7 Love

TT (Khio's Adventures) 🦖🦕
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"Anak? Gising na, papasok ka na." 

 

 

"Ayaw to po muna patot naynay..." 

 

 

"Ha? Bakit naman? May masakit ba sayo anak? Masama ba pakiramdam mo?" 

 

 

Nag-aalalang kinapa agad ni Winter ang noo at leeg ni Khio na naka-balot pa din ng kumot at naka-siksik sa unan nitong dinosaur na kasing laki din ni Khio. Hindi kasi normal dito ang tanghaliin ng gising lalo na at papasok ito, excited lagi pumasok ng school si Khio kaya ngayon ay nag-aalala sya kung bakit biglang ayaw nito pumasok. 

 

 

Naka-hinga naman ng maluwag si Winter nang madama nya na hindi naman ito mainit. Hinamplos nya ang ulo nito at pinasadahan ng tingin ang mukha ng anak, naka-pikit pa din si Khio at tila wala talaga itong gana na pumasok sa school. 

 

 

"Pagod ka ba anak? Okay lang naman kahit hindi ka muna pumasok, sasabihan ko na lang si mommy mo, sya kasi ang maghahatid sayo sa school." 

 

 

Agad naman nag-dilat ng mata si Khio at pupungas-pungas na umupo ng marinig ang sinabi ng ina. Naghikab pa ito at nag-unat dahilan para pang-gigilan ni Winter ng halik ang pisngi nito. 

 

 

Sa San Isidro lang ang trabaho ni Karina ngayon kaya maihahatid nito si Khio sa school bago pumasok sa trabaho. Gustong-gusto iyon ni Khio dahil hindi na sya maglalakad papasok dahil may kotse ang mommy nya. 

 

 

"Naynay? Iiwan po ba ato ni mimi ta stul? Or wait nya po ato uwi?" tanong ni Khio pagkatapos sumiksik sa nanay Winter nya. 

 

 

"Hatid lang anak, kasi papasok si mommy mo sa trabaho pagkatapos. Pero wag ka mag-alala, next week, si mommy na ang laging maghahatid sundo sayo sa school, okay ba?" 

 

 

7 months pa lang naman ang pag-bubuntis ni Winter, pero napag-pasyahan na ng asawa nya na mag-leave ng maaga, dahil nga wala silang kasama ni Khio sa bahay at malaki na talaga ang tiyan nya dahil sa pinagbubuntis nyang triplets. Nahihirapan na din syang ihatid sundo si Khio sa school kahit pa sabihing limang minutong lakad lang ito. 

 

 

Tumango lang si Khio bago ito humalik sa pisngi nya, hindi pa din mawala kay Winter ang mag-alala dahil parang may dinadamdam talaga ito. 

 

 

Kahapon pa nya napapansin na tila wala sa mood si Khio simula ng umuwi ito galing sa school. Hindi din ito lumabas ng bahay at nanatili lang sa kwarto nila maghapon para maglaro ng dinosaur toys nito, kahit si chuychuy ay parang naka-ramdam din dahil tahimik lang din itong naupo sa tabi ni Khio. 

 

 

"Anak? Okay ka lang ba? May gusto ka bang sabihin kay nanay?" marahang pinisil ni Winter ang anak sa magkabilang kamay nito, at tila nadurog ang puso nya ng makita nya ang mga mata ni Khio.

 

 

Malungkot ito, ibang-iba sa nakasanayan nyang eyesmile nito tuwing umaga kahit pa kulang si Khio sa tulog. Nasanay sya na hindi na nila kailangan gisingin ang mochi nila sa umaga, dahil nauuna pa itong magising sa kanila ni Karina. At habang naghahanda sya ng almusal nilang mag-anak ay maririnig na nilang mag-asawa ang ingay ni Khio at ang tahol ni chuychuy na nagha-habulan sa buong bahay. 

 

 

Kabaligtaran ngayon.

 

 

"Opo nay, otey yang po ato, wedy na po ato yigo nay.."

 

 

Pinanuod lang ni Winter na matamlay na tumayo si Khio at bumaba ng kama nila para maghanda sa pagpasok. Naisip nyang kausapin ito mamaya at sabihan na din si Karina. Nag-aalala talaga sya sa ikinikilos ng anak nila. 

 

 

____

 

 

"Anak ano ba tong mga pula-pula sa likod at balikat mo? Napa-ano to?" kunot noong tanong ni Winter habang sinu-suotan nya ng uniform si Khio. 

 

 

Hindi nya ito napansin kanina, nagmamadali kasi silang mag-nanay dahil na-late nga ito ng gising. Ngayon nya na lang napansin ng nilalagyan na nya ito ng lotion sa katawan.

