| Diez 9

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter



 

It’s only 8 in the morning pero naka-upo na ako ngayon sa cafe in front of our company building. Of course, I’m somehow covered up dahil medyo malaking chismis sa entertainment industry ang pinasukan ko. Actually, nadamay lang naman talaga ako eh. Lason talaga ang working out na yan. Gusto ko lang naman i-flex sana kay Karina na I’m physically active rin kaso biglang nagkaroon ako ng jowa sa mata ng mga tao. Galing! 


 

Wonyoung messaged me rin last night and nag apologize siya dahil nga na-expose ang identity ko sa public because of her carelessness. She didn’t intend to use her public account daw and hindi niya napansin na ‘yon pala ang nagamit niya instead of her private account which I follow rin sa IG. I told her that it was ok and that the company will handle it na lang. I do not want to dwell into the matter na rin naman and blame her dahil alam kong mas naapektuhan siya kaysa sa akin. 


 

Honestly, it’s not ok talaga para sa akin due to so many reasons which I will enumerate. First, my pa-mysterious life is over and done for. Ang daming dms and message requests sa mga social media accounts ko kaya pinrivate ko na ang lahat. Even my schoolmates are bugging me rin sa mga GC. Kesyo  kaclose ko raw ba si *insert name ng artista under our company* and kung bakit daw hindi ko sinabi na anak ako ni ganito and ni ganyan. Am I obliged to do so? Mygohd. 


 

Second, Karina is obviously upset. Not with me naman, I think? Siguro ay dahil na rin she was once jealous with Wonyoung tapos ngayon, people are assuming na may relationship kami ni Won. Lastly, the reason kung bakit I’m early here sa cafe. 


 

Si Ms. Irene.


 

From ate Irene to Ms. Irene, real quick. Sakit mo na 2022. 


 

So basically, Ms. Irene asked to meet me here sa cafe in front of the company. Agahan ko raw ‘cause may sched siya na shoot sa Cebu and 10 am ang alis nila. She also told me na huwag ko sabihin kay Karina na kakausapin niya ako. Of course, hindi ko sinabi because I obviously am highkey afraid of Ms. Irene. Apparently, she saw the articles and tweets about me and Wonyoung. I get naman na she’s just looking out for Karina. I’ll probably do the same if the same thing happened to Haerin. But, understanding Ms. Irene’s point of view and intentions, clearly does not change the fact that I am dying of nervousness at the moment. 


 

Speaking of Karina, ang cold lang ng reply niya kagabi.


 

Karina: I’ll rest na, Win. Good night.


 

Sinabi niya rin naman na pagod siya since super busy niya nga the whole day pero I know na she wasn’t in the mood, partly because of the issue that I got into. I decided to let her rest and breathe na lang muna. Maybe later, we can talk more about it. 


 

May outing pa naman kami tomorrow tapos sobrang gloomy ng mood between us. I’m aware na our relationship is not that deep pa pero that doesn’t mean na things like this wouldn’t affect us. 


 

After a few sips of the latte that I ordered, I glanced at the door which revealed Ms. Irene entering the cafe. I gulped before standing up and offering her the seat in front of me.


 

As soon as maka-upo kami, agad siyang humingi ng water sa waiter at nagsalita. “I won’t take much of your time so I’ll get to the point agad. Are you serious with my sister?” She looked at me sternly. I can see na concern talaga siya sa kapatid niya.


 

“Yes po. If this is about the issue, false allegation lang po yun.” I answered nervously. Hindi ko rin sure kung paanong hindi ako pumiyok while talking. Sobrang nakaka-intimidate kasi si Ms. Irene at parang anytime, ibubuhos niya sakin ang kapeng hawak ko o di kaya ay oofferan niya ako ng 10 million para layuan ko ang kapatid niya. 


 

“Nabasa ko na ang statement ng company but I know naman na sometimes they deny dating rumors para maprotektahan ang artist.” Totoo naman because grabe talaga ang hate na narereceive ng mga artista na nasasangkot sa mga dating rumors. 


 

“I understand your worries po bilang ate ka po ni Rina pero I can assure you po na even if Rina and I are not yet dating, I am a hundred percent serious with her po.” I answered, not cutting our eye contact para maipakita kay Ms. Irene na I will not budge habang sinasabi ko ‘to.  


