| Veinte 17

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter


 

“No momol daw hanggang wala kaming label.” I sighed bago kumagat sa banana-rhuma na hawak ko. “Ayon sabi ni Karina.”

 

Isang malakas na hagalpak lang naman ang kumawala sa katawan ni Ning na nasa harapan ko, “Ayan! Deserve mo yan kasi bading ka na, atheist ka pa.” Kumagat din siya sa banana-rhuma niya. “Pinaparusahan ka na ni papa jc.” 

 

PAPA JC?! Siraulo talaga 'to.

 

Actually, hindi ko sure kung agnostic ba ako or atheist. Depende na lang siguro sa mood, pero I think mas reasonable maging agnostic. Mas madali i-defend. Keme.

 

Wednesday ngayon at kagabi lang ang madamdaming pagbabati namin ng baby ko. Chos, maka-madamdamin naman ako.

 

It’s true though. Umiyak kaya ako because I was so scared na ayawan na ako ni Rina.

 

Mabuti na lang at hindi. Baka naglulupasay ako if Karina did not accept me back. Keme again. 

 

1/2

 

Pag-apak na pag-apak ko nga last night sa unit, sumugod agad si Ning para magpakwento ng nangyari sa amin ni Rina. Siya nga hindi masyadong nagkekwento about sa kanila ni Heejin! Kakatampo na talaga. Ayon, sabi ko ngayon ko na lang i-share para isang kwentuhan na lang sa kanila ni Ryu. Isang bagsakan, ganon.

 

Nakakapagod kaya pag paulit-ulit!

 

Ay, haha. 

 

“Lahat naman tayo dito bading ah.” Singit ni Ryujin. “Huwag ka na magpanggap dyan Ning. Panggatong ka rin sa impyerno soon.” 

 

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa dahil alam ko na ang kasunod. Nagsisimula na naman sila.

 

Kinunot ni Ning ang noo niya at nagpunas ng bibig. Dumiretso pa siya ng upo before facing Ryu. Naku po, bumebwelo na naman ‘to ng katarantaduhan. 

 

“Tigilan mo ako, Ryu.” Binugaw-bugaw ni Ning si Ryujin na katabi niya. “At least sinusulit ko ang nananalaytay na kabadingan sa katawan ko kasi may Heejin ako. Eh ikaw? Wala kang jowa.” Pang-aasar niyang muli sa kaibigan namin.

 

Ryu dramatically gasped while covering , “Personalan pala tayo dito?!” 

 

“Oo talaga!” 

 

With that, nagbangayan na sila. Kapag nagsimula pa naman mag-asaran ‘tong dalawa, matagal bago sila tumigil kasi walang magpapatalo.

 

Omg, same? Baka grupo talaga kami ng matataas ang pride. 

 

“Tsk! Ingay naman!” I exclaimed while massaging the bridge of my nose. Lakas maka-stressed nyan. “May pinagdadaanan ako oh. Pwede bang ako muna ang star ng pasko?” 

 

“Star ng pasko daw. Huwag kang nakiki-pasko sa’min ha. Hindi ka naniniwala sa diyos ‘di ba?!” Aba talagang hindi magpapaawat itong si Ning. 

 

“Wala ka lang momol, may pinagdadaanan ka na?” Ryujin asked. “Ilang taon ka ngang single, for sure matagal yung naging dry season mo, boss. ‘Di ka naman nagreklamo kahit isang beses.” 

 

Ok, may point. 

 

Ano ba kasi ang pinag-iinarte ko dito?

 

“Sinong nagsabi na walang momol yan nung single siya?” Nakangising tanong ni Ning.

 

Masyado na siyang maraming nalalaman.

 

“Subukan mong ipaalala.” I warned her. “Nung first year pa ‘yon. Hindi pwedeng makalimot?” 

 

Ning laughed deviously, “Isinabuhay ang pagiging tiger, roar!” 

 

Hindi na talaga nakalimutan ni Ning ang nangyari noong first year kami. Yung may nagmessage sa’kin after ng night out namin na nakamomol ko raw siya. 

 

Hinding-hindi na ako uminom ulit after non.

 

Ngayon na lang nung dumating ang baby ko sa buhay ko. Ihh, ano ba kasi! 

 

“Pero seryoso, boss. Kayanin mo ang hamon ng buhay.” Malakas na ipinatong ni Ryujin ang kamay niya sa balikat ko.

 

“Tama, bff.” Pag-agree ni Ning. “At least hindi mo iniisip na lagyan na ng label for the sake of momol.”

 

Totoo naman.

 

Hindi naman ako na-pressure sa consequence na binigay ni Karina. Kaya nga tinatanggap ko na lang na non-existent na talaga muna ang momol for the time being. 