 

 

"N-nay nag-yayo po tati tami ta P.E and I yayo too much po. Sowi..." mahinang sagot ni Khio. 

 

 

"Baka kung saan-saan ka naman kasi sumusuot anak, mag-iingat ka ha? Kahit may teacher na nagbabantay wag ka masyado magtata-takbo. And play nicely, okay anak? Baka nagkaka-sakitan na kayo ng mga classmates mo?" paalala nya kay Khio na umiling naman agad, yumakap ito sa kanya pagkatapos nya itong bihisan. 

 

 

"H-hindi po nay..." 

 

 

"Oh sya sige, mamaya pag-uwi mo lalagyan natin to ng cream ha? Mala-late kana kasi kaya mamaya na lang, punta ka na sa sala anak, nandoon na ang mommy mo ihahatid ka nya, pa-kiss na si nanay sa baby ko." 

 

 

"I yab you nay." mabilis naman na ngumiti si Khio at humalik sa pisngi at labi nya. "I yab you bibis, behave tayo otey? Ate Tiyo yab you twi oweys." napangiti na lang si Winter ng yumuko si Khio sa tiyan nya para magkiss din dito at yumakap.

 

 

Naging routine na ito ni Khio bago pumasok sa school at pagnaka-uwi na sa bahay, hindi nito nakakalimutang magpaalam sa mga kapatid.

 

 

"We love you ate mochi~" 

 

 

Maya-maya lang ay pumasok na din si Karina sa Kwarto nila para kunin ang gamit ni Khio at magpaalam sa kanya, naka-bihis na din ito, nakangiti itong lumapit sa kanilang mag-ina at yumakap.

 

 

"See you later mahal, I love you and our babies, uuwi din ako ng lunch mamaya. I'll try na mas maaga para ako na din ang susundo kay Khio. Take a rest okay? Wag ka na masyado gumalaw dito sa bahay mahal, ako na mamaya pag-uwi, i'll buy foods na din for our lunch, message me na lang kung ano ang gusto mo kainin." paalam ni Karina, binigyan sya nito ng halik sa noo at labi, at katulad ni Khio, yumuko din ito para mag-kiss sa tiyan nya.

 

 

"Mommy loves you so much babies, please take care of nanay for me, and behave, okay?" isang kiss pa sa tiyan ni Winter at isang pahabol na kiss pa sa labi nito, pagkatapos ay kinuha na ni Karina ang bag ni Khio dahil mala-late na sila pagpasok.

 

 

"We love you too mommy, ikaw na muna ang bahala sa mochi natin ha? Mag-iingat kayo pagpasok mahal."

 

 

"Opo, see you later mahal, I love you." 

 

 

"I yab you nay! Yeyaks po otey?" kaway ni Khio na nasa pintuan na at nagsusuot ng sapatos nito. 

 

 

Natawa na lang ang mag-asawa sa mochi nilang sweet. 

 

 

"Okay po baby ko, I love you both. See you later!"

 

 

_____

 

 

"Good morning po Mrs. Yu." 

 

 

"Good morning po ma'am, pasensya na po kung na-late ako, nasaan po ang anak ko?" hinihingal na tanong ni Winter kay Mrs.Perez na syang head ng Daycare center sa barangay nila.

 

 

Hindi na nya alintana ang pagod sa paglalakad at bigat ng ipinagbubuntis nya. Gusto na nyang makita si Khio at makasiguradong ayos ang anak nya. 

 

 

Nag-halo na ang nebyos at pag-aalala nya ng tawagan sya ng teacher ni Khio kanina, ayaw pa ngang sabihin nito ang dahilan, at sa school na lang daw mag-uusap. Nagmaka-awa lang sya dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyari kay Khio. 

 

 

"Nasa office po Mrs.Yu, halika na po kayo para po maka-usap nyo din po ang magulang nung isang estudyanteng involved." malumanay na turo ng namamahala at tsaka sya nito dinala sa opisina na katabi lang ng classroom ni Khio. 

 

 

Parang piniga ang puso ni Winter ng abutan nya si Khio na naka-upo, at tahimik na umiiyak sa upuan katapat ng isang babae na kalong ang isa pang estudyante na sa tingin nya ay yung nasaktan daw ni Khio. 

 

 

"Khio anak..." mahinang tawag nya dito dahilan para mabilis na mapalingon si Khio sa kinatatayuan nya sa pagpasok ng opisina. Humihikbi itong lumapit sa kanya bago ito tuluyang yumakap at umiyak. 

 

 

"N-nay.." kasabay ng pagkabasag ng boses ni Khio ay sya ding tila pagkabasag ng puso ni Winter. Ramdam nya ang takot ng anak dahil hindi na ito umalis sa pagkaka-yakap sa kanya, bagkos ay lalo lang itong humigpit.