 

“You better be.” Ms. Irene answered before drinking water from the glass in front of her. She looked outside the window before talking again. “Rina will enter acting and modeling so rumors like this would definitely happen more in the future. Kaya mo ba i-handle?”


 

Kinabahan naman ako sa tanong ni Ms. Irene. Masyadong malayo ang inaabot na situations sa utak niya pero I see nothing wrong with that naman. I fixed the collar of my shirt dahil parang uminit. Kaya ko ba kapag na-link na si Karina sa ibang mga artista? Maaabot ko pa kaya siya kapag sikat na siya?


 

“I think we’ll figure that out po in the future.” Sagot ko. “But, I think I can handle naman po.” Hindi ko rin sure pero alam ko naman na hindi magiging madali.


 

Tumango si Ms. Irene before magsalita, “Talk to her. I can feel na bothered siya with the rumors.” 


 

“Y–yes po. I’ll talk to her as soon as possible.” 


 

“I need to go na.” Sambit ni Ms. Irene habang tumatayo. “Take care of Rina, Minjeong.”


 

“You don’t have to ask, Ms. Irene.” Kinakabahang sagot ko. I glanced at her and noticed na she was smiling kaya I smiled na rin as well.


 

“You can call me ate, ulit.” 


 

I nodded before answering, “Ok po.. ate.” 



 

-


 

Nandito ako ngayon sa loob ng village nila Karina pero medyo malayo ako sa mismong bahay nila. Kinakabahan pa kasi ako at kailangan ko munang huminga. Nagsabi ako kay ate Irene kanina if pwede ako pumunta rito para kausapin si Karina at pumayag naman siya. I really want to explain everything to her, lalo na’t sabi nga ni ate Irene, bothered si Karina sa naging issue. 


 

Almost twenty minutes na akong nag-iipon ng lakas ng loob dito sa loob ng sasakyan pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang magtry na i-ring ang doorbell ng bahay nila Karina. 


 

Should I call her muna? Hindi pa rin kasi siya nagrereply sa akin. Baka naman tulog pa? Bahala na nga. Kailangan ko na kausapin si Karina para matapos na ‘tong iniisip ko at maging ok na kami.


 

*Doorbell rings*


 

After a few minutes, sumilip si Karina sa gate. “Winter?” Halatang hindi niya ineexpect na pupunta ako dito sa kanila.


 

“U–uhm, Karina.” Huminga ako nang malalim, “Sorry if hindi ako nagsabi na pupunta ako pero.. pwede ba tayo mag-usap? Explain ko lang sana side ko and- and hindi ka kasi nagrereply.” Kinakabahan pa rin ako kasi nakatingin lang sakin si Karina. 


 

Tumango lang siya, “Let’s go inside.” 


 

-


 

I’m currently sitting here on the couch sa living room. Pinagmamasadan ko ang interior ng bahay nila. It’s obvious na Karina’s family is wealthy. Naalala kong may law firm nga pala ang dad niya and fashion designer ang mom niya kaya hindi na rin nakakagulat. 


 

Hinihintay ko lang siya dahil kukuha raw muna siya ng juice sa kitchen. Habang naghihintay, iniisip ko na rin ang mga sasabihin ko sa kanya. I have nothing to be nervous of naman dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang rumors pero bakit kabadong kabado ako? 


 

“Win.” Nandito na pala siya. “Here’s your juice oh.” Inabot niya sakin ang baso na agad ko namang tinanggap. Umupo na rin siya sa couch, leaving enough space between us.


 

“Thank you.” Uminom ako sa ibinigay niyang juice bago nagsalita, “Karina, hindi totoo yung mga rumors.” Sinimulan ko na agad na i-open ang topic dahil pansin kong bothered talaga si Karina.


 

Binaba niya ang kapit niyang baso at tumingin sakin, “I know. You told me already.” Umiwas siya ng tingin, “I’m sorry if hindi ako nakapagreply. I-I was just troubled kagabi.” 


 

Ano kayang iniisip niya? “It’s ok. Don’t worry about it.” I paused. “Do you want to talk about what’s troubling you?” Maingat na tanong ko sa kanya. Ayaw ko rin naman i-push sa kanya na mag-open up agad. 


