| Ocho 7

Yellow Hues
Please Subscribe to read the full chapter


 

Winter.


 

This isn’t how I expected my day to end at all. Sabi nga nila, kapag taga uste, aggressive. Confess kung confess! Roar. Siguro sinapian ako ng tiger sa tapat ng main building kakahawak ko sa balls niya eh. But seriously, kanina, I wasn’t planning on expressing my feelings towards Karina. I still can’t pinpoint kung anong level na ang feelings ko sa kanya but the moment na nakita kong paalis siya, it felt like if wala akong gagawin, she’ll slip away. 


 

Above all the kilig, we clearly need to talk about what happened earlier. Ayoko rin kasi na masayang ang lahat dahil minadali namin or hindi man lang namin muna aalamin kung nasaan na ba kami. For me, knowing where the both of you stand in a potential relationship is really important para aware kayo and alam niyo kung paano kikilos around each other.


 

While driving pauwi, I called Ning kaagad. Though I have a gist naman na sa kung ano ang dapat namin pag-usapan ni Karina, kailangan ko pa rin ng gabay from my bff. Matagal na rin kasi yung last time na napunta ako sa ganitong sitwasyon kaya medyo nangangapa ako. 


 

~ Calling Ning ~


 

“Oh?”

 

“Bestie!”

 

“Ang sakit sa tenga! Ano ba yon?!”

 

“Wag ka mabibigla pero may feelings ako para kay Karina.”

 

“Alam ko.”

 

“Huh? Paano mo alam?”

 

“Teh. Kailan ka ba nakapag sikreto sakin? Tyaka baka nga nauna ko pang malaman kesa sayo. In denial na bading ka lang kasi. Lagi kaya kayo magkausap tapos yung mga tingin mo pa parang suman na malagkit.”


 

I chuckled. Sabagay, kilalang kilala na kasi namin ni Ning ang isa’t isa na sometimes we don’t have to say things kasi nagkakaintindihan na kami agad. 


 

“So anong plano mo? Omg. Magcoconfess ka ba, bff? What if mareject ka?” Dagdag niya.

 

“About that.” I inhaled “Umamin na kasi siya kaya umamin na rin ako.” … Exhale.


 

Saglit na tumahimik si Ning. Sa tingin ko pinoprocess niya pa ang sinabi ko.


 

“Ha?!!!!”

 

“Teka kasi! Let me explain.”

 

“Bilisan mo, Minjeong.”

 

“Ito na nga!” Huminga ako nang malalim. “Nauna siya. Sabi niya she feels things for me daw edi syempre! Sabi ko I feel things for her din kasi totoo naman. Alam mo naman kung gaano kahirap sakin mag express ng sarili ko pero ginawa ko na kasi feeling ko tama na yung timing kanina.”


 

Ang haba yata ng sinabi ko.


 

“Nauna si Karina?! Wow lakas mo ha.” Inirapan ko siya. As if makikita niya yon.

 

“So technically, hindi niyo pa sure kung anong nararamdaman niyo? Tama ba?”

 

“Mhm. Ganon na nga. Pag-uusapan din naman namin pero hindi ko rin kasi alam kung paano.”

 

“Up to what extent ba yang nafifeel mo?”


 

Napa-isip ako. Hanggang saan na nga ba ‘to?


 

“I think it’s too early to say, bff. All I know is may nafifeel ako para sa kanya.”

 

“Bestie bahala ka dyan. Thomasian things?”

 

“Ha? Anong thomasian things?”

 

“Wala. Good luck, teh. Pag-usapan niyo yan. Mahirap magwork pag parehong thomasian ha. Warning lang. Alam na alam namin ni Felix yan.”

 

“Okay sige na! Dito na ako sa bahay. Bye, bff. Mwa!”

 

“Driving ka pala?! Minje-”


 

Bago pa ako masermonan ni Ning, pinatay ko na ang call. Ayaw na ayaw niya kasi na gumagamit ako ng phone while driving. Pinapagalitan niya rin nga ako lagi kasi ambilis ko raw magpatakbo. Calm down, boomer.