 

 

"Anak? Anak, anong nangyari?" marahan nyang tinapik ang likod ni Khio nang marinig nya itong sinisinok. Inalalayan na din silang mag-ina ng guro nito na si Miss.Rose para umupo sa upuan katapat nang mag-ina na napansin nyang masama ang tingin sa kanila. 

 

 

"N-nay sowi...sowi n-nay, hindi to po nitatadya, tati-" 

 

 

"Kulang sa disiplina yang batang yan kaya ganyan! Sigurong hina-hayaan nyong ganyan sa bahay nyo kaya nananakit! Hindi ako papayag na hindi kayo managot sa nangyari sa anak ko! Magbayad kayo ng pang-ospital, at wala akong pake kung wala kayong pera! Gawan nyo ng paraan!" 

 

 

Tiningnan ni Winter ang kaklase ni Khio na ang sabi ay nasaktan daw nito, maliban sa bandaid sa tuhod nito ay ayos naman ang itsura ng bata, bagkos ay nakangiti pa nga ito at dumidila-dila pa na tila ina-asar si Khio na sumiksik lang sa tagiliran nya. 

 

 

"Mrs.Cruz, kumalma po muna kayo please, nandito po ang nanay ni Khio para po kausapin kayo ng mahinahon, alam ko po na masakit sa inyo bilang nanay, na nasaktan ang anak ninyo. Pero may mga bata po na kasama tayo dito sa loob. Baka po pwedeng wag po tayong sumigaw at baka maka-apekto po sa kanila."

 

 

Mahinahong pumagitna naman agad si Mrs.Perez ng makita nitong dinuro-duro ni Mrs.Cruz ang mag-inang Winter at Khio sa harapan nito. 

 

 

"Hay nako! Ugaling kalye! Manulak ba naman ng kaklase? Walang modo! Ganyan siguro ang nakikita sa pamilya nyo." 

 

 

Tila ngayon lang pumasok sa isip ni Winter ang pinagsasabi ng nanay ng kaklase ni Khio. Nagulat din kasi sya nang magsisigaw ito sa harapan nilang mag-ina, kaya agad nyang niyakap sa tagiliran nya si Khio na halatang natakot sa sigaw ng babae. 

 

 

"Mawalang galang na po, alam ko po na nakasakit ang anak ko at bilang nanay nya, humihingi po ako ng paumanhin. Pero wag nyo naman po pagsalitaan ng kung ano ano ang anak ko. At wala kayong karapatan na husgahan ang pamilya namin." ani Winter.

 

 

Pinipilit nyang maging mahinahon dahil alam nyang may kasalanan si Khio. Pero ang pagsalitaan ng hindi maganda ang anak nya at ang pamilya nila ay hindi naman katanggap-tanggap para sa kanya. 

 

 

Normal sa mga bata ang magka-sakitan, lalo na't naglalaro, pwede naman pagsabihan kung nakasakit para matuto, ganoon naman ang bata, natututo sa pagkakamali. Pero yung pagsalitaan ng hindi maganda, hindi sya makakapayag, wag ang anak nya, wag si Khio. 

 

 

"Totoo naman eh, kung matinong bata yan edi sana hindi yan nananakit, tingnan mo nga, ilang taon na pero hindi pa din tuwid magsalita, may problema siguro yan-" 

 

 

Doon na nag-panting ang tenga ni Winter, parang umakyat lahat ng dugo sa ulo nya sa galit. Hindi na sya nakapag-pigil at muntik na nyang makalimutang buntis sya. 

 

 

"Eh bastos ka pala eh! Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan ang anak ko-!" 

 

 

Sa sobrang galit ay tatayo pa sana sya para bungangaan din ang babae sa harap nila ng maramdaman nya ang mahigpit na yakap ni Khio sa bewang nya, narinig din nya na umiiyak na naman ito kaya lalo lang syang nainis sa babae. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib nya ng dahil sa pag-titimpi, sa isip ni Winter, kung hindi lang sya buntis, may kalalagyan talaga ang nanay ng kaklase ni Khio sa kanya. 

 

 

"N-nay, nay pliss tama na po..." umiiyak na pigil ni Khio sa kanya. 

 

 

"Misis kumalma po kayo, buntis po kayo." pigil ni Mrs. Perez.

 

 

"Bastos kasi ang bibig ng babaeng yan eh!" nangigigil na sigaw pa din ni Winter kay Mrs.Cruz na ayaw talagang magpatalo.

 

 

"Totoo naman ah! Baka kaya ganyan ang ugali ng anak mo eh dahil may problema sa kanya!" 

 

 

"Manahimik ka!" 

