| Dieciocho 16

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter



 

GC - Online sabong 5v4

 

Yuna changed the group name to “Online sabong 5v4”

 

Ryujin: Problema mo?

Giselle: What's meron?

Ning: Online sabong amputa

Heejin: HAHAHAHAHAHSH 

Yuna: Warla ang winrina. Magkampihan na tayo dito

Yuna: Basta ako kay Karina ako magpapa-ampon

Ryujin: Gago ka talaga! HAHAHAHAH 5v4 shuta

Yeji: Hala. Are they okay?

Isa: Malamang hindi

Yuna: BWAHHAHA NAGTANONG PA SIYA

Giselle: Obvious ba, Yej?

 

Unang mulat, wow ano ‘tong kawalangyaan na ‘to?

 

Ning: OH SI WINTER MANOK KO

Ryujin: Ako rin! Samin na rin si Heejin

Yuna: Edi magsama-sama kayo! ‘Di ko kayo kailangan

Isa: Karina kami nila Yej and Gi 🥰

Ryujin: Kahit bente pa kayo! 

Ryujin: Basta amin si Ning, panalo kami

Ning: Huh? Bakit?

Ryujin: Nag-aala dragon ‘yan eh

Heejin: HAHAHSHSHAHAHAH RYU

Isa: HAHAHSHAHAHAHA 

Ning: Nadala ko pala yung baril ☺️

Giselle: You guys are hopeless hahahahaha

Ryujin: Mas hopeless ka, wag ka papatalo 😘

Yuna: WOAH FOUL

Isa: RYU?! HAHAHAHAHAH 

Yeji: HAHAHAHS im dead

Ning: Gagi, wag. Marami ka pang pangarap sa buhay, Yeji.

 

Ang aga-aga naging sabungan bigla ang group chat namin. Ano na naman ba ‘tong pinasimuno ni Yuna? 

 

Hindi naman ganon kalala ang naging away namin ni Karina ah.. Yata? Medyo.. Ah basta! Parang naman maghihiwalay kami kung makapagsalita ‘tong mga ‘to.

 

Ay, naghiwalay kahit walang label? Ano ‘yan.

 

Kaya siguro nagkanda-leche leche ang buhay ko kasi monday na naman. Oo, tama. Isisi ko na lang sa araw ang mga katangahan ko sa buhay. 

 

May pasok na naman kaya hindi ko agad pwede kausapin ang baby ko. Tuwing may classes kasi siya, naka-focus talaga siya sa pag-aaral kaya nag-uusap lang kami pag free time o di kaya ay pag uwian na. 

 

Sobrang bigat sa pakiramdam lalo na kapag aware ka na may ginawa or sinabi kang hindi maganda. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin alam kung paano ko i-aapproach si Karina.

 

I somehow feel scared. What if marealize niya na hindi niya gusto ng partner na kagaya ko? 

 

Erase erase.

 

Ang iisipin ko na lang ay kung paano makakabawi sa kanya. Puro na lang ako bawi pero hindi naman natutuloy. Baka mapagod na si Karina.

 

Erase erase. 

 

One step at a time. Kailangan ko muna mag sorry sa baby ko, and of course kailangan ko ng character development. That won’t happen overnight but I’ll do my best to be better. 

 

Ako na nga ang nagsabi dati that Karina deserves the best pero all I’ve shown her last night was the worst version of myself.

 

Kailangan ko talaga siya makausap as soon as magka chance, pero mas kailangan ko na muna bumangon kasi malelate na ako. 

 

-

 

“Good morning, manok ko.” Malawak ang ngiting salubong sa akin ni Ryujin. Inirapan ko lang naman siya dahil hindi ako nakikipaglokohan ngayong araw. Gawin ba naman kaming manok ng baby ko? Sa ganda naming ‘to?

 

Pagpasok sa classroom ay sari-saring bulungan ng chismis ang mga kaklase namin. 3rd year na kami’t lahat pero mga sobrang iingay pa rin. Hindi rin naman nakalampas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap sulyap nila sa gawi namin ni Ryu.

