and tawawa naman ti chuy, sweep yang nigagawa nya ta bahay." 

 

 

"Hindi sya nakita ng mommy mo?" 

 

 

"Hindi, tati tuwayet nga ti chuychuy, and tabi to ta mimi to, big gwerl na ato taya ato na buhat bag to." 

 

 

"Oooohhh..." 

 

 

Naka-upo lang ang mag-kaibigang Khio at Tintin sa damuhan ng field kung saan sila nag-rerecess ngayon. Nasa gitna nila ang bag ni Khio, at naka-labas doon ang kalahati ng katawan ni chuychuy na busy din kumain kasabay ng dalawa. Sinadya nila itong pag-gitnaan para hindi makita ng teacher nila. 

 

 

"Arf! Grrr" 

 

 

"Chuy wag itaw ingay, wait, eto na tubig mo." agad naman na kinuha ni Khio ang water bottle nya at ang mangkok na palihim nya pa na kinuha sa kusina nila para gawing inuman ni chuychuy. 

 

 

Maganang uminom naman ng tubig doon ang tuta habang naka-ngiting hina-haplos pa ni Khio ang likod nito. Masaya si Khio dahil sa wakas ay nadala nya na din si chuychuy sa school. Na-aawa kasi sya dito kapag puma-pasok sya ng school, pakiramdam ni Khio ay nalulungkot ito sa bahay lalo't wala sya para laruin ito. 

 

 

"Tapos na ba kayo? Tara laro na tayo." yaya ni Tintin kay Khio na sakto ay kakatapos lang din kumain. 

 

 

"Yet go chuy, yayo tayo doon paya di tayo matita ni teacher- Wow bibi~! Vewy mabigat na itaw ah." ani Khio ng ma-karga na nya si chuy na tila naging excited ng makakita ng malaking field kung saan pwede silang mag-laro. 

 

 

Pinang-gigilan pa ito ni Khio ng halik at niyakap-yakap na din, hindi naman pumalag ang tuta, parang natutuwa pa nga ito dahil panay ang kawag ng buntot nito. Maliit pa naman si chuychuy, at may kalusugan kaya para itong laruan lang kapag buhat na ni Khio na tila ginawa na itong sanggol dahil hinele pa nito ang tuta. 

 

 

Pagkatapos ay masaya ng nag-laro ang tatlo, at sa sobrang tuwa nila ay hindi na nila napansin na lahat na pala ng mga kaklase nila ay kasama na nila na nakiki-paghabulan kay chuychuy. 

 

 

Nandoon na kunwari'y ginawa nilang taya si chuychuy para habulin sila. At dahil sa tingin ni Khio ay baby pa talaga ang tuta nya, ay kusa syang magpapa-taya dito para magka-tulong nilang hahabulin ang mga batang natataranta sa pagtakbo dahil dalawa na ang nahabol sa kanila. 

 

 

"Kids? Kaninong tuta yan?" 

 

 

Halos sabay na napa-tigil sa pag-gulong sa damuhan sina Tintin at Khio, maging si chuychuy ay huminto din sa pag-gaya sa dalawa ng marinig nito na tila natahimik ang kanina'y magulong paligid.

 

 

"Kaninong tuta ito? Paanong naka-pasok ang tuta dito sa field?" takang tanong ni Miss. Rose. 

 

 

Nag-aalala na lumapit si Miss.Rose sa pwesto nina Tintin at Khio sa damuhan kung saan kasama ng mga ito ang cute na cute na may kalusugang tuta, mukha naman itong ma-amo. Alam nyang may breed at alaga dahil may yellow na collar tag pa nga ito sa leeg. Kahit pa nga puro damo na ito sa katawan ay mukha pa din itong malinis. 

 

 

Natakot lang sya dahil bawal ang pet sa daycare, lalo na't aso o pusa, nag-alala din sya na baka aksidenteng makakagat ito ng mga estudyante. 

 

 

"T-teacher..." 

 

 

Napa-buntong hininga na lang ang guro ng makita ang pinaka-bata sa kanyang klase na si Khio. Madumi ang P.E uniform nito dahil nag-halo na ang lupa at damo dito. Pati na ang buhok nito ay puro tuyong damo na din dahil sa kaka-gulong sa damuhan. 

 

 

Agad nitong kinarga ang tuta na tila pino-protektahan, at ganoon din ang tuta dito na tila stuffedtoy kung titingnan lalo na ng yumup-yop ito sa yakap ni Khio. At kahit pa nga alam nyang mali ang ginawa nito na mag-puslit ng alaga sa school ay hindi na-iwasan ni Miss.Rose na lihim na mapangiti sa itsura ni Khio at ng tuta nito. 

 

 

Na-cute-an lang naman sya sa pilya nyang estudyante at alaga nito. 

 

 

"S-sowi po...sowi po teacher.." bakas ang takot sa mukha at boses ni Khio. 

 

 

"Halika Khio, don't be scared darling, gusto lang kita kausapin, hindi galit si teacher, okay?" ani Miss.Rose dahil nakita nyang takot na umatras ito ng aktong lalapitan nya. 

 

 

Kaya't dahan-dahan nyang inilahad ang kamay nya dito at marahan din syang ngumiti para ipakitang hindi sya galit. Naawa na din kasi sya lalo't maluha-luha na si Khio sa takot. 

 

 

"Teacher wag mo po palo bestfriend ko, ako na lang po, ako na lang poooo-" 

 

 

Agad na napalingon si Miss.Rose sa tabi ni Khio ng makita nya si Tintin na ma-dramang lumuhod sa lupa at nag-mamaka-awang wag nyang saktan ang bestfriend nito. Kinagat na lang nya ang kanyang labi para pigilan ang s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1181 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!