 

 

"Mrs.Cruz! Pwede po kayong mareklamo sa mga sinasabi ninyo, kaya kung ayaw nyo po na lumaki pa ang issue na ito ay humihingi po ako ng respeto mula sa inyo, lalong-lalo na at may mga bata po dito."

 

 

Naninikip ang dibdib ni Winter sa galit, gusto na nyang pag-salitaan ng masama si Mrs.Cruz, pero nanaig pa din ang pagiging nanay nya. Inisip nya si Khio at ang kaklase nito na nasa iisang silid lang kasama nila. 

 

 

Tumayo si Winter para sana lumabas na ng opisina kasama si Khio ng maramdaman nya ang paninigas at pag-sakit ng tiyan nya. Hinaplos nya agad ang ibabang bahagi nito kung saan nya naramdaman ang sunod-sunod na pag-sipa ng mga sanggol sa sinapupunan nya, tila naramdaman din ng mga ito ang emosyon nya. 

 

 

"Miss Rose, pakisamahan muna si Misis sa classroom mo, baka kung anong pang mangyari-" 

 

 

Hindi na nai-tuloy ni Mrs. Perez ang sasabihin ng sabay itong napa-tayo at si Miss.Rose nang makita nilang hawak ang tiyan na napa-pikit at tila namilipit sa sakit na napa-upo ulit si Winter sa tabi ni Khio.

 

 

"N-nay?!"agad naman inalalayan ni Khio ang nanay Winter nya, nagulat sya ng mahawakan nya ang tiyan ng nanay nya. Matigas ito at ramdam nya sa maliit nyang palad ang malalakas na pag-sipa ng mga kapatid nya. Lalong natakot si Khio nang makita nya ang mukha ng nanay Winter nya na tila nasasaktan ito.  

 

 

"Misis, misis take a deep breath po, kalma po muna.." agad naman pinakalma ni Miss Rose si Winter, hinagod nya ito sa likod at pinaypayan. 

 

 

"Nay, ay you hawrt? Nay..." nai-iyak na tanong ni Khio sa nanay nya. 

 

 

Huminga ng malalim si Winter at pilit na kinalma ang sarili. Paulit-ulit nya pa ding hinaplos ang tiyan nya, bago napadako ang tingin nya kay Khio na halata ang takot at pag-aalala sa mukha nito.

 

 

Nadurog ang puso nya, naa-awa sya dito, hindi katanggap-tanggap para sa kanya bilang magulang na maranasan ng anak nya ang ganitong klaseng pangungutya. Ang masama pa, sa ganitong klaseng paraan pa, ni hindi nya nagawang mapigilan na pagsalitaan ng masama si Khio.

 

 

"A-ayos lang si nanay anak..." paninigurado ni Winter kay Khio, unti-unti ng kumakalma ang triplets sa sinapupunan nya kaya naman medyo nakahinga na sya ng maluwag, kahit sya ay natakot din na mapa-anak ng maaga. 

 

 

"Mrs Cruz, sa kabilang room na muna po tayo, habang hinihintay natin ang mga videos sa cctv camera. Hindi po makaka-buti sa kalagayan ni Mrs.Yu ang nangyayari. Papakalmahin na muna po natin ang sitwasyon, please follow me po." 

 

 

Hindi na tiningnan ni Winter ang mag-ina na tumayo at lumipat ng kabilang kwarto dahil hindi nya maiwasan na magalit dito. Sariwa pa din sa isip nya ang pang-lalait nito kay Khio. 

 

 

"Misis, mag-tubig na muna po kayo, pasensya na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
asdfghjklmaeee
164 streak #1
Chapter 22: Wow singer at dancer talaga ang mochi na 'yan. Sobrang cuteeeee 😚
jaangwaang
906 streak #2
Chapter 22: 😍😍😍😍
iamriou_
1181 streak #3
Upvoted and Subscribed!!!! 🥳
howdoyouknowmee
558 streak #4
Superr cutie Khio! Sana more moments pa niya with wowas hehe ang cute niya sa palengke. And baby sone indeed!
ilyy12020530 #5
Chapter 22: baby sone khio💙💙💙
bigaomyeon #6
Chapter 22: hindi ko kinaya yung version ni khio ng i got a boy 😂😂😂

happy belated mother’s day!
ROYAL_LOCKSMITH #7
Chapter 22: Napaka bait at cute naman talaga ng mochi na yan.

Sa susunod khio, sayaw ka na ng full version ng I got a boy.😅

Thanks po for the update author 😀.
jaangwaang
906 streak #8
Chapter 22: haayyyyy ang chute chute talaga khio 😭😭🥰
mellifluouswan
1721 streak #9
Chapter 22: apaka cute talaga ng pamangkin ko na yan 😭
Nananaaaa
#10
Chapter 22: Ito hinahantay ko eh, yung mother's day update!!