 

Masyado naman silang pahalata na ako ang pinaguusapan nila. O di kaya ay si Ryujin pero mukhang tungkol talaga sa akin dahil rinig na rinig ko ang iba nilang pinaguusapan .

 

“Si Felix daw nakakulong na.. Awaiting trial.”

 

“‘Di ba kaclose niya yung Ning sa Music tech?”

 

“Naaksidente papa nyan.” 

 

“Sana okay lang siya.” 

 

Kung magchichismisan naman sila eh hinaan nila. Yung hindi ko sana maririnig, ganon. 

 

“Lakasan niyo pa konti, please. Kulang pa ‘yan.” Pambasag ni Ryujin sa mga kaklase namin. “Tsk, mga insensitive na chismosa.” 

 

“Hayaan mo na sila, Ryu.” Dismissive kong sagot nang makaupo na ako sa upuan ko. Inilabas ko na lang ang ipad ko at nagnotes.

 

“Pfft. Nakakainis eh.” 

 

Saktong nanahimik naman ang mga kaklase namin dahil dumating na ang prof.

 

Prof namin na napaka cute. Ang sarap niya lang naman ibalibag.

 

Lumipas ang thirty minutes at inaantok talaga ako sa discussion kaya kinuha ko ang phone ko. Ichecheck ko lang naman kung nagmessage na ba si Karina. Hindi kasi siya nagreply sa good morning ko, hmp.

 

Sa imessage, wala.

 

Messenger, wala.

 

Instagram, wala.

 

Pighati.

 

Baka busy lang siya sa school? 

 

Eh sila Heejin at Yuna naman nakakapag message sa group chat. Sobrang ingay pa nga ni Yuna eh.

 

Baka naman may work? 

 

May one month rest nga pala siya from shooting dahil malapit na ang finals week.

 

Nawawalan na ako ng pag-asa at lalo pa ngang nawala ang natitirang pag-asa ko dahil meron siyang Instagram story. 

 

Arouch.

 

Ok lang. Hindi masakit.

 

Parang kagat lang ng T-rex.

 

Nakapag instagram story pero hindi nakapagreply. 

 

Magtatampo na sana ako pero naalala kong may kasalanan nga pala ako sa kanya. My bad.

 

I checked her instagram story and it was a photo of her. A mirror selfie to be exact.

 

Ang ganda.

 

Naka school uniform siya at naka specs today. Naka messy bun din ang mahaba niyang buhok at naka peace sign siya. Parang sinasabi sa’kin na ‘kita mo yan, Minjeong? Ayan yung sinayang mo.’

 

Tuwing mag-aaway ba kami, required na maging maganda sa ig? Huhu, kasi kung ganito pala, gagalingan ko na next time para ‘di na kami mag-away. Maraming lalaki na naman at babae ang magsisimp sa baby ko. Jusko! Tingnan niyo lang talaga. Mine, mine!

 

I internally groaned because of frustration. Hindi dahil kay Karina, kundi dahil sa sarili ko. Hindi justifiable ang naging attitude ko towards Karina kahapon, at alam ko ‘yon.

 

Kailangan ko talagang makausap si Karina before this day ends. I feel so guilty for snapping at her last night.

 

Hindi ko rin kasi alam sa sarili ko kung bakit ba nagsnap ako. 

 

Siguro, I hated the thought na nagagalit siya sa akin because of something that I have no control over. Well, para sa akin, I thought I didn't have control of the situation.

 

Pero ngayon, narealize ko na I actually have control over such things. I could’ve done something before and after Wonyoung made a move. Edi sana na-lessen kahit papaano ang epekto non kay Karina.

 

Bakit ba ngayon ako nagrereflect? May klase ako ah.

 

I’ll make sure to tell Wonyoung about Karina and I’s relationship. Sasabihan ko na rin siya na wag maging touchy masyado bilang respect na lang kay Karina at sa relationship namin.

 

About my anger issues and maikling pasensya, I don’t know kung paano magbabago ‘to pero siguro time will tell na lang.

 

“Ms. Kim, can you answer the problem on the board?” Sambit ng prof kong panget. “You seem to be spacing out.”

 

Agad naman akong kumawala sa malalim na iniisip dahil sa pagtawag sa akin ni Sir. Si Ryujin naman ay nagpipigil ng tawa sa tabi ko. Hindi na talaga nakatulong sa pang-araw araw ko.