 

I parked my car sa parking area ng house namin. Dito ko kasi napagdesisyunan na magstay habang academic break. Namiss ko na rin kasi sila Mom lalo na si Haerin. Close kasi talaga kami ni bunso. Noong hindi pa ako college, kaming dalawa ang laging naiiwan sa bahay dahil busy ang parents namin and si Ate Taeyeon sa work. 


 

Pagpasok ko pa lang sa loob ay binati na ako ng ilan sa mga kasambahay namin dito sa bahay. Nahihiyang tumango ako sa kanila at umakyat na sa second floor. Sumilip ako sa room ni Haerin dahil ang lakas ng tugtog na nanggagaling dito. Pagsilip ko, nakita konga nakadapa siya sa kama niya at parang may sinusulat.


 

“Ateeeee! Akala ko hindi ka na uuwi dito.” Sigaw niya habang nananakbo palapit sa akin para mayakap ako.


 

I chuckled. “What are you doing?” 


 

“Writing lyrics. I’ll send this to ate Ning.” 


 

Ang sipag naman ng kapatid ko. I guess she really loves being an artist. 


 

“Rest ka na. It’s almost ten pm na rin.” Hindi pa rin siya bumibitaw. Miss na miss lang? “Let’s go na lang sa mall tomorrow?” 


 

Bumitaw siya at pinanlakihan ako ng mata.


 

“Really? Libre mo ha!” Sagot niya. 


 

“Ikaw maraming pera satin, bunso.”


 

“Ate namaaan.” She sulked. May pag nguso pa.


 

“Oo na. Punta na ako sa room ko. Rest ka na ha.”


 

“Yey! Oki ate. Good night.” 


 

“Good night, bunso.”





 

After I took a quick shower, humiga na ako sa kama ko and checked my phone.


 

Hala.


 

I forgot to update Karina.


 

Me: Hey. I’m home na. I freshened up na rin.


 

Tulog na kaya si Karina? 10:30 na pala. 


 

Karina: Good to know :)


 

Anong irereply ko? Hay. Sa tagal ng panahon na single ako, limot ko na yata kung paano makipag-usap. Sana na lang bigyan ako ni Naevis ng patnubay at gabay.


 

Karina: So… about earlier.


 

I noticed that she was typing kaya nauna na ako.


 

Me: I’ll call na lang para hindi hassle magtype?


 

She stopped typing. 


 

 ~Karina calling~


 

Teka. Karina, kalma ka naman oh. Hindi na kaya ng kaluluwa ko ang lahat.


 

“Hello?”


 

Her voice was slightly hoarse. Siguro inaantok na siya. Lord, I'm not your strongest soldier. Ang attractive lang? Ganito ba talaga? Lahat yata ng gawin ni Karina ay pagsamba worthy.


 

“Hi. Aren’t you sleepy pa ba?” Sagot ko.


 

She chuckled. “Medyo but I want to talk to you pa.”


 

I tucked my lips para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Bakit ko ba pinipigilan eh hindi naman ako kita ni Karina.


 

“Uhm so… about kanina.” I started.


 

“Yeah. I want to start by saying na I’m sorry if sobrang sudden.”


 

“Uy. Wag ka mag sorry.”


 

She sighed. Ano kayang tumatakbo sa isip ni Karina?


 

“If ever… If ever you want to back out. It’s fine naman.”


 

“Karina..” 


 

I was about to say something pero nagsalita pa rin siya.


 

“I’ll understand naman. I know na parang minadali ko pero believe me when I say na I do have feelings for you,”


 

“Karina, listen to me.”


 

I heard her sigh again.


 

“Do you trust me?” I asked.


 

“Yes. Of course, Win.”


 

“Everything I said kanina is true. I’m not by any means forced to say those things. I have feelings for you and… and I’m willing to try this out if you’re willing as well. ” 


 

I heard light breaths from her. Kumalma naman na yata siya.


