| Nueve 8

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter


 

Magandang umaga, world! Sunday ngayon kaya lazy day ng mga tao dito sa bahay. Sinusulit ko na rin ang remaining days ng acad break namin dahil after this week, babalik na naman ako sa pagiging España girl. Ang sarap lang sa pakiramdam gumising pag alam mong may Karina Yu na may feelings para sayo. 


 

Sabi nga ng twice, “one in a million”. 


 

At oo, ipagyayabang ko na ako ang one in a million ni Karina. Well, sa ngayon ako ang one in a million niya. Hindi naman sa pagiging pessimist pero we really don’t know what the future holds. In general yan, wag kayo. 


 

Kung sa future, hindi man talaga kami ang para sa isa’t isa, edi ipilit natin! Kawawa naman si Karina kung hindi ako ang makakatuluyan niya ‘no. Eme.


 

Hindi ko na rin masukat kung gaano na ako kadelikado. Si Karina ang unang umamin pero parang ako ang mas mauunang mahulog. Kumbaga, kung gravity kami, gravity ako ng earth tapos siya naman ay gravity ng moon. Sige isipin niyo kung bakit. 


 

San ka punta? To the moon. 


 

Yak jejemon, sorry. Pwede mag sorry? 


 

Naalala ko, kinanta yan bigla ni Ryujin habang magkakasama kami nila Ning. Eh bilang music major nga ‘tong si Ning, jinudge niya nang malala ang kaibigan namin. 


 

No hate sa mga jejemon. Jejemon rights matter. 


 

Speaking of Karina, wala pa siyang message. Tulog pa siguro.


 

Me: Good morning, Rina. 


 

Chineck ko na rin ang GC namin na napaka-ingay. Baka pinag uusapan nila yung outing namin sa Tanay. Rizal talaga ang outing and team building capital ng Pilipinas sa dami ba naman ng resorts at team building camps dito.


 

GC —New friends


 

Ryujin: ANO NA?! Tagal naman.

 

Yuna: TEKA HA!

 

Yuna: @Heejin drop mo na nga details. Nagwawala na yung asong ulol dito.

 

Ning: HAHAHAHAHA 

 

Heejin: Meet up tayo sa SM Masinag tapos sa transpo, pinahiram sakin ni Dad yung Hyundai H350 niya. 14 seater naman yon, kasama yung magdadrive. Three days and two nights tayo sa resort namin. Open yung resort sa mga araw na ‘yon kaya may ibang mga tao pero four rooms ang pinareserve ko. Si Yuna na raw mag-aayos ng room arrangement.  

 

Heejin: Tuesday morning tayo. Ako na lang din magdadrive kasi malapit lang naman.

 

Ning: Sino sino ulit kasama?

 

Yuna: Heejin, Ako, Ning, Ryu, Yeji, Giselle, Karina, Winter, and Felix. 

 

Heejin: Pwede pa kayo magsama ng iba, guys.

 

Giselle: Oki. May isasama kami ni Yej na isa.

 

Ning: Kabahan ka na @Ryujin. 

 

Ning: May isasama rin si Felix hehe.

 

Ryujin: Ano na naman?!!

 

Yeji: Haha. Ako na sa snacks guys <3

 

Giselle: I’ll help, Yej. 

 

Yuna: Ayown!

 

Heejin: Nice. Yeji we love you.

 

Ning: Kabahan ka na talaga @Ryujin.


 

I silently chuckled dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko sa GC. Kailangan ko pa pala asikasuhin ang mga gagamitin ko. Mamaya na lang sigurong hapon. 


 

Nakaka-excite rin dahil chance namin yon mag relax at unwind. Hindi madaling mag-aral sa UST kaya deserve namin ang saglit na relaxation. 


 

“Minjeong!”


 

It’s ate. Nakasara ang door ko pero rinig na rinig ko pa rin ang boses niya. She’s been bugging me and Haerin all night para ikwento na sa kanya kung sino yung naguggustuhan ko now.


 

“Ano?!” I shouted back.


 

“Lalabas ka rito or sasabihan ko sila Mom na bawasan allowance mo.” 


 

Luh? Walang damayan ng allowance. Porket ako na lang walang trabaho dito sa bahay, ganyan na kayo! 


 

“Ito naaa! Can I at least freshen up?!” Sigaw ko ulit.


 

“Bumaba ka na ha. Nandon na rin si Haerin. Mageexplain kayo over breakfast.”


 

I sighed. Mahabang kwentuhan na naman ‘to. Sakto naman, nagmessage na si Karina.


 

Karina: Good morning, Win. 


 

Syempre magrereply agad ako.


 

Me: Eat ka na. Hilamos lang ako then nagpapakwento si Ate about you.

