6 Khio's Wish

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

"MEWI CHISMAS EBWIWAN!" 

 

 

"Mimi! Mewi chismas!" 

 

 

"Naynay! Mewi chismas!" 

 

 

"Mewi chismas tutu!" 

 

 

"Giting na po mimi naynay! Chismas na po! Yohooo! Nay mimi!" 

 

 

Hindi alam nina Karina at Winter kung magtutulog-tulugan na lang ba sila o hahayaan na lang si Khio, baka sakaling mapagod din ito at makatulog ulit. Mas nauna pa mag-ingay ang anak nila kesa sa tilaok ng manok sa umaga, palatandaan na hindi pa sumisikat ang araw.

 

 

"Naynay...pliss, giting na po tayo ni mimi.." 

 

 

At syempre, sino ba sila para matiis ang nagmamaka-awa nilang cute na mochi? Kahit na inaantok pa ay pinilit na din nilang mag-asawa na gumising at samahan si Khio. Parang nawala din naman ang antok nila ng makita nila itong naka-suot na ng mini santa claus costume at ang dinosaur hat nito na christmas theme din. 

 

 

Naka-upo si Khio sa pagitan nilang mag-asawa kaya naman laking tuwa nito nang makita na gising na sila. Tumayo pa ito at kung hindi nasambot agad ng mommy Karina nya ay malamang, nadaganan na nito ang nanay Winter nya. 

 

 

"Opps! Sowi mimi, ay you otey? Ay you otey naynay?" agad na tanong nito nang maka-upo muli, lumapit si Khio sa magulang nya para bigyan ang mimi at naynay nya ng tig-isang kiss sa pisngi. 

 

 

"Mimi and naynay are fine love, don't worry." isang kiss din sa pisngi ang ibinigay ni Karina kay Khio, sabay tapik sa suot nitong dinosaur hat. 

 

 

May katulad din sila ni Winter na ganito, at balak nila itong isuot sa pagsalubong sa pasko. Ang tuwa lang nila ni Khio ng mapapayag nila si Winter, plus point na din na naturuan nyang magpa-cute ang super cute na talaga nilang mochi. 

 

 

"Anak, maaga pa, tsaka mamayang madaling araw pa ang pasko, alas kwatro pa lang ng umaga nang 24, baby." ani Winter na halos napipikit pa din sa sobrang antok.

 

 

Marahan nyang kinabig si Khio para pahigain ulit ito sa pagitan nila ni Karina, dahil napaka-aga pa nga, pero tila gising na gising na talaga ang mochi nila at ayaw na nitong matulog. Umupo ulit ito at ngumuso pa sa kanilang mag-asawa na tila nagmamaka-awa, napa-iling na lang si Winter.

 

 

"Maaga pa baby, tulog ka pa para konting oras na lang ang hihintayin mo tapos christmas na." ani Winter habang pinisil-pisil nya pa ang bintog na mga hita ni Khio. 

 

 

Napa-dako din ang tingin nya sa butones ng suot nitong costume na mini santa claus.

 

 

Lihim syang napa-ngiti dahil parang naging fit ito kay Khio, hinaplos pa nya ang tiyan nito para maka-sigurado kung nakaka-hinga pa ba ang bochog nila. Hapit na hapit kasi ito kay Khio, pati sa may braso at binti nito ay hapit din. Kaka-tatlong taon palang ni Khio pero dahil nga may kalusugan ang bochog nila ay pang 4 years old na agad ang binibili nilang damit. 

 

 

Ang kaso ay parang maliit na size ang nabili nila na pang-4 years old. Nag-mukha lang naman na busog na Santa Claus si Khio, lalo na't may suot pa itong diaper kaya naman sobrang cute nitong maglakad.

 

 

Parang bibe.      

Natawa na lang si Winter sa imagination nya. 

 

 

"But naynay, I'm excited! Mewi chismas na po, dadating na ti tanta taus tapot mag-wish po ato." 

 

 

Natatawa na lang silang nagkatinginan ni Karina, pakiramdam nila ay sa kaka-kain ni Khio ng matamising fruit salad at kaka-papak nito ng natirang condensed milk sa lata kagabi eh ngayon lang ume-epekto dito ang sugar rush. Sobrang hyper ng mochi nila, kung hindi nga ito hawak ni Karina ay baka nagta-talon pa ito sa kama nila. 

 

 

"What's your wish love?" tanong ni Karina kay Khio para kumalma ito at ma-upo na lang, pero nang makita nyang nag-sisipa pa din ang paa nito malapit sa tiyan ni Winter dahil sa excitement, ay binuhat na nya ito at ini-upo na lang sa tiyan nya. 

 

 

Narinig nyang natawa si Winter sa tabi nya nang magulat sya sa bigat ni Khio, napa-buga sya ng hangin sa bibig ng mai-upo nya ito, nalimutan nyang may kabigatan nga pala ang anak nila. 