 

I cleared my throat, “S-Sure, sir.”

 

Mabuti na lang at confident ako dito sa topic namin ngayon. Kung hindi, edi mapapahiya pa ako, at hindi ‘yon kaya ng pride ko. 

 

Ang tagal naman matapos ng araw na ‘to. Gusto ko na makausap si Karina.

 

Habang nagsasagot ay puro si Karina pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Mabuti na lang at tama ang naging sagot ko sa question sa board. 

 

Hindi na rin naman ako pinansin pa ni Sir dahil nga mukhang naintindihan ko naman ang lesson kaya I immediately messaged Karina.

 

Winter: Rina, pwede ba tayo mag-usap mamaya?

 

Kinakabahang itinaob ko ang cellphone ko sa taas ng lamesa at yumuko. Kinukuyakoy ko rin ang kanan kong paa dahil sa pagka-kaba. Pakiramdam ko kasi ay ‘di siya papayag.

 

Hindi, ‘wag kang negative, Minjeong. Papayag ‘yan si Karina. 

 

Sampung minuto ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagrereply si Karina. Makikinig na lang muna ako sa discussion. 

 

‘Baka naman may klase pa siya sa ngayon.’ I thought to myself. A deep sigh escaped my mouth. 



 

Natapos ang buong araw na hindi nagrereply si Karina sa messages ko. Deserve ko naman pero ang bigat bigat lang sa pakiramdam na hindi niya ako pinapansin. Hindi ako sanay sa ganito. Miss ko na ang clingy baby ko.

 

Nandito kami ngayon nila Ryujin, Heejin, at Ning sa isang Thai restaurant sa may Dapitan. We planned to eat na agad. Early dinner kumbaga dahil marami kaming hahabulin na tasks later sa unit.

 

Malapit na rin kasi mag december kaya malapit na ang finals namin. Bakit parang ang bilis ng panahon? Parang kailan lang nung nakilala ko si Karina tapos ngayon, matatapos na ang first semester namin. 

 

I rested my chin above my arm na nakatukod sa lamesa. Hindi ko rin pinapakeelamanan ang usapan ng tatlo kong kasama. Kahit ano kasing kilos ko, si Karina ang naiisip ko.

 

“Nasaan pala sila Yuna at Karina?” Tanong ni Ning kay Heejin. Napansin niya siguro ang amos sa gilid ng labi ni Heejin kaya pinunasan niya ito gamit ang tissue.

 

“Ang kalat naman kumain.” Nginitian lang naman siya ni Heejin na para bang namumula dahil sa biglang kilos ni Ning.

 

Ryujin 👀 me

 

Iykyk, bestie.

 

“T-Thanks.” Nagpabalik balik ang tingin ni Heejin sa amin ni Ryujin nang mapansin niya na nakita namin ang pagka-tense niya. “They went to Taft eh. Night out daw sila nila Giselle.” 

 

“Ay?! Hindi nag-aaya?!” Pagrereklamo ni Ning.

 

I furrowed my eyebrows because of the info. Karina didn’t tell me na they’re going out, and it’s a monday kaya. 

 

Saan siya matutulog? Paano kung sobrang malasing siya? 

 

Napansin siguro ng tatlo ang pag-iisip ko dahil lahat sila ay napa-tingin sa akin. “Ay, ‘di mo alam, Winter?” Tanong ni Heejin.

 

Umiling lang ako habang umiinom ng juice. Banayad kong pinunasan ang aking labi bago nagsalita, “Hindi eh. Hindi ako pinapansin.” 

 

Nagulat naman kaming lahat sa biglang pagbagsak ni Ryujin ng baso sa lamesa. 

 

“Teka! So nagkakatotoo na ba ang sabong 5v4 natin?” Sambit niya. Her hand dramatically turned into a fist. Parang timang.

 

“Gaga! Sabi mo kasi kanina kampi ka kay Minjeong. Kahit aware tayong lahat na hindi naman totoo ‘yang kampihan na ‘yan, syempre gusto siguro ni Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
526 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
28 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
680 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