 

Karina: Hala pafall.


 

Anong pafall don? Edi wag ka kumain, Karina. Chz.


 

Karina: Jk. 

 

Karina: Kain well! I’ll go to the gym later. I’m so tinatamad tho.


 

Buti pa si Karina, active sa pag wowork out. Feeling ko nga kaya niya ako ibalibag eh. Note to self: Huwag gagalitin si Karina at all cost.


 

Me: Okie. Ingat ka later. Update me na lang.





 

Nandito na kami ngayon sa dining table at kumakain ng almusal. Si ate naman ay kanina pa nagtatanong. Mukhang hindi pa rin siya makapaniwala na si Karina ang sinasabi namin ni Haerin.


 

“Si Karina Yu? Yung bagong model? Kapatid ni Irene Yu?!” 


 

“Yes nga, ate. Kulit.” Sagot ko. Tumatawa-tawa lang naman si Haerin habang nagpapapak ng tapa.


 

“Mutual feelings niyo?!” 


 

Bakit ba parang gulat na gulat ‘tong si ate? Ang ganda ko naman ah. 


 

“Oo nga, ate!” I frustratedly said. Nagtakip naman agad ng bibig si Ate at tumingin sa akin.


 

“Alam mo, Minjeong. Noong kay Minju pa lang, nagtataka na ako kung paano mo siya napull. Ginagayuma mo ba sila?” Tanong niya.


 

“Ate naman!” I shouted. Binato ko rin siya ng crumpled tissue na hawak ko. 


 

“Biro lang.” She laughed. “Pero seriously, lakas ng pulling game mo ha. Mana ka talaga sakin.” 


 

“Sus. Tinakot mo lang si ate Jessica and ate Tiff eh.” I teased. Si Haerin naman ay tawa lang nang tawa. Tawa lang yata ambag niya sa usapan na ‘to. Sana naman dito niya gamitin kadaldalan niya. I need help oh.


 

“Tigilan mo ako, Minjeong.” Binato niya rin ako ng tissue.


 

“Pareho lang kayo.” Singit ni Haerin. I changed my mind. Sana nanahimik na lang pala siya.


 

Lumingon kami sa kanya. “Sabi ng minor.” “Pag minor, hindi valid ang opinyon.” Pang-aasar namin.


 

Sumimangot lang siya sa amin ni Ate. Namiss ko ‘tong ganito kasama sila.


 

“So… May outing kayo? May isusuot ka na ba?” Tanong ni Ate.


 

“I’ll check my closet. Meron naman don for sure.” 


 

“Paano transpo niyo? Gusto niyo humiram ng artist’s van?” Ate asked.


 

“No na, Ate. May van na sila Heejin.”


 

“Ok. Use protection.” 


 

????


 

“Ate! Ano ba ‘yan.” Sigaw ko.


 

“Hindi naman po makakabuntis si Ate Mj.” Gatong ni Haerin. Nag apir pa silang dalawa. Grabe ka na, bunso! You betrayed me.


 

“Pero seryoso, Minjeong. Umayos ka ha. Baka kung saan saan lang kayo mag–”


 

“Ate!” Pagsingit ko. “Ano bang tingin mo sakin? Wala pa kami sa ganon please lang.”


 

Nakakapit na silang dalawa sa sikmura nila habang tumatawa. Naghahampasan pa at kinakapos na ng hininga.


 

“Oo na! Pulang-pula ka na oh.” 


 

“Ate, chill.” Si Haerin.


 

“Tataas na ako. Bye!!!” Paalam ko sa kanila bago nagmadaling manakbo pataas sa room ko. Hindi ko na kaya pag nagtagal pa ako sa baba. 


 

Sa tingin ko, pulang-pula ako ngayon. Ano ba naman kasing usapan yan! Three days ago pa lang yung aminan namin ni Karina, lumipad na ang utak ko sa ganong topic. This is ate’s fault talaga. Gaya niya pa ako sa kanya! Hmp. At tyaka, hindi pa ako handang isuko ang bataan ‘no!


 

Erase erase. Minjeong, hindi tayo ganito, ok? Makapag-ayos na nga lang ng gamit ko para sa outing.





 

After I finished packing my things, I immediately wore my Nike sports bra and athletic shorts then went to our indoor gym here sa bahay. Lowkey nahiya kasi ako sa sarili ko nang malaman ko na may workout routine si Karina. Besides that, I’ve been planning to workout na rin naman talaga. Wala lang akong time dahil sa yellow school. Bawal maging masaya? Thomas Aquinas, sagutin mo ako or else. 


 

Or else what? Wala lang. Ang weird ko! Inaaway ko sarili ko through my thoughts. Wag niyo akong tingnan, pls.


 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
530 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
29 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
684 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