 

Huminga siya nang malalim. “I guess, I hated the fact that I cannot do anything kagabi.” I stared at her to let her know that I was listening. She lightly bit her lower lip maybe because of frustration. “People were claiming that you were dating Wonyoung and–and I can’t say na they’re wrong and that the person you have feelings for is me..” She paused. “It frustrates me kasi I don’t know where I stand.” 


 

Now I get it kung bakit parang nawala siya sa mood kagabi. I immediately went near her and reached for her hand. “Hey..” I consoled her. “It’s ok to feel that way. I totally understand.” I paused, “Let’s not pressure ourselves dahil sa mga nangyayari. We have feelings for each other and ayon naman ang mahalaga as of now. ”


 

Tumatango tango lang si Karina habang nakikinig sa akin. Kung ako lang ang tatanungin, I’d definitely ask her to date me right here, right now pero kasi I believe na may tamang timing para sa ganon and bago pa lang naman ang feelings namin for each other. 


 

“I’m sorry, Win.” Hala bakit siya nag sorry? Wala naman siyang kasalanan. “Ayokong isipin mo na minamadali kita and sorry if.. if out of place yung pagseselos ko.” 


 

“Hindi ‘yon out of place, Karina.” Sagot ko agad sa kanya. I don’t want her to think na wala siyang karapatan. “Nagselos din kaya ako dati kay Jaehyun,” I joked para gumaan ang atmosphere. Effective naman dahil natawa siya. Ayan ngiti ka lang, Karina. 


 

Ang ganda ganda mo. Juice-colored.


 

Saglit ulit kaming nanahimik. My hand not leaving her hand habang nakatingin lang kami dito. “Are we okay na, Rina?” Pagbasag ko sa katahimikan.


 

“Mhm. I miss you na eh.” She answered then smirked at me before leaning her head sa balikat ko.


 

Karina, please lang. 


 

Paano ko pipigilan ang sarili kong i-date si Karina agad-agad kung ganito siya? Sa totoo lang, bakit ba hindi na lang kami mag date? What’s stopping you, Minjeong? Chz. Masyado akong naniniwala sa ben&ben. Kapag mabilis magsimula, mabilis rin mawala.


 

“Namiss din kita.” Sagot ko. Actually, wala akong masyadong time para mamiss siya kagabi kasi puro kaba lang nafifeel ko dahil kay ate Irene. 


 

“Ayos na things mo for tomorrow?” Tanong ni Karina. 


 

“Yup. Ikaw?” Sagot ko bago uminom ng juice.


 

“Not yet. I’m deciding pa on what bikini to wear.” 


 

Nabuga ko ang iniinom kong juice sa harap. Ano ba naman kasi yan?! Hindi ko rin alam kung bakit apektado ako masyado. Iniisip ko pa lang kasi na nakasuot ng bikini si Karina, parang nanlalambot na mga tuhod ko. Think happy thoughts, Minjeong. 


 

“Are you okay? What happened?” Karina asked while checking up on me. Inabutan niya rin ako ng tissue galing sa table malapit samin. 


 

“O–Oo.” I paused. Anong idadahilan ko ngayon? “N–Na-excite lang ako.”


 

Shonga.


 

“Sa ano? Me wearing a bikini?” She teased. “Ikaw ha.”


 

“H–Hala. Hindi ah! I mean, s–sa trip natin bukas.” Defensive kong sagot. Hindi ko alam kung lulusot ba ang dahilan ko. Probably, hindi. 


 

“Ok, Win. Calm down.” She chuckled. Halata pa rin ang pang-aasar sa boses niya. I know naman na hindi siya naniniwala pero bahala na siya.



 

Sunod-sunod na notifications galing sa phone namin kaya agad namin itong tiningnan. Siguro GC na namin ‘to.


 

GC — New friends

 

Yuna: Ready na ba kayo bukas?

 

Ryujin: Opkors beh.

 

Yeji: Yesss. I’m so excited.

 

Ning: Ready na rin daw si @Ryujin para sayo @Yeji.

 

Yuna: HAHAHHHAHA

 

Ryujin: Luh! Wag ka maniwala dyan, Yeji.

