| Seis 6

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter



 

Two weeks passed after the bar thingy with Karina. Tapos na rin ang prelims exam namin ngayong sem. Nakakapagod talaga ang prelims season. Isang linggo akong nakatutok lang sa pag-aaral para dito. Ginawa ko na nga rin ang ritwal na paghawak sa balls ng bagong tiger sa tapat ng main building. Sa tingin ko puro germs na yon pero para sa mataas na grades, kakapit ako sa patalim. Eme. 


 

Buti na lang at naisipan ng univ na mag-academic break. One week lang naman ‘to pero for sure everyone in the univ needed a breather. Sobrang stressful na rin kasi talaga. Dumagdag pa yung mga kawatan na nanggugulo sa u-belt. Buti nga at may nagpapatrol nang mga pulis sa paligid. Took them long enough. Medyo scary lang din kasi baka mared-tag pa ako at bigla na lang hulihin dyan. Alam niyo naman. Mahirap magtiwala ngayon kahit sa mga pulis.


 

Sa tingin ko naman, matataas ang scores na nakuha ko. Consistent dean’s lister rin kasi ako nitong last four sems kaya I'm doing my best para ma-maintain ko ‘to hanggang sa fourth year ko dito sa UST. Over-achiever kasi ang parents ko na napasa nila kay ate, kaya ganun na lang din ang pressure na nilalagay ko sa sarili ko.


 

Ayokong maranasan ni Haerin ang pressure na ganito kaya simula bata pa lang siya ay inaassure ko na siya na hindi niya kailangan tapatan or higitan ang achievements ng buong pamilya namin. I assured her na as long as she feels great with whatever it is that she’s doing, we are proud of her. One thing na I couldn’t apply myself.


 

After nga ng ganaps namin ni Karina that night sa Taft ay bumagsak na rin siya kaagad. May pagka mahina talaga si Karina uminom kaya I took a mental note again na next time pipigilan ko siya kapag sobra na sa kaya niya ang tinutungga niya.


 

 Wow, may next time?


 

Oo kaya! Sabi niya. 


 

Anyway, Karina’s been busy with shooting these last two weeks. Halata mo rin sa kanya na pagod na siya dahil sumabay sa prelims week namin ang last week ng shoot para sa movie nila. Bihira na rin siyang nakakasama sa amin mag hang out at dinner. 


 

Ok lang naman. Naiintindihan namin kung gaano siya ka-busy.


 

May improvement pala sa friendship namin ni Karina. Kahit na hindi na kami laging nagkikita, mas napapadalas naman ang pagmemessage namin sa isa’t isa. Nagbigayan kasi kami ng number, kasama ang iba pa naming mga friends para raw in case of emergency.


 

Hindi na nga ako tinigilan ni Haerin sa pang-aasar. Kesyo lagi niya raw nakikita na katext ako ni Karina. Masyado kasing binibigyan ng meaning! Magaan lang talaga ang pakiramdam ko kay Karina.


 

At maganda siya.


 

Masaya kausap.


 

I shrugged off the thought dahil biglang nag ring ang phone ko.


 

~ Dad calling ~


 

“Yes, Dad?”

 

“Hello, anak.”

 

“Po?”

 

“Go here sa Kim Ent. building. Your Mom wants to give you something.”

 

“Why po?”


 

Bakit naman kaya naisipan ni Mom na regaluhan ako?


 

“For surviving prelims week, of course.” 

 

“Ok po. I’ll  stay rin sa house sa Antipolo for a week, Dad. Acad break po.”

 

“Ok, nak. See you later. Drive safe!”

 

“See you po.”


 

After the phone call with Dad, pumasok bigla si Ning sa room ko. 


 

“Uuwi ka? Sabay ako.” 


 

“Bakit hindi ka magpahatid kay Felix?” Pang-aasar ko sa kanya.


 

Itong si Ning kasi puro Felix na lang ang bukambibig nitong mga nakaraang linggo. Nagpaalam na raw kasi si Felix na manligaw sa kaniya. Edi wow.


 

“Che! Bilisan mo, tara na.” 


 

Before I get out of my room, I messaged Karina.


 

Me: Going home with Ning. Zzzzz





 

Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang Antipolo dahil hindi naman masyadong matraffic. Malapit na rin kami sa bahay ni Ning kaya tinapik ko na siya. Nakatulog kasi si gaga. Wala tuloy akong kausap habang nagbabyahe.


 

I pulled up in front of Ning’s house at bumaba rin para tulungan si Ning sa mga gamit niya. Ang daming dala, eh isang linggo lang naman kami mawawala sa unit. Sinalubong naman ako ng mama ni Ning pagpasok namin sa bahay nila.


