| Doce 11

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter



 

“So basically, na-sprain ang right foot mo but fortunately, it’s not that severe kaya ice and rest lang. You also have a simple fracture sa right arm mo kaya naka-arm sling ka muna for about 2-4 weeks. It’s also best to lessen your movements muna for the next few weeks, Ms. Kim.” Panimula ni Dr. Rodriguez. 

 

We’re here at the UST hospital a few hours after that eventful day. “I’ll go na. Call the nurse if you need anything.” He smiled before leaving the room. 

 

Ning and I are sharing a room pero mamaya naman daw ay pwede na kaming umuwi. Natutulog siya ngayon habang inaasikaso siya ni Giselle and Heejin. Hindi ganon karami ang bruises na natanggap ni Ning pero that doesn’t mean na it makes her situation any better. Besides the physical trauma that she got, I am certain that the emotional and mental trauma is definitely worse.

 

9 am na rin pala at halos wala pang tulog ang mga kaibigan ko. Sila na rin kasi ang nakipag-usap kay ate Taeyeon and sa parents ni Ning regarding the actions being done para makasuhan agad si Felix. After ng breakdown ko kagabi, agad naman dumating si Ryujin kaya tinulungan niya akong maglinis ng katawan dahil nga basang-basa ako sa ulan. Wow, rhyming. 

 

“I swear to all the possible gods out there, mata lang ni Felix ang walang latay pag nakita ko siya.” Inis na sambit ni Giselle matapos niyang kumutan si Ning. Since last night, she never left Ning’s side kaya sobrang thankful ako kay Giselle at sa iba pa naming mga kaibigan. 

 

“His dad is a senator, right?” Tanong naman ni Heejin. Naka-upo na siya sa couch malapit sa bed ni Ning habang hinihilot ang sintido niya. Medyo may concern din ako dahil alam niyo naman ang kalakaran sa Pilipinas. Angat ang may connections at ano pang better connection than being the son of a politician. 

 

“Well, his son definitely ruined his career.” Heejin added. Buti nga at well-known lawyers ang relatives ni Heejin, Yuna, and Karina. Bukod pa rito, hindi ba alam ni Felix na ang pamilya ni Ning ay isa rin na sa pinaka popular na pamilya in the business and entertainment industry? First si ate Jennie na isang international model while ang dad and mom naman ni Ning ay may sikat na logistics company hindi lang dito sa Pilipinas but pati na rin sa China. 

 

“Yep.” Giselle answered, popping the p. Nakikinig lang naman ako sa usapan nila habang nakapikit. Fake asleep core. “I hope he rots in hell. No, actually. I hope he suffers while he’s alive para ramdam niya!” Galit na sambit ni Giselle. 

 

“Hello, madafakas!” Malakas na sigaw ni Ryujin pagpasok ng room namin. Tinaas ko ang ulo ko para silipin silang pumapasok sa room. Yuna was already covering Ryujin’s mouth habang hineheadlock niya ito. Deserve! “Ingay mo gaga! Tulog si Ning oh.” Aggressive na bulong ni Yuna.

 

“Hi, everyone.” Bati naman ni Isa na kararating lang din. Lumapit siya sa akin para yumakap. “Oh my god. Sinaktan ka rin ba ni Felix?” Tanong niya. Mahinang natawa naman sila Heejin sa may couch.

 

“Hindi pero nag parkour to the rescue ‘yang friend natin.” Natatawang sagot sa kanya ni Heejin. Parkour amp?! Tumango lang naman si Isa. “Rest ha. Maligalig ka pa naman.” Paalala niya sakin bago lumapit kay Heejin para bigyan ito ng pagkain. 

 

“Umalis na pala si Yeji kasi may need daw siya asikasuhin.” Pagsingit ulit ni Ryujin. Kung gising lang si Ning, for sure inasar na siya nito. “Nag take-out lang kami ng chinese food ha. Di mapakali si Karina eh, dapat daw may sabaw.” 

 

Maya-maya pa ay lumapit na si Karina sa akin, “Hey. What did the doctor say?” She asked habang inaayos ang pagkain sa bedside table.

