| Uno 1

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter

Winter


 

I’ve been studying for hours now. Hindi ko na rin alam kung paano ko pa igagapang ang first sem ng 3rd year ko dito sa dilaw na paaralan ng paghihirap. 


 

One month into the sem, and I’m already burnt out. Pagsabayin ba naman ang taxation at oblicon? I guess our seniors were right. Third year is the hardest of them all.


 

Marahan kong ibinaba ang reviewer ko sa oblicon at nag-inat. Ilang oras na ba akong nag-aaral? At nasaan na ba ang bff kong hangal. 


 

I checked the time.


 

12:32 am.


 

Saang branch na naman ba ng Xylo napadpad ‘tong si Yizhuo? Tumayo agad ako mula sa study table at kinuha ang phone ko na nasa kama para i-check kung humihinga pa ba si Ning.


 

I really can’t comprehend kung saan hinuhugot ni Ning ang energy para pumarty pa at magwalwal. Who knows? Siya lang. All I know is that I could never. 


 

Si Ning ay Music Technology student. And yes, sa yellow school din niya napiling maghirap. That’s why we decided na magsama na lang sa isang condo unit along España para na rin bawas sa expenses. 


 

Our parents are close kaya ever since pagkabata ay magkasama na kami ni Ning. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na kami napagkamalang magjowa. As if papatol ako kay Ning? Parang pinatulan ko na kapatid ko kung ganon. 


 

Kilabot.


 

Reminiscing thoughts aside, Ning Yizhuo, asan ka na ba?


 

I was about to call her when I heard rings from our front door. 


 

Si Ning na siguro ‘to. I guess naalala niya na may pasok pa siya bukas at marami pa siyang ibang responsibilidad sa buhay bukod sa maglasing at manlalaki. 


 

Papunta na ako sa pinto pero hindi pa rin tumitigil ang rings. God, super annoying talaga ni Ning kapag lasing. 


 

“Wait, Ning!” I shouted with obvious frustration in my voice. 


 

Pero tuloy-tuloy pa rin ang rings mula sa front door. Gaano ba kalasing ‘tong si Yizhuo? 


 

I unlocked the door para salubungin si Ning. “Ano ba. Ning? ‘Di mag hinta–”


 

I didn’t get to finish my supposedly long scolding dahil may yumakap sa akin at sumiksik pa sa leeg ko. 


 

At hindi lang ‘yon.


 

Hindi si Ning ‘to! 


 

“Uhm, miss.” Tawag ko sa babaeng nakayakap sa akin habang tinatapik ang likod niya. Alam ng friends ko na physical contact irritates the hell out of me kaya bihira silang yumakap sa akin  pero itong si ate girl ay ibang breed. Amoy alak pa siya, ‘di na nahiya.


 

“Hmm.” Sagot niya. She raised her head and looked at me thoroughly as if she’s scanning my face. Kitang kita ang kunot sa noo niya na para bang nalilito rin siya at kinikilala ako. 


 

She’s pretty. 


 

I shrugged off the thought dahil kailangan ko munang alamin kung sino ba siya. Mamaya modus ‘to eh. Dami pa namang masasamang loob dito sa u-belt recently pero hanggang ngayon walang ginagawang action. Ang presidente nga natin pumaparty pa.


 

 Before I could talk again, bigla siyang dumuwak.


 

“Huwag mo ako sukahan, hoy!” Pagbabanta ko sa kanya at marahan siyang inilayo sa akin but still helping her keep her balance. Ayoko nga masukahan ‘no! Saksakin niyo na lang ako. 


 

She immediately ran towards the comfort room sa pangalawang duwak niya. Run like the wind siguro?


 

“Hey! Teka lang baka matumba ka.” I shouted for the nth time dahil ang bilis niyang manakbo papasok sa CR


 

Sinundan ko naman agad siya dahil baka mapano pa siya dito. Magkakaroon pa ako ng kasalanan sa batas. 


 

Who the hell is she? At bakit siya nandito sa condo unit namin?


 

Nagmadali akong pumasok sa CR. Nakita ko naman na nakayuko na siya sa harap ng toilet.


 

My initial thought was ‘Alak pa’. I personally don’t like the taste of alcohol nor the feeling of getting drunk. I can clearly remember the first and last time I drank alcohol. All I can say is ‘never again’.


 

-


 

Flashback (Freshie year)


 

“Shot! Shot! Shot!” 


 

Nagsisigawan ang mga tao sa paligid ko as I was downing five shots of Cuervo continuously. 


 

Tonight is the first weekend of my freshie year kaya agad na niyaya ako ni Ning sa Pop up Katipunan para raw ma-experience ko ang uminom. 


 

I was hesitant na sumama nung una pero napilit niya ako dahil kasama raw sila Yujin and Somi na friends namin from senior high school. Sa Ateneo kasi sila nagcollege kaya dito sila nagyaya sa Katipunan.


 

As the night went on, I remember drinking more shots and playing drinking games with my friends and some other strangers. 


 

After that, the night was a complete blur. 


 

I woke up with a severe headache at nakatulog ako na may katabing planggana na may suka ko. 


 

Kadiri lang! Hindi man lang ako inasikaso ng bff ko pero pag siya ang lasing, nililiguan ko pa siya. 


 

Pagbangon ko, I immediately checked my phone for updates.


 

GC - SHS Main B’s

 

Yujin: Message mo ako kung buhay ka pa bukas @Winter. Haha! 

 

Somi: Ingat pauwi, Win and Ning! 

 

Ning: Kapagod mag-alaga mga beh! 

 

Yujin: HAHAAHAH alak pa!


 

Inignore ko na lang ang mga kaibigan ko dahil aasarin lang nila ako. Sinadya talaga nilang lasingin ako, for sure!


 

Naningkit naman ang mata ko dahil may unknown number na nag message sa akin kaninang madaling araw. I don’t remember giving out my phone number to anyone.


 

09xxxxxxxx

 

: I had fun last night ;*

 

: Hmu if you want to make out again, tiger.


 

?????


 

Napabalikwas ako dahil sa gulat at agad na pumunta sa kitchen. Sakto naman ay nagluluto si Ning ng almusal. Ano ba ang kinahinatnan ko kagabi?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
529 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
29 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
682 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