 

“Sa ngayon, I know na we aren’t sure pa sa kung saan ‘to patungo. Maybe oo, medyo mabilis pero there’s  nothing wrong with that. We have all the time in the world para mas makilala ang isa’t isa. At least, one thing is sure. We have feelings for each other.”


 

“Mhm. For now, let’s take things slowly?” She asked. 


 

“Not necessarily slow pero let’s take our time. Don’t overthink na ha?” 


 

“Thank you, Win.” She inhaled and slowly exhaled. “Let’s figure this out together?”


 

I nodded kahit hindi naman niya kita.


 

“Together.”





 

Ang hirap pala magkaroon ng kapatid na maarte. I’ve been waiting for an hour na here sa table malapit sa garden ni Mom pero wala pa ring bakas ni Haerin. Ang dami niyang ritwal sa katawan samantalang ako naka brown pullover jacket, khaki sweat shorts, and white Air Force 1 lang. Mukha na naman akong alalay nito ni Haerin. 


 

After namin magmall ay kailangan ko rin siya ihatid sa company building dahil may script reading daw sila mamaya. Syempre, pabor sa akin yon dahil makikita ko si Karina.


 

Speaking of Karina, after ng madamdaming usapan namin kagabi. Wow, madamdamin? 


 

As I was saying. Pagkatapos ng emotional part ay napunta naman kami sa exciting part. Niyaya niya akong mag hang out sa bahay nila bago raw kami bumalik sa yellow school.


 

AAAAAAA! Saying na excited ako is an understatement. Ibabahay na ba ako ni Karina? Eme.


 

Lowkey kinakabahan ako kasi first time kong pupunta sa bahay nila. Sa unit niya nga hindi pa ako nakakapasok eh. Wala raw sila Ms. Irene and Mom niya buong week dahil busy sa kanilang mga work. Ang Mom pala ni Rina ay isang fashion designer. Siguro ang ganda-ganda ng Mom niya. Halata naman sa kanilang magkapatid. 


 

Me: Good morning, Rina. Punta kami ni Haerin sa mall. See you later.


 

Tulog pa siguro siya. 9 am pa lang din naman at wala namang pasok kaya deserve niya magrest.


 

“Ate, tara na.” Si Haerin. Nakasuot siya ng fitted black tank top paired with denim shorts. She topped it off with an open white long sleeve shirt. 


 

“Took you long enough.” 


 

“Che. let’s go na kasi.”


 

Inakbayan ko siya habang naglalakad papuntang parking area. Nakakamiss talaga kasama ‘tong si bunso. 





 

Nandito na kami ngayon sa car. Inistart ko na ang makina para saglit na uminit muna.


 

 “Ate. Anong nangyari kagabi?”


 

“Saan?”


 

“Sa inyo ni ate Karina, syempre!”


 

I furrowed my eyebrows to show na confused ako sa sinasabi niya.


 

“Huh? Wala. H

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
nikijeong
new story !!
heavy blue: https://www.asianfanfics.com/story/view/1522518

twtr acc: @nikijeongie

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
539 streak #1
Kaka-miss po. 😔
fanficethusiast #2
Chapter 25: Hello kailan ka pp babalik :( mga taga uste talaga ghoster JK HAHAHA
yhielswift013
#3
Balik ka na po :(
_wintuhhh
#4
balik ka na beh hindi na me galit ☹️
jastiemey #5
Chapter 25: missyou😔
ryujinie__
693 streak #6
imy
kimmynjeongg
#7
Chapter 25: balik ka na po uwu
shipper_jmj #8
Chapter 25: Jennie naman eh, kakasimula pa lang ng relationship nila inofferan mo naman agad. Hays. Hahahahahahahahaha! Kayanin niyo yan Minjeong if ever.
Phoebe_chan
#9
Lf thomasian frenny, NAG HANAP BWICT HAHAHHAAHAH
rain_yyxy
#10
Chapter 1: WHAHAHAAHHAHAHAA im about to start this story tapos naalala ko may exam ako sa income tax🥲