 

Umupo ako bago sumagot, “U-uhm. Sprain lang and fracture sa right arm. 2-4 weeks daw yung arm sling tap-” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tinapat ni Karina ang kutsara sa mukha ko at sumenyas na ngumanga ako. Agad ko naman siyang sinunod at ARAY! Ang init lang ng sabaw. Mangiyak-ngiyak ko na lang itong nilunok at tiniis kahit pasong-paso na lahat ng taste buds ko. Pati yata ang gilagid ko ay pumanaw na. 

 

Napansin siguro ni Karina ang reaction ko, “Is it hot?” Nag-aalalang tanong niya.

 

I could’ve said, ‘Oo, sobra.’ I could’ve said that but I didn’t. I said, “Medyo lang pero tolerable.” 

 

I love you sa makakagets ng context.

 

Tumango lang si Karina at umakmang susubuan ako ulit pero hindi ko na talaga kayang magpanggap dahil masakit talaga sa bibig. Ewan ko ba dito kay Karina, obvious naman na umuusok pa pero isusubo niya talaga sa akin kahit anong mangyari. “Ah eh, mainit pala Karina.” I shyly uttered.

 

Bigla namang humalakhak si Ryujin sa may couch. Punong-puno pa ng chao fan ang bibig, “Pilay ka na sa braso at paa tapos gusto ka pa yata ni Karina banlian ng wonton.” Natatawang sambit niya. Umiling lang si Karina bago hinalo-halo at hinihipan ang wonton noodles. “You could’ve told me na it was hot.” She whispered as she gave me an apologetic smile. 

 

I honestly don’t know if okay kami ni Karina. Mixed feelings pa rin ang nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi. Don’t get me wrong ha, I am grateful dahil inaalagaan niya ako simula last night but that doesn’t mean na mababawasan non ang pagka-bothered ko sa ganap nila ni Jaehyun kagabi. Siguro ay hindi ko na lang din muna i-oopen up for the time being because there are more important things at hand.

 

“Bakit pala ang dami niyo? Wala ba kayong classes today?” I asked my friends. Nagtinginan lang sila para mag senyasan kung sino ang unang sasagot. 

 

“Wala kaming classes nila Karina at Heejin pag tuesday.” Sagot ni Yuna na agad ko namang tinanguan. “Kami rin nila Isa.” Dagdag ni Giselle. 

 

“Ryu, may class tayo ngayon. Bakit ka nandito?” Natigilan siya habang nakasubo pa rin sa kanya ang kutsara na hawak niya.

 

She cleared . “Umabsent ako kasi gusto ko kayo bantayan.” Sagot niya. “Huwag ka mag-alala, sabay tayo maghahabol ng namiss nating classes.” 

 

Tumango na lang ako at nagpatuloy na kainin ang inaalok na pagkain sa akin ni Karina. Gustuhin ko man na papasukin siya sa mga classes namin, alam ko naman na hindi magpapatinag ‘tong si Ryujin. Gets ko naman. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya na ang dalawang closest friend ko ay nasa hospital, malamang hindi rin ako papayag na hindi ko sila mabantayan. 

 

“Ate Taeyeon messaged me earlier. Papunta na raw sila dito with Ning’s parents.” Pagsisimula ni Karina. Kailan pa sila naging textmates ni ate? Wow. Sana all narereplyan. Emz. Immature yan.

 

“Oh. How about the case?” I asked. Ibinaba niya na ang pagkain ko sa bedside table after ko siyang senyasan na busog na ako.

 

“The investigator will talk to Ning later para magkaroon na raw ng warrant of arrest.” She answered firmly. Mabuti naman at naging mabilis ang proseso kahit papaano. 

 

“That’s good.” I answered. “Kumain ka na rin, Rina.” Ngumiti lang siya bago buksan ang food na para sa kanya. Kagabi pa rin ang huli niyang meal kaya for sure ay gutom na rin si Karina. Siya rin at si Heejin ang nakausap nila ate dahil hindi ko na kinaya last night. 

 

“Boss. Hindi raw pumasok si Felix, sabi ni Ava.” 

 

“Aba dapat lang! Mahiya naman siya sa balat niya.” Inis na sagot ni Yuna kay Ryujin.