 

 

"Anong gusto mo sa pasko anak?" tanong din ni Winter nang makita nyang nahihirapan na si Karina na mapa-pirmi ang anak nilang yumuyug-yog pa habang naka-upo sa tiyan ng mommy nito.

 

 

"I want bibis! I want bibis! I want tampu na bibis!" 

 

 

Nanlaki ang mga mata pareho nina Karina at Winter na gulat na lang na napa-tingin sa isa't-isa. Tiningnan ulit nila si Khio, naka-tayo na ito at panay ang muwestra ng sampo sa mga daliri nito habang nagsusumigaw ng "I want bibis!" 

 

 

"Owf!" halos mapa-upo si Karina sa gulat ng pabagsak na umupo muli si Khio pabalik sa tiyan nya, sabay siksik pa nito ng mukha sa dibdib nya.

 

 

Nag-mag-angat ito ng tingin ay inilabas ulit nito ang sampong daliri na itinapat pa sa mukha nya, with matching pa-awa effect pa na beautiful eyes. Ang tawa na lang ni Winter sa anak nila, kuhang-kuha talaga nito kung paano sila mapapa-payag mag-asawa. 

 

 

"Mimi? Ten we have a bibis? Tampung bibis po?" inosenteng tanong ni Khio sa kanila na akala mo candy lang ang hinihingi nito. 

 

 

"Anak ang dami naman non, hindi kasya sa tummy ni nanay ang sampung babies." ani Winter, lumapit na din sya kina Khio at Karina para yumakap sa mga ito. 

 

 

"B-but, I want bibis, madami na bibis..." 

 

 

Tila naman kinurot ang puso ng mag-asawa nang malungkot na yumuko si Khio at tila dismayado na lang nitong tiningnan at nilaro ang sampong matatabang daliri nito. 

 

 

"Sure love, ten lang ba? Gusto mo fifteen-ouch!" hindi na natuloy ni Karina ang sasabihin ng maramdaman nya ang mahinang kurot ni Winter sa tagiliran nya, pagtingin nya dito ay sina-samaan na sya nito ng tingin. 

 

 

"Ikaw!" gigil na hampas ni Winter sa tagiliran ni Karina, pero imbis na masaktan ay tumawa lang ito sabay halik sa noo nya. "Ikaw ba i-ire huh? Iniisip ko pa nga kung paano ko ipapanganak itong mga mini-me mo na nasa tiyan ko!" turo ni Winter sa medyo umbok na nitong tiyan. 

 

 

Hindi pa alam ni Khio na buntis na ulit ang nanay Winter nya at ngayong pasko nga balak sabihin nina Karina at Winter sa mochi nila na magiging ate na ito. Matagal na silang kinukulit ni Khio na gusto nito ng babies daw, kaya laking tuwa nila ng malaman nila na nagdadalang tao na ulit si Winter. Apat na buwan na ito, at talaga naman ginawa nila ang lahat para itago ito sa mochi nila hanggang magpasko. 

 

 

"Naynay? Otey yang po if hindi pa po tayo wedy, tati, tabi ni Yumi hindi din po daw wedy si tata Wujin tate hiyap po daw mag-bibis...naynay will get hawrt po daw pag may bibis ta tummy.." 

 

 

Tila na-guilty naman ang mag-asawa ng biglang nawala ang excitement sa itsura ni Khio. Hindi naman ito nagtatampo, bagkos ay kabaligtaran pa, dahil nagkiss pa ito sa pisngi ni Karina, pagkatapos ay tila nag-aalala itong yumakap at sumiksik kay Winter. 

 

 

"Mewi Chismas nay, otey yang po tahit waya tayo bibis, ayaw to itaw ma-hawrt naynay. Otey na po ato tay chuychuy, bibi din naman po ti chuychuy.." 

 

 

"Pero tuta si chuychuy anak.." bulong ni Winter kay Khio, niyakap pa nya ito ng mahigpit ng maramdaman nyang tinatapik at hinahagod nito ang likod nya na tila pina-pakalma sya. 

 

 

Si chuychuy ang golden retriever na regalo ni Karina dito nung 3rd birthday ni Khio. Gustong-gusto ng anak nila ng pet, kaya nam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
575 streak #1
Promoted ang bebe hehe
ryujinie__
731 streak #2
Congrats 🤍
dork_seulgi_k
900 streak #3
Chapter 22: 🥺🥺🥺🥺🥺
Jaeeeeee_
227 streak #4
Khioooo waaaaaaaahhh
winjeongsimp #5
Chapter 22: miss u baby mochi
joyheartsoshi
#6
Chapter 22: nami miss ko na ang mochi ko 🥹🥹
Eybrelros #7
Chapter 12: Ngayon ko lang napansin sosyal pala ng chef nila dito hahaha si Papa P ata to ng starting over again . Chef Marco na may jowang kamuka ni mama Mary. naalala ko lang😂

Kelangan ko ng vitamin khio kaya nagrereread ako hahahahahahaaaayyy namiss ko ang inaanak namin na yan
asdfghjklmaeee
181 streak #8
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
917 streak #9
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1198 streak #10
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