 

Syempre, mas mahalaga sa akin ang right timing kaysa sa momol momol na yan at diving diving na yan. Baka isipin ni Karina, momol lang habol ko sa kanya. No, no, no! 

 

“Of course. Ako na yata ‘to.” Pagyayabang ko “Ubusin niyo na ‘yang banana-rhuma niyo, susunduin pa natin sila Karina.” 

 

Nandito kasi kami sa Mang Tootz dahil nag-crave si Ning sa banana-rhuma. Deserve niya raw malibre dahil pagod siya nitong mga huling linggo.

 

Busy kasi sila sa pagsasampa ng kaso kay Felix and everything. Wala rin akong masyadong balita pero as far as I know, dad ni Heejin ang lawyer ni Ning.

 

“So anong partisipasyon ko dun? Pacute lang sa gedli?” Nakasimangot na sambit ni Ryu.

 

“Gaga, sasabay sa’yo si Yuna pauwi ‘di ba?” Sagot ni Ning. 

 

“Ano ba yan.” Aggressive na kinamot pa ni Ryujin ang ulo niya. “Tara na nga. Malapit na uwian nila.”





 

Malayo pa lang, tanaw ko na si Karina. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko na I’m dating her. Waaah ang ganda ganda ng babe ko.

 

Katabi niya si Yuna at Heejin na mukhang nagtatalo sa binabasa nilang libro.

 

Nakakatawa lang kasi pang-highschool talaga ang uniform ng college nila. Ang matured tingnan ng baby ko kaso mukhang highschool student dahil sa uniform nila.

 

Parang may hinahanap naman si Karina sa bag niya kaya hindi niya pa kami nakikita. Frustrated Rina is such a cutie.

 

After rummaging through her bag, she lifted her head, causing the both of us to lock gazes. 

 

Ang ganda talaga.

 

I smiled and waved at her which she also did in return. Nawala na ang kaninang kunot sa noo niya habang nagmamadaling naglalakad papunta sa akin.

 

Small k-drama moment yan. 

 

“Ang ganda talaga ni Karina ‘no? Saang demonyo mo ba binenta ang kaluluwa mo para ma-pull yan?” Bulong sa akin ni Ning. “Tingnan mo oh, sinusundan siya ng tingin ng mga tao.” 

 

Marahang siniko ko siya sa tagiliran dahil sa kabaliwan niya. Gawin ba naman akong illuminati? “Ano ba, Ning.” 

 

“Aray ko naman.” Siniko niya ako pabalik. “Kay Minju pa lang bilib na ako sa pulling powers mo eh.” 

 

Ayan na naman sa ungkatan ng past. Siguro nabulunan na nang sobra si Minju dahil sa dalas ng pagkaka-mention sa kanya dito sa pinas. 

 

“Patahimikin mo na si Minju sa Korea, please lang.” Siniko ko siya ulit. Hindi yata ako magpapatalo ‘no.

 

Ayan, dyan ako magaling. Sa hindi pagpapatalo. OO NA NGA! 

 

“Uy, sali ako. Sikuhin niyo rin ako.” Pagsali ni Ryujin sa usapan. “Mukha kaya akong others dito sa gilid.” 

 

Pinaghiwalay niya kami ni Ning at sumiksik sa gitna namin. Sabay na siniko niya kaming dalawa sa tagiliran at pakunyareng may binulong.

 

Jusko ano ba naman ‘tong mga kaibigan ko. Minsan hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan lang ba si Ryu o shunga talaga siya eh.

 

“Sisikuhin kita sa mukha pag hindi ka tumigil, Ryu.” Pagbabanta ni Ning. 

 

Bakit ba ang aggressive nila ngayong araw? Pwede bang hayaan nila akong i-appreciate ang ganda ni Karina na naglalakad ngayon palapit sa’kin.

 

Here comes the bride, ganon! 

 

“Ay, you woke up and chose violence?” Pang-aasar ni Ryu kay Ning. Hindi ko na napigilan matawa, ang sirualo lang kasi. “Ang violent ha! Army ka ba?” She added.

 

Pinanliitan ni Ning ng mata si Ryu. “Anong army? Pinagsasabi mo dyan, Ryujin.”

 

“Violet kasi.” Pag-eexplain ni Ryujin. “Violent, violet. Ano ba yan, i-eexplain pa! Uncultured.” 

 

Umiling-iling na lang ako dahil sa joke ni Ryujin. Patay ka sa mga armys bahala ka dyan. Ryujin canceled era, wbk. 

 

Ning sighed in disbelief, “Lumayo ka nga sa’kin. Masasaktan kita, sinasabi ko sa’yo.”

 

Ibinalik ko na lang ang tingin ko kila Karina na papalapit na sa amin.

 

“Winter! Halika dito, babatukan kita saglit.” Si Yuna.

 

Alam ko naman na siya ang pinaka pres

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
29 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
682 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