 

“Magtago na talaga siya.” Seryosong pag singit ni Giselle habang hinihimas himas niya ang buhok ni Ning. Hindi niya rin inaalis ang tingin kay Ning na mahimbing ang tulog.

 

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ryujin dahil sa nakita. We gave each other a “we knew it” look before we pursed our lips in order to stop ourselves from laughing. Iniwas ko agad ang tingin dahil hindi ko talaga mapipigilan matawa dahil sa kahitsurahan ni Ryu. 

 

“What’s funny?” Tanong ni Karina. Puno pa ang bibig niya ng pagkain kaya ang puffy tignan ng pisngi niya. Ang cute lang.

 

Hindi, Minjeong. Hindi ka marupok.

 

“Kwento ko later.” Bulong ko sa kanya. “Eat first.” I added before smiling sweetly na agad niya namang ibinalik. Tumango lang siya bago nag focus ulit sa kinakain niya.

 

Maya-maya pa ay may nurse na kumatok sa room namin, “Nandito na raw po ang parents ng pasyente.” Hindi nagtagal ay pumasok na agad ang magulang ni Ning pati na rin si ate Taeyeon at si Haerin. 

 

Agad tumayo ang mga kaibigan namin at nagmano sa parents ni Ning. Nagsikuhan naman sila nung makita nila si Haerin at ate Taeyeon. First time lang makakita ng sikat na artista?

 

Yumakap si ate Taeyeon at Haerin kay Karina nang makalapit sa may kama ko. “Thank you, Karina.” Sambit ni ate bago humiwalay ng yakap kay Rina. “No worries po, ate. Our friends helped a lot din po.” Sagot naman ni Karina. 

 

Nginitian ng mga kapatid ko ang mga kaibigan ko na nagpipigil ng ngiti. “Thank you po.” Pagbati ni Haerin bago nagbow sa kanila.

 

“W-Wala yon, Haerin.” Nauutal-utal na sagot ni Ryujin sa kapatid ko. My friends pursed their lips dahil sa pagstutter ni Ryujin. Hala sige pigilan niyo ang nagbabadyang tawa.

 

Si tito and tita Yizhuo naman ay pumwesto na sa tabi ni Ning matapos yumakap sa akin. Naiiyak na niyakap ni tita ang anak niya na agad naman nakapagpa-gising sa bestfriend ko. “M-Ma? Pa?” Sambit nito.

 

“I’m here na, sweetie. I’m sorry, I wasn’t there when things happened.” Sagot ni tita kay Ning. Pansin ko ang pag-alis ni tito ng salamin niya bago nagpunas ng luha na tumulo mula sa mga mata nito. Maging ang mga kaibigan ko ay hindi na rin napigilang maluha. Isa-isang tumalikod ang mga ito para huminga at ayusin ang mga sarili. 

 

Mahigpit na yumakap si Ning kay tita at hindi na napigilan humagulgol. “It’s not your fault, Ma. I’m sorry. I should’ve listened to your advice. Hindi ko na pala dapat siya kinausap na kami lang.” 

 

“No. No. Don’t blame yourself. Everything is his fault.” Tita answered, comforting Ning while patting her back. 

 

Ilang minuto rin na magkayakap lang sila tita at Ning kaya hinayaan na lang muna namin sila. 

 

“Uhm, tita. The investigator is outside na po. I think it’s better if makausap niya si Ning mag-isa.” Pag singit ni ate.

 

Tumango lang naman sila Tita bago humalik sa ulo ni Ning. “We’re outside lang ha.” Bulong sa kanya ni tita.

 

Inalalayan ako ni ate at Karina palabas ng room. Kaya ko naman maglakad dahil hindi naman severe ang sprain ko sa paa. Medyo masakit lang kapag nadidiin.

 

Nagpaalam sila tito and tita na aasikasuhin lang nila ang iba pang papeles regarding sa lawsuit na ifafile nila na agad naman tinanguan ni ate. 

 

“Ano bang ginawa mo, Minjeong? Bakit parang binugbog ka?” Tanong ni ate sakin habang naka-upo kami dito sa chairs sa harap ng room namin.

 

I inhale

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
528 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
29 streak #3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
682 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