 

Heejin: So bale ito ang room arrangement.

 

Heejin: Room 1: Heejin, Yuna, Karina. Room 2: Ning, Winter, Ryujin. Room 3: Giselle, Yeji, Isa. Room 4: Felix, Chanchan. 

 

Yuna: Noted, group leader-nim.

 

Ning: Hindi kami magkasama ni bebe ko?

 

Giselle: Obviously? 

 

Ryujin: Lalalala. Ano ‘to? Sahig?

 

Ning: :((

 

Heejin: Ayaw pa namin maging ninang.

 

Yuna: Truly! Pupunta para magrelax. Hindi para magpabuntis ha?

 

Ryujin: HHAHAHAHA siraulo ka.


 

Medyo nalungkot ako na hindi ko ka-room si Karina pero ok lang naman ‘yon. Sawang-sawa na rin kasi ako sa pagmumukha nila Ning at Ryujin tapos ang lakas pang humilik nitong si Ryu. 


 

“We’re not roommates.” Si Karina. Disappointed ba siya? Kasi same. 


 

“Ok lang ‘yon. Pupunta raw kasi tayo doon para magrelax at hindi mag–”


 

Hindi ko na-tuloy ang sasabihin ko dahil hinampas hampas na ni Karina ang braso ko. “I’m joking lang, Karina.” I laughed habang umiilag sa kanya. Tuloy-tuloy lang siya sa paghampas. “Unless.. Gusto mo totohan–” Pak. Hampas ulit. “Aray! Biro lang.” Tumayo ako at tumakbo palayo sa kanya habang tawang-tawa. 


 

“Come back here, Minjeong!” 


 

Nakakatakot ka naman, Karina. 


 

Ang mahalaga, ok na kami. :P


 

-


 

“Ssob! Namiss kita!” Kabababa ko lang ng sasakyan, agad na akong niyakap ng kaibigan ko. Nandito na kami sa SM Masinag para sa meetup namin. Nagpahatid na lang ako sa driver namin para hindi ko na iisipin kung saan i-papark ang baby RS7 ko. “Tara na. Nasa may tapat daw sila.” Dagdag ko. 


 

Agad naming nakita ang mga kaibigan namin. Lahat pala sila nandito na. “Hello, guys.” Bati ni Ryujin. Nginitian ko lang sila bago tumayo sa tabi ni Karina. Nagtinginan lang ang mga kaibigan namin matapos nila akong sundan ng tingin.


 

“Tagal niyo ha! Pa-importante yan?” Si Ning. Tignan mo ‘tong babaeng ‘to, ang landi. Naka-back hug pa sa kanya si Felix. Pansin kong wala sa mood na naka-pamewang si Giselle habang nakatingin lang sa malayo. Si Yuna at Yeji naman ay may pinag-uusapan. Siguro tungkol sa vlog ni Yeji dahil nag volunteer si Yuna na maging cameraman for today’s video. 


 

“So… Tara na?” Tanong ni Heejin. “Btw.  Sila Isa and Chanchan. Sila yung plus one nila Giselle and Felix.” Pagpapakilala niya sa mga bago naming kasama. Nginitian naman ako kaagad ni Isa at nakipagkamay. “Hello. I know you.” Pagsisimula niya. “You’re the rumored gf of Wonyoung. Buti na lang hindi totoo. Ang cute mo in person!” 


 

I noticed that Karina was side-eyeing us kaya agad kong inalis ang magkahawak naming kamay ni Isa, “H–Hello. Thank you.” Sagot ko habang nagkakamot ng batok. Paano ba kasi magreact sa compliments. 


 

“Tabi tayo ha?” Pag-aya niya sa akin. Bago pa man ako makapagsalita, hinila niya na ako agad papunta sa likod. Mahinang tumatawa si Ryujin na para bang nang-aasar.


 

Nagsettle kami sa four seats sa likod. Si Isa sa may bintana sa kaliwa, ako, si Karina, at si Yuna. Umandar na rin ang sasakyan nang makapasok na ang lahat. Almost two hours na byahe lang naman daw mula dito hanggang sa Tanay sabi ni Heejin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
521 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
24 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
675 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