 

“Minjeong! I missed you.” Sabay yakap sakin. Anak na rin kasi ang turing sa akin ng parents ni Ning, especially Tita. Simula pagkabata ba naman ay lagi na akong sinasama ni Ning dito sa bahay nila eh. Mabuti at hindi sila nagsawa sa pagmumukha ko.


 

Niyakap ko rin si Tita nang mahigpit. “I missed you too po.”

 

“Ehem. Sa pagkakaalam ko, ako ang anak dito.” Singit ni Ning.


 

Natatawang lumapit naman si Tita at yumakap rin sa anak niyang maarte.


 

“Dito ka na magdinner, Minjeong.” 


 

Hala. Nakakahiya naman tumanggi kay Tita. 


 

“May dinner sila nila Tito, Ma.” Nakahinga ako. Buti na lang si Ning na ang sumagot para sakin.


 

“Is that so? Sayang, uuwi pa naman si Ate Jennie niyo.” 


 

Huy?! Uuwi si Ate Jennie? 


 

Si Ate Jennie kasi ang nag-iisang kapatid ni Ning na crush ko noong elementary. Hindi niyo ako masisisi. Ang ganda kaya ni ate! US-based model ng entertainment namin si Ate kaya doon siya madalas sa US. Si Ate  Jennie, Ate Tiffany, and Ms. Irene ang pinaka malaking stars na hinahandle ng company kaya ganun na lang din ang paghanga ko sa kanila.


 

“Really, Ma?” Tanong ni Ning. “Aw. Hindi ka makakasilay sa gay awakening mo, Winter.” 


 

Pinanlakihan ko siya ng mata bago tumingin ulit kay Tita. Kahit si Tita ay tumatawa lang. Alam kasi nila na crush na crush ko si Ate Jennie dati.


 

“Sa susunod na lang, Minjeong. Visit ka dito ha?” 


 

“Yes po. I’ll go na po.”


 

“Drive safe iha.”


 

Nagpaalam ako kay Tita at kay Ning bago sumakay ulit sa sasakyan. Malapit lang naman ang bahay nila from our building kaya mabilis na lang ‘to.





 

Nandito na ako sa tapat ng company namin. Ang daming paparazzi sa labas. Ano kayang meron? Chineck ko kung ano ang pinakakaguluhan sa harap.


 

Ah si Ms. Irene. Papasok siya sa building. Ano kayang meron? 


 

After I parked my car sa underground parking, I went to the elevator na. As I was walking sa floor ng office ni Dad, nakasalubong ko si Kuya Key and Ate Hyoyeon. Ilan lang sila sa nakaka-alam na anak ako ni Dad dahil close friend sila ni Ate Taeyeon. Dito sila nagwowork sa company namin. Bale, sa music industry ang sector nila. 


 

Nginitian ko sila at pumasok na sa office ni Dad.


 

 Wow, family reunion?


 

Sumalubong sa akin ang buong pamilya ko ft. Ate Tiffany. Family na rin namin si Ate Tiff. Tagal naman kasi ni Ate lagyan ng singsing eh.


 

“Oh. You’re here na.” Mom started.


 

Agad akong yumakap at bumeso sa kanila bago umupo sa couch. Namiss ko rin talaga silang lahat. Medyo matagal na rin kasi yung huling beses na nabuo kami. 


 

“Wow, Minjeong. You’re so pogi na ah.” Si Ate Tiff. “Do you have a gf na?”


 

Lumingon sa akin ang lahat. Aware naman sila na babae ang gusto ko kaya hindi na big deal sa kanila. Kilala kasi nila si Minju noong kami pa. Nakaka-asar talaga tumingin ‘tong si Haerin. Si Ate Taeyeon naman ay parang binabasa ang kilos ko.


 

“A-ay. Wala po.” Sagot ko.


 

“Really?” Tanong ni Mom. “What about Minju? Still in Korea?”


 

Tawang-tawa si ate habang nagtatakip ng bibig. Ang lakas talaga mang-asar!


 

“A-ahm. Opo nasa Korea pa po yata.” 


 

“Perhaps there’s someone new? A crush maybe?” Tanong naman ni Dad.


 

Bago pa ako magsalita ay sumingit na si Haerin na katabi ko lang.


 

“Yes, Dad. You actually know her.” Sabi ni Haerin habang nakangisi. 


 

I aggressively covered . “She’s lying.” 


 

“Artista o Model? Baka singer? Ganda ng type mo ha.” Gatong ni Ate Taeyeon.


 

Nakangiti lang naman ang mga magulang ko. “Glad to know that you’re opening yourself up again to other people.” Si Mom. Tumatango-tango lang naman si Dad sa tabi niya.


 

Before I could deny again, may kumatok sa pinto ng office ni Dad.<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
29 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
683 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